You are on page 1of 1

YELLOW TIGERS, PINADAPA ANG BLACK

PHANTERS SA INTRAMURALS VOLLEYBALL


FINALS
Ginulantang ng Grade-10 Yellow Tigers ang koponan ng Grade-12 Black Phanters upang mapasakamay
ang tagumpay, 2-0, sa Intramurals Volleyball Boys Finals na ginanap sa Cabanbanan National High School
noong ika-30 ng Nobyembre, 2023.

Inakay ng tambalang Ashley Maqueda-Nonie Veloria ang Grade-10 Yellow Tigers matapos makapagtala ng
hindi bababa sa 18 puntos sapat upang sukbitin ang 25-23, 25-14, dominasyon at masungkit ang kampeonato
sa huling laro ng torneyo.

Hindi nagpatinag ang Yellow tigers at pinanatili ang matinding depensa sa kabuuan ng bakbakan na naging
mitsa nang pagkalugmok ng Black phanters sa unang set.

Ang pagkakaroon ng maayos na koneksyon ng setter na si Rhys Jonie Aquino at opposite hitter na si Nonie
Veloria ay naging banta rin sa Black phanters, dahilan upang makuha ang unang pagkapanalo sa score na 25-
23.

Hindi hinayaan ng tambalang Aquino at Veloria mawala ang kanilang momentum sa pagbubukas ng ikalawang
set dahilan upang makuha ang kalamangan, 5-1.

Hindi pinanghinaan ng loob ang Black phanters at nagpakita rin ng mga iba’t-ibang klase ng plays at
nakapagtala ng apat na magkakasunod na puntos upang itabla ang score, 5-5.

Naunsiyami ang momentum ng Black phanters matapos magpakitang-gilas si Nonie Veloria at nagpakawala ng
isang power spike at makalamang sa katunggali, 6-5.

Dahil dito, hindi na sinayang ng Yellow tigers ang pagkakataong makakuha muli ng momentum at nagpakita ng
matinding depensa upang pamagain ang agwat sa Black phanters, 15-8

Sinubukang gumanti ng Black phanters sa pangunguna ni Emerson Ramos at Jayson Bianan subalit hindi nauga
ang depensa ng Yellow tigers dahilan upang mas lalo pang lumaki ang kalamangan, 12-22.

Sa kabilang dako, nakahanap ng pagkakataon ang Yellow tigers upang tapusin ang laban ngunit hindi ito
hinayaan ni Emerson Ramos at napigilan ang spike ng kabilang koponan, 13-22.

Nanlupaypay ang depensa ng Black phanters habang papalapit ang katapusan ng ikalawang set, sinamantala
ito ng Yellow tigers upang makapagtala ng dalawang magkasunod na puntos at malagay sa match point ang
score, 24-13.

Bagamat naging malakas ang opensa ng Black phanters ay hindi pa rin ito sapat upang buwagin ang depensa
ng Yellow tigers at tuluyang isuko ang kampanya.

Malaki ang naging parte ni Maqueda upang makuha ang pagkapanalo kontra sa Black phanters, ang kanyang
napakahigpit na depensa ang nagsilbing daan upang mapigilan ang rumaragasang opensa ng katunggali.

Ang mga miyembro ng Yellow tigers ay nakatanggap ng sertipiko at maaaring mapabilang sa mga manlalarong
isasabak sa paparating na District Meet na gaganapin sa Nalsian Elementary School sa Ika-5 o Ika-6 ng
Disyembre, 2023.

You might also like