You are on page 1of 22

Republika ng Pilipinas

University of Rizal System


Binangonan, Rizal

Aralin 6

argumentatibo

Propesor sa Fillipino 1
Okken R. San Diego, MaEd
Argumentatibo
Mapapansin sa ngayon, na ang mga mag-aaralay mahilig makipagtalo
lalong-lalo na ang mga nasa kolehiyo. Hindi sila nasisiyahan sa pag-upo at
pakikinig lamang sa mga panayam ng guro at mga pag-uulat sa klase. Sila ay
handang makilahok sa pagtanggap at pagbibigay ng kaisipan tungkol sa
paksang pinag-uusapan. Ang pakikisangkot sa talakayan sa pamamagitan ng
pangangatuwiran ay isang magandang pagkakatao upang mahasa ang pag-iisip
sa pagbibigay ng malinaw, matalinong katuwiran at tumanggap ng ibang
katuwiran o salunggatin ito.

Ang argumentatibo ay isang uri ng pahayag hinggil sa kaalaman at


paniniwala sa bagay, pangyayari o ideya na binibigyan katarungan sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag upang mahikayat. Ito ay mahalaga sapagkat
lumilinang ng kakayahan sa kritikal na pag-iisip; nagpapatibay ng tiwala sa sarili;
napaniniwala; at napakikilos ang iba. Ang pagbibigay ng gantihang katuwiran ng
dalawa o higit pang panig hinggil sa isang makabuluhang paksa o isyu ay
tinatawag na pagtatalo. Ito ay isang uri ng paninindigan na ang layunin ay
patunayan sa pamamagitan ng mga katibayan ng magkabilang panig ay
tinatawag na propisyon.

Kahulugan ng Pangangatwiran
Ayon kay Alejandro (1970)
ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan. Isinasaalang
alang nito ang mga bagay o pangyayaring alam at kilala na,
o kaya’y inihaharap ang mgaiyon at humahango ng isang hinuha o konklusyon.
Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing l
ayunin ay patunayan ang katotohanan at magingkapani-paniwala at katanggap
tanggap sa nakikinig o bumabasa. Ang salitang
ugat ng nangangatwiran ay Katwiran.
Ang nangangatwiran ay kasalukuyan nagbibigay ng dahilan o kadalihanan sa isa
ng bagay o nagawang kilos
o galaw at katumbas ito ng mga salitang mangailangan, absuweltuhin, alisan
ng sisi, pagpapakitang angkop o karapat
dapat, rason, pagmamatuwid, batayan,puno’t dulo, saligan at pamagatan ang sal
itang ito'y madalas na ginagamit upang ipahiwatig ang mgarason, dahilan at
kuro -kuro sa isang argumento o pagtatalo.

Kahalagahan ng Pagtatalo
Ang pagtatalo ay mahalaga sa pamamagitan nito nalilinangang kasanaya
n sa pakikipagtalasan sa pamamagitan ng paglalahad ng opinion at mga
dahilan hingil sa paksangsinasang-ayunan.
Sa pamamagitan ng maayos na pahahanay ng katwiran at mga patunay maaarin
g kapani
paniwalang ang sinasabi ng isang tao. Binubuo ng pangangatwiran ng dalawang
magkasalungat na panig tungkol sa isang paksang pinagkakatalakayin at
maaari ring nakasukay o kaya’y binibigkas. At
ang pagtatalo ay hindi isang uri ng pag aaway sapagkat ito’ypagpapaliwanag ng
mga katwiran ng bawat panig na maaaringpasulat o pasalita. Narito ang ilan
pan g kahalagahan.
1. Nagbibigay ito ng kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip. 2.
Nabibigayang-kasanayan ang maayos at mabisangpagsasalita. 3.
Nabibigayang-kasanayan ang pag-uuri ng tama at malingpagmamatuwid. 4.
Nabibigayang kalinangan ang kagandahang
asal gaya ng pagtitimpi, pagpipigil ng sarili at pag
unawa sa katuwiranng iba.
5. Nabibigyan ng pag
unawa ang mga katwirang inilalahad ng iba at pagtanggap sa nararapan
n a kapasyahan.
6. Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaanang sinasabi sa p
amamagitan ng pangangatuwiran.
7. Nabibigayang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.

Mga Komponent ng Epektibong Tekstong


Argumentatibo 1. Tesis na Pahayag
• Pahayag na naglalagom ng buong teksto.
• Mas mainam na mailimita sa isang pangungusap.
2. Dokumentasyon
• Matibay na ebidensya ang panghahawakan ng manunulatupang makaimpl
uwensya sa mga mambabasa.
• Mga pinaghanguan.

American Psychological Association (APA)


Halimbawa:
Ito ang kadalasang ginagamit sa paglalahad ng mgapinaghanguan sa
isan g tesis, ulat atbp.
Ku, G. (2008). Learning to de-escalate: The effects of regret in escalation of
commitment. Organizational Behavior and Human Decision Processes, 105(2),
221-232. doi:10.1016/j.obhdp.2007.08.002
3. Suportang Detalye
• Makikita sa katawang bahagi ng teksto.
• Mga lohikal na kaisipan o pangangatwiran.
Mga datos
• Empirika
• Argumento
4. Kontra-argumento
• PANININDIGAN.
• Kilalanin ang argumento ng kabilang panig.
5. Kongklusyon
• Kaisipang nabuo mula sa mga naunang ipinahayag
nadetalye. • Paraan ng panghihikayat (direkta o
pangkalahatan.)

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahon ang paksa


Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dit
o iikot ang buong diskusyon. Kapagpumipili ng paksa, dapat isaalang alang kung
ito ba ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan sa lipunan.

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis saunang talata ng


t eksto
Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat angbuong
kont eksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nitosa pangkalahatan.
Makikita rin sa bahaging ito ang kahalagahanng paksa at
kung bakit kailangang makialam ng mambabasa sanasabing isyu.

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahaging teksto


Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang
nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sabawat talata. Kung
walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi makasunod ang
mambabasa sa argumento at hindimaging epektibo ang kabuuan ng teksto. Ang
transisyon ay nakakatulong din upang ibuod ang ediya ng naunang bahagi ng te
ksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.

Maayos ang pagkakasunud


sunod ng mga talatangnaglalaman ng mga ebidensya ng argumento Ang
nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisangpangkalahatang i deya
lamang.
Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon
ng kaayusan, kinakailangan ding isaalang
alang ang lohikal na koneksyon sabawat talata. Dagdag pa, ang pagkakaroon
ng maikli ngunitmalaman na talata ay makakatulong upang mas maintindihan ng
m ambabasa ang teksto.
Matibay na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang magingdetalyado, tumpak
at napapanahon ang impormasyon. Sapagkakaroon ng matibay na ebidensya,
m asisigurado ng manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na
argumento.
Mga dapat tandaan sa pagbuo Ng tekstong argumentibo

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong


argumentatibo.Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum. 2.
Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang
mga dahilan mo sa pagpanigdito.
3. Mangalap ng ebidensya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na
susuporta sa iyong posisyon.
4. Gumawa ng burador (draft).
Unang talata: Panimula
Ikalawang talata: Kaligiran
Ikatlong talata: Ebidensyang susuporta sa posisyon. Maaaring
magdagdag pa ng talata kungmaraming ebidensya.
Ikaapat na talata: Counter argument. Asahan mong mayroong ibang
mambabasa na hindisasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito
ang iyong mga lohikal na dahilan kungbakit iyon ang iyong posisyon.
Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong sinulat. Ikaanim
na talata: Ikalawang konglusyon na sasagot sa tanong na “E” ano ngayon
kung ‘yanang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika
at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang
magiging pinal na kopya.

Ano ang teksto?


Ang TEKSTO ay ang mganakasatitik na mensahe naginagawa ng mga
manunulat.

Ano ang tekstong argumentatibo?


Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng
ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon. Ang isang
teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Halimbawa:
mga editoryal,
pagsasagawa ng debate, at iba
pa.

Ang tekstong argumentatib ay isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan


ipinahahayag ang katotohanan ng at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang
ito.
Dalawang uri ng Tekstong Argumentatib

1. Puna
Kung ito ay nag-uugnay ng mga
pangyayari, bagay, at mga ideya sa
pansariling pag-iisip, paniniwala,
tradisyon at pagpapahalaga.

2. Sayantifik
Kung ito ay nag-uugnay sa mga
konsep sa isang tiyak na sistema ng karunungan at pag-iisip upang ang
kinalabasang proposisyon ay
may tiyak na kahulugan.

Ano ang layunin nito?

• Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang


pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.

• Papaniwalain, akitin at kumbisihin ang tagapakinig o mambabasa tungo


sa isang tiyak na aksiyon.

Dalawang Pamamaraan ng Pangangatwiran:


1. Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsissimula sa mga
halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa
pangkalahatang simulain o katotohanan.
Ang ganitong pangangatwiran ay nagsasangay sa tatlong paraan :
• Pangangatwirang gumagamit ng Pagtutulad - Inilalahad dito ang
magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang
katotohanan.
Halimbawa :
Ang pagmamatuwid na si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang
ama’t ina niya ay mahusay ring mga guro.
• Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi. -
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang
isang pangyayari.
Halimbawa :
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral
ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
• Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. -
Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyag higit na magpapatunay
o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa :
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang
sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng
sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa
lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. Pangangatwirang Pasaklaw o Deductive Method - sinisimulan ang
pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o
masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay lisa-isahing
italahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan. Ang
silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay binubuo ng
pangunahing batayan, pangalawang batayan, at isang konklusyon.
Halimbawa :
Ang lahat ng bulaklak ay mababango.
Ang sampagita ay isang bulaklak.
Samakatuwid, ang sampagita ay mabango

Mga Elemento ng Pangangatwiran


Ayon sa aklat ni Tanawan et al. ( 2003 ) ang mga elemento ng
pangangatwiran na dapat isaalang-alang ng isang nakikipag talo ay
1. Paksa - Pinagmumulan ng anumang uri ng pangangatwiran at ang
pinakatampok sa mga pinag uusapan.
Halimbawa :
Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng
Batas na Kailangan sa isang Pamilya kailangang 2 anak lang. 2.
Proposisyon - Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na
proposisyon. Ito'y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng
sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento. Nagsasaad ito ng isang
bagay na maaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan.

Ang propisisyon ay isang paninindigan sa anyong pangungusap na


pinatutunayan sa pamamagitan ng mga argumento.
Tatlong uri ng Proposisyon
1. Pangyayari: Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang
bagay na makatotohanan.
Halimbawa:
Maraming namatay sa nasunog na Superferry.
Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sapamamagitan ng pag
alam sa tunay na mga pangyayari.
2. Kahalagahan: Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang İsang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sapag buwag sa
makaaliping diwa.
Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento nanagtatanggol sa kabulaanan
ng isang bagay, isang palakad o isang pagkilos.
3. Patakaran: Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng
pagkilos o isang binalak na solusyon sa isang suliranin.
Halimbawa:
Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas.

Katangian ng isang Nakikipagtalo


Sa isang debate o
pagtatalo mahalaga na mayroongmga katangian ang nakikipagtalo. Dapat na
ito ay magtaglay ng mga karakter upang maayos na maihayagang mga opinion
at saloobin.
Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin kung ano ang mga katangian na dapat
tagl ayinng isang nakikipagtalo;
• Pagiging mahinahon.
Ang isang nakikipagtalo ay dapat na mahinahon at hindi nagpapadala sa
bugsong damdamin.
Sa katangiang ito ay nagsusumikap namailahad ng maayos ang mga
dato s at patunay ng kanyang panig na sinang-ayunan.
Malawak na bukabularyo. Mayroong malawak nakaalaman ang isang nan
gangatuwiran at mayamangbukabularyo. Dapat na angkop ang salitang pi
nipili at isinasaad upang ang mga nais maipahayag sa salitaany
mangibab aw at tumingkad. Mabilis mag
isip sa maikling sandal. Maymagandang katangian ng nangangatuwiran
ay
may kakayahang pagtugmain ang mga kaisipan sa mailing oras lamang.
T iyak na ang mga ideya ay magkakaugnay at naaayon sa pinaglalabang
pa nig.
Sapat na kaalaman sa pinaglalaban. May malawakna kaalaman patungkol
sa panig na kanyangipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang
paksa ng
debate. Sa pamamagitan nito ay posiblengmakahikayat ng mga
nanonood or mambabasa dahilsiya ay tiyak sa kanyang mga binibitawang
salita. Ma ayos na paglalahad. Mahusay sa pagsasalita, sapagpili ng
tamang salitan g gagamitin,
at sakaangkupan ng pagbuo ng mga pangungusap nakanyang
babanggiti n sa debate. Mayro
ng malinaw, malakas at magandang taginting boses. Ito
ay malakas makahikayat at nagbibigay na pagigingkampante o tiyak sa
ka nyang sinasabi.

Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon


Sa isang argumento o debate, isang panukala ay isang pahayag na
nagpapatu nay o nagtatwa ng isangbagay. Ang isang proposisyon ay maaaring
gumanabila ng isang premise o isang konklusyon saisang silohismo o
enthymeme. Ang argument ay ang pangunahing ng debate speech-ang
superyor na debater ay dapat na higit na mataas sa paggamit ng argumento.
Ang pangunahing paraan ng panghihikayat sa debate ay ang lohikal na mode.
(Robert B. Huber at Alfred
Snider, Nakakaapekto sa Pamamagitan ng Pangangatwiran, Rev. Ed
International Association Debate Education,
2006). Narito ang mga nararapat na katangianng mahusay na proposisyon;

1. May dulot na kapakipakinabang at napapanahongpaksa


2. Kawili-wili sa mga nakikinig
3. Pantay at walang kinikilingan
4. Malinaw at tiyak ang mga salitang napagkaloob
saproposisyon 5. Hindi pa ito nagpapasyahan
6. May makakalap na datos tungkol sa paksa
7. Maaring patunayan ng ebidensya
8. Nagtataglay ng isang ideya sa isang argumento

Uri ng Proposisyon
Ang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon. Ito
ay pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang
ayon sa pamamagitan ng argumento. Ito
ay nagsasaad ng isang bagay na maaaring tutulan at panigan kaya mapagtatalu
nan. Sa pagbuo ng proposisyonito ay mayroong mga uri na dapat isa alang-
alan g. Sa pananaliksik na ito ay tatalakayin kung ano ang mga uri ng
proposisyon.
1. Proposisyong Katunayan. Ito ay ukol sa katotohanan. Ito ay
naninidigan sa katunayan o kabulaan ng isangbagay na makatotohana n.
Hal: “Maraming namatay sa sunog sa palengke”.
Ang proposisyong ito ay maaaring patunayan o pasubalian kung
may sapat na ebidensiya.

2. Proposisyong Patakaran. Ang proposisyongpatakaran ay may kinalaman


sa pagbabago o pagpapanatilng isang kalakaran sa pama magitan ng
pagpaplano at paggawa.
Hal: Kailangan gawing parlamentarya ang sistema ng pamahalaan
ng pilipinas.
Ang salitang ‘kailangan’ sa proposisyong ito
nangangahulugan na ang kalikasan ng pangagatwiran ay
nagmumungkah i ng pagbabago.
Tandaan na dapat iwasan ang paggamit ng negatibo o
doble negatibo na pormulasyon.
3. Isyu. Ang isyu ay ang bumubuo ng saligan ng pangangatwiran. Ito ang
mismong puntongpinagtatalunan. Nakasalalay sa paglilinaw ng mga i
syuang paglilinaw sa proposisyon.
Hal: (1) Sinu-sino ba ang mga terorista?
(2)
Makakayanan bang suportahan ng pamahalaan ang gastusin sa gawaing
i to?
(3) Anu
ano magiging epekto sa ekonomiya ng bansakung sakali’t hindi ito mapigil
?
Marapat lamang na ang isyung nabanggit ay sagutinupang ang proposisy
on ay kakatigan o pasusubalian ay mapanindigan. Sa simula pa lamang,
ang mga isyungnakapaligid sa proposisyon ay dapat na malinaw sa
taong nangangatuwiran. Nararapat na ang isyu ay direktangtumutugon sa
propo sisyon ng pangangatuwiran.

4. Katibayan o Ebidensiya. Ito


ay mga kongkretongdetalye na ginagamit upang ang mga isyu ng
proposi yonay tanggapi
bilang katotohanan o hindi katotohanan. Ang ebidensya o patunay ay
maa ri
magmula sa tao, dokumento at mga bagay. Nakapaloob din dito ang
testi monya. (1) ang testimonya ng tao ay mabisa kung ang taong
naturan ay
may direktang karanasan hinggil sa mgaisyu at proposisyon. Maaring ito
a y mula sa testimonya ng mga awtoridad.
Ang mga awtoridad ang siyang may sapatna kaalaman sa mga pin
agtatalunan. Sila ang mgadalubhasang nagsipag
aral tungkol sa mga suliraningtinatalakay o kaya’y ang mga taong may
sa pat at mahabang karanasa
na nagbibigay tibay sa kanilangsalita at kredibilidad upang makunan ng
pa hayag. (2)Dokumento, ito ay mga bagay na nakasulat o nakatitik.
Pakasuri ing mabuti ang awtentisidad o pagkatotoo ng mgadokumento
bago ito ga mitin. Kabilang sa mga dokumentoang mga opisyal na
sertipiko at kopya n g mga batas at mga proklamasyon.

Sa pangagatuwiran, mahalaga ang mga patibay. Mapatutunayan ang


katoto hanan sa pamamagitan ng katibayan o ebidensiya.
Ang mga konklusyon ay hangomula sa katotohanan.

Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga


sumusunod:
1. Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2. Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang
suliraning patunayan.
3. Ipahayag.ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang
kahulugan.
4. Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.

Paghahanda sa isang Pagtatalo

1. Pangangalap ng datos- Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos o

impormasyon ay kinakailangang gagamitin sa pagmamatuwid ay dapat

gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay ng pangyayari buhat sa

paniniwalaan napapanahong aklat o sanggunian.

Dalawang Sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng datos.

• Sariling pagmamasid

• Pagmamasid ng iba o maaring pagmamasid ng isang awtoridad o

dalubhasa sa pagtatalunang paksa.

2. Paggawa ng balangkas- ito ay ang paghahanay ng mga katuwiran.

Mga bahagi sa paggawa ng balangkas:

• Panimula- dito ipinapahayag ang paksa ng pagtatalo, ang

kahalagahan sa kasalukuyan ng paksa, mga kinakailangang

pagbibigay - katuturan ng mga talakay at pagpapahayag ng isyu.

• Katawan- ito ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Sa bahaging

ito ay pipili ng mga tatlo o apat na isyu ang tagapagsalita at ito ay

ilagay sa wastong ayos. Sa bawat isyu ay binubuo naman ng mga

patunay, mga katibayan o mga katuwirang siyang nagpapatotoo sa


patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.

• Wakas-ito ay ang buod ng isyung binibigyang patunay.

3. Pagpapatunay ng mga katuwiran-ito ay pangangalap ng mga

impormasyon na maaaring makapag patunay ng mga katuwirang

ihahayag.

4. Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat- Sa bawat pagtatalo

dapat maayos ang pagpapahayag o daloy ng paksa o isyung

pagtatalunan. Maging kumpiyasando sa mga salitang ipapahayag at

maging mabisang tagapagsalita. Marapat lamang rin na maging maingat

sa mga bibitawang pahayag. Isang pagkakamali ay maaari kang matalo

sa debateng iyong sinalihan.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA MABUTING PAKIKIPAG TALO Ang


kalahok sa isang mabuting pakikipagtalo ay nararapat na isaalang alang ang
pagiging:
1. Maingat sa paggamit ng iba't ibang pamamaraan ng pagsususuri;
2. Masusi sa paghahanay ang mga katibayan o ebidensya;
3. Magkaroon ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga
katuwiran;
4. Maging matalas ang isipan sa paghalata ng maling
pangangatuwiran at mabilis ang pagharap ng ganting
matuwid; 5. May kapinuhan sa kilos at magandang-asal;
6. Mapitagan sa katalo at sa nakikinig; at
7. Nakikipagkasundo hinggil sa paksang tatalakayin na mainam sa
simula pa lamang.

Upang magtagumpay sa pagtatalo o debate Mahabangisaalang-alang ang


mga sumusunod na mungkahi:

1. MANGALAP NG SAPAT NA DATOS O KATIBAYAN.


May iba't ibang paraan para makakuha ng mga datos at ilan dito ay sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
• Pagbabasa ng iba't ibang babasahin.
• Panonood pakikinig ng talakayan sa radyo at telebisyon.
• Pakikipanayam sa mga dalubhasa o
awtoridad sa paksa. Pakikinig sa opinyon ng iba't ibangtao.
• Pagmamasid sa mga pangyayari sa paligid na maaaring makapagbigay
ng paliwanag hinggil isusulong na paninindigan.

May iba't ibang uri ng ebidensya na maaaring ilahad sa pagtatalo. Ito ay


ang mga sumusunod:
Mga Saksi sila ang mga taong magpatotoo sa mga pangyayari. 1. Pangyayari
sa lahat ng ebidensya, ito ang itinuturing na pinakaobhektibo sapagkat ito
ang nagpapakita sa mga katotohanang naganap. 2. Obserbasyon ang
ebidensyang ito ay batay sa mga nasaksihan o nakita, narinig o nadama.
3. Mga opinyon at paniniwala ng mga kilalang tao at awtoridad sa paksa.
4. Dalubhasa sila ang mga taong sumusunod at nagtitimbang sa
kawastuhan at katotohanang inilahad ng mga saksi at ng iba pang mga
katibayan.

2. DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALO AY MAGHANDA


• Pagsasaayos ng mga datos na nakalap
• Sikaping mailahad nang malinaw at maayos
• Paggawa ng balangkas o outline
• Nagtataglay ng kaugnayan, kaisahan, kawastuan, kalinawan, kagandahan
at diin.

3. MAGSANAY
• Pag-aralan ang wastong bigkas ng salita, wastong intonasyon, diin at
damdamin.
• Pag-aralan din ang tamang ekspreson ng mukha, tindig, galaw ng
katawan at kumpas ng mga kamay.
• Paghandaan din ang mga tanong at tuligsa na maaaaring ibato ng
kalabang kopunan.
• May matatag na damdamin at tiwala sa sarili.

DAPAG TANDAAN SA PAGTATALO


1. Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa
isang positibong pahayag.
2. Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig 3.
Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay
nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag.
4. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran at kalaban 5.
Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban.

DAPAT TANDAAN SA PAGTATANONG


1. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
2. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
3. Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanung
4. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang
pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila.
5. Ang mga tanung ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

Kahulugan ng DebatAng debate ay


may estrukturang pagtatalo na kung saanang dalawang panig o pangkat ay nagl
alahad ng magkasalungat na ideya o pangangatwiran ukol sanapagkaisahang
pa ksa. Ang kadalasang paksa sa debate
ay mga kontrobersyal o napapanahong isyu. Ang panig na sumasang ayon sa
paksa ay tinatawag na proposisyon, samantalang ang oposisyon nam an ang
panig nasumasalungat.
Sa isang debate ay maaaring mayroong moderator o
tagapamagitan na siyang nagsisilbing gabay sa kaayusanng daloy ng debate.
Ang tagapamagitan ang nakatalagaupang simulan ang pagtatalo, gabayan ang
mga kalahok, at tapusin ang debate.Bukod dito, kinakailangan din
ng mga hurado upang mapagpasyahan kung sino ang
mas nakakahikayat sa dalawang panig.
Ang mga hurado ay dapat na hindi bias at walang kinikilingan sa dalawangpanig
o pangkat.

Uri ng debate
May dalawang pangunahing uri o klasipikasyon ang isangdebate. Ito ay
ang impormal at pormal na debate.

1. Impormal na debate. Ito ay uri ng debate


kung saan ang mga kalahok ay bibigyan ng tagapangulong isang paksa
n a pagtatalunan.
Ang mga kalahokay binibigyan ng maikling oras upang paghandaanang n
apag-usapang paksa.
Sa debateng ito ang mga nagdedebate ay malayang maghayag ng
kanila ng kaisipan, palagay at kuro kuro tungkol sapaksa. Pagdating sa
panuntu nan, kakaunti lamangang isinasaalang-alang dito.
2. Pormal na debate. Ang mga kalahok ay masusingpinagtatalunan ang isa
ng paksa. Ang pormal nadebate
ay isinasagawa sa itinakdang panahon, araw,
at oras. Pagdating sa panuntunan, maraming dapat isaalang alang ang
kalahok sa debating ito, tulad ng haba ng diskusyon, wastong p aggamit
ng mga salita, at tibay ng mga ebidensya.
Dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa (Rebuttal)
1. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian
sa katuwiran ng kalaban.
2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban. 4.
Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mgabinanggit na katwiran sa
paksang pinagtatalunan.
5. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa
mga alituntunin sa pagtuligsa.
6. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad n
a katuwiran at katibayan.
7. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap.
8. Iwasan ang pagpapahiya sa kausap.
9. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap.
10.Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap.
Mga Tagapagsalita o Speaker
Beneficiality – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung ano
ang mga benepisyongmakukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
Practicability – ibinibigay ng talumpatingtagapagsalita kung bakit possible ba
o praktikal namaisakatuparan ang hinihingi.
Necessity -
ang ibinibigay ng talumpatingtagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon
bilangkailan gan at tunay na solusyon

Ang ilang paksang magagamit sa debate/ pagdedebate o


pagtatalo 1. Nararapat bang gawing legal ang aborsyon saPilipinas?
2. Sang-ayon ka ba na isabatas ang death penalty saPilipinas?
3. Pagsasabatas ng Same Sex Marriage sa Pilipinas.
4. Pagsasabatas ng Divorce Bill sa Pilipinas.
5. Maganda ba ang pamamalakad ng PangulongBenigno “Ninoy” C. Aquino.
6. Sang-ayon kaba na palitan na ang aklat ng tablet sapaaralan? 7. Sino ang
mas nakalalamang ang babae o ang lalaki?
8. Sang-ayon ka ba na magkaroon ng Standard Required School
Uniform sa ating unibersidad?
9. Nararapat bang ibasura ang pasasabatas ng K-12?
10.Facebook: Nakabubuti o nakakasama?

MGA URI NG DEBATE O PAG TATALO


Debateng Oregon-Oxford
- madalas gamiting paraan ng pagtatalo
- binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
- may mga huradong susuri sa mga argument na may sapat na kaalaman sa
paksa.

Ano nga ba ang Debate o Pakikipagtalo ?


- Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa isang
paksa.
- Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa
pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Ano nga ba ang Debate o Pakikipagtalo ?


Debateng Oregon
-Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng
pagmamatwid ngkani-kanilang panig
- Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang
maipakilala ang karupukan ng mg matwid na panig ng katalo
-Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng
pagpapabulaan Bago lalagumin ang mga matwid ng kani-
kanilang panig
- Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o
makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa.
Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )
A.Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mga tuntunin )
B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo
- Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat
na panig tungkol

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater Ang mga


sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging
mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.
1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang dabater
patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang
paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon sapat na panahon upang
mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na
pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa
paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang
ipinahahayag.
2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng
tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga
pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at
lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba
pa.
3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa
mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang
proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga
argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi
ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGTATALO
1. Sa pagsisimula pa lamang ng debate ay sikaping magkaroon ng masusing
pag-aaral at pagsusuri sa pakasang pagtatalunan. Magpangkat at
magpalitangkuro ukol sa paraang gagawin sapaglalakbay sa paksa.
2. Umisip at gumamit ng iba’t -ibang paraanng pagsisiyasat at pagsusuri.
3. Bumalangkas ng maayos organisadong paglalahad ngkatuwiran.4.
Talasan ang isipan sa paghalata sa maling pagmamatutuwid at agapan
ang paghaharap ng ganting matuwid.
4. Iwasan ang pagiging personal. Laging isiping isyu ang pinagtatalunan at
hindi angkarakter o personalidad ng katunggali.
5. Sundin ang alituntunin ng kagandahang-asalat tanggapin nang maluwag
ang anumang kapasyahan ng mga hurado.

MGA TAGAPAGSALITA O SPEAKER


Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga
benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
Practicability – ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba o
praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng
sitwasyon bilang kailanagn at tunay na solusyon
Paraan upang maging magaling na debater.
Nilalaman - kinakailangan , marami kang nalalaman patungkol sa
ipanagtatanggol mo na panig maging ang paksang ibinigay sa iyo. Estilo -
Malaki ang “impact” sa mga manunuod maging sa mga hurado ang husay ng
isang kalahok sa pagsasalita, pagpili sa mga salitang gagamitin , kung angkop
ba to sa pangkalahatang paksa na napagkaisahan.Papasok din dito ang linaw
at lakas ng tinig,kung paano ko tumindig,kumpyansa sa sarili. Kailangan,malayo
pa lang ang kompetisyon, ay naghahanda ka na upang makabigay ng bigat at
patunay sa katotohanan ang iyong ga pahayag. Estratihiya - Mahalaga na
magkaroon ng sarili mong stratihiya sa kompetisyon.Dito makikita ang galling o
sa pagsagot mo sa mga argumento. Mahalaga na mag-usap at mag-plano ng
maigi upang ang babanggiting patotoo o pagbubulaan ng isa ay susuporta at
hindi kontra sa mga sasabihin ng iba.

Easy Activity
I.JUMBLED LETTERS
PANUTO: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong.
TOSKTENG TIOBTAGUMENAR 1.) Ay isang uri ng teksto na ang pangunahing
layunin ay makapaglahad ng katuwiran.
SISTE NA YAGAHAP 2.) Ito ay maituturing na isang pahayag na naglalagom ng
buong teksto.
TAGNPOSRU LADETEY 3.) Sa katawang bahagi ng teksto ay ilalahad ang
mga detalyeng susuporta sa ipinakilalang tesis na pahayag.
NGKLUSKOYON 4.) Ang pagbibigay ng kongklusyon o mga kaisipang nabuo
mula sa mga naunang ipinahayag na detalye
MENKUDOYONTAS 5.) Matibay na ebidensya ang panghahawakan ng
isang manunulat upang makaimpluwensya ng mambabasa.
NOTKRA-GURTOMENA 6.) Sa pagbibigay halaga sa isang
paninindigan, makatutulong sa pagpapatibay ng isang argumento ang
pagpapahina ng paniniwala o paninindigan ng iba.
BATEDE O TAPAGTAOL 7.) Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang
pananaw o opinion sa isang paksa.
FICIANEBETYLI 8.) Ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong
mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
CATIBIPRACLITY 9.) Ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible
ba o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
SSCENEITY 10.) Ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng
sitwasyon bilang kailanagn at tunay na solusyon.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. TEKSTONG ARGUMENTATIBO 6. KONTRA-ARGUMENTO 2. TESIS
NA PAHAYAG 7. DEBATE O PAGTATALO 3. SUPORTANG DETALYE 8.
BENEFICIALITY 4. KONGKLUSYON 9. PRACTICABILITY 5.
DOKUMENTASYON 10. NECESSITY

Pagsasanay: Isulatsa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag aywasto at
salitang MALI kung ang pahayag ay di-wasto
1. Sa pangangatwiran, nararapat na maging malinaw at lohikal, kahitpa ang
layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu
ousapin.
2. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ayobligado
nang panindigan ang kaniyang panig.
3. Sa pagkakaroon ng mahinangebidensya, masisigurado ngmanunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.
4. Sa pagsulat ng panimula maaaring magbahagi ng isangnakakatawang
karanasan, estadistika, balita, palabas sa telebisyon, o pananaw ngisang
mahalagang taong tumatalakay ng parehong paksa.
5. Ang proposiyon ay dapat na may kinikilingan.
6. Ang tanongsa pagtatalo ay dapat nasasagot ng kahit anong sagot 7.
Practicability ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihinging
sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon.
8. Ang Debateng Oregon-Oxford angmadalas gamiting paraan ngpagtatalo.
9. Mahalaga sa pagtatalo ang malinang ang kasanayan sa wasto atmabilis
napagsasalita.
10.Ang pangangalap ng mga datos ang unang hakbang sa paghahanda sa
pagtatalo.

Sagot:
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10.TAMA

Average Activity
Pagkakakilanlan Panuto: Isulat ang wastong sagot sa bawatpatlang bago ang
b ilang.
1. Ito
ay maituturing na isang pahayag na naglalagom ng buong teksto.Ito ay
na glalaman ng puntong nais ipaglabanng manunulat.
2. Detalye.Sa katawang bahagi ng teksto ay ilalahad ang mgadetalyeng sus
uporta sa ipinakilalang tesis na pahayag.
3. Kontra
argumento- Sa pagbibigay halaga sa isangpaninindigan, makatutulong sa
pagpapatibay ng isangargumento ang pagpapahina ng paniniwala o
panin indiganng iba.
4. Maaaring magbahagi ng isang nakakatawang karanasan, estadistika, balit
a, palabas sa telebisyon,
o pananaw ng isang mahalagang taong tumatalakay ng parehong paksa.
5. Sa bahaging ito, ibinubuod ang mga opinyon ng awtor, lalona ang mga pin
akamahalang puntos na nagpapatibay sakaniyang paninindigan. 6. Ang
tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananawo opinion sa isang
paksa.
7. Ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kunganong mga benipisyo
ng makukuha sa proposisyongpinagtatalunan.
8. Ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihinging sitwasyon bilan
g kailanagn at tunay na solusyon.
9. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi.
10.Pagbibigay ng katuturan.
11.Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangangmaipagtanggol ang kaniyan
g posisyon sa paksa o isyungpinag-uusapan.
12.Matibay na ebidensya ang panghahawakan ng isangmanunulat upang ma
kaimpluwensya ng mambabasa.
13.Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dit
to iikot ang buong diskusyon.
14.Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang magingdetalyado, tumpak
at napapanahon ang impormasyon.
15. Bago isulat ang kabuuan ng iyong sanaysay o tekstongargumento, mahal
agang pagpasyahan muna ang iyongpaninindigan o pananaw- kung sang
ayon o hindi saargumentong tinatalakay.

Sagot:
1. Tesis na pahayag
2. Suportang detalye
3. Kontra- argumento
4. Pagsulat ng panimula
5. Pagsulat ng konklusyon
6. Debate o pagtatalo
7. Beneficiality
8. Necessity
9. Debateng Oregon- Oxford
10.Debateng Oxford
11.Argumentatibo
12.Dokumentasyon
13.Mahalaga at napapanahon ang paksa
14.Matibay na ebidensya para sa argumentatibo
15.Pagsulat ng Katawan

II. Pagmumuni-muni
1. Bakit mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sanilalaman?
2. Bakit mahalagang magkaroon ng estilo?
3. Bakit kinakailangang magkaroon ng isang estratehiya?
4. Ano ang kahalagahan ng Debate?
5. Bakit natin ito tinatalakay?
sagutin gamit ang sanaysay ang ibinanggit na tanong.

“Kung kayo
ay mabibigyan ng isang pagkakataong magingisang magdedebate. Ano ang dap
at ninyong gawin?
Difficult Activity
1. Sumulat at bumuo ng dalawang pangkat para magsagawa ng Debateng
Oxford-Oregon. Pumili ng napapanahong paksa at isaalang-alang ang
mga pamantayan sa pakikipagtalo.
2. Gumawa ng maikling pahayag at ipakita ang pagkakaiba ng Pabuod at
Pasaklaw na pangangatwiran. Pumili lamang ng isa
- Maaaring Maging Libangan ng Kabataan
- Ang Bentahe ng Makabagong Teknolohiya
- Ang epekto ng sobrang paggamit ng Gadgets

Sanggunian
Karapantang- ari 2019 Olimpia Publushing House
Crizel Sicat- De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.
Manila, Philippines. REX Book Store.
https://www.slideshare.net/dchuy123/kahulugan-ng-tekstong-
argumentatibo https://www.coursehero.com/file/74698818/DEBATE
2pptx/?fbclid=IwAR1J8bCSWzYmt0-
uKfC65wN8LSofeDhYuCbMEzzAB8gOJSlu_CV9tDeTZ2E
https://brainly.ph/question/1550533?fbclid=IwAR0-r4RL-
_3RyAdynXYZbhqqKKI26S2PIBgh5iSVww-AwDp__XOTl2bSnXE
https://prezi.com/de9rp1_0u-p6/mga-komponent-ng-epektibong-tekstong-naratibo/
https://www.slideshare.net/eves121/debate-ppt
https://www.coursehero.com/file/p1q4qi87/2-Pangangatwirang-Pasaklaw-Deductive
reasoning-Humahango-ito-ng
isang/https://www.scribd.com/doc/77539125/PANGANGATWIRAN
http://delfinomenchie.blogspot.com/2013/02/pangangatwiran.html?
m=1
https://www.academia.edu/23211509/PAGDEDEBATE
https://www.scribd.com/presentation/411692468/Pagtatalo-o-Debate
https://panitikanblog.wordpress.com/2016/05/07/debate-o-
pakikipagtalo

Listahan ng Bawat
Grupo Aran, Dawn Julliana V.
Bituin, Yuki Ai
Delos Santos, Julliana Lorraine L.
Lirio, Michael Earvin
Munar, Michaella Ann L.
Quijano, Chrishelle Joy
Tuaño, Alyza Silver
Turado, Monica
San Gabriel, Charles Andrei
Valderama, Angel Gwyneth
O.

You might also like