You are on page 1of 21

FIL.

001_PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Aralin 1.5_ TEKSTONG
PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB

 Ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang


ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyu ng ilang panig.
 Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng
may-akda. Ilan sa mga halimbawang sulating
gumagamit ng tekstong persuweysib ay talumpati,
editoryal, mga patalastas, at iba pa.
TEKSTONG PERSUWEYSIB

 ay tumutukoy sa mga akdang naglalayong hikayatin


ang mambabasa na maniwala sa opinyon ng
manunulat, baguhin ang pananaw ng mambabasa, o
hikayatin ang mambabasa na suportahan ang isang
tiyak na paninindigan.
LAYUNI NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB

 Layunin nitong manghimok o mangumbinsi sa


pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o
simpatya ng mambabasa.
MGA ELEMENTO NG
TEKSTONG PERSUWEYSIB
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

ETHOS

 Ito ay tumutukoy sa karakter o kredibilidad ng isang


manunulat.
 Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-
paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat. Madaling
mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita
ay kilalang may magandang pag-uugali, maayos kausap,
may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

LOGOS

 Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang


mambabasa.
 Tumutukoy ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may
katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat at mapaniwala
ang tagapakinig na ito ay totoo.
 Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na siyang
dapat paniwalaan.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

PATHOS

 Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang


mahikayat ang mambabasa.
 Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng
pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paraan upang makumbinsi sila.
 Halimbawa, ang pagsasalaysay ng isang kuwentong
makaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan
upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
PROPANGANDA
DEVICES
NAME CALLING

 Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang


taguri sa isang produkto o katunggaling politiko
upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito
sa mundo ng politika.

Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong


kandidato, trapo (traditional politician)
GLITTERING GENERALITIES

 Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na


pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa
mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.

Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong


__________. Ang inyong damit ay mas
magiging maputi sa ___________ puting-
puti. Bossing sa katipiran, bossing sa
kaputian.
TRANSFER

 Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang


mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.


–Grace Poe
TESTIMONIAL

 Kapag ang isang sikat na personalidad ay


tuwirang nag-endorso ng isang tao
produkto.
PLAIN FOLKS

 Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o


komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na
ordinaryong taong nanghihikayat sa boto,
produkto, o serbisyo.
CARD STACKING

 Ipinakikita nito ang lahat ng


magagandang katangian ng produkto
ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandang katangian.
BANDWAGON

 Panghihikayat na kung saan hinihimok


ang lahat na gamitin ang isang produkto
o sumali sa isang pangkat dahil ang
lahat ay sumali na.
PANGKATANG
GAWAIN
Pamantayan Puntos
Kahusayan sa paglipat ng kaalaman sa 10
Tekstong Impormatibo, Deskriptibo,
Naratibo at Persuweysib
Malinaw na mababatid ang Ethos, Logos at 10
Pathos ng manunulat.
Kaangkupan ng propanganda device na 10
napili sa mga dayalogo ng teksto
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at 5
panunutunan sa pagsulat
KABUUAN 35
THANK YOU

You might also like