You are on page 1of 9

MODULE 8

Pakikipagtalastasan
sa Pamamagitan ng
Pangangatwiran
PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang
hangarin ay makaakit sa mga sarili ar dahilan ng mga bagay. Ito ay
isang paraan ng pagdepensa sa sarili.Ang pangangatwiran o
pagmmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang
isang katotohanan ay pinagtitbay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason, kalakip ang mga
ebidensya sa diretsahang (harapan) at diretso (tuwid) na
paglalahad.
LAYUNIN:
Makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang
pagpapatunay sa isang katotohanan sa maayos, efektibo at
lohikal na pamamaraan para makapagpaniwala ng kapwa sa
kahalagahan ng pinaninindigang panig ng isang isyu o
proposisyon.
KAHALAGAHAN:
1. Sa pamamagitan nito nililikha ang
paniniwala.
2. Ito ay pangkalahatan o pang-unibersal.
3. Ito’s kailangang-kailangan ng tao bilang
anyo o paraan ng pakikipag-komunikasyon sa
bawat isa.
DALAWANG PAMAMARAAN NG PANGANGATWIRAN:

1. Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsissimula sa


mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Deductive Method - sinisimulan


ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng
pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula
rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.
DALAWANG PAMAMARAAN NG PANGANGATWIRAN:

Dalawang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para


Mapagtagumpayan ang
Pangangatwiran
1. Matibay na pagpapaniwala
2. Mahatak na panghihikayat
Ang panghihikayat ay lalakas kung isasaalang-alang naman ang
koordinasyon ng tatlong mahahalagang bagay:
1. Ang Tagapagsalita
2. Ang Paksa
3. Ang Tagapakinig
ANG MGA KASANGKAPAN NG EFEKTIBONG
PAGMAMATWID PARA MAKAHIKAYAT
1. Sapat at tunay na katibayan.
2. Ibinatay sa opinyon ng eksperto.
3. Katiyakan sa katwiran.

ANG PAGLALAHAD NG PROPOSISYON


1. Ang proposisyon ay ipinahahayag ng kategorikal, paturol at
positibo, hindi patanong, maliban na lamang kung
pangkasanayang pangklase.
2. Ang proposisyon ay naghahayag ng isang problema lamang.
3. Ang proposisyon ay inihahayag nang malinaw na tanging
isang kahulugan lamang ang mainterpreta.
4. Ang proposisyon ay inihahayag ng tiyak.
5. Ang proposisyon ay payak lamang na inihahayag.
6. Ang proposisyon ay dapat ihayag ng maikli lamang ngunit
maalaman.
7. Kawili-wili dapat ang proposisyon.
8. Inihahayag ang proposisyon nang walang paunang paghatol o
prejudice, nang walang paninisi, nang walang pagpupuri.
9. Kailangan sa proposisyon ay maipahayag na mapagtattalunan.
10.Inihahayaag ang proposisyon na ang afirmado o afermatibong
panig ang diskontento kaya naghahaangad na baguhin ang
sitwasyon.
ANG MGA HAKBANGIN O PROSESONG DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAKIKIPANGATWIRAN
Isaalang-alang ang mga sumusunod na proseso kapag lalaahok sa
gawang pangangatwiran o pagtatalo:
1. Imbensyon – pangunahin ang prosesong ito sapagkat dito nadiditermina
kung talagang may kahalagahan, kabuluhan o pertinente ang isang paksa o
usapin para pag-aksyahan ng
panahong paglabanang-katwiran.
2. Imbestigasyon – ang proseso naming ito ang nagdiditermina sa kalakasan o
kahinaan ng panig na pangangatwiran.
3. Pananaliksik – kaaakibat ng ikalawang proseso ang hakbanging ito dahil sa
pamamagitan nito masasagot ang mga katanungan.
4. Organisayon ng material – ito ang proseso ng pagsasaayos ng mga
nakuhang impormasyon. Sinop ang kailangan dito.
5. Presentasyon – ang prosesong ito ay maaring isagawang pasalita o
pasulat.angad na baguhin ang sitwasyon

You might also like