You are on page 1of 3

Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik

Sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito
basta pagsama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t-ibang primarya at sekundaryang
mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon.

Pagpili ng Paksa
-Ito ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik.

-Madalas mga paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil
ang mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba't ibang uri ng media.

Mga Maaaring Mapagkunan ng Paksa

-Internet at Social Media- Ito ay bahagi na ng buhay ng tao. Napakaraming impormasyonng


taglay ang internet.

-Telebisyon- Isa pang uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television.

-Diyaryo at Magasin- Maaaring pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging
ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo.

-Mga Pangyayari sa Paligid

-Sa Sarili

Ang Sulating Pananaliksik


Ito ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.

Taglay ang mga obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong nakalap.

Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating


pananaliksik
(Spalding, 2005).

Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw,
patunayan o pasubalian.

Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang
layunin:

1. Isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.


2. Mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito.

3. Isinasagawa upang makuha ang kasagutan


sa mga makaagham na problema o suliranin.

Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at


pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman.

Sulating Pananaliksik
-Ang pokus nito ay limitado.
-Ang sanggunian ay hindi lamang limitado mga nasa aklatan ng iyong paaralan o kaya'y sa
Internet.
-Maaaring magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-sarbey.

Ordinaryong Ulat
-Malawak ang pokus ng ulat.
-Naksanayang aklat at Internet lamang ang pinagkukunan ng impormasyon

Katangian ng Pananaliksik
-Obhetibo- naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong
pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinasaliksik, tinaya, at
sinuri.
-Sistematiko- sumusond sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng
isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
-Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy
nito ang petsa at taon) nakasagot
-Empirikal- kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na nararanasan
at/o na oobserbahan ng mananaliksik
-Kritikal mga datos - masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at
kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng
mananaliksik
-Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan- sumunod sa mga pamantayang inilahad
at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
-Dokumentado- nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng
karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Ayon sa mga propesor na sina Constantino at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat
magtaglay ng sumusunod na mga katangian:

1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan.

2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.


3. Maingat sa pagpili ng mga datos sa katotohanan at kredibilidad ng pinagkukunan.

4. Analiktikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.

5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon at rekomendasyon sa paksa.

6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan. Sa


pagkuha ng datos walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila at sa pagtanggap sa limitasyon ng
pananaliksik

7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos.- mahusay ang mabubuong pananaliksik


mula sa format hanggang sa nillalaman at sa prosesong pagdadaanan.

Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Layunin


-Basic Research
-Action Research
-Applied Research
Basic Research- ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito
para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa
kasalukuyan.

HALIMBAWA:

-Epekto ng Haba ng Oras na Inilalaan ng mga Kabataan sa Paggamit ng Facebook sa Kanilang


Pakikitung sa mga Tao sa kanilang Paligid
-Font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
-Katangian ng mga Boy Band na Hinahangaan ng mga kabataan sa isang Barangay

Action Research- Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o


masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa
kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na
siyang paksa ng pananaliksik

HALIMBAWA:

Epekto ng pagkakaroon ng mga ektra-kurikular na mga gawain ng mga Mag-aaral sa Paaralan


sa kanilang Academic Performance

You might also like