You are on page 1of 1

Laro ng lahi, buhay pa kaya?

Jack ‘n Poy. Hali-hali, hoy! Sino ang matalo ang siyang unggoy.

Hudyat ito na magsisimula na ang paglalaro namin ng taguan sa bakuran. Ngunit


napapansin ko ngayon, pakonti nang pakonti na ang mga kalaro namin. Nasaan na
kaya sila?

Haay, naku! Nandoon na naman sila sa kompyuteran at naglalaro ng DOTA.


Nahahalina talaga sila sa mga online games. Sayang, hindi kaya nila alam na
napakasaya ang maglaro ng taguan, habulan, patintero, Jackstone at bato lata?
Talagang hindi mo namalayan na umabot na pala sa kabilang kanto ang iyong hiyaw sa
sobrang tuwa. At higit sa lahat, naka-bonding mo rin ang iyong mga kaibigan.

Tayo na tinawag nilang milenyo ay kakaiba na ngayon. Ni ayaw nating


madumihan ang ating mga kamay ng putik sa paglalaro. Ayaw nating mapawisan. Ayaw
nating mabasa ang ating mga paa sa kalalaro o kaya’y nakaapak lang habang
tumakbo.. yak!

Sa dami ng mga gadgets sa paligid natin ngayon, talagang nakakaaliw. Pero


kung napapansin natin, minsan kahit kumpleto tayong buong pamilya sa sala, ayaw
nating magkibuan. Si Tatay abala sa kapanonood ng larong basketball sa laptop. Si
Inay, showbiz balita ang inaatupag. Si Ate ay nagfe- facebook at ako naman ay
naglalaro ng DOTA sa ipad. Minsan, nakasasawa rin. Nakababagot na. walang kibuan
ang peg naming sa bahay. Kaya, kung may panahon ako pagkatapos ng klase ay
maglalaro kami ng aking kaibigan ng habulan sa plasa. Nakakapagod ngunit
napakasaya!

Sa palagay ko kung kalimutan natin ang mga laro ng ating lahi, magkatotoo ang
sinabi ng lola ko na darating ang panahon na mabubura sa ating kultura ang mga laro
ng lahi. Sayang naman!

Sana, patuloy nating tangkilikin ang mga larong ito tutal naman, napakasaya ito
lalo na kung kasama mo ang buong barkada. Nakatutulong din ito sa ating kalusugan.

Ikaw, may alam ka pa bang laro ng lahi? Papayag ka bang tuluyang mabura sa
ating kultura ang mga ito?

You might also like