You are on page 1of 30

REVIEWER IN AP10

LIPUNAN
ay tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Istrukturang Panlipunan
Institusyon - ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan.
Social Group - tumutukoy ang sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.
Status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status.
Gampanin (Roles) - tumutukoy ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal.
Status
ay tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang indibiduwal sa
lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan ng
ating status.
Dalawang Uri ng Status:

Ascribed Status - Nakatalaga sa isang indibiduwal


simula nang siya ay ipinanganak. Hindi ito
kontrolado ng isang indibiduwal. Halimbawa:
Kasarian
Achieved Status - Nakatalaga sa isang indibiduwal
sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. Maaaring
mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang
achieved status. Halimbawa: Pagiging isang Guro
Isyung Personal vs. Isyung
Panlipunan
Isyung personal - ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng
isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa
isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

Isyung panlipunan - ay isang pampublikong bagay.


Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na
nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan
sa kabuuan.
Sociological Imagination
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang
malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng
mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological
Imagination.
Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at
nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.

Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay


maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga
batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan
at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng
pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas
na ito ay may kaukulang kaparusahan.
R.A. 9003
Republic Act
Ipinatupad ng pamahalaan ang
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste
Management Act of 2000 upang magkaroon ng
legal na batayan sa ibat ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette,
2000).
Ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste
Management ng 2016, sa Metro Manila
nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa
Pilipinas
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang
tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw.
Ayon sa Food and Agriculuture
Organization ng United Nations, ang
deforestation ay tumutukoy sa
matagalan o permanenteng pagkasira
ng kagubatan dulot ng ibat ibang
gawain ng tao o ng mga natural
kalamidad (FAO, 2010).
Pinakamalaking uri ng
tinatapong basura ay iyong
tinatawag na bio-degradable
na may 52.31% (National Solid
Waste Management Status
Report,2015).
Electronic waste o e-waste (laptop,
computer at cellular phone )
Ito ay nagdudulot ng panganib dahil
pinagmumulan ito ng mga delikadong
kemikal tulad ng lead, cadmium, barium,
mercury, at polyvinyl chloride na
nakalalason ng lupa at maging ng
tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
NGOs na sumusuporta upang mabawasan ang
suliranin sa solid waste sa Pilipinas

Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo


ng MRF sa mga barangay.
Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga
programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion,
Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa
Pasig, at Trees for Life Philippines (Kimpo, 2008).
Bantay Kalikasan paggamit ng media upang
mamulat ang mga mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa
Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
Greenpeace naglalayong baguhin ang kaugalian at
pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
Ang Disaster Management
Ito ay isang dinamikong proseso na
sumasakop sa sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.

Ang pagiging ligtas ng isang komunidad


sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na disaster
management.
Ang Disaster Management
Malinaw na sinasabi na hindi lamang
nakasalalay sa kamay ng
pamahalaan ang pagbabalangkas
ng disaster management plan.
Kabilang din dito ang mga
mamamayan at ang pampribado
at pampublikong sektor.
DISASTER vs. VULNERABILITY
Disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya. Maaaring
ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at
pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng
digmaan at polusyon.
Vulnerability tumutukoy sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.
Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na
gawa sa hindi matibay na materyales.
Hazard ay tumutukoy sa mga banta na
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.

1. Natural Hazard tumutukoy sa mga hazard na


dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang
bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms,
storm surge, at landslide.
2. Anthropogenic Hazard o Human-Induced
Hazard tumutukoy sa mga hazard na bunga ng
mga gawain ng tao. Halimbawa nito ay
terorismo.
Temporal na Katangian ng Hazard
Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard
ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung
taon o kaya ay biglaan lamang.
Duration - Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng
pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force - Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig
tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog,
flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at
lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan;
seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict
gaya ng digmaang sibil, rebelyon, atbp
CBDRM
Ang Community Based Disaster
and Risk Management (CBDRM) ay
isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa
pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari nilang
maranasan. Isinasagawa ito upang maging
handa ang komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
CBDRM APPROACHES
1. Top-down Approach - Ito ay isang sitwasyon
kung saan ang lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa
mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng
pamahalaan.
2. Bottom-up Approach - Ito naman ay isang
sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa
pinakamababang posisyon gaya ng Kapitan,
Mayor, atbp.
Top-down Approach
Binigyang-diin nina Shesh at
Zubair (2006) na hindi natutugunan ng
top-down approach ang mga
pangangailangan ng pamayanan at
napababayaan ang mga mamamayang
may mataas na posibilidad na makaranas
ng malubhang epekto ng kalamidad.
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework
Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing
layunin:
1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay
dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng ibat ibang kalamidad; at
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng ibat ibang kalamidad at hazard.
Bahagi ng Disaster Management Plan

Disaster Prevention and Mitigation - Ito ay tumutukoy sa mga


hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
sakuna o hazard at kalamidad.
Disaster Preparedness - bahagi ng disaster management plan
na tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na
harapin ang ibat ibang suliraning pangkapaligiran.
Disaster Response - tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin
bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard.
Disaster Rehabilitation and Recovery tumutukoy sa
pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon,
suplay ng tubig at kuryente at pagkukumpuni ng bahay
Dalawang Uri ng Mitigation
1. Structural Mitigation - tumutukoy sa paghahandang
ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang komunidad
upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng
hazard. Halimbawa: paggawa ng dike upang mapigilan
ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagtatayo ng
earthquake-proof buildings, at pagsisisguro na may fire
exit ang mga ipinatatayong gusali.
2. Non Structural Mitigation - tumutukoy sa mga
ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng
hazard. Halimbawa: pagbuo ng disaster management
plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa
ng mga ordinasa at batas, information dissemination, at
hazard assessment.
Bahagi ng Unang Yugto ng
Community- Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
Hazard Assessment
Vulnerability Assessment
Capacity Assessment
Risk Assessment
DepEd Order no 55, s.2007
Ito ay ang kautusan ng Kagawaran
ng Edukasyon na nagtatakda sa
paggamit at pagbuo ng ng konsepto ng
risk reduction management sa mga
pampublikong paaralan.
Mga Layunin na nakapaloob sa Ikalawang
Yugto ng DRRM Plan o ng Disaster
Preparedness
1. To inform magbigay kaalaman tungkol sa mga
hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng
komunidad.
2. To advise magbigay ng impormasyon tungkol
sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda,
at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. to instruct magbigay ng mga hakbang na dapat
gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga
opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay
mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk
assessment:
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy,
pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang
pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon
sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan
ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang
maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya,
programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang
komunidad sa pagharap sa ibat ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng
plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa
pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala
ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng
prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
Isinasagawa ang Community Based
Disaster and Risk Management:
1. Upang maging handa ang komunidad at upang
maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
2. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian
kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
3. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga
suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang
lahat ng sektor ay may organisadong plano.

You might also like