You are on page 1of 23

MGA TEORYANG

PAMPANITIKAN
TEORYA
• T e o r y a- pormulasyon ng palilinaw ng mga
simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha
ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan
o pagpapaliwanag ukol dito.
T E O R YA N G PA M PA N I T I K A N

• Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-


aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at
layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
TEORYANG REALISMO
• Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito.
• Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa
ginhawang maibibigayng kayamanan.
• Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan
ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng
materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.
KAHULUGAN NG TEORYANG
REALISMO

-Tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.


-Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na
sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
• Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad.
• Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga
naapi. Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan,
krimen, bisyo, katiwalian, prostitusyon at kawalan ng katarungan.
LAYUNIN
• Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at masaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng
pagsasalaysay kaysa sa paksa.
• Samakatwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat. Nagpapahayag
ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
HALIMBAWA NG MGA AKDA

• Ambo
• Bangkang papel
• Mga ibong mandaragat
• Maganda pa ang daigdig
• Dekada ’70
• Si intoy siyokoy ng kalye marino
AMBO
• Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. Ito ay
tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng
maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam
ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang
magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong
ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan
ng kanilang pamilya.
2. MGA IBONG MANDARAGIT

-Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V.


Hernandez, (1969) ito ay tungkol sa paghahanap ng
makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais
ng mga tao na lumaya mula sa mga makapangyarihang
puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa mga
dukha.
3. MAGANDA PA ANG DAIGDIG

• Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco


noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang
serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin sa
repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at
tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng
paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa
agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si
Lino Rivera. Akda ni Lazaro Francisco
IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING
REALISMO SA PANITIKAN

1. PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang
anumang pagmamalabis at kahindik- hindik
2. SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa
paglutas ng pang araw-araw na suliranin
3. SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos
4. KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito.
5. SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang
maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga
anak pawis
6.MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga
ang katotohanan kaysa kagandahan
EKSISTENSYALISMO
• Kasaysayan:
• Ang teoryang ito ay nagmula sa Kanluran (West) at lubos
na lumaganap ang teoryang ito noong ika-19 hanggang
ika-20 siglo kung saan maraming manunulat ang
naimpluwensiyahan. Ito ay pinangunahan at pinatatag nina
Jean Paul Satre, Albert Camus, at Andre Gide.
KAHULUGAN

• Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng


tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran at sinusuri ang tauhan
batay sa kanyang kilos,paniniwala,paninindigan na ang tao lamang ang tanging may kakayahanng
magdesisyon sa kanyang sariling buhay.
• Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi at paninindigan.
Samakatuwid binibigyang-diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
• Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha namakapagbibigay
ng kahulugan sa kanyang sariling buhay at kairalan, na wala nang
ibang nilikha ang makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng
kanyang ginagawa maliban sa kanya.
• Ang pagpili ay siyang pinakasentro ng pananatili ng tao (human
existence), kahit na ang pagtanggi na pumili ay maituturing na
pagpapasya. Ang kalayaang pumili na laging may kaakibat
napananagutan at responsibilidad.
• Yamang ang bawat isa ay malayang pumili ng kanyang
landas na tatahakin,kinakailangan lamang na maging handa
ang bawat isa sa resulta o maaaring bunga ng kanilang
gagawing pagpapasya.
• Ayon kay Jean Paul Sartre, nauuna ang eksistens bago ang
essens. Ang pagpili,kung gayon ay kailangan sa eksistens ng
bawat nilalang at hindi ito matatakasan, maging ang hindi
pagpili ay isa ring pagpili.
KATANGIAN:

• Walang sariling simulain


• Maihahambing sa Romantisismo
• tunay na paraan ng pagpapahayag at ekspresyon
• Maihahalintulad sa Modernismo
• Pinipilit kalimutan ang kasaysayan at nakaraan
• Maikukumpara sa Realismo
• Isinasantabi ang mga paksang ukol sa lipunan
• Makipag – ugnayan sa mundo na may pansariling
kapakanan
• May kalayaan at hangaring awtentiko
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang
tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada ng
nakaraang dantaon

• Ang bawat tao ay isang indibidwal na malaya at may


pananaguton sa kanyang sarili.
• Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng buhay ng tao
sa mundo kasama ang mga problemang hatid nito. Sa pananaw na
ito, pinaniniwalaang:
• 1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal.
2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens
mismo o ng isang pagiging nilalang.
3. Nagpapatuloy ang pagsusuring mmayroong iba’t ibang
posibilidad.
4. Dahil sa mga posibilidad na ito, an buhay ng tao ay itinatakda
ng kaniyang mga desisyon.
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na
pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Huling bahagi
ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon
• Ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. Maihahalintulad
ito sa dalawang teorya: romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng
tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon; modernismo dahil
nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan.
•  Halimbawa: ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla  ‘Aanhin
Nino ‘Yan?’ Panitikang Thai Salin ni Lualhati Bautista

You might also like