Professional Documents
Culture Documents
Aulene Sports Badminton Article
Aulene Sports Badminton Article
KOPONAN
Sa unang parte ng laro, kitang kita ang determinasyon ng TNTS Smashers na makuha ang panalo sa
bawat kalaban na kanilang nakakaharap, parehong naghahangad na mapanatili ang kanilang puwesto sa
semi-finals. Ang koponan ay hindi manlang nakitaan ng takot sa hamon at sa halip ay nagbigay ng isang
kamangha-manghang laro at nilampaso ang kanilang mga kalaban sa isang kumbinsing tagumpay na 3-0.
Sa pangunguna ng kanilang coach na si Aldrich Anthony Nardo at Claire Veron Mojica, nagawang
masungkit ng koponan ang gintong pwesto patungo sa division meet na inanunsyong gaganapin sa Cvsu
Indang ngayong paparating na pebrero. Ani ng koponan, "Ang tagumpay na ito ay isang patunay sa
masigasig na trabaho at dedikasyon ng bawat miyembro ng TNTS Smashers. Kami'y nag-training nang
walang kapantay, at napakabuting makita na ang aming mga pagsusumikap ay nagbunga sa court. Ang
tagumpay na ito ay hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng aming mga tagasuporta na
sumuporta sa amin sa bawat hakbang ng aming paglalakbay".