Professional Documents
Culture Documents
EDITORYAL
- Nagsasaad ng pagpuna, panunuligsa, pagtuturo, pagpapaunawa, pagbibigay-puri, pagbibigay-kahulugan napapanahong
balita at kumakatawan sa paninindigan ng buong patnugutan at pahayagan.
- Maituturing na ambag sa pakikipagtalo ukol sa napapanahong isyu.
2. Simula (Lead)
Ditulad ng sa balita na itinuturing na ‘puso’ ng kuwento ang lead, sa editoryal, ang ‘puso’ ay maaaring nasa gitna o wakas,
depende sa kapritso at istilo ng editorial writer.
Hindi kailangang sundin ang tradisyunal na ASSKPB.
Mas may kalayaan ang manunulat ng editorial na maging malikahin kaysa manunulat ng balita sa pagsulat ng ‘lead’.
Maaaring isang makabuluhan at makatawag-pansing pangungusap tungkol sa paksa o isyu na mapagtatalunan/matatalakay o
pagsasalaysay na naghahayag ng suliranin o isyu.
News peg – isang maikling pahayag tungkol sa isang balita na pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu na
nangangailangan ng agarang solusyon.
3. Katawan
Naglalaman ng mga ‘basic facts’, mga sanhi at bunga sa likod ng mga pangyayari, sitwasyon at argumento.
Inilalahad dito ang mga detalye ng mga katotohanan tungkol sa isyu, kalakip ang
opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan.
4. Konklusyon/Wakas
- Naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan, tagubilin, mungkahi o direksyon na maaaring payo, hamon o
simpleng buod ng akda
Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng kapayapaan.
Inihayag ni Duterte kahapon ang unilateral ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito
rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa ng Presidente, nakatakda na ang
usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na buwan na gagawin sa
Norway.
Itong House Bill 6608 na tinatawag na Maharlika Investment Fund ang sinasabing
pinakamabilis sa lahat nang panukalang batas na inaprubahan ng mga miyembro ng
House of Representatives. Mahigit dalawang linggo lang mula nang ipanukala noong
Disyembre 2. Ngayon ay aprubado na makaraang sertipikahang urgent ni President
Ferdinand Marcos Jr. Pagbalik ni Marcos mula sa Belgium, pasado na makaraang
pagbotohan ng mga mambabatas. Anim na mambabatas lamang ang tumutol sa
Maharlika samantalang 279 ang pumabor.
Nang unang pumutok ang Maharlika, maraming mambabatas ang nagpahayag nang
pagtutol dito at nagsabing hindi ito magiging batas, subalit sa araw ng botohan, marami
na “bumaliktad” at nagpahayag ng pagsang-ayon. Maski si Banko Sentral ng Pilipinas
Governor Felipe Medalla ay nagbago na rin ng tono ukol sa Maharlika at sinabing
makaaakit ito ng foreign investment pero nagpaalala naman siya na dapat itong
mabantayan at magkaroon ng kaukulang safeguards.
Sabi ni FFF chairman Leonardo Montemayor, 321,000 tonelada lamang ng bigas ang
maaaring maprodyus bago matapos ang 2022 at hindi ito sasapat kaya kailangang
mag-angkat. Lumalaki rin umano ang populasyon kaya malaki ang pangangailangan sa
pagkain.
IPINASA ang Republic Act No. 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act) noong 2016.
Nakasaad sa batas na ang malakihan o malawakang pag-i-smuggle ng agricultural
products ay isang pananabotahe sa ekonomiya ng bansa at may katumbas na mabigat
na kaparusahan at multa sa mga gagawa nito.
Anim na taon na ang nakalilipas mula nang maging batas ang RA 10845 pero
hanggang ngayon, wala ni isa mang smuggler ng agri products ang napaparusahan
nang mabigat. Sobra-sobra na ang pananabotahe sa ekonomiya ng bansa pero wala
pang pinananagot. Malinaw pa sa tubig na walang silbi o inutil ang batas.
Matagal nang namamayagpag ang mga smuggler ng gulay, bigas, asukal, karneng
baboy at manok ngayon ay lalo pa silang naging mabangis. Lantaran na ang
pagpapasok ng iba’t ibang produkto. Ngayon pula at puting sibuyas naman ang ini-
smuggle. Dagsa ang mga puslit na sibuyas na tamang-tama sa kapaskuhan.
Matagal nang umaaray ang mga lokal na magsasaka ng gulay dahil sa patuloy na
pagdagsa ng agri products subalit walang magawa ang Bureau of Customs at maging
ang Department of Agriculture. Lalong lumala ang smuggling ng gulay at nangangamba
ang mga lokal na magsasaka ng gulay na mamamatay sila sa gutom dahil sa
ginagawang ito.
Niliwanag din sa kautusan na ang Christmas party sa mga paaralan ay maaaring gawin
sa class hours bastat hindi nakakaapekto sa scheduled lesson plans.
Hindi rin pinapayagan ang solicitations kahit cash o in-kind para sa Christmas parties o
holiday celebrations.
Samantala, ang mga private schools, community learning centers gayundin ang mga
state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay maaaring mag-adopt sa naturang
kautusan ng DepEd bilang batayan ng kanilang pagdiriwang ng Christmas party.