You are on page 1of 2

SILVER AWARD,NASUNGKIT NG

SCHS SA
LARONG PANLALAWIGAN

Ang mga manlalaro ng Sepak Takraw mula sa Sta.Clara High School ay


sumabak sa Provincial Meet 2023 at nasungkit ang Silver Medal na ginanap sa
Clisoc Field,Bayombong,Nueva Vizcaya noong Marso 03-05 2023.
Ang koponan ng SCHS ay kinabibilangan ng 12 manlalaro na siyang
nagwagi sa katatapos lamang na Municipal Meet 2023 at ipinadala ng
Munisipalidad ng Aritao upang makilahok sa nasabing paligsahan.
Sinamahan sila ng SCHS Sports Coordinator na si Sir Jeric Jay
Fontanilla,Coach na si Sir Jastine Gerald Descalzo,Sir Joefranco Jimenez at SCHS
Principal na si Gng.Marites M. Villamor.
‘’Winner takes all.’’,ito ang naging basehan ng mga tagapangasiwa ng
nasabing palaro sa pagpili ng mga nagwaging koponan.Kung saan,15 koponan
mula sa 15 munisipalidad ng Nueva Vizcaya.
Ginulantang ng SCHS players ang kanilang mga kalaban dahil sa kanilang
ipinamalas na talento.Nagkamit ng dalawang panalo ang Aritao kontra sa
Bayombong at Bambang bagama’t hindi naman sila pinalad na manalo laban sa
Solano.Sa kabuuan,nakakuha ng dalawang panalo at isang pagkatalo ang Aritao sa
mga naganap na bakbakan.
‘’They were all excited to show their talents.’’,ang sabi ni Gng.Marites
M.Villamor,punongguro ng SCHS na tinutukoy ang mga mag-aaral na napili sa
palaro.Ayon sa kaniya,naging maayos naman ang preparasiyon at pagsasagawa ng
paligsahan.
Ayon pa kay Sir Jastine Descalzo,coach ng sepak takraw,’’Nag-enjoy
naman ang mga manlalaro at nagkaroon silang ng mga bagong
kaibigan.’’.Binanggit din niya ang pagmamaliit ng ibang koponan sa mga SCHS
players ngunit napatunayan nila ang kanilang kahusayan sa ipinamalas nilang
dedikasyon sa paglalaro.
Hindi man sila pinalad na maiuwi ang inaasam na gintong medalya,ngunit
plano nilang bumawi sa susunod pang Provincial Meet.Hindi pa ito ang huli nilang
laban at alam nilang mas marami pang bahagdan ng pagsubok ang kailangang
lakarin bilang isang matagumpay na manlalaro.

You might also like