You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Maikling Kuwento at
Nobelang Filipino
(Modyul 7-11)

LIT 103

Ipinasa Kay:

Prof. Mia N. Eborda


Associate Professor III

Ipinasa Ni:

John O. Esguerra
BSED 3A-FILIPINO

Ika-26 ng Nobyembre 2022


LINGGO 7
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG
KASTILA

PRE-COMPETENCY CHECKLIST

Panuto: Basahing mabuti ang tanong o pangungusap sa bawat bilang .Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1. “Ama ng Maikling Kathang Tagalog.”
A. Lope K. Santos
B. Cirio H.Panganiban
C. Deogracias A. Rosario
D. Fausto J. Galauran

2. Tanyag na manunulat sa wikang Tagalog, abogado, kritiko at itinuturing na “Ama


ng Wika at Balarila ng Pilipinas”.
A. Lope K. Santos
B. Cirio H.Panganiban
C. Tomas Pinpin
D. Emilio Jacinto

3. Maikling kuwentong sinulat ni Cirio H. Panganiban. Nagkamit ng unang


gantimpala noong 1920. Ito ang unang kwentong tumapat sa mahigpit na
pangangailangan ng banghay.
A. Bunga ng Kasalanan
B. Elias
C. Hiwaga
D. Lihim ng Kumbento

4. Manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino.


Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro ng wika.
A. Lope K. Santos
B. Cirio H.Panganiban
C. Deogracias A. Rosario
D. Fausto J. Galauran
5. Maikling kuwentong nagwagi ng unang gantimpala noong 1910 na isinulat ni
Rosauro Almario.
A. Aloha
B. Elias
C. Hiwaga
D. Pag-ibig na Walang Kanluran
EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)

1. Ilagay sa T chart ang mga kathang nagkamit ng gantimpala, at


manunulat ng akda sa panahon ng kastila.

AKDA MANUNULAT

“Doctrina Christiana” Juan de Plasencia


Domingo de Nieva

“Nuestra Senora del Rosario”


“Arte Y Reglas de la Lengua Tagala” Padre Blancas de San Jose

“Barlaan at Josaphat” Padre Antonio de Borja

“Pasyon” Gaspar Aquino de Belen

“Dalit kay Maria” Padre Mariano Sevilla

“Vocabulario de la Lengua Tagala” Padre Juan de Noceda


Padre PedroSancular

2. Sumangguni sa kasaysayan at ilahad ang naging impluwensiya nito sa


panitikan sa panahon ng kastila. Ilagay sa story ladder.

Gayunpaman, sumigla ang kilusang


pampanitikan sa pagsulat ng maikling
kuwento nang lumabas ang Taliba at
sinundan ng Liwayway.

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan,


nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng
iba’t ibang sagisag-panulat.

Naging kilala ang mga uri ng maikling


kuwento gaya ng kakana/bitbit, kuwento
sa mga Santo at Santa at kuwentong
bayan.

Kakana – kuwento tungkol sa mga engkanto na


nagsisilbing panlibang sa mga bata.
Kuwento sa mga Santo at Santa – layunin ay
ipalaganap ang kristiyanismo.
Kuwentong Bayan – ipinapakita ang pag-uugali,
tradisyon, paniniwala at kultura.

Humina ang pagsulat ng maikling kuwento


dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
at nagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya
na kinakapalooban ng mga aral at utos ng
Diyos.
DISCUSSION BOARD
1. Ano ang mga paksa ng maikling kwento sa panahon ng kastila?

Ang mga sumusunod ay ang mga paksa ng maikling kuwento sa panahon ng


kastila:

 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo;
 Kapangyarihan ng Espanya;
 Konseptong Indio; at
 Paggamit ng wikang Kastila

2. Ano ang mga naging impluwensya sa panitikan sa panahon ng kastila?

 Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino


na nahalinhan ng alpabetong Romano;
 Ang pagkakatuto ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga
gawang makarelihiyon;
 Ang wikang kastila na naging wika ng panitikan. Marami sa mga
salitang ito ang naging-bahagi ng wikang Filipino;
 Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa
Tagalog at sa ibang wikain;
 Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino
tulad ng Tagalog, Bisaya at Ilokano; at
 Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain.

3. Talakayin ang pag-unlad ng panitikan sa panahon ng kastila.

 Nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa, Doctrina Chrisiana;


 Nalimbag ang pinakaunang news letter, Successos Felices;
 Nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa, Del Superior
Govierno; at
 Nalathala ang mga pahagayang propagandista na pinangunahan ng La
Solidaridad

4. Sino-sino ang mga manunulat na nakilala sa panahong ito at ang pamagat


ng kanilang mga akdang naisulat?

Ang mga sumusunod ay manunulat na nakilala sa panahong ito at ang kanilang mga
akdang naisulat;
MANUNULAT AKDA
Jose Rizal “Noche Buena”
Lope K. Santos “Si Rosa at si Rogelio”
Amadeo V. Hernandez “Wala nang Lunas”
Fausto Galaruan “Sugat ng Alaala”
Rosalia A. Aguinaldo “Ay, Ay”
Cirio Panganiban “Bunga ng Kasalan”
Rosario Almario “Elias”
Modesto de Castro “Urbana at Felisa”
Juan de Plasencia Domingo de Nieva “Doctrina Christiana”
Gaspar Aquino de Belen “Pasyon”
Padre Blancas de San Jose “Nuestra Senora del Rosario”
“Arte Y Reglas de la Lengua Tagala”
Padre Antonio de Borja “Barlaan at Josaphat”
Padre Mariano Sevilla “Dalit kay Maria”
Padre Juan de Noceda Padre Pedro “Vocabulario de la Lengua Tagala”
Sancular

WEEK 8
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG
AMERIKANO

PRE-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: Basahing mabuti ang tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1. Sino ang sumulat ng akdang may pamagat na “Paghahangad”?


A. Arsenio R. Afan
B. Juan Rivera Lazaro
C. Amado V. Hernandez
D. D.Fausto J. Galauran

2. Kabilang sa mga maikling katha na binigyan ng karangalan ng Talaang Bughaw


ang sumusunod maliban sa;
A. Aloha
B. Ako’y Mayroong Isang Ibon
C. Pusong Uhaw sa Pag-ibig
D. Magmamani

3. Akdang sinulat ni Deogracias A. Rosario taong 1933


A. Ang Dalagang Matanda
B. Manika ni Takyo
C. Walang Lunas
D. AY, Ay
4. Akdang Sinulat ni Rosalia A. Aguinaldo taong 1935
A. Ang Dalagang Matanda
B. Manika ni Takyo
C. Walang Lunas
D. AY! Ay!
5. Katuwang ni Clodualdo del Mundo sa kanyang misyong iaangat ang antas ng
maikling katha.

A. Alejandro G. Abadilla
B. Juan Rivera Lazaro
C. Amado V. Hernandez
D. Fausto J. Galauran

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)

1. Ilagay sa T chart ang mga kathang nagkamit ng gantimpala, at


manunulat ng akda sa panahon ng Amerikano.

AKDA MANUNULAT

“Banaag at Sikat” (1906)


Unang Gantimpala sa Timpalak Lope K. Santos
Sanaysay (1979)

“Luha ng Buwaya”
NPC-ESSO Journalism Award Amado V. Hernandez

“Damdamin”
Unang Gantimpala sa Timpalak Inigo ed Regalado
Komonwelt (1941)

“Mayroon Akong Isang Ibon”


Isa sa pitong Pinakamagandang Maikling Deogracias A. Rosario
kuwento

“Walang Sugat” Severino Reyes


Gintong Medalya at Kwentista
2. Sumangguni sa kasaysayan at ilahad ang naging impluwensiya nito sa
panitikan sa panahon ng Amerikano. Ilagay sa story ladder.

Naging paksa sa panahong ito ang


tungkol sa buhay-lungsod at nang
malaman ay nagging paksain na rin
ang tungkol sa buhay lalawiganin.

Sinimulan ang pagpili ng


pinakamahusay na katha at
nalimbag sa mga anyong kalipunan.

Sumigla ang pagsulat ng maikling


kuwento sa paglitaw ng mga
magasin tulad ng Liwayway, Taliba,
Banawag atbp.

Sumunod na lumitaw ang mga


pasingaw.

Namayani ang sentimentalismo at


naging paksa ang tungkol sa
karanasan sap ag-ibig.

Nagsimula sa mga anyong dagli.

DISCUSSION BOARD
1. Ano ang kalakaran ng mga paksa na mababakas sa maikling kuwento sa
panahon ng Amerikano?
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay naging daan ang pagsulat
ng maikling kuwento upang mulatin ang mga Pilipino sa hindi kanais-nais na
hangarin ng bansang Amerika sa Pilipinas, isa na rito ay ipalaganap ang kanilang
ideolohiya. Kaugnay nito, naging paksa ng maikling kuwento sa panahon na ito ay
tungkol sa; (1) malayang pamamahayag, (2) marubdob na pagmamahal sa bayan,
(3) pagsulong ng nasyonalismo at (4) karanasan sa pag-ibig.
2. Ano ang mga naging impluwensya sa panitikan sa panahon ng Amerikano?
Ang mga sumusunod ay naging impluwensya sa panitikan sa panahon ng
Amerikano:

 Namihasa ang mga Pilipino sa mga babasahin tungkol sa kasaysayan


ng Amerika maging sa kanilang panitikan;
 Maraming akda tulad ng tula, maikling kuwento at nobela ang naisulat
ng mga kababayang Pilipino natin sa wikang Inglesna hanggang
ngayon ay nababasa pa rin.
 Nabigyang sigla ang panitikang Tagalog; at
 Karaniwang pagtuligsa sa maling pamamahala ng mga Amerikano ang
tema na naisulat ng mga Pilipino.
3. Talakayin ang pag-unlad ng maikling kuwento sa panahon ng Amerikano.
Ilahad ang mga akda at manunulat na nakilala sa panahong ito.
Ang mga sumusunod ay ang pag-unlad ng maikling sa panahon ng
Amerikano:

 Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang


sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay dagli at
pasingaw;
 Napatanyag ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli
ay tinawag na maikling katha hanggang 1921; at
 Ditto nabuo ang mga samahang pampanitikan gaya ng Aklatang
Bayan, Ilaw at Panitikan, Parolang Ginto at Ilaw ng Bayan.

MANUNULAT AKDA
Inigo Ed Regalado “Sa Laot ng Kapalaran at ang
Dalaginding”
Deogracias A. Rosario “Aloha”
“Walang Panginoon”
“Mayroon akong Isang Ibon”
Guillermo A. Holandez “Mga Pusong Sugatan”
Severino Reyes “Walang Sugat”
Sergio Osmena “Ang Bagong Araw”
Rafael Palma “Muling Pagsilang”
Tomas Remegio “Malaya”
Arsenio R. Afan “Paghahangad”
Deogracias A. Rosario “Walang Lunas”
Rosalia A. Aguinaldo “Ay, Ay”
Rosauro Almario “Elias”
WEEK 9
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG
HAPON

PRE-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: Basahing mabuti ang tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1. Itinuturing na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog.
A. 1942-1945
B. 1943-1945
C. 1944-1945
D. 1945-1946

2. Sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa pinili ang sumusunod na


maikling kuwento na itinuturing na pinakamahusay sa panahong ito maliban sa;

A. Lupang Tinubuan
B. Uhaw ang Tigang na Lupa
C. Lungsod Nayon at Dagat-Dagatan
D. Bagong Hudas
3. Nanguna sa pinakamahusay na maikling kuwento dahil sa husay ng paglalarawan
ng pook, panahon, msitwasyon at tao.

A. Lupang Tinubuan
B. Uhaw ang Tigang na Lupa
C. Lungsod Nayon at Dagat-Dagatan
D. Bagong Hudas

4. Sino ang sumulat ng kathang “Uhaw ang Tigang na Lupa”?


A. Narciso Reyes
B. Liwayway Arceo Bautista
C. NVM Gonzales
D. Serafin C. Guinigundo

5. Sino ang sumulat ng akdang “Luad”?


A. Brigido C. Batungbakal
B. Amado Pagsanjan
C. Gloria Villaraza
D. Macario Pineda
EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)

1. Ilagay sa T- Chart ang mga kathang nagkamit ng gantimpala, at manunulat


ng akda sa panahon ng Hapon.

AKDA MANUNULAT

“Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales


Unang Gantimpala
Pinakamahusay na Akda (1945)

“Lupang Tinubuan” Narciso Reyes


Pangalawang Ganimpala
Pinakamahusay na Akda (1945)

“Uhaw ang Tigang na Lupa”


Ikatlong Gantimpala Liwayway Arceo
Pinakamahusay na Akda (1945)

“Palay” Idefonso Santos

2. Sumangguni sa kasaysayan at ilahad ang naging impluwensiya nito sa


panitikan sa panahon ng Hapon. Ilagay sa story ladder.

Kinilala ang mga manunulat na babaeng


Pilipino sa panagaln nina Liwayway A.
Arceo at Geniveva Edroza-Matute dahil sa
mga makintal na maka-feministang
maikling-kwento.

Mahigpit na ipinagbawal ang paggamit ng


wikang Ingles sa pagsulat bagkus wikang
Filipino ang ipintupad sa lahat ng katha.

Sumubok ang mga manunulat sa wikang


Ingles na sumulat ng akda sa wikang
Filipino.

Maraming nalathalang maikling kuwento


nang mabuksan ang Sunday Tribune
Magazine noong 1943.

Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-


unting nanlamig ang pagsulat ng kahit
anong katha. Nagkaroon ng Kalayaan sa
pagsulat ngunit ang lahat ay dadaan
muna sa “Manila Shimbun-Sha”
DISCUSSION BOARD
1. Ano ang mga paksa ng maikling kwento sa panahon ng Hapon?

Ang mga naging paksa ng maikling kuwento sa panahon ng Hapon ay ang


mga sumusunod:

 Relihiyon;
 Pag-ibig sa bayan at kapwa;
 Kagandahan ng buhay sa lalawigan;
 Relasyon ng mga magulang sa anak;
 Pamumuhay na dinaranas ng mga tao sa lungsod gaya ng kasalatan
ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa.

2. Ano ang mga naging impluwensya sa panitikan sa panahon ng Hapon?

Ang mga sumusunod ay naging impluwensya sa panitikan sa panahon ng


Hapon:

 Tinaguriang “Gintong Panahon” ng Panitikang Filipino/Golden Age of


Tagalog Literature dahil dito naimulat at nagamit ang wikang katutubo
sa iba’t ibang uri o estilo at genre ng panitikan;
 Ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya at itaguyod
ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang katutubong wika;
 Malaki ang naging impluwensya ng babasahing Liwayway sa
pahayagang taliba sa lalo pang ikasusulong ng maikling-katha,
sanaysay at iba pang anyo ng panitikan; at
 Ang damdaming makabayan ay naging impluwensya rin sa panitikan
na ugali rin ng mga Hapon na maging tapat sa kanilang bansa at
pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa.

3. Talakayin ang pag-unlad ng maikling kuwento sa panahon ng Hapon? Ilahad


ang mga akda at manunulat na nakilala sa panahong ito.
Ang mga sumusunod ay naging pag-unlad ng maikling kuwento sa panahon
ng Hapon:

 Nakilala sa pamagat na “Ang 25 na Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino


ng 1943” ang pinakamahusay na kathang Pilipino.
 Maraming mga manunulat na Pilipino ang nahikayat sumulat sa panahong ito
dahil sa mahigpit ang mg Hapones ang paglalathala sa Ingles. Ito ang
panahong nagpataas sa uri ng mga pamumunong pampanitikan, mga
sanaysay at maikling kuwento.
25 na Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943

MAIKLING KUWENTO MANUNULAT


“Lupang Tinubuan” Narciso Reyes
“Uhaw ang Tigang na Lupa” Liwayway Arceo
“Luad” Gloria Villaraza
“Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok’ Brigido Batungbakal
“May Umaga pang Daratal” Serafin Guinigundo
“Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” N.V.M. Gonzales
“Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda
“Sumusikat pa ang Araw” Gemilliano Pineda
“Dugo at Utak” Cornelio S. Reyes
“Mga Yabag na Papalayo” Lucia A. Castro
“Tabak at Sampaguita” Pilar R. Pablo
“Madilim pa ang Umaga” Teodora Agoncillio
“Ikaw, Siya at Ako” Brigido Batungbakal
“May Uling sa Bukana” Teotimo C. Buhain
“Bansot” Aurora I. Cruz
“Bahay sa Dilim” Alfredo S. Enriquez
“Ang Tao, ang Kahoy, at ang Aristeo Florido
Bagyo”
“Si Ingkong Gaton at ang kanyang Serafin Guinigundo
Kalakian”
“Unang Pamumulaklak” Hernando R. Ocampo
“Mga Bisig” Amado S. Pagsanjan
“Mga Diyos” Justiniano Del Rosario
“Sinag sa Dakong Silangan” Macario Pineda
“Ibon mang may Layang Lumipad” Amado S. Pagsanjan
“Nagmamadali ang Maynila” Serafin Guinigundo
“Paghihintay” Emilio Aguilar Cruz
WEEK 10
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG
REPUBLIKA HANGGANG SA KASALUKUYAN

PRE-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: Basahing mabuti ang tanong o pangungusap sa bawat bilang . Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1. Matapat na tagapaglarawan ng buhay-nayon at ng mga tauhang doon nag-ugat
ang mga buhay.
A. Deogracias A. Rosario
B. Macario Pineda
C. Brigido C. Batungbakal
D. Alejandro G. Abadilla

2. Ano ang paksang diwa ng akdang Mabangis na Lungsod na sinulat ni Efren


Abueg?
A. Karahasan
B. Pag-Ibig
C. Pag-ibig sa magulang
D. Paghihimagsik

3. Ano ang paksang diwa ng akdang Sa Kamatayan Lamang ni Teodoro A.


Agoncillo?
A. Pag-ibig
B. Paghihimagsik
C. Kawalan ng Katarungan sa Bilangguan
D. Kahirapan

4. Ang Dapithapon ng isang Mesiyas ay akdang sinulat ni;


A. Efren Abueg
B. Dominador B. MIrasol
C. Ricky Lee
D. Rogelio Sikat
5. Nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca ng taong 1986 ang “Sharing” na sinulat
ni;
A. Efren Abueg
B. Fidel Rillo Jr.
C. Rogelio Sikat
D. Juan Cruz Reyes
EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
1. Ilagay sa chart ang mga kathang nagkamit ng gantimpala, at manunulat ng
akda sa panahon ng Republika hanggang kasalukuyan. Ilagay ang uri ng
timpalak.
URI NG TIMPALAK PAMAGAT MAY-AKDA
Carlos Palanca “Syeyring” Jun Cruz Reyes
Award
(Unang Gantimpala)
Ikatlong Gantimpala “Huling Hiling, Hinaing Hermano Jose
at Halinghing”
Ikalawang “Bangkera”
Gantimpala
Unang Gantimpala “Kuwento ni Mabuti” Genoveva Mabuti
(Gawad Palanca)
Ikalawang “Mabangis na Kamay, Pedro S. Dandan
Gantimpala Maamong Kamay”
Ikatlong Gantimpala “Planeta, Buwan at Elpedio P. Kapulong
mga Bituin”

2. Sumangguni sa kasaysayan at ilahad ang naging impluwensiya nito sa


panitikan sa panahon ng Republika hanggang kasalukuyan. Ilagay sa story
ladder.
Naging paksa ng mga maikling
kuwento ang mga tungkol sa simulain
at programa ng bagong lipunan.

Ang mga kuwentista sa panahon ng


aktibismo ay nagsimulang sumulat ng
mga kuwentong magpapahayag ng
protesta sa maling pamamalakad ng
pamahalaan.

Ikalawa, sa mga taong abala, ang mga


pagbabasa ay kailangang panandalian
lamang.

Una, Malaki ang pang-akit sa


mambabasa upang bumili ng mga
babasahing maikling kuwento
sapagkat hindi ito nagbibigay ng
pangangailangang bumili ng susunod
na labas ng magasin gaya ng nobela.

Namayani ang maikling kuwento dahil


sa mga praktikal na kadahilanan;
DISCUSSION BOARD
1. Paghambingin ang mga paksa ng maikling kuwento noong panahon at
kasalukuyang panahon. Ilagay sa Venn Diagram.

NOONG PANAHON KASALUKUYANG


PANAHON
Nasyonalismo
Relihiyon/Kristiyanismo Kahirapan
Konseptong Indio Pag-ibig Pamilya
Karahasan Kapaligiran
Marubdob na sa Bayan at Buhay sa Lalawigan
Kapwa

3. Talakayin ang pag-unlad ng maikling kuwento sa panahon ng Republika


hanggang sa kasalukuyan. Ilahad ang mga akda at manunulat na nakilala sa
panahong ito.
Ang mga sumusunod ay naging pag-unlad ng maikling kuwento sa panahon
ng Hapon:

 Nailunsad ang tatlong wikang panrehiyong karagdagang dibisyon sa


pagsulat ng maikling kuwento; Cebuano, Hiligaynon at Ilokano;
 Ang maikling kuwento, tula, sanaysay, dula, nobela at kahit awitin na
nasusulat ay naghahayag ng paghihimagsik sa pamahalaan; at
 Sa uri, ang lumabas na mga maikling kuwento noon ay nahahati sa
dalawa; komersyal at pampanitikan.

PAMAGAT MANUNULAT
“Syeyring” Jun Cruz Reyes
“Huling Hiling, Hinaing at Hermano Jose
Halinghing”
“Bangkera”
“Buwan, Buwan Hulugan mo Lualhati Bautista
ako ng Sundang”
(1983)
“Ang Kuwento ng mga Tao sa Dana Batnag
Bayang Walang Hope”
(2001)
“Intoy Shokoy ng Kalye Marino” Eros Atallia
(2006)
“Minero” Noel Salongga
“Sugat at Dagat” Cyrus Borja
(1998)
“Talinghaga ng Talahib ng Los Fidel Relio Jr.
Indios Bravo”
(1973)
“Kinagisnang Balon” Andres Cristobal Cruz
“Alamat ng Sapang Bato” Fanny A. Garcia

WEEK 11
KALIGIRAN NG NOBELANG FILIPINO

PRE-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: Basahing mabuti ang tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1. Naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari na hinabi sa mahusay na


pagkakabalangkas na ang pinakapangunang sangkap ay ang
paglalaban ng hangarin ng bayani sa isang dako at hangarin ng
kanyang katunggali sa isang dako.
A. Dula
B. Nobela
C. Maikling Kuwento
D. Pabula

2. Ang sumusunod ay sangkap ng nobela maliban sa;


A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Banghay
D. Romantisimo

3. Ang sumusunod ay katangian ng nobela maliban sa;


A. Kailangang isaalang-alang ang kaasalan
B. Pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay
C. Mahusay na pagpili ng salita
D. May iisang impresyon o kakintalan

4. Ang sumusunod ay layunin ng nobela.


A. Gumising sa Diwa at Damdamin
B. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago
C. Nagbibigay aral tungo sa pag-unlad
D. Paglalarawan na likha ng guni-guni

5. Uri ng nobela ukol sa pag-ibig.


A. Layunin
B. Kasaysayan
C. Romansa
D. Pagbabago

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
1. Magsaliksik ng mga nobelang nasulat sa panahong ito at gumawa ng
sariling pagsusuri sa mga paksang ginamit gayundin sa pamamaraan.

PAMAGAT NG AKDA PAKSA PAMAMARAAN


“Daluyong”  Kahirapan Ang may akda ng nobela
Lazaro Francisco  Pagmamalupit ay gumamit ng
tradisyunal na paraan ng
pagsulat ng nobela.
Mayroon itong simula,
gitna at wakas. Maayos
ang paglalahad ng
manunulat sa takbo ng
mga pangyayari dahilan
para madaling
maunawaan ng mga
mambabasa. Nagbigay
rin ng iba’t ibang
emosyon ang nobela na
maaaring maramdaman
ng mg mambabasa nito.
“Mga Ibong Mandaragit”  Diskriminasyon sa Inilahad ang kuwento ng
Amado V. Hernandez lahi nobela batay sa
 Pagiging pagkakasunod-sunod ng
gahaman sa mga pangyayari sa
kapangyarihan buhay at paglalakbay ni
 Pagmamahal sa Mando at ang ipa pang
bayan tauhan.

Gumamit ng mga tayutay


ang manunulat na
nakatulong sa sining ng
kanyang pagsulat.

Mahalaga rin na angkop


ang wikang ginamit ng
akda na naayon sa iba’t
ibang panahon ng
pananakop.
“Sa mga Kuko ng Liwanag” Kahirapan Ang istilo ng paglalahad
Edgardo M. Reyes ay nasa paraang linear o
kombensyal na kung
saan ang balangkas ng
kuwento ay sumusunod
sa kaayusang simula,
gitna at wakas.

2. Tingnan kung sa kasalukuyang nobela ay may makikita pang panibagong


paghihimagsik. Maghinuha ng kadahilanan.
Sa kasalukuyang panahon, masasalamin pa rin ang panibagong
paghihimagsik ng mga mamamayan na nakaangkla sa iisang sanhi nito. Ang lugmok
na sistema ng pamahalaan sa ating bansa ay isa sa mga sanhi nito na malaking
epekto naman sa pamumuhay ng mga Pilipino na humantong sa pagkakautang sa
ibang bansa, pagbagsak ng ekonomiya, krimen at kahirapan. Higit natin itong
naramdaman sa pananalasa ng pandemya kung saan kinakailangan ang aksyon ng
ating pamahalaan subalit ang ilang nakaupo na opisyal ay pinagkakitaan ang
pandemya na higit pang nagpahirap sa mga Pilipino. Kaya naman, ang mga usapin
na ito ay masasalamin bilang paksa ng mga maikling kuwento sa kasalukuyan.
Malaking papel ang ginagampanan nito para pukawin ang mga mambabasa sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating bansa. Magiging tulay din ito upang marinig ng
ating pamahalaan ang hinaing ng mga nasa laylayan at magpatupad ng mga
programang tutugon sa mga suliraning ito.

DISCUSSION BOARD
1. Ano ang nobela?

 Ayon sa Wikipedia, Isang mahabang makathang pampanitikan na


naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila-isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
 Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas
na siyang pinakabuod ng nobela.
 Isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
2. Ano ang katangian, sangkap, uri at layunin ng nobela?
Katangian ng Nobela:

 Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay;


 Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad;
 Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili;
 Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan;
 Maraming ligaw na tagpo at kaganapan;
 Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig
mangyari;
 Malinis at maayos ang pagkakasulat;
 Maganda; at
 Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga
tauhan.

Elemento ng Nobela

 Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


 Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
 Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
 Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
Una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
Pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
Pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
 Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
 Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
 Pamamaraan - istilo ng manunulat
 Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
 Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan.

Uri ng Nobela

 Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan


 Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.
 Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.
 Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa.
 Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao.
 Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan.
 Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng
ating buhay o sistema.
Layunin ng Nobela

 Gumising sa diwa at damdamin;


 Nananawagan sa talino ng guni-guni;
 Mapukaw ang damdamin ng mambabasa;
 Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan;
 Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan;
 Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa; at
 Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.

You might also like