You are on page 1of 4

Pananalig – Paniniwala

TEORYA – Ideya (Ang ideya ay anumang kuro-kuro na umiiral sa isip bilang resulta ng pag-unawa sa
kaisipan, kamalayan, o aktibidad. Ang isang pag-iisip o koleksyon ng mga saloobin na bumubuo sa isip.
Karaniwang binuo ang isang ideya na may hangarin, ngunit maaari ding gawing hindi sinasadya. Ang ideya
ay isang plano, mungkahi, o posibleng pagkilos.

Halimbawa: kadalasang nabubuo ang ideya tuwing mayroong pagtatalakayan o pag uusap.

- salitang nagpapaliwanag o nagbibigay ng kuro-kuro. Hindi eksaktong ito ang tamang nangyari o
pinagmulan ng isang bagay kundi palagay lamang base na rin sa pag-aaral na ginawa.
- pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw
at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.

TEORYANG PAMPANITIKAN – sistematikong (paggawa ng isang maayos na sistema) pag-aaral ng


panitikan at mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.

- Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng


panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa.

TEORYANG REALISMO

- Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa


buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan
ay parang natural.

- Ika-19 na siglo nang lumaganap ang Rebolusyong Industriyal (isang prosesong nangyayari sa ilang
mga lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang lipunan kung saan ito nagaganap. Habang nangyayari
ang industriyalisasyon, ang pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong
bahagi ng proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas mainam na teknolohiya, nagiging maaaring
makagawa ng mas maraming mabubuting mga daladalahin sa loob ng mas maiksing dami ng panahon.
Mas maraming magagawang produktong bagay ang isang tao. Mas nakakagawa rin ng mas maraming
natatanging mga bagay ang tao). Kasabay nito’y lumaganap din ang mga bagong kaalamang pang-agham
at panteknolohiya, gayundin ang estruktura’t pilosopiya.

- Ang Realismo ay isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. layon nitong
ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan.
Ang realismo ay ang pagsisikap na ilarawan o ipakita ang isang paksa nang tapat, nang walang
artipisyalidad at pag-iwas sa mga kumbensiyong pansining, hindi kapani-paniwala, kakaiba at supernatural
na mga elemento.

Ang realismo ay naging laganap sa sining sa loob ng maraming panahon, at ito ay malaking bahagi ng
isang bagay ng diskarte at pagsasanay, at ang pag-iwas sa estilisasyon. Sa biswal na sining, ang
ilusyonistang realismo ay ang eksaktong depiksiyon ng uri ng búhay, perspektibo, at detalye ng liwanag at
kulay.

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

- Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

- Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging
makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Higit na kinkilingan ang uri ng paksa
ng isang akda kaysa paraan ng paglalahad nito. Dahil dito, hindi katakataka kung ang maging
paksa ng mga akdang makatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at
katarungan para sa mga naaapi.
Higit na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa.

- PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng


katarungan, prostitusyon, atbp.

- Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang alang ng may akda ang kasingingan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat.
Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay

- Pagtala ng iba’t ibang mukha ng lipunan

HALIMBAWA:

- Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg


- Dekada ’70 ni Lualhati Baustista
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan
ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng
Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta
ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagama’t tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang
kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang
kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang
panganay na si Jules, naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll
si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagama’t taliwas ito sa
paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming
pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung
saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at
ng asawa.
- Noli Me Tangere (Touch Me Not, Huwag mo ko salingin (hawakan)) at El Filibusterismo
(Ang Pilibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman (The Reign of Greed)
- Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute
Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito sa librong Piling Maiikling Kuwento.
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang nailathala
ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas
ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento
ang awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong
pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-
tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng
bangkang papel.

TEORYANG REALISMO
Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa


kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan

IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING REALISMO SA PANITIKAN

PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik-
hindik

SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw-araw na suliranin

SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos

KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at
panlulupig nito

SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng
mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis

MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO


Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan

You might also like