You are on page 1of 36

EDITORYAL - Walang kapatawaran ang nagawang kasalanan

(Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2019 - 12:00am


BAGAMA’T tiniyak na ng Malacañang na hindi ma­kalalaya si convicted rapist-
murderer Antonio Sanchez, hindi pa rin naman ganap na natatahimik ang
kalooban ng Sarmenta at Gomez family at balak pa nilang magtungo sa Supreme
Court para matiyak na hindi na nga makakalabas ng kulu-ngan ang dating Calauan
mayor. Nagpasalamat na sila sa Presidente sa agaran nitong pagtutol na huwag
palayain si Sanchez na ang hatol ay pitong habambuhay na pagkabilanggo.
Nakatutok ang lahat sa naunsiyaming paglaya ni Sanchez na magaganap sana
noong Agosto 20. Handang-handa na umano ang pamilya ni Sanchez- sa pagsundo
sa dating mayor at kapag nakalaya na ito ay sama-sama silang kakain sa isang
Japanese restaurant sa Makati. Talagang handa na umano ang dating mayor na
lalaya sapagkat kasama ito sa mga nabigyan ng pagkakataon base sa ipinakitang
magandang asal habang nasa loob. Na-fin-gerprint na rin umano ito.
Pero hindi natuloy ang paglaya sapagkat bumuhos na ang apoy ng pagtutol mula
sa mamamayan. Nag-alimpuyo ang galit ng marami pati ang social media ay
walang patid ang pagpapa-hatid ng simpatya. Hindi dapat palayain si Sanchez
dahil sa nagawang karumal-dumal sa dalawang estudyante ng UPLB noong 1993.
Hindi siya dapat makasama sa palalayain sapagkat hindi siya nagpakita ng
kabutihan habang nakakulong. Katunayan, nahulihan siya ng shabu at marijuana
sa kan-yang selda noong 2006. Magarbo ang buhay sa loob sapagkat may sariling
kubol.
Nagwagi ang sama-samang panawagan ng ma-mamayan at narinig ito ng
Presidente. Hindi lalaya si Sanchez dahil sa bigat ng kasalanang ginawa nito. Nang
kapanayamin si Sanchez, sinabi niyang wala siyang kasalanan at mamatay na ang
dapat mamatay.
Walang kapatawaran ang nagawa niyang kasala-nan-. Tama ang mga nagsasabi na
dapat siyang mabulok sa bilangguan. Hindi siya dapat kaawaan.
Summary ng House Bill 8728: Graduation Legacy for the Environment Act
Ang panukalang batas na Graduation Legacy for the Environment Act ay inaatasan ang
mga estudyante na magtanim ng mga puno bago magtapos sa pag-aaral.
Naaprubahan na ng House of Representatives ang ikatlo at huling pagbasa sa
“Graduation Legacy for the Environment Act.” Ang panukalang batas na ito ay inaatasan
ang mga estudyante na magtanim ng mga puno bago magtapos sa pag-aaral.
Ang House Bill 8728 ay pinangunahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano. Kasama niya dito
sila Deputy Minority Leader Joseph Stephen Paduano, Reps. Strike Revilla (2nd District,
Cavite), Noel Villanueva (3rd District, Tarlac), Mark Go (Lone District Baguio), at Pablo
Ortega (1st District, La Union) bukod sa iba pa.
Mga nasasakupan ng House Bill 8728
Nasasakupan ng House Bill 8728 ang mga graduating na estudyante:

Mababang paaralan
Mataas na paaralan
Kolehiyo
Isinasaad dito na ang pagtatanim ng hindi bababa sa 10 puno ay isa sa kinakailangan ng
estudyante para sa graduation. Ang mga lokasyon na maaaring taniman ng puno ay:
Kagubatan
Bakawan at mga protektadong lugar
Lupa ng mga ninuno
Civil reserves
Military reserves
Mga bahagi ng siyudad na kasama sa greening plan ng lokal na gobyerno
Hindi aktibo at abandonadong mga minahan
Iba pang lugar na angkop
Idinidiin din ng Graduation Legacy for the Environment Act ang paggiging angkop ng
puno sa lokasyon. Sinasabi dito na ang punong itatanim ay sa tamang lokasyon, klima at
topograpiya para sa puno. Mas maganda rin kung ang punong itatanim ay mula sa mga
indigenous species.
Inaatasan ang Department of Education and Commission on Higher Education na
pangunahan ang pagpapatupad ng batas.

Kasama nito ang iba pang kawani ng gobyerno:

Technical Education and Skills Development Authority


Department of Environment and Natural Resources
Department of Agriculture
Department of Agrarian Reform
Department of Budget and Management
Department of Local and Interior Government
Department of Health
Department of Transportation and Communications
Department of National Defense
Department of Science and Technology,
Department of Justice
National Commission on Indigenous People
Philippine Amusement and Gaming Corporation
Ang senado ngayon ay inaantay na makapagpasa ng sarili nilang bersyon ng panukalang
batas bago magharap ang kamara sa sa isang conference upang pagtibayin ang
legislasyon. Matapos ito, iaakyat na sa president upang lagdaan para maging batas.
‘No homework’ policy is no good
BY THE MANILA TIMES
AUGUST 31, 2019
WE do not agree with the position of the Department of Education (DepEd) that a “no
homework” policy, prohibiting teachers from assigning academic work to be completed
by students outside of regular school hours, is beneficial to Filipino students.
Education Secretary Leonor Briones recently engaged in a public pitch for the policy,
which is now the subject of a couple of pending bills in Congress. We have a great deal
of respect for Secretary Briones’ knowledge and experience as an educator, and her
arguments in favor of the policy should be given careful consideration. Doing just that,
however, leads to the conclusion that a solution other than what she and supportive
legislators are proposing is in order.
The arguments for a “no homework” policy ostensibly take into account the welfare of
students, their families and teachers. Excessive homework — or to state the argument
more accurately, any homework at all — is physically taxing on students, many of them
very young, after they have already spent a full strenuous day in the classroom. Projects
that students are expected to complete at home often pose a burdensome expense on
parents, who may not have a ready budget for the last-minute purchase of needed
materials. Assigning homework also adds to the workload of teachers, who must grade
these assignments in addition to their everyday work of preparing lessons.
By banning homework, all these problems are avoided. Students are afforded proper
time for rest and relaxation, and families are spared the burden of unforeseen expenses,
or time spent shopping for required materials that may be difficult to find on short
notice. Teachers are also spared the extra time and effort to check homework
assignments, and can devote more time to classroom preparation and work. Secretary
Briones has also suggested the policy would be beneficial in allowing more time for
children and parents to bond socially.
Those are all very reasonable considerations. Unfortunately, they completely overlook
the trade-offs that may be more harmful in the long run by eroding the quality of
education, and as a consequence, the future competitiveness of young Filipinos.
Homework is a vital part of education, because it gives students the opportunity to
apply knowledge gained in the classroom. This occurs in two ways — not only by
creatively applying the educational content, but also in giving students practice in
developing good work habits and methods. From a practical point of view, homework
allows “more education” than can be fit into a few hours of a school day. And far from
preventing families from bonding, homework encourages parents to become more
involved in their children’s educational activities.
Although the concern for the welfare of students and their families is appropriate, that
welfare will be hurt in the long run if the students fall short of the volume of educational
content they can access, developing problem-solving and creative thinking skills, and
parental awareness and involvement in their educational activities. As a result of a “no
homework” policy, Filipino students will be less prepared for higher education or the
workforce, and ultimately the entire country will suffer the consequences.
We suggest that, rather than a “no homework” policy, DepEd should review and modify
existing policies regarding homework to ensure that they meet productive goals.
Homework should have clear educational objectives, and certainly should not pose
undue physical and financial burdens on students and their families. Those standards
can be achieved, however, without resorting to banning homework entirely, and still
ensure that our youth are adequately prepared to take on the challenges of a
competitive world.
Kahandaan sa kalamidad
- Al G. Pedroche () - March 23, 2011 - 12:00am
SUNUD-SUNOD ang mga kalamidad sa mundo. Lindol, tsunami, delubyo, malalakas na
bagyo at kung anu-ano pang sakuna. Ang isyung pinag-uusapan: Gaano kahanda ang
pamahalaan natin para tumugon sa mga sakuna.
Dapat talagang maging handa ang bawat pamahalaan na protektahan lalu na ang buhay
ng tao, pangalawa ang mga imprastruktura at ari-arian. Kaugnay nito, alam n’yo ba na
ang kauna-unahang interactive disaster preparedness/risk reduction software program
ay nakalatag na sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas? Pilot area ito.
Bahagi ito ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, o R.A.
10121. Ayon kay Thess Conroy ng Software Solutions Corporation (CSSC), ang Protective
Services, Safety, Health, Environment and Disaster (PSSHED) Management System ay
malaking tulong sa Philippine disaster risk reduction and management system.
Magkakaroon kasi ng sistematiko at epektibong pagtugon ang gobyerno sa mga
dumarating na sakuna.

Inisyatibo ito nina Sto. Tomas Mayor Mayor Renato M. Federico, Vice-Mayor Armenius
O. Silva kasama ang Sangguniang Bayan. Ang mga local government units ay binibigyan
ng kapangyarihan sa bisa ng batas na ipatupad ang programa. Local officials din ang may
tungkuling siguruhin ang kaligtasan at kaayusan sa kanilang lugar. Magkakaroon ng
sistematikong pagpaplano at palitang impormasyon at networking. Sa ganito,
mapagbubuti ang rescue at relief operations. Mababawasan din ang pagkawala ng
buhay at pinsala sa ari-arian. Bonus sigurong matatawag ang maitutulong ng sistema sa
pagsugpo ng kriminalidad.

Ang Local Disaster Risk Reduction ang manganga-siwa sa command center nito. Ito ay
tatakbo ng 24 oras araw-araw. Babantayan ang buong bayan sa tulong ng CCTV
cameras na naka-kabit sa mga stratehikong lugar tulad ng busy intersections at mga
panguna-hing kalye upang maiwasan ang street crimes at mabantayan ang pagbaha
Kolumn
No homework bill
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2019 - 12:00am
GUMAWA kaya ng kanyang homework si Deputy Speaker- Evelina Escudero bago niya
ipinanukala na bawalan ang mga guro sa pagbibigay ng homework sa kanilang mga
pupils? Malamang hindi dahil ayaw niya sa homework eh.
Okay lang kung tuwing weekend hindi gagawa ng home--work ang mga pupil sa
kindergarten at elementarya-, tulad- ng panukala nina Senator Grace Poe at Rep. Alfred
Vargas. Pero kung araw-araw, mali na iyan.
Ito’y para raw magkaroon ng quality bonding time ang mga bata sa kanilang mga
magulang.
Ani Congresswoman Escudero, nahihirapan ang mga bata kaya tinatabangan silang mag-
aral. Kasama sa panu-kala ni Escudero ang pag-iwan sa eskuwelahan ng mga textbooks
ng estudyante. Kaya ipinapanukala na bigyan ng kani-kanilang locker ang mga mag-
aaral. Katuwiran - para daw hindi mahirapan ang mga bata sa pagbibitbit ng mabigat na
aklat.
Sa ganang akin, ang mga kabataan ay dapat himu-king-- magbasa ng libro sa loob o labas
ng paaralan. Kung ipa--tu-tupad ang ganyang batas, hindi mauunawaan ng mga bata ang
kahalagahan ng mga aklat. Ang mga teachers- na lalabag sa batas na ito ay
mapapatawan pa ng multa at pagkakulong. Hindi ko ma-appreciate ang tinutumbok ng
ganyang panukala, lalo pa’t gagastos din ng malaking- halaga sa paglalagay ng lockers
para sa mga batang nag-aaral at ang layunin ay hindi naman magbubunga ng mabuti.
Hindi ako pabor sa ideyang ito. Sa tingin ko, ang pinaka-magandang bonding ng
magulang sa anak ay gabayan siya sa pag-aaral sa pagtulong sa kanya sa paggawa ng
homework. Sa panahong ito na lubhang nahuhumaling ang mga bata sa computer
games sa cellphone o tablets, lalo lang mabibigyan ng dagdag na oras ang kabataan sa
ganitong libangan.
Bilang isang magulang, nakaugalian ko nang tingnan ang mga notebooks ng mga anak ko
noong araw para malaman ang kanilang takdang aralin. Hindi ko man gina-gawa ang
kanilang mga assignment, naroroon ako sa tabi nila para sila’y gaba­yan at sagutin ang
kanilang tanong kung mayroon man. Iyan ang pinakamainam na paggugol ng quality
time sa mga anak natin.
Binibigyan ng homework ang mga bata para matuto at gugulin ang oras sa mga bagay na
kapapakinabangan nila. Tinuturuan sila na ang buhay ay kinapapalooban ng pagpaplano
sa ano mang dapat nating gawin. Harinawang pag-isipan munang ma-buti ng mga
nagpapanukala ang bill na ito.
Sang-ayon ba kayo na tanggalin nang tuluyan ang homework?
Trending ngayon ang isang short film na pinamagatang "KPL (Kung Puwede Lang)"
tungkol sa estudyante na nagkaroon ng monologue kung bakit siya walang naipasa na
takdang aralin. Bagaman comedy talaga ang video, may mga naipunto ang nag-
aalburoto na teenager. Tanong niya sa kaniyang guro: "Pagkatapos ng klase mo, ikaw pa
rin iniisip namin? Gusto mo pag-uwi namin student pa rin kami? Bawal ako maging ate?
Bawal ako maging anak? Kapatid?" Dapat nga bang tuluyan nang magkaroon ng no
homework policy?
No homework policy
Sa kasalukuyan, pinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang no homework
policy kapag weekend lamang. Sakop ng polisiyang ito ang mga elementary students sa
public schools.
Ayon sa direktiba ng departamento: "No homework/assignment shall be given during
weekends for pupils to enjoy their childhood, and spend quality time with their parents
without being burdened by the thought of doing lots of homework."
(Hindi maaaring bigyan ng takdang aralin ang mga estudyante sa katapusan ng linggo
upang matamasa nila ang pagiging bata at magkaroon ng oras para sa kanilang mga
magulang nang hindi inaalala ang pag-gawa ng maraming takdang aralin.)
Nasa desisyon naman ng pamunuan ng mga private schools kung ipapatupad din nila ito.
Ngunit ayon sa presidente ng Federation of Assocations of Private Schools and
Administrators (FAPSA) na si Eleazardo Kasilag, hindi sila sang-ayon na ipatupad ito sa
mga pribadong paaralan.
Para sa kanila,“Weekends are considered part of their school days. There are lots of
school vacation which include two-week semestral break, one week Christmas break,
two months summer break and typhoon breaks.” (Bahagi ng mga araw ng pag-aaral ang
katapusan ng linggo. Maraming bakasyon ang mga eskwelahan, kabilang na dito ang
dalawang linggong sembreak, isang linggong bakasyon tuwing Pasko, dalawang buwan
na bakasyon tuwing tag-init, at mga nasususpindeng mga klase dahil sa mga bagyo.)

Benepisyo ng dagdag na oras


Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke University, sa 180 na research studies na
inaral niya, wala raw ebidensya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa academics ng
mga estudyante sa elementarya. Bagkus nagdudulot pa raw ito ng mga problema sa mga
bata—katulad ng negatibong pananaw tungkol sa eskwelahan at nagiging sanhi ng
tensyon sa magpapamilya.
Dagdag pa nito na ang benepisyo ng homework ay nakadepende sa edad ng mag-aaral.
Ang mga nakakatamasa ng benepisyo mula sa homework ay ang mga nasa high school
ngunit hindi rin daw dapat subsob ang mga bata sa pag-aaral. Ngunit ang higit sa
dalawang oras na homework ay nakakasama rin daw sa estudyante.

Kapag may homework daw kasi, ang magulang ang nagiging masama sa paningin ng mga
bata dahil ang mga ito ang naatasan upang magpa-alala sa mga bata na gawin ang
kanilang mga takdang aralin. Nagreresulta ito sa pagtatalak ng nanay at pagiging
reklamador ng mga bata.

Ang pagbibigay ng homework ay pagnanakaw ng oras. Oras sana na makasama ang


pamilya, makapaglaro, makapahinga, makalabas, at makatulog nang mahimbing.

Ayon sa manunulat ng "It's OK to Go Up the Slide" na si Heather Shumaker, kung nais


daw natin na maging mas magaling ang anak natin sa eskwelahan, dapat paglaanan daw
ito ng sapat na oras sa pag-tulog. Ang pag-tulog ay nabibigay sa atin ng pokus
atmagandang memorya.

Sa puntong ito, tugma ang sinasabi ng manunulat ng artikulo sa ideya ng DepEd, ngunit
kulang pa ang no homeowrk policy tuwing weekend. Ayon kay Heather, kailangan na
wala talagang ibigay na homework. Period.

"It’s time to stop a practice that doesn’t work. It’s time to think, question, examine the
research and, for kids’ sake, ban elementary school homework." (Kailangan ihinto na
ang nakaugalian na mga polisiya. Panahon na upang mag-isip, kumwestiyon, at suriin
ang mga pag-aaral. Itigil na nang tuluyan ang pagbibigay ng homework para sa
kapakanan ng mga bata.)
Wakasan ang diskriminasyon sa LGBT community!
Last updated Aug 16, 2019
Nabahala talaga ako nang sobra doon sa nangyaring panghaharas kay Gretchen
Custodio Diez, isang transgender na babae, sa isang mall sa Cubao nito lang nakaraang
Martes, Agosto 13.
Ang gusto lang naman gawin ni Gretchen ay gumamit ng banyo para umihi. Pinigilan siya
ng isang janitress sinabi sa kanyang bawal daw siya roon. Pagkatapos niyang i-video ang
usapan nila ng janitress, dinala si Gretchen sa Quezon City Police Station sa Cubao at
sasampahan sana siya ng unjust vexation. Pagkatapos ng ilang oras, nagpasya si
Gretchen at ang janitress na hindi na lang sila magsasampa ng complaint laban sa isa’t
isa. Pero iniisip pa ni Gretchen kung magsasampa siya ng kaso laban sa management ng
mall.
Humingi na ng tawad ang janitress, at naglabas na ng pahayag at hu-mingi na rin ng
tawad ang ma-nagement ng mall. Pero mas malalim po dito ang isyu.
Ang Quezon City ay isa sa mga unang lugar sa Pilipinas na nagpasa ng Gender Fair
Ordinance, o ordinansya laban sa diskriminisyon o pang-aapi ng kapwa base sa kanilang
sekswalidad at kasarian. Mula pa po ito noong 2014.
Nakakabahala po na sa panahong ito, na hi-git limang taon na ang Gender Fair
Ordinance sa Quezon City, ay may nangyayari pa ring ganitong pang-aapi sa ating kapwa
tao.
Gumaan ang loob ko na mabilis nagpahiwatig ng suporta kay Gretchen si Quezon City
Mayor Joy Belmonte, at marami pang ibang tao. Pero sa pagkakataong ito, ang gusto
kong itanong sa bawat isa sa atin ay: napakahirap bang magmalasakit sa iba?
Wala naman atang ginagawa si Gretchen na labag sa batas sa mall noong pumunta siya
sa CR para umihi. Sa katunayan po, ayon sa mismong ordinansya ng Quezon City, dapat
meron po tayong kahit isang gender neutral na CR sa lahat ng opisina at pambublikong
mga lugar.

Sep 7, 2019
Ang historyador ng Sandatahang Lakas

Sep 7, 2019
Hustisya sa mga pinatay ng CPP-NPA
Sep 7, 2019
Sa ganitong pagkaka-taon po, mukhang may nakaligtaan ang management ng mall.
Sana, kung sakaling mabasa po nila ito, ay sikapin nilang ayu-sin ang kanilang mga
proseso at regulasyon para sumunod po tayo sa Gender Fair Ordinance ng Quezon City.
Isa rin itong pagkaka-taon para sa management na tingnan muli, at sana ay ihinto ang
kontraktwa-lisasyon ng kanilang mga security at maintenance staff. Naiintindihan ko rin
na mapanganib ang kabuhayan ng ating mga maintenance staff at security personnel.
Kadalasan kasi sila po ang unang serbisyong ina-outsource sa mga negos­yo, kung kaya’t
madali lang silang mawalan ng trabaho. Ang kung alanganin ang status ng hanapbuhay
ng isang tao, maliit ang pagkakataong magkaroon ng pag-unlad sa ating hanapbuhay at
minsan dahil dito, may mga nagagawa tayong hindi naman natin ginusto sa ating kapwa
dahil sa hirap ng ating sitwasyon.
Maganda rin po siguro na magbigyan ng training ang ating mga staff at ma-ging ang
ating mga ma-nager tungkol sa karapatan ng ating mga kaibigang taga LGBTQ+
community.
Isa pa rin po itong patunay na panahon na po para sa SOGIE Equality bill. At
napakasimple lang naman po ng kanyang layunin: ang pagprotekta o pagtatanggol sa
mga karapatang pantao ng ating mga kapwa Pilipino mula sa LGBTQ+ community laban
sa anumang disriminasyon, dahil tayo rin naman ay protektado ng batas.
Dahil ang mga karapatan na ito ay hindi na bago. Lahat po ng karapatan natin na nasa
Konstitusyon, ay karapatan din nila.
Sa Cubao CR incident, dalawa ang naging biktima. Ang isa ay biktima ng diskriminasyon,
ang isa naman ay biktima ng endo. Tapusin na natin ang mga problemang ito. Ipasa ang
SOGIE Equality bill. Ipasa ang Security of Tenure Law!
Ano nga ba ang LGBT?
Ang LGBT ay tumutukoy sa lahat ng tomboy, bakla, bisexual, at transgender. Maraming
bersyon ang umiiral, kabilang ang mga pagkakaiba na nagbabago sa pagkakasunod-
sunod ng mga titik; ang LGBT o GLBT ay ang mga pinaka-karaniwang termino at ang mas
madalas na nakikita. Kahit na magkatulad sa kahulugan, ang LGBT ay mas kilala kaysa sa
GLBT. Ang letrang L ay para sa mga Lesbians, letrang G para sa mga Gays, letrang B para
sa mga Bisexuals at letrang T para sa mga transgenders. Minsa’y may karagdagang
letrang Q para sa mga Queer o Questioning na nagbubunga sa bersiyong LGBTQ,
LGBTQ+, at LGBTQQ.
Ang LGBT community ay laganap na sa buong mundo. Nang dahil dito’y nauso ang same
sex marriage na kung saan maaaring ikasal ang dalawang babae maging ang dalawang
lalaki. Subalit, naapruba man ito sa ibang lugar ay mayroon pa rin ang hindi matanggap
ito. Ito ay naging isa sa mga rason ng pang iinsulto sa bawat LGBT.
Panukalang magtatanim ng puno ang mga graduating studes aprubado na ng Kamara
Aprubado na ng House of Representatives (HoR) sa ikatlo at huling pagbasa ang
panukalang nagtatakda sa mga graduating students na magtanim ng tig 10 puno.
Sa ilalim ng House bill 8728 na inihai nina Magdalo Rep. Gary Alejano at Cavite Rep.
Strike Revilla ay magiging pre-requisite na sa mga magsisipagtapos ng elementary, high
school at college students na magtanim ng 10 puno.
Layon ng panukalang “Graduation Legacy for the Environment Act na maging polisiya na
ng gobyerno ang pagsusulong ng mga programa at proyekto na magpo promote ng
environmental protection, biodiversity, climate change mitigation, poverty reduction at
food security.
Ang pagtatanim umano ng mga puno ng mga graduating students ang siyang magiging
living legacy nila sa kapaligiran gayundin sa susunod na henerasyon ng mga filipino.
Sa ilalim ng panukala ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher
Education (CHED) ang magpapatupad into sa sanding tuluyan tong maisabatas sa
pakikipagtulungan na rin ng Department of Environmental and Natural Resources
(DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), at ng
National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
'SOGIE' ipinaliwanag
James Relativo (Philstar.com) - August 14, 2019 - 6:54pm
MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga
panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa
"sexual orientation" at "gender identity or expression" (SOGIE bill) — bagay na
proprotekta sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp.
Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang transwoman
sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-
discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.
Kinilala siya bilang si Gretchen Custodio Diez.
Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:

Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado


House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara
Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?

Isyu ng 'sexual orientation'


Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaonting
pagkakaiba.

Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao.

Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito sa tatlo:

Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex


Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex
Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:

Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit kaninuman


Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga "male," "female"
o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao.

Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa karaniwang ideya ng
katawang male o female.
Usapin ng 'gender'
Maaaring hatiin sa dalawang susing konsepto ang gender: expression at identity.

Ayon sa SB 159, ang gender expression ay ang sumusunod:

"[O]utward manifestations of the cultural traits that enable a person to identify as male
or female according to patterns that, at a particular moment in history, a given society
defines as gender appropriate."

Ito naman ang gender expression ayon sa HB 258:

"[T]he way a person communicates gender identity to others through behavior, clothing,
hairstyles, communication or speech pattern, or body characteristics."

Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na


pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali
kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions.

Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex,"
kinikilalang transgender ang isang tao.

Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae
habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.

Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki
rin ang gusto.
Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae
habang babae rin ang gusto.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging kung sino
sila.
Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang identity
sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.
Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity sa
sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.
Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.
Parusa kung maipasa ang anti-SOGIE bill
Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon, maaaring patawan ng
multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito.

Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga nabanggit.
Editorial: Understanding Sogie
August 18, 2019
ALL gender. Gender-neutral. Gender-sensitive. LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual,
transsexual, queer, intersex and asexual).

A public confused over matters concerning gender should go beyond a cognitive


understanding of terms, which subtly define and categorize persons as certain “types”
that are perceived as different—equated with “strange” and “abnormal,” thus
“threatening”—from the rest of the world that is predictably and safely male and
female.
This may explain why advocates and fellow members of the LGBTQIA community clash
with other members of the public in their sentiments on the Aug. 13 confrontation
between transwoman Gretchen Custodio Diez and a female janitor preventing her from
using the female restroom in a Cubao mall.
Following online outrage on Diez’s treatment by the establishment and calls for boycott
of the mall to protest its violation of Quezon City’s “Gender-Fair City” ordinance—
passed in 2014 to penalize discrimination based on sexual orientation and gender
identity and expression (Sogie)—the mall worker apologized and withdrew her
complaint against Diez.

Diez dropped her charges against the worker but plans to pursue charges against the
mall management for violating the “Gender-Fair City” ordinance, reported SunStar
Philippines on Friday, Aug. 16, 2019.

Diez and the LGBTQIA community’s use of mass and digital media to advocate for and
defend LGBTQIA rights is a potent tool for opening the public to an awareness of the
fluidity of genders and respect for and acceptance of a person’s freedom to choose
Sogie.

The Sogie Equality Bill has languished at the Congress of the Philippines. Known also as
the Anti-Discrimination Bill, the proposed legislation penalizes the discrimination of
people due to their sexual orientation, gender identity or expression.

This latest incident of harassment has strengthened calls for the immediate passage of
the Sogie Equality Bill, which has languished for three years in the 17th Congress and
has been refiled in the 18th Congress. When Diez took a video of the mall toilet
employee resorting to abusive language and behavior to prevent the transwoman from
using the women’s toilet, Diez was arrested and released after the janitress did not
press charges.

To promote equality in treatment of customers and clients, Brig. Gen. Dennis Siervo,
chief of the Philippine National Police Human Rights Affairs Office, urged business
establishments and government offices to install “gender-sensitive” restrooms for male,
female, and LGBTQIA persons, similar to the facilities in the PNP office in Camp Crame,
cited the same SunStar Philippines report.

This “sex coding of toilets” must still be examined and probed for people to realize how
preconceptions and biases reflect and perpetuate the power inequality in society: how
power is wielded by certain groups of people who are privileged in society against those
perceived as less privileged.

In a March 27, 2012 Rappler article, Sylvia Claudio debunked the notion that sex-coded
toilets “keep people safe” from harassment committed by the “sexually deviant” and
“perverse” members of the LGBTQIA “intruding” in toilets marked solely for men or
women.

“As a public health message, I wish to announce that the majority of sexual abusers are
heterosexual men,” wrote Claudio.

So it is not the sex coding of toilets but the security measures implemented by an
establishment or office that ensure there is no person of whatever gender that uses
force or coercion to harass or initiate and consummate sex in public toilets.

The mentality justifying discrimination also includes acts of tokenism, such as the
Quezon City mall’s participation in Gay Pride festivities to draw market traffic but
absence of gender-sensitivity training for mall personnel and failure to implement
Quezon City’s “Gender-Fair City” ordinance in the mall.
EDITORIAL- Serving the country
(The Philippine Star) - July 12, 2019 - 12:00am
The Armed Forces of the Philippines is shifting its focus from internal threats to
conventional or external defense. The refocusing will be enhanced by beefing up the
AFP’s reserve force, which accounts for about 80 percent of the military’s human
capability in case a need arises.
With President Duterte still maintaining high popularity and his super majority intact in
the legislature, there’s a good chance that his wish for the revival of mandatory
participation in ROTC or the Reserve Officers’ Training Corps will be granted by the 18th
Congress.
Resentful conscripts can be fatal for any military force. Resentment among the youth
can also doom the revival of the ROTC. The program remains alive, but participation is
voluntary, as provided for under Republic Act 9163 or the National Service Training
Program law. If the government intends to make ROTC mandatory again, it must be
preceded by an information campaign on what can be gained from basic military
training. The AFP can tap entertainment celebrity Matteo Guidicelli to talk about why he
underwent rigorous training for the Army Scout Rangers to become a reservist. He
described the month-long experience, which is much more rigorous than ROTC, as “the
best experience” of his life.
Besides the discipline instilled and the physical aspects of the training, proponents of
the revival of ROTC want to emphasize how the program can develop a keener sense of
belonging to one nation, of patriotism and the idea that a person must be ready to
defend the country if the situation calls for it.
At the same time, proponents of the revival must address concerns about a return of
the scandals that led to the end of mandatory ROTC in 2002. The abolition was done in
the wake of the murder of University of Santo Tomas student Mark Welson Chua after
he exposed alleged corruption in the ROTC program of UST. There were also complaints
that the ROTC program lacked equipment and the training overall was disappointing.
Such concerns must be addressed if proponents want to make ROTC acceptable and
even attractive to the youth.
EDITORYAL - Imbestigahan din iba pang ex-BuCor chiefs
(Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 - 12:00am
LUMALALIM nang lumalalim ang pag-iimbestiga sa mga napalayang bilanggo na
nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). May naaamoy na corruption at
maski ang mga nag-iimbestigang senador ay nagpahiwatig na mayroong “GCTA for sale”.
Ayon sa report, umabot na sa 1,700 ang mga napalayang bilanggo mula nang ipatupad
ang GCTA. Ang isang nakaka-shock, ang mga napalaya ay may mga karumal-dumal na
kaso – panggagahasa, pagpatay at illegal drugs. Sa ilalim ng GCTA, kukuwentahin ang
nagawang kabutihan ng bilanggo at saka iko-convert sa kanyang sentensiya. Kung
nagpakita ng magandang asal at halimbawa, malaking puntos na mabawasan nang
malaki ang sentensiya ng bilanggo.
Sinibak ni President Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon
noong Miyerkules. Sinuway umano ni Faeldon ang kanyang utos na huwag palayain ang
mga bilanggo. Bukod sa pagsuway, sinabi ng Presidente na nakakaamoy siya ng
corruption sa pagpapalaya ng mga bilanggo. Ipinag-utos niya na sumuko ang mga
pinalayang bilanggo sa lalong madaling panahon. Binigyan niya ng 15 araw para
sumurender ang mga ito.
Nagalit ang marami sa napabalitang pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio
Sanchez at napigil ito makaraang ipag-utos ng Presidente. Pirmado na umano ni Faeldon
ang pagpapalaya kay Sanchez na nakatakda noong Agosto 20. Inimbitahan naman ang
pamilya ni Sanchez sa pagdinig pero tumanggi silang sabihin kung sino ang kausap sa
BuCor na nagsabi na palalayain na ang dating mayor na pitong habambuhay na
pagkabilanggo dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang UP student.
Malalim ang isyu sa pagpapalaya sa ilalim ng GCTA. Dapat halukayin ito. Imbestigahan
ang mga dating BuCor chiefs na kinabibilangan nina Sen. Bato dela Rosa, Franklin Bucayo
at Benjamin Reyes. Maaring may mahukay sa kanila para matuklasan ang mga
kababalaghan sa BuCor.
EDITORYAL - Rebyuhin ang RA 10592
(Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2019 - 12:00am
SA ilalim ng Republic Act 10592 na ipinasa noong Mayo 29, 2013, lahat ng bilanggo,
kabilang ang nasa preventive imprisonment ay maaaring ma-qua-lify para sa reduction
ng kanilang sentensiya. Sa batas, dinagdagan ang bilang ng araw na maki-credit para sa
kanilang good conduct time allowance (GCTA). Ibig sabihin, kapag nagpakita nang
magandang pag-uugali ang bilanggo, malaki ang mababawas sa kanyang sentensiya.
Bukod pa rito, mababawasan pa ng 15 araw bawat buwan ang sentensiya ng bilanggo
kung siya ay nag-aral habang nakakulong o ‘di naman kaya ay nagturo. Malaking puntos
kung ginugol ng bilanggo ang kanyang oras para mapa-unlad ang sarili at ganap nang
nagbago.
Ito ang ipinanglalaban ngayon ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.
Nakapagsilbi na umano siya ng 26 na taon at kapag kinuwenta ang kanyang mga nagawa
o ipinakitang magandang ugali, kuwalipikado na siyang lumaya.
Nahatulan si Sanchez at anim niyang tauhan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo
noong Marso 14, 1995 dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at
pagpatay din naman kay Allan Gomez, mga estudyante ng UP-Los Baños noong 1993.
Iniregalo umano si Eileen ng mga tauhan nito sa dating mayor. Pagkatapos gahasain ni
Sanchez si Eileen, ipinaubaya na niya ito sa mga tauhan. Pinatay naman ng mga ito si
Gomez. Noong Enero 1999, pinagtibay ng Supreme Court ang guilty verdict kay Sanchez.

Habang nasa kulungan, nahulihan si Sanchez ng illegal drugs. Nakita sa kanyang selda
ang mga sachet ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana. Nakita rin ang mga drug
paraphernalias sa selda ng dating mayor.
Ang pangyayaring ito ang nagpabigat kaya hindi na makakalaya si Sanchez kung ang
pagbabasehan ay ang GCTA. Disqualified na siya. Kahapon, sinabi ng Malacañang na
hindi palalayain si Sanchez.
Mga magsasaka, lalo raw nabaon sa utang dahil sa Rice Tariffication Law
Setyembre 4, 2019 6:24pm GMT+08:00
Umaaray ang ilang magsasakang Pilipino sa bumagsak umanong presyo ng palay
kasabay ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Ayon sa ulat ni Maki Pulido sa Balitanghali ng GMA News TV nitong Miyerkules, lalong
nabaon sa utang ang mga magsasaka matapos bumaha ng imported na bigas sa bansa.
Sumadsad na raw sa P7 hanggang P8 kada kilo ang bilihan ng palay sa ilang lugar sa
Nueva Ecija at Tarlac.
Ang ilang mga nawalan na ng pag-asa sa industriya ng pagsasaka, ibinenta na umano ang
kanilang mga bukid.
Hindi naman naniniwala si Senador Cynthia Villar, may-akda ng naturang batas, na
bumaba sa ganoong presyo ang benthan ng palay.
"Siguro dapat 'yung mga naapektuhan ng disaster puntahan niyo na at tulungan niyo
para hindi sila salita nang salita na ang presyo ng palay ay P6, P7, P8," ayon kay Villar.
Giit ng mga magsasaka, dapat suspendihin muna ang pagpapatupad ng Rice Tariffication
Law.
Ngunit ayon naman kay Villar, hindi na raw maaaring pigilan ito.
"Wala na tayong choice kasi after 22 years we have to liberalize because that is the
agreement with WTO [World Trade Organization]," ayon sa senadora.
Pebrero 2019 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas.
OPINION
My brothers and sisters, President Duterte has signed Republic Act 11203, or the rice
tariffication law that aims to make the prices of rice much more affordable and ensure
we have enough supply. This law will also strengthen the rice industry in order to make
more competitive farmers in the international market. To achieve this goal, the rice
tariffication law will end the implementation of the quantitative import restriction that
limits the number of imported rice. The trade-off system from this is implementing the
tariff equivalent on imported rice.
With this new law, rice is free to enter from foreign countries as long as importers will
pay the appropriate tariffs and the government is serious in collecting them. According
to economists, this will result to price reduction of rice in the market. The Department
of Finance has estimated a decrease of P2 up to P7 per kilo of rice based on current
prices. This will be of big help especially to the less-fortunate spending almost 20
percent of their daily budget on rice.
How will the rice tariffication law improve the agricultural sector, particularly the
livelihood of our farmers? The law will provide what is known as the Rice
Competitiveness Enhancement Fund or simply known as Rice Fund, from collected taxes
and tariffs from the imported rice. This amounts to P10 billion in the next six years and
this will be administered by the Department of Agriculture. The Rice Fund is dedicated
to supply machinery and equipment to farmers, the seeds for planting of rice, affordable
loans and extension services like programs from Tesda on rice production.
The spirit and vision of this new law is in line with the societal teachings of the Church in
giving notice to the poor, like the farmers. Because until now, they are part of the
poorest sector of the country, despite all the programs the government has for the
farmers. When the Philippines joined the World Trade Organization or WTO in 1995, it
was given permission to limit the amount of rice entering from other countries to
protect the local farmers and prepare them for what is known as the trade liberalization
of rice. However, the implementation of the promise in passing the tariffication of rice
was delayed by the Philippines. The government also failed in aiding farmers to better
fulfill the demand of rice in the country and to better compete with the supply and
quality of what is in the international market. If the government has fulfilled its
promises, we won’t be having a crisis on rice and our status, as well as the farmers’
status would improve.
This begs the question, my brothers and sisters: How can we be sure that the rice
tariffication law will help in making farmers more competitive and make the Philippines
food self-sufficient in the following years? We need to follow the buildup of
implementing rules and regulations or IRR for the new law. Many factors must be
considered in passing this law, but thankfully we may give this an opportunity to truly
become useful for our farmers, as well as the poor.
Makatutulong ang Rice Tariffication Law na mapanatiling mababa ang presyo ng bigas
SA pinakadesperadong paraan upang makahanap ng paraan na pipigil sa mabilis na
pagtaas ng mga presyo sa merkado nitong nakaraang taon, nakahanap ang mga
ekonomista ng pamahalaan ng isang paraan na mabilis na nakatulong. Nanawagan ito
para sa agarang pag-aangkat ng nasa 250,000 metriko tonelada ng bigas mula sa
Vietnam at Thailand upang mahila pababa ang mga presyo ng bigas sa ating mga
pamilihan. Nagtagumpay ang hakbang, lalo’t bigas ang pangunahing produkto na
pinaggugugulan ng mga Pilipinong mamimili. Ang ulat hinggil sa malawakang pag-angkat
ng bigas ang nagpahupa sa mataas na presyo ng bigas at nagbigay daan sa pagbaba ng
mga presyo ng bilihin sa kabuuan.
Ito rin ang dahilan para sa Rice Tarification Bill na nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang
isang batas nitong Biyernes. Bago ang pagpapatibay ng batas, ang dami o laki ng
inaangkat na bigas ay mahigpit na kinokontrol upang maproktektahan ang mga
Pilipinong magsasaka. Kinakailangan na magbayad ng 25 porsiyento kapag galing ito sa
bansang kasapi ng ASEAN at 50 porsiyento para sa mga hindi miyembro.
Sa pamamagitan ng Rice Tarification Law, hindi na limitado ang dami ng maaaring
angkatin. Ngunit dagdag na taripa ang ipinapataw—35% kung galing ito sa bansang
kasapi ng ASEAN, 50% para sa hindi kasapi. Maaasahan na natin ngayon ang maraming
supply ng mababang presyo ng angkat na bigas sa ating mga pamilihan.
Dapat na masolusyunan nito ang problema sa mataas na presyo—o inflation—na
dinanas natin nitong nagdaang taon. Pinangangalagaan nito ang mga mamimili ng
bansa. Ang malakihang pag-angkat ang magpapataas sa supply, na bilang kapalit naman
ay mangangahulugan ng mas mababang presyo, sa ilalim ng batas ng supply at demand.
Ngunit problema naman ito para sa ating lokal na mga magsasaka na mahihirapang
maibenta ang kanilang mga ani sa ating merkado dahil mas mahal ang mga ito kumpara
sa inangkat na bigas. Hindi pa nagagawang mapababa ng mga magsasaka ang kanilang
gastos sa pagtatanim, katulad ng sa kanilang mga kapwa magsasaka sa Vietnam at
Thailand.
Ito ang dapat na maging sunod na proyekto ng administrasyong Duterte, sinabi ni
Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, nitong nakaraang
linggo. Agrikultura ang dapat na nasa sentro ng ating pambansang programang
pagpapaunlad ngunit hindi nito nakakamit ang dapat nitong ambag sa pambansang pag-
unlad. Noong 2018, nag-ambag ang sektor ng serbisyo ng 56.22% sa pambansang
paglago; 34.5% sa industriya; at tanging 8.94% lamang mula sa agrikultura.
Ngunit sa ngayon, malugod nating tanggapin ang Rice Tariffication Law na nilagdaan ni
Pangulong Duterte nitong nagdaang Biyernes. Maaari nitong masaktan ang ating mga
magsasaka, ngunit dapat na masubok ang mga ito na magsumikap pa upang
mapantayan nito ang kakayahan sa produksiyon ng kanilang mga kapwa magsasaka sa
Vietnam at Thailand.
Dapat na mapigilan ng Rice Tariffication Law ang muling pagdanas natin sa ating
naranasan noong nakaraang taon nang pumalo ang inflation sa pinakamataas nito sa
loob ng sampung taon—mula 4.5% noong Mayo; 5.7% noong Hulyo; 6.4% noong
Agosto; 6.7% noong Setyembre. Ngayon ay nasa 4.4% na ito. Panatilihin natin ang
ganitong kalagayan.
Ayuda sa mga magsasaka inihirit dahil sa 'bagsak-presyong' bilihan ng palay
MAYNILA — Humihingi ng cash assistance sa pamahalaan ang mga magsasaka sa gitna
ng pagsadsad ng presyo ng palay dahil umano sa rice tariffication law.
Sa ilalim ng batas, wala nang limit ang pag-aangkat ng bigas dahilan para magbagsak-
presyo ang mga imported rice.
Bunsod nito, napipilitang magbaba ng presyo ang mga retailer ng bigas sa bansa.
P20-billion emergency aid sought for farmers hurt by rice imports
Ayon sa grupong National Movement for Food Sovereignty, nasa P1 hanggang P2 lang
ang binaba ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Mas kaunti pa ito sa P7 bawas na ipinangako ng mga mambabatas.
Hiling ng group na magkaroon ng P20,000 ayuda kada magsasaka para mayroon silang
pantawid-gutom.
"Napakataas po ng cost of production namin tapos malulugi lang kami dahil sa presyo ng
palay," ani Arze Gilpo, convenor ng National Movement for Food Sovereignty.
Mababang bentahan ng palay idinaing ng mga magsasaka
Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes, sisiguruhin nilang
mabibigay sa mga magsasaka ang ipinangakong P10 bilyong pondo na tulong sa kanila.
Nakiusap din ang DA sa mga magsasaka at mga konsumer na bigyan ng pagkakataon ang
rice tariffication law, lalo't para naman umano ito sa pagpapalakas ng sektor ng
agrikultura sa bansa.
RA 11203-Pasakit Lamang
Nakalulungkot isipin na anim na buwan pa lamang ang lumipas
mula nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11203 o mas
kilala sa tawag na Rice Tarrification Law ay muling naging kontrobersiya ang epekto
nito sa taumbayan. Ito ay higit na nagpahirap sa mga mamamayan lalo na ang mga
magsasaka.
Mula nang ipatupad ang batas na ito, umaaray ang ilang
magsasakang Pilipino sa bumagsak umanong presyo ng palay. Ito ang dagdag
pasanin ng mga ordinaryong mamamayan dahil lalong nabaon sa utang ang
karamihan sa kanila. Nariyan ang umuutang sa mga bodega ng pantustos sa
kanilang sakahan kaya napakalaking pagkalugi ito sa kanila.
Nitong mga nakaraang araw, problema na rin nila ang
pagbenta sa kanilang mga ani sa ating merkado dahil mas mahal ang mga
ito kumpara sa inaangkat na bigas. Ang mga gastos nila sa pagtatanim ay
hindi tumutumbas sa kanilang mga inaani, hindi tulad ng mga magsasaka
sa Vietnam at Thailand.
Ngunit sa ilalim ng batas na ito, makalilikom ang pamahalaan ng Rice
Fund mula sa pagiimport ng bigas. Ang halagang aabot sa milyon ang gugugulin
upang tustusan ang suplay ng makinarya at kagamitan maging mga binhi na
gagamitin sa pagtatanim.
Bagamat seryoso ang ating pamahalaan sa layunin ng batas na ito,
ramdam pa rin ng lahat ng apektadong mamamayan ang pasakit ng batas na
ito.Ang hakbang na ito ng pamahalaan ang magbibigay ng mataas na suplay ng
bigas na kapalit naman ay ang mababang presyo sa ilalim ng batas ng supply at
demand.
Kaya ngayon pa lang, nararapat lamang na mapigilan muna ang pag-
arangkada ng Rice Tarrification Law. Ang sapat na kaalaman ay dapat iparating sa
taumbayan. Dapat na mapigilan ang muling pagdanas natin ng inflation. Itigil
muna ang pagpapatupad sa batas na ito dahil ito ay pasakit lamang sa ating
kababayang nagsusumikap mapantayan ang produksyon sa bigas ng ibang bansa.
TRAIN 2 o CITIRA, magdudulot ng masamang epekto

SA nagpapatuloy na trade war sa pagitan ng United States at China, maraming kumpanya ng


China ang nagsimulang maglipat ng kanilang operasyon sa Vietnam, Thailand at Cambodia—
ngunit hindi sa Pilipinas, ibinahagi ngayong linggo ni General Charito Plaza ng Philippine
Economic Zone Authority (PEZA), bilang pagbanggit sa ulat ng World Bank.

Sa Indonesia, ganito rin ang naobserbahan ni President Joko Widodo hinggil sa ulat ng World
Bank sa mga naglilipatang kumpanya ng China. Aniya, nasa 33 kumpanyang Chinese ang lumibat
sa mga kalapit na bansa, 23 ang nagtungo sa Vietnam, at sampo sa Malaysia, Thailand at
Cambodia. Tinanong niya ang mga ministro, kung bakit walang ni isa mang nagtungo sa
Indonesia.

Sa kaso ng Pilipinas, sinabi ni PEZA Director General Plaza, na hindi nakaaakit ang bansa ng mga
kumpanyang Chinese dahil higit na may maunlad na high-tech zones ang ibang mga bansa. Sa
katunayan, aniya, maaaring mawalan kalaunan ang Philippine economic zones ng maraming
kumpanya dahil sa walang katiyakan na mga polisiya at batas sa pamumuhunan. Hinihintay
ngayon nila ang kahihinatnan ng pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas para bawiin o bawasan
ang maraming insentibo na iginawad ng dating administrasyon.

Ang hakbang na ito ay nasa panukalang-batas na dating tinatawag na Tax Reform for
Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2. Ang TRAIN 1 ang batas na pinagtibay noong 2017 na
nagpapataw ng taripa sa diesel at iba pang produktong petrolyo, na isang malaking salik sa
naganap na pasirit ng inflation noong nakaraang taon.

Kalaunan pinalitan ng pamahalaan ang tawag sa TRAIN 2 para sa layuning higit itong maging
kaakit-akit—ang “Tax Reform for Attracting Better and Quality Opportunities” (TRABAHO), lalo
na’t maaalala ang TRAIN 1 sa nanalasang inflation noong 2018. Gayunman, muling pinalitan ng
tawag ang TRABAHO at pinangalanang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act
(CITIRA).
Ngunit hindi naman maitatago ng pagpapalit ng pangalan ang katotohanan na iminumungkahi
nito ang pagtatanggal ng maraming buwis at iba pang insentibo na dating iniaalok ng
pamahalaan upang makaakit ng maraming dayuhang kumpanya sa mga nakalipas na taon. Ang
panukalang ito ang nagbibigay ng pangamba sa mga kumpanya. Ilang kumpanya ang
nagdesisyong ipagpaliban na ang planong pagpapalawak habang hinihintay ang bagong batas,
ayon kay General Plaza. “Industries feel we have unstable investment policies and laws. They
are scared to expand if we keep on changing the rules in the middle of the game.”

Isinusulong niya ngayon ang ‘exemption’ ng mga kumpanyang rehistrado sa PEZA mula sa
CITIRA. “We are not the only game in town,” binigyang-diin ni Plaza. “Philippine economic
zones are competing with the countries with far more developed ecozones.”

Malaking salik ang TRAIN 1 sa pagsirit ng presyo noong 2018, ito’y sa kabila ng paggigiit ng mga
economic managers ng bansa na dapat itong isisi sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis
at manipulasyon ng presyo. Maaaring walang gaanong epekto ang TRAIN 2 o TRABAHO o CITIRA
sa presyo, ngunit maaari naman itong magdulot ng pagkawala ng maraming trabaho sa
posibleng paglipat ng maraming dayuhang kumpanya sa ibang mga bansa na nag-aalok ng mas
magandang insentibo na inaalis ngayon ng ating pamahalaan. Sa pagtatapos nitong 2017,
tumanggap ang mga kumpanya ng PEZA, ng nasa 1,417, 832 Pilipinong manggagawa.
Editoryal-Ang tumitinding trade war ng Amerika at China
PINAGTATALUNAN ang tungkol sa tindi ng epekto sa Pilipinas ng trade war ng Amerika at China.
Isinisi kamakailan ni Pangulong Duterte sa nasabing sigalot sa kalakalan ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin sa Pilipinas, sinabing mataas ang pandaigdigang presyo ng langis dahil sa sigalot.
At ito, sa pagtingin ng administrasyon, ang pangunahing dahilan sa paglobo ng inflation sa ating
bansa.

Nagsalita ang Pangulo hinggil sa nagtataasang presyo ng bilihin makaraang pumalo sa nine-year
high na 6.4 na porsiyento ang inflation rate ng Pilipinas noong nakaraang buwan, sa panahong
binabayo ng Amerika at China ang isa’t isa ng mga taripa na nagpapataas sa mga presyo sa
dalawang bansa. Kasabay nito, bumagsak ang piso kontra dolyar sa pinakamababa sa nakalipas
na 13 taon, sa P53.8 bawat isang dolyar.

Gayunman, hindi agad sinisi ng mga tagapamahalang pinansiyal ng ating bansa ang Amerika sa
lokal na problema sa pagtaas ng presyo. Sinasabi nilang domestically driven ang ekonomiya ng
Pilipinas, lalo at umaabot lang ang export sa 18.8% ng Gross Domestic Product (GDP). Sa ganon,
hindi lubos na apektado ng trade war ang mga iniluluwas ng Pilipinas sa China at US.

Nag-ugat ang digmaan sa taripa nang ireklamo ni US President Trump ang US trade gap na $336
billion noong nakaraang taon sa China, na pinakamalaki nitong trading partner, na naging
dahilan umano ng malaking gap. Naging taktika niya para malutas ang problema ang magpataw
ng taripa sa mga produkto ng China, upang bumaba rin ang inaangkat na produkto ng Amerika
sa China. Umaasa siyang maitatama ng China ang kawalan ng balanse sa pamamagitan ng pag-
aangkat ng mas maraming produkto mula sa Amerika.

Sa halip, tinugunan ito ng China ng pagpapataw ng taripa sa mga produkto ng Amerika. Ang
inisyal na taripa ng Amerika na $50 billion sa mga produkto ng China ay ginantihan ng kapalit na
$50 billion taripa ng China para sa mga produkto ng Amerika. Patuloy na umigting ang sigalot sa
kalakalan nitong nakaraang linggo nang ihayag ni President Trump ang pagpapataw ng taripa sa
$200-billion halaga ng panibagong Chinese import. Agad na sinagot ito ng China at nangakong
tatapatan ng katumbas na taripa ang bawat dagdag na taripa ng Amerika.
Maraming eksperto ang nagsasabing hindi magtatagumpay ang ginawa ni President Trump. Ang
China, tulad ng maraming bansa sa Asya, ay sensitibo sa mga ganitong uri ng pagbabanta. Ang
“pagkakakilanlan” — reputasyon, dignidad at karangalan ay mahalaga para sa mga Asyano.
Kung susuko ang China sa harap ng mga pagbabanta ng Amerika, mawawalan ito ng
pagkakakilanlan. Hinihiling nito na ibigay ang patas na respeto, at hindi tratuhin na tulad sa
paraan kung paano tratuhin ng mga bansang kanluranin ang mga sinakop nitong bansa sa Asya.

Nagkataon naman, na katulad na pangamba ng mga Asyano sa “pagkakakilanlan”, ang


humahadlang sa pakikipagnegosasyon ng Amerika sa North Korea. Nang lumantad si Kim Jong-
Un para ihayag ang denuclearization ng Korean Peninsula, umaasa siya ng parehong positibong
tugon mula sa Amerika. Ngunit sa halip, iginiit ng Amerika ang palugit para sa partikular na
hakbangin ng North Korea sa denuclearization nito.

Makakaasa tayong patuloy na titindi ang sigalot sa kalakalan ng Amerika at China gamit ang
salitang pagpapataw ng taripa. Tulad ng sinabi ng chief economist na si Sung Won Sohn ng SS
Economics, isang consulting firm sa Los Angeles, hindi uubra ang taktika ng US President sa
paraan ng pag-iisip ng China. Kaya naman hindi natin masisilayan ang pagtatapos ng trade war
kung hindi babaguhin ni President Trump ang kanyang taktika, at makipagnegosasyon na lang
sa halip na magbanta.

Para sa Pilipinas, maaaring hindi natin nararamdaman ang epekto ng trade war sa ngayon,
ngunit kung magpapatuloy pa ito nang matagal, maaari nitong maapektuhan ang buong mundo,
kabilang tayo rito sa Pilipinas.

Nakalulungkot isipin ang tindi ng epekto ng trade war sa pagitan ng Amerika at China sa
ating bansa. Kamakailan lamang ay isinisi ng Pangulong Duterte ang pagtaas ng presyo ng bilihin
sa alitan ng dalawang bansang nabanggit. Ang pangyayaring ito ay sanhi ng paglobo ng inflation
sa ating bansa.
Nagsalita ang Pangulo hinggil sa nagtataasang presyo ng bilihin makaraang pumalo sa
nine-year high na 6.4 na porsiyento ang inflation rate ng Pilipinas noong nakaraang buwan, sa
panahong binabayo ng Amerika at China ang isa’t isa ng mga taripa na nagpapataas sa mga
presyo sa dalawang bansa. Kasabay nito, bumagsak ang piso kontra dolyar sa pinakamababa sa
nakalipas na 13 taon, sa P53.8 bawat isang dolyar.
Ang pagtaan ng iflation rate sa Pilipinas ay bunsod ng pagpataw ng dalawang bansa ng
taripa mula sa mga imported na produkto nila. Kasabay nito, bumagsak din ang piso kontra
dolyar.
Murang Kuryente law nilagdaan ni Digong
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act
11371 o Murang Kuryente Act para mapababa ang si-ngil sa kuryente ng mga Filipino.
Sa ilalim ng RA 11371, isang bahagi ng Malampaya fund ang ipambabayad sa utang ng
National Power Corporation na naunang ipinapasa sa mga konsyumer bilang universal charges.
Itinatadhana sa ba-tas na P208 bilyon mula sa sosyo ng pamahalaan sa Malampaya fund
ang gagamitin sa pagbabayad sa mga stranded debts at stranded contract costs ng Napocor.
Pinirmahan ng Pa-ngulo ang Republic Act 11371 noong August 8 na ang kopya ay
ipinalabas kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian na kanyang inisponsor sa Senado.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakaasa
ng bawas na P172 sa kanilang electric bill.

Duterte signs Murang Kuryente Act


MANILA -- Consumers can expect lower electricity rates after President Rodrigo Duterte signed
the “Murang Kuryente Act.”
The new law (Republic Act 11371) which was signed by Duterte on August 8, allows government
to allocate a portion of the net national government share from the Malampaya natural gas
project for the payment of the stranded contract costs and stranded debts.
It recognizes the need to “protect public interest by ensuring the provision of reliable, secure,
and affordable supply of electric power to consumers.”
“Towards this end, the State shall implement policies and programs to ensure transparent and
reasonable prices of electricity to consumers by minimizing the universal charges for stranded
contract costs and stranded debts,” the law read.
Under the law, PHP208 billion of the proceeds of the net national government share from the
Malampaya fund shall be utilized for the payment of stranded contract costs and stranded
debts transferred to and assumed by the Power Sector Assets and Liabilities Management
Corporation (PSALM).
It also notes that any remaining and future proceeds of the net national government share from
the Malampaya fund over and above the amount indicated shall finance energy resource
development and exploitation programs.
The Department of Budget and Management shall ensure the timely release of the amounts
allocated and appropriated to the PSALM in accordance with its debt and independent power
producer payment schedule.

Senator Sherwin Gatchalian, sponsor of the measure and chair of the Senate committee on
energy, lauded the signing of the law stressing that it would ease the burden of Filipino
consumers in paying their electricity bills. (PNA)

‘Murang Kuryente Act’ to lower electricity rates in next few months


MANILA, Philippines — The newly-signed “Murang Kuryente Act” will lower consumers’
electricity rates by October or November this year, Senator Sherwin Gatchalian said on Friday.
“It will be seen probably on the fourth quarter of this year, October or November but the
deadline is 90 days,” Gatchalian, chairman of Senate committee on energy, told ABS-CBN News
Early Edition when asked on the expected implementation of the decrease in cost of electricity.
Gatchalian explained that the law will help save cost of electricity at about P172 to P190 per
month which helps families to have huge savings.
“In a nutshell, we’ll be saving up to 90 centavos per kilowatt hour. So for an ordinary consumer
consuming about 200 kilowatt every month, he will save approximately about 172.00 to about
190.00 per month so that’s good for about 4-5 kilos of rice for an ordinary family. This is
actually huge savings for an ordinary family,” the senator said.
EDITORYAL Tama na ang pagkakamali ni Faeldon

MARAMI ang nag-react sa ginawang pagpuri ni President Duterte sa sinibak niyang Bureau of
Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon noong Biyernes, dalawang araw makaraan niya
itong alisin sa puwesto. Sabi ng Presidente nang magtalumpati sa isang okasyon sa Cebu City,
naniniwala pa rin siya kay Faeldon. Malinis aniya ang record nito. Noong nasa Bureau of
Customs aniya ito ay nakasabat ng mga pekeng sigarilyo at stamps. Marami umanong nagawa si
Faeldon sa Customs para tumaas ang collection. Noong Sabado, sinabi ng Malacañang, na kung
gugustuhin ng Presidente, puwede pang ilagay sa ibang posisyon si Faeldon. Karapatan umano
ito ng Presidente at walang makapipigil.

Sinibak ni Duterte si Faeldon dahil sa isyu ng corruption sa pagbibigay ng Good Conduct Time
Allowance (GCTA) kung saan maraming bilanggo na may heinous crimes ang napalaya kabilang
ang drug trafficker. Isa sana sa mga nakatakdang lumaya noong Agosto 20 sa ilalim ng GCTA si
dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Hindi kuwalipikado si Sanchez na may pitong
habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panggagahasa at pagpatay. Karumal-dumal ang kanyang
nagawa. Nakadagdag din sa hindi niya pagkakuwalipika ay nang mahulihan siya ng shabu at
marijuana sa selda noong 2006.

Kahapon, nagpatuloy ang pag-iimbestiga ng Senado sa isyu ng GCTA. Tumestigo si Yolanda


Camilon, asawa ng isang bilanggo na nagbigay ng P50,000 para mapadali ang paglaya ng asawa
sa ilalim ng GCTA pero hindi natupad. Ipinarinig pa ni Camilon ang phone conversation nila ng
isa sa mga babaing BuCor official. Itinuro rin ni Camilon kung kanino niya ibinigay ang pera para
mapadali ang paglaya ng kanyang asawa, na nag-testify din kahapon.

Laganap ang katiwalian sa BuCor. Umaalinga-saw ang kabulukan at ang lahat nang ito ay
nangyari sa ilalim ni Faeldon subalit tila wala siyang alam sa mga nangyayari. Lumulutang na
may “GCTA for sale” sa Bilibid pero nang tanungin si Faeldon, hindi niya ito alam o
nagmamaang-maangan. Sa hearing kahapon, nakita na ang lawak ng korapsiyon sa BuCor.

Noong Miyerkules, sinabi ng Presidente na hindi na raw niya ilalagay sa anumang posisyon si
Faeldon. Dapat lang. Tama na ang pagkakamali niya. Dapat pa nga itong kasuhan sa mga
nangyayaring katiwalian sa BuCor. Kung walang makakasuhan, sayang lang ang gastos at oras sa
pagdinig ng Senado.
.

Maliit ngunit malaking kaagapay sa hirap

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o


Murang Kuryente Act na naglalayong ibaba ang singil ng koryente sa bansa. Ang
hakbang na ito ng pangulo ay magdudulot ng ikagagaan ng bulsa ng taumbayan.
Sa ilalim ng RA11371, isang bahagi ng Malampaya Fund ang ipambabayad
sa utang ng National Power Corporation na naunang ipinapasa sa mga konsyumer
bilang karagdagang bayarin.
Ang batas na ito ay isang lunas sa di mabilang na pasakit na kinakaharap ng
ating kababayan. Magiging susi ito para maibsan ang kanilang gastusin. Ito’y
malaking tulong sa lahat ng konsyumer lalo na sa mga ordinaryong mamamayan.
Ang pagsang-ayon ng ibang mambabatas at agarang aksyon ng ating
pangulo ay nangangahulugang ang ating pamahalaan ay nakapokus sa pagbibigay
solusyon sa mga pangangailangan ng ating mumunting konsyumer. Nitong mga
susunod na buwan, mararanasan na rin natin ang bawas o diskuwento sa ating
bayarin sa koryente.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on
Energy, sa ilalim ng batas na ito, makaiipon ang bawat konsyumer ng P172-P190
kada buwan. Ang halagang ito ay napakalaking tulong upang makaipono makabili
pa ang mga mamamayan ng karagdagan sa kanilang pangunahing
pangangailangan tulad ng bigas. Para sa isang maliit at ordinaryong pamilya, ang
halagang ito ay maaring pantawid-gutom ng kanilang mga mahal sa buhay.
Tunay ngang napakalaking tulong sa ating mga kababayan ang RA11371.
Kaya patuloy tayong aasa na sa darating na mga buwan, makaiipon tayo ng kahit
kakarampot na halaga ngunit aakay sa atin tungo sa mas maliwanag na buhay.
Maling hakbang para sa kinabukasan

Kamakailan lamang ay nagging usap-usapan ang polisiya ng Department of


Education dahil sa pagsang-ayon ni Secretary Leonor Briones sa no homework
policy. Ang panukalang ito ay walang magandang maidudulot sa mga mag-aaral.
Ayon sa direktiba ng departamento, ang no homework/assignment ay ipatutupad
sa buong linggo. Araw-araw ay hindi maaaring magbigay ng homework ang mga
guro upang mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makahalubilo ang
kanilang mga kapamilya at mabigyan ng oras na makapaglibang nang walang iniisip
na anumang magpapahirap sa kanila. Ito ay umani ng magkakaibang reaksiyon sa
publiko. Kaya nararapat lamang nap ag-isipan ng Mabuti kung ito ay aaprubahan.
Ang no homework policy ay nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral. Ito ay
nagiging pabigat sa kanila, sa kanilang pamilya at mga guro. Isinaalang-alang ng
polisiyang ito ang nakakapagod na dagdag trabaho sa mga mag-aaral at sa kanilang
mga magulang. Ito rin ay dagdag pabigat sa bulsa ng mga magulang pagdating sa
mga proyekto. Maliban dito, ito rin ay nangangahulugan ng karagdagang gawain sa
mga guro pagdating sa paperworks.
Kapag naaprubahan ito at naging batas, maiiwasan ang mga nabanggit na
problema. Sa kabilang dako, ito naman ay nangangahulugan ng pagkakaraoon ng
mas mahabang panahon upang maglarong kanilang mobile phones.
Ang mga takdang aralin ay mahalagang bahagi ng edukasyon. Ito’y nagbubukas ng
oportunidad sa mga bata upang palawakin ang kanilang kaalaman. Karagdagan pa,
nahahasa ang kanilang talino na siyang nagagamit araw-araw.
Bagamat kapakanan ng mag-aaral ang tinutugunan ng DepEd, ang no homework
policy ay makakasira lamang sa good quality habits ng mga bata.Hindi na sila
kasinggaling at epektibo ng taga ibang bansa.Mapag-iiwanan tayong mga Pilipino.
Kaya ngayon pa lang,bago pa mahuli ang lahat, dapat rebisahin ng DepEd ang
kanilang polisiya.Ang homework ay gawaing nagpapalago sa angking talion ng isang
bata. Ito ay para sa ikabubuti niyang isang bata. Ito ay para sa ikabubuti niyang
isang bata. Ito ay para sa ikabubuti niyang isang bata. Ito ay para sa ikabubuti niya.
Isang maling hakbang ang . Isang maling hakbang ang aprubahan ang panukalang
ito.

You might also like