You are on page 1of 46

GAWAIN NG PAG-AARAL BATAY SA

PAGSASALIN AT PAGSUSURI NG
MGA PILING LITERATURA NG
REHIYON VIII

REGALADO P. TUPAZ

(DISERTASYON: LEYTE INSTITUTE OF TECHNOLOGY,


LUNGSOD NG TACLOBAN, 2000)
Ang mananaliksik…

 Regalado De Paz Tupaz


 Abril 11, 1949, Dulag, Leyte
 Phase-5, Block-3, Lot-6, V&G Subd. Tacloban City
 Bachelor of Arts (AB), graduated (1972), DWU,
Tacloban City
 Bachelor of Science in Education (Filipino),
graduated (1973), DWU, Tacloban City
Ang mananaliksik…
 Master of Management, Major in Public
Management, completed academic
requirement (1984), UP College Tacloban,
Tacloban City
 Master of Arts in Teaching (MAT Filipino),
graduated (1991), LNU, Tacloban City
 Doctor of Philosophy in Education, Major in
Educational Programs Management, (2001),
LIT, Tacloban City
Layunin ng Pag-aaral

 1. Isalin sa Filipino ang mga piling literatura


ng Rehiyon 8 ayon sa tatlong panahon:
1.1 Panahon ng Katutubo at Bago Dumating
ang mga Kastila
1.2 Panahon ng Kastila, Amerikano, at Hapon
1.3 Kontemporaryo at Makabagong Panahon;
 2. Suriin ang mga literatura ayon sa mga
pagpapahalagang nilalaman;
 3. Makilala ang mga manunulat ng Rehiyon 8
sa iba’t ibang panahon;
 4. Makabuo ng isang Gawain ng Pag-aaral sa
pagtuturo ng Panitikang Pilipino.
Kahalagahan ng Pag-aaral
 Mahalaga ang pag-aaral na ito upang
maipahayag ang mga sumusunod:
1. Kaalaman sa Kultura ng Rehiyon 8
2. Kontribusyon sa Pagpapaunlad ng
Literaturang Pilipino
3. Gamit ng Filipino sa Pananaliksik
4. Matapat na Implementasyon ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
 Saklaw sa pag-aaral na ito ang pagsasalin sa
Filipino ng mga literaturang nakasulat at
pasalindila lamang ng mga manunulat ng
Rehiyon 8 ng mga piling lugar ng Leyte, tulad ng
Alangalang, Carigara, Palo, Jaro, Tacloban,
Kananga, Mahapalg, at Dulag , sa Samar
naman ay Guiuan, Basey, Catbalogan,
Borongan, Laoang, Calbiga, at Giporlos, at sa
Biliran ay Cabugayan.
 Sa gawaing pagsusuri ng mga
pagpapahalagang Pilipino na napapaloob sa
mga akdang ito, ginamit ng mananaliksik ang
klasipikasyon ng mga pagpapahalagang Pilipino
ng DECS Order Blg. 6, s. 1998 at isinaayos
ayon sa mga sumusunod na pitong dimensyon:
(a) Pangkatawan,(b) Katalinuhan, (c)
Moral/Marangal, (d) Ispirituwal, (e) Sosyal
(Pampamilya at Panlipunan) (f) Pang-
ekonomiya, at (g) Pampolitika.
Pamamaraan
 Ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito
ang pagsusuri ng nilalaman palarawang
pag-aaral o descriptive method. Nilikom ang
may apat napung (40) piling literaturang
Waray, nakasulat man sa anumang wika o
wikang ginagamit ng rehiyon, pasalindila
man o pasalita sa pamamagitan ng pagpili
ng ilang pook ng Leyte, Samar at Biliran ng
Rehiyon 8.
 Sa bawat lugar na pinagkunan, pinili ang
tatlumpu (30) uri ng mga akda at inuri ito ayon sa
uri ng literatura tulad ng tula, awit, kuwento,
alamat at epiko. Ito’y pinangkat sa tatlong
panahon tulad ng Unang Panahon(1600-1700):
Panahon ng Katutubo Bago Dumating ang mga
Kastila; Ikalawang Panahon (1701-1945):
Panahon ng Kastila, Amerikano at Hapon;
Ikatlong Panahon (1946-kasalukuyan):
Kontemporaryo at Makabagong Panahon.
 Sa pagsasalin sa Filipino, ito’y isinalin muna ng
mananaliksik at pagkatapos ay ipinabasa sa
dalawang taong may kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot sa pag-aaral na ito.
 Si Dr. Carlita P. Miguel, isang retiradong Propesor
sa UP Tacloban sa Sining ng Komunikasyon Pag-
unlad; at Ginoong Jose Palentino, tubong
Bulacan, nanirahan sa Tacloban, nagtrabaho at
nagturo sa Paaralan Central ng San Jose,
Lungsod ng Tacloban.
Lagom ng Pag-aaral
 Ang pag-aaral na ito ay naglalayong isalin sa
Filipino ang mga literaturang pampanitikan ng
Rehiyon 8; suriin ang mga pagpapahalagang
nailalaman ng mga ito at kilalanin ang mga
manunulat na kumatha ng mga literaturang
natipon at ilarawan ang mga nakitang
pagpapahalaga upang magamit sa pagtuturo ng
panitikan sa antas tersyarya; at sa huli’y
nagmungkahi ng isang Gawain ng Pag-aaral
para sa pagtuturo nito sa kolehiyo.
 Sa pangkalahatan, naisalin ng mananaliksik
ang mga natipong mga literatura ng Rehiyon 8
na ibintaya sa teorya ni Alfonso O. Santiago at
ito’y sinuri batay sa mga pagpapahalagang
Pilipino ng DECS Values Education Framework
ng 1988 at nakita ang 20 mga pagpapahalagang
napapaloob sa mga akdang ito.
 Ang naging resulta sa pag-aaral ay ang mga
sumusunod: Sa unang layunin, natipon ang
ilang mga literatura ng Rehiyon 8 at naisalin sa
Filipino ang mga ito nakasulat man o pasalin-
dila maging ito’y nakasulat sa Ingles,
Sebuwano, at Waray.
 Sa pangalawang layunin, sinuri ang mga
pagpapahalagang napapalood sa tatlumpung
(30) mga akdang nakuha sa ilang piling lugar ng
Rehiyon 8 at binigyan pansin ang mga
manunulat sa mga lugar na pinagkunan nito.
Pagkatapos masuri, pinangkat-pangkat ang mga
ito ayon sa panahon ng pagkakasulat at ayon sa
paksa at nilalaman ng mga ito.
 Ang sumusunod ay ang mga literatura at
sumulat ng mga akda na naisalin at nasuri sa
pag-aaral na ito.

 UnangPanahon (Panahon ng Katutubo at Bago


Dumating ang mga Kastila)
Epiko - “Datong Sumangga at ang Matalinong
Bebe” (Leyte/Samar) ni: Francisco Alzina
 Alamat

 “Ang Pagbabalik-Tanaw sa Kasaysayan ng


Guiuan” (Samar) ni: Chito D. De la Torre
 “Alamat ng Basey: (Samar) ni: Juan Caboboy
 “Alamat ng Catbalogan” (Samar) ni: Prudencio
C. Miel
 Kuwento

 “Ang Siyudad ng Beringan” (Gandara, Samar)


ni: Jose Padron
 “ Ang Kuwento ng ng Binongtoan” (Alangalang,
Leyte) ni: Bernardita Apurillo
 “ Bungan-Sakit, Ang Walang Katapusang
Kuwento” (Basey, Samar) ni: Eugenio C. Merida
 Awit
 “Lingawen” (Borongan, Samar) ni: Paulo
Bagunas
 “Pinapangarap Kita” (Borongan, Samar) ni:
Victorina Asis

 Dula
 “Minda” (Cabucgayan, Biliran) ni: Nicolas V.
Pacifico
 Ikalawang Panahon (Panahon ng Kastila,
Amerikano, at Hapon)
Tula
 “Ang Salitang Kuan” (Carigara, Leyte) ni:
Eduardo Makabenta
 “Palo” (Palo, Leyte) ni: Eduardo Makabenta
 “Nanay, Tatay” (Jaro, Leyte) ni: Amado Boleche
 “Balikan Mo Nanay” (Laoang, Samar) ni: Trinidad
D. Pinca
 Awit
 “Kay Lungkot Nitong Gabi” (Samar) ni:
Pacienca Caca
 “Kamatayan” (Hilagang Samar) ni: Eufronio
Tisado

 Dula
 “Ang Magulong Mag-asawa” (Tacloban City) ni:
Iluminado Lucente
 Kuwento

 “Ang Himala ng Patrona sa Calbiga” (Calbiga,


Samar)
 “ Ang Mithi ng Isang Mahirap” (Giporlos,Samar)
ni: Nicanor Pastula
 Ikalawang Panahon (Kontemporaryo at Makabagong
Panahon)
Tula
 “Debelopmental na Kuwento” (Tacloban City) ni:
David Genotiva
 “Tuba: Tubig na Maygaling” (Jaro, Leyte) ni: Juanita
Darantinao
 “Huwag Magsisi” (Tacloban City) ni: Francisco Aurillo
 “Edukasyon” (Kananga, Leyte) ni: Dante Carlo Ara
 “Babae” (Mahaplag, Leyte) ni: Leonia O. Sacro
 Kuwento

 “Ang Tubig ni Tado” (Dulag, Leyte)


 “ Kamatayan” (Catbalogan, Samar) ni: Doms
Pagliawan
 Awit
 “Ang Binata” (Guiuan, Samar) ni: Romeo
Calumpiano
 “Tinik ng Kapalaran” (Samar) ni: Pedro
Rebadulla

 Dula
 “Pinagsisisihan Ko” (Tacloban City) ni: Melissa
Moreno
 Ang dalawapung (20) mga pagpapahalagang
nakita sa mga literatura ng Rehiyon 8 ay ang
mga sumusunod:
 1. Kalusugan at Kalinisan
 2. Pakikipagharmoniya sa Kalikasan
 3. Kaalaman
 4. Malikhain at Masilan sa Pag-iisip
 5. Integridad at Dangal
 6. Sariling Pagpapalagay
 7. Pagdidisiplina sa Sarili
 8. Pananampalataya sa Diyos
 9. Pagmamahal sa Isa’t Isa
 10. Pagrespeto
 11. Katapatan
 12. Responsableng Magulang
 13. Kalayaan at Pagkakapantay-pantay
 14. Pakikipagtulungan
 15. Pagtitiwala sa Sariling Kakayahan
 16. Kasaganaan at Pag-unlad
 17. Pakikipagkalakalan
 18. Pagkakakilanlan
 19. Pagmamahal sa Bayan
 20. Kapayapaan
Palo
ni: Eduardo Makabenta
 Ha luyo han tayod han “Guinhangdan”  Aada an Amay han pagtuo
 Ngan sunod han tubig ha “Bangon”  Naglilingkot ha gahom han Ginoo
 Pagtabok han tulay ha may hagdan  Ha pagtalwas han aton kalag
 Nga tig-unay buhi nga bato  Han bug-os nga mga katuigan
 Kasingkasing hinin lalawigan
 Daw hingpit ng bukad, Rosas Pandan  An Palo asya an Amahan.
 Minayuyo ngan ginsasaho
 Ha pagtuo dapit pagtaramdan
 Aada an bungto ha Palo
Palo
ni: Eduardo Makabenta
 Sa likod ng burol “Guinhangdan”  Nariyan din ang Ama ng
pananampalataya
 At sa agos ng tubig ng“Bangon”
 Naglilingkod sa kapangyarihan ng
 Pagtawid ng tulay sa may hagdan Diyos
 May tinik at buhay na bato.  Ang paglilinis ng ating mga
kaluluwa
 Parang totoong bulaklak, Rosas Pandan  Ginagawa sa buong taon
 Minahal at sinusuyo  Sa puso nitong lalawigan
 Sa paniniwala o sa paningin ng tao  An Palo ang s’yang Ama.
 Nariyan ang bayan ng Palo.
Konklusyon

 Batay sa unang layunin ng pag-aaral,


napatunayan na maaaring maisalin at suriin ang
mga akdang nakasulat man o pasalin-dila
lamang sa Ingles, Sebuwano, at Waray.
 Ang pagtitipon at pagsasalin ay nakatulong
upang makilala ang mga manunulat kilala man o
hindi at ito’y sumasagot sa pangalawang layunin
ng pag-aaral na ito.
 Sa ikatlong layunin, napatunayan na
pagkatapos mauri at makuha ang mga
pagpapahalagang napapaloob sa mga literatura
ng Rehiyon 8, nailarawan ng mananaliksik ang
mga ito ayon sa nilalaman ng bawat akdang
sinuri at ayon din sa panahong ipinahahayag sa
akda gaya ng mga pangyayari, tauhan, mga
salita o pananalitang ginamit sa akda.
 Naniniwala ang mananaliksik na ang mga
pagpapahalagang Pilipinong nasasalamin sa
mga literatura ng Rehiyon 8 ay di-gaanong
lubusang nasa kanilang kamalayan, lamang
natuklasan ng mananaliksik na panahon na
upang ang mga pagpapahalagang nakita ay
may layong subaybayan ang mga orihinal na
pinagkunan ng mga ito, positibo man o
negatibo.
 Ipinalalagay ng mananaliksik na ang mga
pagpapahalagang natuklasan tulad ng
Kaalaman, Integridad at Dangal,at Kasaganaan
at Pag-unlad ay nangangahulugan lamang sa
Rehiyon 8, ang pangunahing pagpapahalaga ng
bawat tao ay batay na rin sa pangangailangan
nila upang sa gayo’y mailagay sila sa pedestal
ng pagrespeto. Hindi kaila sa atin na ang tatlong
pagpapahalagang ito ay ang hangad ng bawat
Pilipino na taglayin ng sinuman upang siya’y
kilalanin.
Rekomendasyon
 Dahil sa kakulangan ng mga babasahin sa pag-
aaral ng panitikan sa rehiyong ito at ng buong
bansa, dapat lang na magsagawa pang mga
pagsasalin sa mga akdang matatagpuan sa
rehiyon at maaari ding suriin ang mga
pagpapahalagang napapaloob dito upang
malama ng mga mag-aaral at mga guro ang
tunay na pagkatao o katangiang taglay ng mga
taong naninirahan sa lugar na ito ng Rehiyon 8.
 2.Sa mga pagsasagawa ng mga ganitong mga
gawain lalong-lalo na sa pagtitipon ng mga
babasahin o mga akda, nararapat lamang na
kilalanin ang mga pangalan ng mga taong
kumatha ng mga obra-maestrang matatawag
nating kayaman ng ating rehiyon upang sa
gayon tayo’y makilala at mapagkakakilanlan
bilang mga naiibang pangkat at kultura ng
rehiyon 8, bilang Leytenhon, Samarnon, at
Biliranhon o mga Waray.
 3. Sa mga pagsasagawa ng pagsasalin,
kailangang bigyan pa ng mas malawak na mga
gawaing ito upang lalong mailarawan ang mga
tunay na katangian, damdamin at isipan ng ating
mga manunulat at mga tao dito sa lugar na ito.
Sa pamamagitan nito, mas lalong malalaman at
matutuhan ng mga babasa at mag-aaral sa mga
akdang ito sa mga paaralan pangkolehiyo at
ano pa mang antas ng pag-aaral dito sa rehiyon
at buong bansa ang tungkol sa atin na mga
tinatawag na “Waray”.
 4.Sa pagkakataong ito, iminumungkahi na
gamitin ang ginawang “Gawain ng Pag-aaral”
upang malaman ang mga pagkukulang sa mga
bahagi nito upang sa gayo’y marebesa o
madagdagan ang mga ito upang lalong
mapakinis at magamit nang mabuti sa pag-aaral
ng panitikan sa mga paaralan sa Rehiyon 8 at
kung maaari sa buong bansa.
MUNGKAHING GAWAIN NG PAG-AARAL
Para sa Literaturang Waray sa Filipino
Para sa Antas Tersyaryo

Mga Pangkalahatang Layunin:


 1. Mahubog sa mga estudyante ang
sensibilidad na Waray ng Rehiyon 8 at Pilipino
sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang
sariling pagkakakilanlan.
 2. Malinang ang kanyang potensyal upang
magamit ito sa pagtupad sa kanyang
pananagutan bilang tao.
 3. Mapalawak at mapalalim ang kanyang pang-
unawa sa mga pambansang karanasa sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga literatura ng
Rehiyon 8 na may kaugnayan sa kanyang
kinabibilangan.
 4. Mapaunlad ang kanyang kasanayan sa
malaya, mapanuri at malikhaing pag-iisp at
pagpapahayag.
 Modyul 1: INTRODUKSIYON
Pagpapahalaga at
Uri ng Akda/Paksa Layunin Gawaing Maaaring Blg. Ng
Bigyang Diin sa Pag- Oras
aaral
1. Ugnayan ng Makilala ang ugnayan ng Pagpapahalaga: 1½
literatura sa tao. literatura sa tao at Pagkamakabansa)
makilala ang katangian Talakayan tungkol
ng bawat panahon. sa ugnayan ng tao
sa literatura.
Maaaring simulant
ng isang awitin na
may kaugnayan sa
tao.
Pagpapahalaga at
Uri ng Akda Layunin Gawaing Maaaring Blg.
Bigyang Diin sa Ng
Pag-aral Oras
Ang mga Matiyak ang mga (Pang-ekonomiya); 1 ½
kuwento, awit, at katangian ng mga tauhan Kaalaman
dula sa panahon at ng may-akda bilang * Pag-uusap tungkol
ng katutubo isang tao. sa mga ginawa ng
1. “Ang Kuwento Matiyak ang mga tauhan na may
ng Binongtoan: katangian ng mga tauhan positibong
(kuwento) ni: bilang miyembro ng pagpapahalaga at
Bernardita rehiyong kanyang magagandal aral.
Apurillo kinabibilangan.
Modyul 3: Panahon ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon
Pagpapahalaga at
Uri ngAkda/Paksa Layunin Gawaing Maaaring Blg. Ng
Bigyang Diin sa Pag-aaral Oras
1.”Kay Lungkot Makilala ang mga may-akda (Moral, Pampamilya 1 ½
Nitong Gabi” at mga pamamaraan, at Pangkatawan)
(awit) ni: nilalaman tulad ng Madulang pagbasa
Paciencia Caca simbolismo, larawang-diwa, ng mga tula at
atbp. bahagi ng awitin
upang mailarawan
ang mga simbolong
napapaloob sa mga
ito.
Modyul 4: Kontemporaryo at Makabagong Panahon
Pagpapahalaga at
Uri ngAkda/Paksa Layunin Gawaing Maaaring Blg. Ng
Bigyang Diin sa Pag-aaral Oras
1.”Tinik ng Matukoy ang pagkakahawig (Katotohanan, Pag- 1 ½
Kapalaran” ng tema ng mga piling ibig, Sosyal , at
(awit) ni: Pablo akdang pampanitikan. Pampamilya)
Rebadulla Pagpaparinig ng mga
awir sa tapes,
panonood ng pelikula
na katulad ng paksa
at mga pangyayari na
may kaugnayan sa
mga akdang pinag-
aaralan.
Modyul 5: Sintesya o Paglalagom
Pagpapahalaga at Gawaing
Uri ngAkda/Paksa Layunin Maaaring Bigyang Diin sa Blg.
Pag-aaral Ng
Oras
1.Ang panitikan/ Magkaroon ng positibong 1.Pagpapakita ng talino 1 ½
literatura bilang pagtingin sa literature bilang o (literacy musical
disiplina. malikhaing pagpapahayag presentation) sa
ng mga karanasan, literaturang Waray ng
Rehiyon- 8.
pagpapahalaga at adhikain
2. Isang malikhaing
ng isang lipunan batay sa
pagsulat ng
kasaysayan. komposisyon nagsusuri
sa mga katangian ng
literaturang Waray at
Pilipino.

You might also like