You are on page 1of 3

Seniors hinampas ang Juniors, 3-0

1st Place
Pagsulat ng Balitang Isports
Regional Schools Press Conference 2010
Butuan City School of Arts and Trade
Butuan City

Ivy Charett Q. Madrista


ADSCO

BUTUAN CITY- Hinampas ng Seniors (Unit 4) ang Juniors (Unit 3) gamit ang sidespin ng lefthanded na si Garzon
Gavine at drivespin ng righthanded na si Eden Mae Gabelan sa kanilang Intramural Meet ng Table Tennis (3 out of
5 win Mix Double Category) na ginanap sa Butuan City Schools of Arts and Trade kanina, sa dako ng alas dyes ng
umaga, kasabay ang makulimlim ngunit mainit na panahon.

Ipinamalas ng bawat koponan ang kanila- kanilang opensa ngunit namayagpag ang Seniors nang bumulusok ang
nagliliyab na drivespin ni Eden Mae Gabelan at sinundan ng rolling ni Garzon Gavine, kung saan nahirapang ibalik
ito ng kalaban sa kanila sa unang set ng laro, 11- 2.

Kinontrol na ng Seniors ang laro at hindi na hinayaang makaporma pa ang Juniors nang ipinakita ni Eden ang
kanyang naglalagablab na block. Ipinalasap din ni Garzon ang kanyang nakamamanghang backhand chop na
talaga namang nahirapan ang Juniors na ibalik ang bola sa kanila, dahilan kaya sila nagningning sa ikalawang set
ng laro, 11- 6.

Di maiguhit ang mukha ng mga manonood dahil sa sabik na nararamdaman kung ano ang kahahantunang ng laro.
Mas itinutok nila ang kanilang mga mata sa laro lalo na sa pangatlong set.

Ibinuhos na ni Nathan Rey Laag at Jeaurine Robles ng Juniors ang buong lakas ng kanilang kamay pang- opensa
upang manalo ngunit hindi ito sapat para mangibabaw.

Tuyluyang inilugmok ng nagbabagang seniors ang naghihikaos na juniors gamit ang nakamamanghang sidespin ni
Garzon at sinundan ng drivespin ni Eden sa pangatlong set ng laro dahilan kaya nila nakamit ang tugatog ng
tagumpay, 11- 6.

“Mas labaw among experience kay 4th year nami unya sila 3rd year pa. kulang pa sila sa practice ug technique,”
bulalas ni Eden Gabela. #
1st Place
Pagsulat ng Balitang Isports
Divisional Schools Press Conference 2010
Trento National High School
Trento, Agusan del Sur

Ivy Charett Q. Madrista


ADSCO

Lizards sinupalpal ang Phoenix, 2-1


Gilbert Madidis, umarangkada
TRENTO, AGUSAN DEL SUR- Sinupalpal ni Gilbert Madidis ng nagliliyab na Lizards ang naghihikaos na Phoenix
gamit ang kanyang bumubulusok na ispyk sa kanilang pang- eksibisyong laro ng balibol (15-10, 11-15, 15-6) na
ginanap sa parihabang kurto ng balibol ng Trento National High School, kanina, sa dako ng alas tres ng hapon,
kasabay ang makulimlim at umaambong panahon.

Ipinalasap ng bawat koponan ang hagupit ng kani- kanilang opensa sa kabila ng maginaw na panahon. Ngunit mas
namayagpag ang Lizards nang ipinamalas nila ang kombinasyon ng nagbabagang tos ni Ken Beldeniza at
sumisiklab na wallop ni Anthony Salili sa unang set ng laro, 15-10.

“Perminte jud siguro ni sila gapraktis kay maayo man jud sila mangduwa,” sambit ni Honyve isang manood habang
kasalukuyang naglalaro ang mga manlalaro sa unang set.

Kumayod na parang Marinoi ang Phoenix upang malamangan ang Lizards at hindi naman sila nagkamali. Gamit
ang matitinding ispyk ni Jezrel Plaza at naglalagablab na blak ni Neil Kens Malimbag nakuha nilang makaungos sa
kalaban sa ikalawang set ng laro, 15-11.

Nalilito ang mukha ng mga manonood kung sino nga talaga ang mananalo sa dalawang malalakas na team at kahit
pa nagpakita ng pangit na emosyon ang langit, hinintay nilang matapos ang nakakamanghang laro ng bawat
koponan sa huling set ng laro.

Pinataob na ng tuluyan ng Lizards at hindi na pinaporma pa ang Phoenix nang ipinamalas nila ang sunod- sunod
nilang tos at wallop na atake na tila sila ang nagpainit sa buong paligid.

Parang basing sisiw kung maituturing ang Phoenix ng hindi nila maibalik sa Lizards ang bawat ispyk na inialay ni
Gilbert Madidis dahilan kaya nila nakuha ang tugatog ng tagumpay, 15-6.

“Naa man jud me cooperation, determination ug teamwork mao nadaog me,” bulalas ni Gilbert Madidis. #
NBA free agency gumulong na
SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency
season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata.

Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David
West.

Pumirma ng tatlong taon si Livingston para sa US$24 mil-yon, si West naman ay sa one-year veteran minimum habang si
Iguodala ay sa tatlong taon para sa US$48 milyon.

Hindi aalis si Blake Griffin sa Los Angeles Clippers kahit nasa Houston Rockets na ang kanyang kasanggang si Chris
Paul matapos siyang pumirma ng 5-taong kontrata sa US$1783 milyon.

Lilipat patungong si Minnesota si Jeff Teague mula Indiana para sa tatlong taon at US$57 milyon, si JJ Redick ay wala sa
Clippers at patungo sa Philadelpia para sa isang taon at US$23 milyon.

Pumayag si two-time NBA MVP Steph Curry sa super maximum offer ng Golden State na US$201 milyon para sa limang
taon. Sixer na sina Amir Johnson sa isang taon at US$11 milyon habang nanatili sa New Orleans si Jrue Holiday para sa
limang taon, US$126 milyon.

You might also like