You are on page 1of 1

Introduksyon sa Pananaliksik

1.1. Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ayisang sistematiko, pormal, mahigpit at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng
mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan. Ito ay isang
proseso ng paghahanap ng natatanging kasagutan sa natatanging katanungan sa pamamagitan ng isang organisado, patas,
at maasahang paraan.

Ang pananaliksik ay paghahanap ng katotohanan sa tulong ng pag-aaral, pagmamasid, paghahalintulad at


pagsubok; ito ay paghahanap ng kaalaman sa pamamagitan ng patas at sistematikong pamamaraan ng paghahanap ng
kasagutan sa problema.

Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pagtatanong kung saan sinisimulan ito ng tiyak na tanong
(hypothesis) at ang mabalangkas na paggalugad ng mga ebidensya tungkol sa tiyak na tanong.

1.2. Layunin ng Pananaliksik

Dalawang payak na layunin ng pananaliksik:


1. Ang paghahanap ng katotohanan.
2. ang paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang kaotohanan ay hindi agarang matatamo.

Ang paghahanap ng katotohanan tungkol sa isang bagay na bumabagabag sa ilang henerasyon ay mainam na
paksa kung wala pa itong tukoy na katotohanan. Sa pagtahak sa katotohanan ay kailangan ang mga sumusunod:
1. Datos – batayang yunit ng impormasyon
2. Impormasyon – mga pinag-ugnay na datos
3. Detalye – mga naberipika na impormasyon
4. Palagay – mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga detalye
5. teorya – mga nasubok na palagay
6. Prinsipyo, batas, o katotohanan – mga napatunayang teorya.

1.3. Katangian na Dapat na Taglayin ng isang Pananaliksik


a. Kontrolado – ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito
ng kawalang katiyakan at pagkainbalido ng resulta ng pananaliksik
b. Balid – masasabi na ito ay balido kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensya.
c. Sistematiko – magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos sa iisang
layunin ang katangiang ito. Proseso ng sistematikong pamamaraan:
1. pagtukoy ng problema
2. pagrerebyu ng impormasyon
3. pangongolekta ng datos
4. pag-aanalisa ng datos
5. pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon
d. Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan – Hindi dapat mabahiran ng personal na saloobin ang
pagbibigay interpretasyon sa pananaliksik.
e. Kwantiteytib o kwaliteytib – nakalahad sa kwantiteytib na pamamaraan ang mga datos kapag ito ay
gumagamit ng istatistiks tulad ng prosyento, tsart, mean, median, mode at iba pang uri ng distribusyong
numerical. Nasa pamamaraang kwaliteytib kapag ito ay naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan ng isang
sitwasyon o pangyayari.
f. Empirikal – metatag ang pananaliksik kung gagamitan ito ng empirical na mga katibayan o kaalaman sa
pamamagitan ng matamang pagmamasid o eksperimentasyon sa pagkuha o pagbuo ng mga impormasyon.
g. Mapanuri – dumadaan ito sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng
mga tamang estatistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
h. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali – pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at pauli-ulit na pagrerebyu sa
mga
datos atresulta ng pananaliksik na may pag-iingat.

1.4. Katangian ng Mahusay namananaliksik


1. Mapanghinala 4. May paggalang sa kapwa tao
2. Matanong 5. Maingat
3. Matanong

You might also like