You are on page 1of 5

Kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan

Walong letra lamang ang salitang KALAYAAN ngunit itoy napakahalagang kataga sa bawat Pinoy.
Marahil ito ang naging daan para umunlad ang ating bansa at makamit ang ating mga pangarap na
inaasam-asam.

Ngayong Hunyo 12, nakatakda ang ika -114 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na maituturing na
pinakamahalagang petsa sa kasaysayan sapagkat marka ito ng pagkamit ng kalayaan ng bansa mula sa
mga Espanyol na nagkait sa atin ng pag-asa noong Hunyo 12, 1898.

Kung ating matatandaan, ang dating presidente ng Pilipinas na si Emilio F. Aguinaldo ang nakipaglaban
upang maihayag ang kalayaan ng mga Pilipino na siyang naging hudyat ng paglayag ng ating bandila
bilang simbolo ng pagkakaisa at kaginhawaan ng mga mamamayan.

Kung wala ito, maaring ang mga taoy hindi nagkakaisa ngayon datapwat, itoy isinasagawa taon-taon
para sa kaalaman ng milyon-milyong tao na itoy mahalagang kasangkapan para sa pag-abot ng
kapayapaan.

Itoy bilang tugon din sa Proclamation 295 na nilagdaan ng Pangulong Benigno S. Aquino III na kung saan
naghahayag ng regular na Holidays, Special Non-Working Holidays, at Special Holidays sa mga paaralan
ngayong taong 2012.

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE, lahat ng manggagawang Pinoy ay


makakakuha pa rin ng isangdaang porsiyentong sahod sa araw na yaon bagamat sa mga mag-oovertime
na magtrabaho sa Hunyo 12 ay makakapagkamit ng double pay sa naturang araw.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang aktibidad,sapagkat ilan sa mga opisyal at kawani ng mga lokal na
pamahalaan sa buong bansa tulad na lamang ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando at
Provincial Government ng La Union ay magsasagawa ng simpleng programa tulad na lamang ng
pagtataas ng watawat at pag-aanyaya ng tagapagsalita partikular na ang Direktor ng Department of
Interior and Local Government na si Corazon Guray, bilang paggunita.

Magiging tampok din sa selebrasyon ang pagpaparada ng mga kapulisan at military sa Maynila na
pangungunahan ng pangulo na siyang masusundan ng talumpati at dalawamput-isang gun salute,ayon
sa ulat.

Para sa ilang Pinoy, lalong-lalo na ang mga namamasada ng mga bus, jeep o tricycle, manggawa sa ibang
bansa o ibayong dagat, magiging ordinaryong araw lamang ito dahil patuloy pa rin sila sa
pakikipagsapalaran para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit, sa darating na Hunyo 12 at susunud na araw, kahit hindi magiging kapansin-pansin ito,
magsisilbing hamon ito sa bawat Pilipinoy na kailangang magtulungan kahit pa may kaguluhan sa ibang
panig ng bansa at pati sa ibang bansang walang katiyakan.
Problema man ang sumapit sa atin, tulad ni Aguinaldo kailangan nating maging matapang para sa
pagtamo ng kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan ng Pilipinas. (ANL/MHH-PIA 1 La Union may
kaakibat na ulat mula sa http://www.timeanddate.com)
1st Place

Pagsulat ng Balitang Isports

Regional Schools Press Conference 2010

Butuan City School of Arts and Trade

Butuan City

Ivy Charett Q. Madrista

ADSCO

Seniors hinampas ang Juniors, 3-0

Hinampas ng Seniors (Unit 4) ang Juniors (Unit 3) gamit ang sidespin ng lefthanded na si Garzon Gavine
at drivespin ng righthanded na si Eden Mae Gabelan sa kanilang Intramural Meet ng Table Tennis (3 out
of 5 win Mix Double Category) na ginanap sa Butuan City Schools of Arts and Trade kanina, sa dako ng
alas dyes ng umaga, kasabay ang makulimlim ngunit mainit na panahon.

Ipinamalas ng bawat koponan ang kanila- kanilang opensa ngunit namayagpag ang Seniors nang
bumulusok ang nagliliyab na drivespin ni Eden Mae Gabelan at sinundan ng rolling ni Garzon Gavine,
kung saan nahirapang ibalik ito ng kalaban sa kanila sa unang set ng laro, 11- 2.

Kinontrol na ng Seniors ang laro at hindi na hinayaang makaporma pa ang Juniors nang ipinakita ni Eden
ang kanyang naglalagablab na block. Ipinalasap din ni Garzon ang kanyang nakamamanghang backhand
chop na talaga namang nahirapan ang Juniors na ibalik ang bola sa kanila, dahilan kaya sila nagningning
sa ikalawang set ng laro, 11- 6.

Di maiguhit ang mukha ng mga manonood dahil sa sabik na nararamdaman kung ano ang
kahahantunang ng laro. Mas itinutok nila ang kanilang mga mata sa laro lalo na sa pangatlong set.

Ibinuhos na ni Nathan Rey Laag at Jeaurine Robles ng Juniors ang buong lakas ng kanilang kamay pang-
opensa upang manalo ngunit hindi ito sapat para mangibabaw.

Tuyluyang inilugmok ng nagbabagang seniors ang naghihikaos na juniors gamit ang nakamamanghang
sidespin ni Garzon at sinundan ng drivespin ni Eden sa pangatlong set ng laro dahilan kaya nila nakamit
ang tugatog ng tagumpay, 11- 6.

Mas labaw among experience kay 4th year nami unya sila 3rd year pa. kulang pa sila sa practice ug
technique, bulalas ni Eden Gabela. #
1st Place

Pagsulat ng Balitang Isports

Divisional Schools Press Conference 2010

Trento National High School

Trento, Agusan del Sur

Ivy Charett Q. Madrista

ADSCO

Lizards sinupalpal ang Phoenix, 2-1

Gilbert Madidis, umarangkada

Sinupalpal ni Gilbert Madidis ng nagliliyab na Lizards ang naghihikaos na Phoenix gamit ang kanyang
bumubulusok na ispyk sa kanilang pang- eksibisyong laro ng balibol (15-10, 11-15, 15-6) na ginanap sa
parihabang kurto ng balibol ng Trento National High School, kanina, sa dako ng alas tres ng hapon,
kasabay ang makulimlim at umaambong panahon.

Ipinalasap ng bawat koponan ang hagupit ng kani- kanilang opensa sa kabila ng maginaw na panahon.
Ngunit mas namayagpag ang Lizards nang ipinamalas nila ang kombinasyon ng nagbabagang tos ni Ken
Beldeniza at sumisiklab na wallop ni Anthony Salili sa unang set ng laro, 15-10.

Perminte jud siguro ni sila gapraktis kay maayo man jud sila mangduwa, sambit ni Honyve isang
manood habang kasalukuyang naglalaro ang mga manlalaro sa unang set.

Kumayod na parang Marinoi ang Phoenix upang malamangan ang Lizards at hindi naman sila nagkamali.
Gamit ang matitinding ispyk ni Jezrel Plaza at naglalagablab na blak ni Neil Kens Malimbag nakuha nilang
makaungos sa kalaban sa ikalawang set ng laro, 15-11.

Nalilito ang mukha ng mga manonood kung sino nga talaga ang mananalo sa dalawang malalakas na
team at kahit pa nagpakita ng pangit na emosyon ang langit, hinintay nilang matapos ang
nakakamanghang laro ng bawat koponan sa huling set ng laro.

Pinataob na ng tuluyan ng Lizards at hindi na pinaporma pa ang Phoenix nang ipinamalas nila ang sunod-
sunod nilang tos at wallop na atake na tila sila ang nagpainit sa buong paligid.

Parang basing sisiw kung maituturing ang Phoenix ng hindi nila maibalik sa Lizards ang bawat ispyk na
inialay ni Gilbert Madidis dahilan kaya nila nakuha ang tugatog ng tagumpay, 15-6.

Naa man jud me cooperation, determination ug teamwork mao nadaog me, bulalas ni Gilbert Madidis.
#

You might also like