You are on page 1of 1

MGA PAGBABAGO SA WIKANG FIIPINO (social media)

1. Pagpapaikli ng salita
KOLOKYAL – mga salitang pinaikli ngunit hango sa pormal na salita.
2. Paggamit ng Akronim –
3. Pagbabaligtad ng mga titik/letra.
4. Paggamit ng Engalog at taglish.

MGA DAHILAN/KATWIRAN SA PAGBABAGO SA WIKA


1. Mapadali ang komunikasyon at Interaksyon.
2. Makisabay sa daloy ng buhay.
3. Paunlarin ang wikang Filipino dahilito ay arbitrary o dinamiko.
ARBITRARI - nagbabago

Pananaliksik – paraan, proseso at pag-aaral upang mangalap ng Datos.


 LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Upang mabigyan ng kasagutan ang mga suliranin at matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
2. Upang pagibayuhin ang Pag-unlad at inbokasyon.
 URI NG PANANALIKSIK
1. Deskriptibong Pananaliksik – naglalayong tayahin ang kalagayan ng isang bagay batay sa kundisyon,
gawi, sitwasyon o mga pangyayaring naaayon sa kanilang kaganapan.
2. Eksperimental na Pananaliksik - naglalayong suriin ang kapamagitan patunayannang hinuha at sukatin
ang kabisaan ng bagay.
BAHAGI NG PANANALIKSIK
Kabanata 1: Ang pag-aaral at Saligan nito.
Mga sangay:
1. Panimula – naglalaman ng malilinaw na pahayag ukol sa paksang sasaliksikin.
2. Kaligirang Pangkasaysayan – mga salita na pinaguugtan kung bakit isasagawa ang pananaliksik.
3. Batayang Teoretikal – mga teorya o pag-aaral na babatayan ng pananaliksik.
4. Modelong Konseptwal – nakapaloob ang nakapag-iisa at hindi nakapagiisang variable.
5. Paglalahad ng Suliranin – mga katanungang bibigyang tugon sa pananaliksik.
6. Pagbuo ng Hinuha – kinapapalooban ng mga palagay na patutunayan sap ag-aaral.
7. Kahalagahan ng Pag-aaral – naglalaman ng importansya sa pag-aaral sa iba’t ibang larang.
8. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral – lugar na pagsasagawaan ng aral at sino ang tutugon sa pag-
aaral.
9. Katuturan ng mga Terminolohiya – mga salitang ginamit sa pananaliksik.
Kabanata 2: Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Mga sangay:
1. Mga kaugnay na Literatura – mga nakalimbag na libro, dyornal, dyaryo at nakukuha sa internet.
2. Mga kaugnay na Pag-aaral – naunang pag-aaral
Kabanata 3: Metodolohiya
Mga sangay:
1. Disenyo ng Pananaliksik – paraan na gagamitin sa pananaliksik.
2. Pagpili ng mga taga tugon sa Pananaliksik – ditto nakapaloob kung ilang bilang at tinatalakay ang
uri ng sampling na gagamitin.
3. Paraan ng pagkalop ng Datos – iniisa-isa ang proseso upang makalaganap ng datos.
4. Instrumenting ginamit – nakapalagay kung gumamit ng talatanungan, survey at iba pa.
5. Istatistikal na Paraan – nakalagay ang mga kaukulang istatistikal.
Kabanata 4: Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon
*talahanayan
Kabanata 5: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Mga sangay:
1. Paglalagom – ito ay maikling pahayag hingil sa pananaliksik.
2. Konklusyon – kinakapalooban ng mga natuklasan na.
3. Rekomendasyon – mga pagbabago o suhestyon para sa mga susunod pang pananaliksik.

You might also like