You are on page 1of 1

Bansud Delta Force, ginapi ang Bulalacao Stars 3-2;

Cuarto, nasungkit ang Tropeyo

Isang humahagibis na palo ang pinakawalan ni Jhon Cuarto Coloma mula sa Bansud Delta Force
(BDF) ang syang gumapi sa pag-asa ng Bulalacao Stars(B-Star) sa championship game ng 2 nd District
Intertown Volleyball League na ginanap sa Punzalan Gym Pinamalayan Oriental Mindoro, sa
pangunguna nina Congressman PA Umali at Mayor Aris Baldos, alas dos ng hapon, Hulyo 25.
Unang set pa lamang ng bakbakan ay agad nang nagpamalas ng galing si Camo ng Bulalacao
Stars matapos magkamada ng sunod-sunod na puntos sa pamamagitan ng kanyang mga bumubulusok na
palo patungo sa kalaban. Malaking depensa naman ang ipinakita ni Cuarto upang pantayan ang bagsik ng
kabilang koponan, subalit hindi na hinayaan pa ni Monton na maagaw sa kanila ang unang set na naging
dahilan upang makuha ng Bulalacao Stars ang set 1, 24-26.
Sa pagpasok ng ikalawang set, kapansin-pansin ang determinasyon ng mga manlalaro ng B-Stars.
Mabilis na nagpaulan ng spike si Troy sa BDF na sya namang tinumbasan ng kakaibang opensa nina Max
at Joko, ngunit hindi na nagpatinag pa si Jun ng B-Stars isang set ang kanyang pinakawalan na sya
namang inaksyunan ng nag-aapoy na palo ni Rene na naging dahilan upang muling maangkin ang laban,
23-25.
Sa muling pagbubukas ng laban para sa 3rd set, tila hindi nawawalan ng pag-asa ang mga mata ng
mga manlalaro mula sa Bansud Delta Force. Agad na pinatunayan ito ni Cuarto sa pamamagitan ng
mabibigat na hampas sa bola at mga nakalilitong estratehiya sa tulong ng liberong si Manalo na naging
dahilan upang mabilis maungusan ang kabilang koponan at makuha nila ang ikatlong set, 25-20.
Tila unti-unting nabuhayan ang BDF sa pag-arangkada ng ikaapat na laban, nagpaunlak ng
magkakasunod na palo si Troy na agad namang pinantayan ng lakas sa pagharang ni Joko. Tila parehong
ayaw magpatinag ng dalawang koponan, kaya naman mala-kidlat sa bilis na pag-atake ang syang
pinakawalan ni Camo patungo sa kalaban, subalit dalawang humahaginit na blocked at spike mula kina
Cuarto at Coloma ang nakapagpatapos sa laro, 27-25.
Halos mapuno ng nakabibinging hiyawan at sigawan ang buong gymnasium mula sa mga
manunuod upang magbigay ng suporta sa at motibasyon sa kani-kanilang koponan. Inilatag ni coach
Darius Rodas ng Bansud Delta Force ang malupitang diskarte upang masungkit ng kanyang team ang
pagkapanalo.
Sa huling set ng laban, kakikitaan ng matinding determinasyon ang bawat isa na makamit ang
kanilang inaasam. Nagpamalas ng kakaibang bagsik sa pagsalo ng bola sina Coloma at Manalo na agad
namang inopensahan nina Malapitan at Camo, ngunit isang nakagigimbal na spike mula kay Cuarto ang
nagbigay tuldok sa laban, 15-8.
“It’s a miracle third set. My boys are well motivated to taste their sweet-revenge victory over
BStar”, ani Coach Rodas sa aming interbyu matapos ang laro.

You might also like