You are on page 1of 2

Kurso : FIL 501- Linguistikang Filipino

Term : Ikalawang Semestre


Taong Akdamekio : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

ANG WIKA AT ANG KULTURA


(Tagapagtalakay: Rosemarie Vero- Marteja)

• Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa


mundo at sa kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon,
uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at
nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang
pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.
• Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo , naipahayag, at naipasa sa ilang
henerasyon sa pamamagitan ng wika.
• Habang natututuhan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin
niyang nakukuha ang kaniyang kultura.
• Ang mga salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon
sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito.
• Halimbawa, ang bawat grupo ng mga tao ay may kani-kanilang paraan at
terminolohiya sa pagbibilang ng panahon:
• magsasaka - buwan ng pagtatanim at pag-ani
• empleyado - walong oras sa bawat araw at naghihintay ng akinse ng
bawat buwan
• mag-aaral- nagbibilang ng semester sa pasukan at bakasyon

• Sa leksikon ng wika ay nagsasaad rin sa mga bagay na pinahahalagahan sa mga


nagsasalita nito.
• Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang
kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan
nito ang kultura ay maiintindihan at mapapahalagan maging sa mga taong hindi
napaloob sa tinutukoy na kultura.
• Ayon sa aklat ni Geronimo, et.al. (2016), magkaugnay ang wika at kultura at hindi
maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa
wika samantalang ang wika naming ang nagbibigay ngalan o salita sa lahat ng
mga gawaing nakapaloob sa kultura.
• Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng
kultura ng bawat grupo ng tao.
• Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika,
walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin,
at sa iba pangbagay na kaugnay sa pamumuhay ng mga tao.
• Ayon naman sa lingguwistang si Ricardo Ma. Nolasco, dating Tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino, may bentahe ang pagkakaroon ng maraming wika
at maraming kultura sa isang bansa.

Kurso : FIL 501- Linguistikang Filipino
Term : Ikalawang Semestre
Taong Akdamekio : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

• Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa Pambansang Seminar sa Filipino ng


KWF Sa Pamantasang Lungsod ng Maynila noong Mayo 10-12, 2006, sinabi niya
na “bukod sa nabiyayaan tayo ng maraming katutubong wika ay mayroon din
tayong wikang pambansa-Filipino at wikang internasyonal- Ingles.
• Ang pagtutulungan ng mga wikang ito-lokal at dayuhan- ay siyang nagpapatotoo
kung gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ang ating bansa, isang
bagay na dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki.
• Kabuhol ng wika ang kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao. Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang
ginagamit.

You might also like