You are on page 1of 8

PANANALIKSIK at Ang Katangian

Nito
• -isang sining
• Isang masistematikong paghahanap sa mga impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
• Makaagham na proseso ng pagsisiyasat upang humanap
ng mga empirical na datos ma magbibigay kalutasan sa
isang umiiral na suliranin.
KATANGIAN
 Empirikal- nakabatay sa direktang karanasan o obserbasyon ng mananaliksik
 Lohikal- nakabatay sa balidong proseso at prinsipyo
 Siklikal- nagsisimula sa suliranin at nagtatapos sa suliranin
 Analitikal –sumusunod sa mapagkakatiwalaang proseso sa pagtipon ng mga
datos na kung saan gamitan ng analisis ang mga ito
 Maaring Mareplika- ang disenyo at proseso ay maaarig mareplika o
maisagawa uli
 Kritikal- nagpapakita ng maingat at tamang paghuhusga at pagpapasya
Katangian ng Mananaliksik
Intelektwal na kuryusidad- marunong mag-usisa at magmuni-muni

Maingat – alam kung ano ang dapat tanggalin at pahalagahan sa mga


nakuhang datos

Pamumunang mapagbuo – laging mayroong pag-aalinlangan sa


katotohanan sa mga nakalap na datos

Katapatang intelektwal –matapat sa lahat ng mga impormasyong inilalahad


Uri ng Pananaliksik Ayon sa Layunin
1. Purong Riserts – uri ng pananaliksik na ang pangunahing layunin ay
makadagdag ng bagong kaalaman sa dati nang alam ng tao kahit na sa
kasalukuyang pagtingin ay wala pa itong kabuluhan
2. Aplayd Riserts – praktikal na ginagamit at inaaplay na ang mga nadiskubre o
nateorya ng tao bilang resulta ng pananaliksik sa laboratory
3. Teknikal Riserts – isang uri ng aplayd riserts na ginagamit
4. Riserts Pangmerkado – ibinabatay sa kagustuhan ng mamimili bago maglaan
ng capital para sa isang uri ng produkto
5. Iskolarli o Akademik Riserts – pagtipon ng mga materyales na nakikita na at
nasa paligid lamang
Layunin at Tunguhin ng Riserts:
Pagtuklas ng mga bagong ideya at datos.
 makapaglatag ng mga bagong kaisipan o konsepto
Pagbibigay ng panibagong interpretasyon sa naunang pag-aaral.
 Makapaglahad ng ganap na paglilinaw, pagpapatunay at maaaring pasubali sa ga
kaisipang inilatag sa mga naunang pag-aaral
Paglilinaw sa isang isyu.
 Makapaghain ng isang kritikal na pagsusuri at mailatag nang maayos ang perspektiba at mga argumento ng
konsepto o ideyang nais patunayan.

Pagpapatunay sa pagiging makatotohanan ng isang


ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay o pahayag.
Dalawang Uri ng Pananaliksik
(Silapan, 1989)
1. Makaagham/sayantifik – mahalagang aktwal na makuha
ang mga katunayan o datos at aktibong gumawa ng mga
bagay-bagay na makatutulong sa pagtuklas sa nais
patunayan

2. Literari/pampanitikan – mas payak at ito ang karaniwang


ginagamit sa kolehiyo
Konseptong Papel
- Framework ng gagawing pananaliksik
-Pinaka-istruktura at pinaka-ubod ng ideya na tumatalakay sa ibig
patunayan,linawin o tukuyin

Bahagi ng Konseptong Papel

1. Rasyunal (rasyonale) – ipinapahayag dito ang kasaysayan o pinagmulan ng


ideya at sa pagpili ng paksa
-ang kahalagahan at kabuluhan ng pananaliksik
2. LAYUNIN - ito ang pakay o gustong matamo sa
pananaliksik ng napiling paksa

3. METODOLOHIYA – tutukuyin dito ang pamamaraan na


gagamitin sa pagkuha ng datos at pamaraang gagamitin sa
pagsusuri ng paksa

4. RESULTA - ipinapahayag dito ang kongkretong


bunga ng gagawing pag-aaral

You might also like