You are on page 1of 2

Pride ng Mindoro, CSB Captain Mondoniedo

Ang Kapitana ng isang back to back champion team ay isang Mindorena!

Sinong mag-aakala na ang dating musmos na mag-aaral na nangarap lang na makapaglaro ng


volleyball ay ngayon ay tinitingala at kinikilala na bilang isang rising athlete sa bansa?

Hindi nga natin masasabi ang takbo ng buhay ng isang tao. Katulad ng bola, ito ay bilog at
patuloy na umiikot sa anumang hampas at laro ng buhay. Magmula nang makakitaan ng angking
katangkaran ang batang ito, agad namng nagpamalas ng pagpupursige at determinasyon na maglaro ng
volleyball sa tulong ng kanyang magulang na may anking kagalingan sa larong ito.

Lalong nagpatuloy at higit na nahasa ang kanyang galling nang siya ay tumuntong sa sekondarya
sa paaralang Sacred Heart Academy kung saan ay matagumpay niyang naipapanalo at nabibigyan ng
karalangalan ang paaralan sa GLOSSAA Meet hanggang sa MIMAROPARAA meet.

Taglay ang magintong karanasan mula sa paligsahan sa probinsya, nagdesisyon siyang suungin at
harapin ang panibagong hamon ng laro sa Kamaynilaan.

Tunay ngang siya ay may angking kagalingan dahil magmula nang siya ay pumasok at nagging
miyembro ng College of St. Benilde ay tinamo nitong muli ang Kampyonato na matagal na ring inaasam
ng kanilang pamantasan.

Sa ngayon ay isang history ang muli nilang naiukit bilang isang back to back champion at back to
back sweepers sa dalawang magkakasunod na seasons.

Nawala man sa laro ang kanilang team captain na si Micah Go dahil sa injury, nandyan naman
ang Mindoro’s Pride and MVP na siyang panibagong Team Captain at main setter ng CSB.

Siya si Cloanne Mondoniedo; tatak Mindoro at ating bagong idolo!

Korona sa District Meet naidepensa; MNHS Netters nanlampaso


Inilampaso ng Malamig National High School Netters ang mga paaralan sa Gloria District
matapos itong kumamada nang halos kalahating porsyentong kalamangang iskor sa bawat laro upang
maidepensa nito ang korona sa ginanap na 2023 District Meet sa PDMMNHS, Marso 4.

Binalikat ng mga SHS MNHS players na sina John Clark Ada at Jakedhen Zoleta ang panalo
katuwang ang pambato ng JHS na si John Arthur Mamitag upang depensahan ang kanilang titulo sa
nasabing annual meet.

Dalawang minuto ang nalalabi sa unang yugto nang huling magdikit ang labanan sa 30-18 pabor
sa MNHS, bago tinapos nito ang unang yugto sa 34-22 kalamangan. Ngunit, umarya ang MNHS
pagdating ng ikalawang yugto kung saan tumakbo sila ng 36-11 run upang iwanan ang kalaban at itala
ang pinakamalaking kalamangan sa 68-35 bago magsimula ang third quarter.

Nagpaulan ng tres si Gonzales sa nasabing yugto na siyang nagbigay sa kanya ng 15 puntos


habang nagambag ng kanyang 17 puntos si Oracion at may 14 puntos si Duenas.

Pagsapit ng ikatlong yugto sinubukan ng Bulhigh Cagers na guluhin ang depensa ng MNHS kung
saan ginamit nila ang tibay sa pagsaksak sa loob ng mga pambato nito na sina John Cosme na may 22
puntos at Vince Atienza na tumipa naman ng 17 puntos para sa kanyang koponan, ngunit hindi ito sapat
upang habulin ang malaking kalamangn na itinala ng kalaban.

“Masaya at napanatili pa rin naming ang Korona ng Basketball sa Malamig. Back to Back
Championship win ito sa amin at Road to Unit Meet na kami!” pahayag ni Coach Elmar Hernandez
pagkatapos ng laro.
Gloria Eagles dinagit ang kampyeonato kontra Victoria Warriors sa Unit Meet 2023, 2-0; CHE lilipad
tungo sa Provincial Meet

Wagi ang koponan ng Sepak Takraw na Gloria Eagles sa score na 11-21 at 10-21 matapos pataubin ang
Victoria Warrios sa naganap na Unit Meet 2023 Sepaktakraw Women’s Division sa bayan ng Socorro,
Mayo 4.

Sa unang set pa lamang, ipinamalas na kaagad ng team Eagles ang kanilang bentahe ang tangkad at
diskarte sa court hanggang makuha ang score na 21 – 11 kontra Warriors.

Pagpasok ng second set, kaagad namang rumatsada ang Eagles sa pangunguna ni Dela Cerna at
nilamangan ang Warriors ng 11 – 2.

Pilit pang nais bumawi ang Victoria Warriors ngunit kinulang na ito, dahil sa mga ilang service errors na
nagawa at malalakas na sipa ng Eagles na pang sagot.

Dinomina ng mga manlalaro ng Gloria ang laro na nagtapos ang second set sa score na 21-10.

Ang mga nagwaging manlalaro ay aabante at magiging deligado ng UNIT 3 para sa nalalapit na Provincial
Meet.

Naitala ang 21-8 para sa unang set ng laro at 21-11 sa pangalawang set, dahilan upang mapasakamay ng
Cool High Eagles ang kampeonato.

Binubuo ang koponan nina Justine Manzano, Kirby Santos, Mike John Castro, Benedick Torres, Ashley
Andrei Taruc, Jeremy Gatchalian, Dexter Flores, Ashley Quiroz, Aljohn Cunanan, Earl Yuan Yumul,
Ardriane Luminous at Luke Manuyag na nangaling sa San Luis National High School.

Naging matagumpay ang pagdagit ng kampeonato sa tulong ng kanilang tagapagsanay na si Ronald


Manzano at gurong tagapagsanay na si Shayne Delos Reyes.

Ipinaabot naman ng pununggurong si Maribeth S. Santos, head teacher ng MAPEH na si Maximo P.


Manaloto at sports coordinator na Elizer S. Abad ang kanilang pasasalamat sa mga sumuporta sa mga
atleta ng SLNHS.

Samantala, muling ibabandera ng Pampanga Eagles ang Central Luzon sa Palarong Pambansa nitong
Hulyo.

You might also like