You are on page 1of 22

NEWS

1. DAGDAG BUWIS SURE BALL NA!


Anim na taon lang mayroon ang Duterte government para hanguin sa matinding
kahirapan ang tinatayang 10 milyong pobreng Pinoy kaya desidido ito na isulong ang tax
reform na magreresulta sa dagdag na buwis para magawa ang mabigat na misyon.
Ito ang nilalaman ng mga dokumentong isinumite ng Department of Finance (DOF) sa
Senate committee on ways and means na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara.
Nakasaad dito na target ng Duterte administration na ibaba sa 17% ang kasalukuyang
poverty rate ng Pilipinas na nasa 26%. Katumbas ito ng 10 milyong Filipinong hahanguin
sa sobrang pagdarahop.
Para maisakatuparan ito, puntirya ng gobyerno ang patuloy na pag-angat ng ekonomiya
sa 7%. Ipipihit din nila ang ugat ng paglago ng ekonomiya sa investment mula sa
consumption.
Bukod dito, gagawin din umano ng gobyerno na maging globally competitive ang mga
Pinoy. Mamumuhunan din ang pamahalaan sa pagtatayo ng maraming imprastraktura
upang maitaas ang productivity ng labor force.
Pero ang mapait na gamot sa kahirapan na ipapalunok ng gobyernong Duterte sa
taxpayers ay kinabibilangan ng: 1) apat na ulit na patong na buwis ang ipapataw sa mga
sasakyan at langis; at 2) pagtanggal ng VAT exemptions sa mga senior citizens at person
with disabilities (PWDs).
Target kasi ng DOF na makalikom ng isang trilyong piso kada taon sa mga buwis na
ipapataw ng gobyerno.
Ayon kay Angara, inimbitahan na niya ang mga apektadong sektor ng lipunan sa tax
reform package ng gobyerno upang madinig ang kanilang hinaing sa ambisyosong
panukala ng gobyerno.

2. Teachers hospital at LGBT desk sa presinto

Mayroong House Bill 2967 na naglalayong magtayo ng ospital para sa mga guro sa
bansa kung saan ang pangunahing gagamutin dito ay mga sakit na nakukuha sa
pagtuturo, lalo na iyong mahabang panahon na sa propesyon.
Sa Senado naman ay isinusulong ang Senate Bill 926 na naglalayong magkaroon ng
hiwalay na LGBT desk sa bawat himpilan ng pulisya sa bansa, gaya ng naitayo nang
womens at childrens desk sa mga presinto.
Ang panukala para sa pagkakaroon ng Philippine Teachers Hospital ay akda ni dating
Pangulo at ngayoy Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung saan nakapaloob dito
ang paglalaan ng inisyal na pondong P300 milyon para rito.
We have always recognized the important role of our teachers. They are our unsung
heroes because despite the difficulties that confront their profession, they have
remained steadfast in molding the values and character of our youth, ani Arroyo sa
kanyang panukala.
Samantalang ang panukalang LGBT desk ay inihain naman ni Sen. Ralph Recto kung
saan inoobliga na isang babae rin ang uupo sa desk upang masigurong gender sensitive
ang hahawak sa kaso ng mga bakla, tomboy, silahis at transgender.
This bill seeks to create a police organization that is able and eager to respond to any
criminal or emergency incident regardless of the gender orientation of the people
involved, paliwanag ni Recto sa paghahain ng panukala.

3. Mga karag-karag, igagarahe na!


Wala ng kakarag-karag na mga sasakyan at wala ng tatakbo na sira ang mga ilaw dahil
igagarahe na ang mga ito nang tuluyan kapag naibigay na kay Pangulong Rodrigo
Duterte ang emergency power para resolbahin ang mga problema sa lansangan
partikular na sa Metro Manila.
Ito ang nabatid kina Quezon City Rep. Winston Castelo at House deputy speaker Raneo
Abu na kabilang sa mga mambabatas na may-akda na bigyan ng emergency power si
Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila, kasama na ang Metro
Cebu at Davao City.

Maraming mga sasakyan ang kulang sa ilaw at kahit hindi na ligtas na tumakbo sa mga
kalsada pero patuloy pa rin sila sa pagbiyahe na nagreresulta sa mga aksidente, ani
Castelo.
Dahil dito, bibigyan umano ng kapangyarihan si Duterte na ipagarahe na ang mga
sasakyang ito sa ayaw at sa gusto ng mga may-ari dahil isa ito sa mga solusyong inere komenda sa Kongreso.

4. P18B hulog at bayad-utang, hindi na-credit sa


members COA
Salto ito ng anim na state-run pension fund at housing agencies pero ang masasapul ng
problema at direktang mapeperwisyo ay ang mismong mga miyembro.
Tumataginting na P18.188 bilyon na kinolekta o tinanggap na bayad ng naturang mga
ahensya mula sa naghuhulog na mga miyembro noong 2015 ang hindi nairekord sa
system kayat masasabing hindi updated ang biktimang mga miyembro, base sa annual
report ng Commission on Audit (COA).
Sa 2015 Annual Financial Report on Government-Owned or Controlled Corporations
(GOCC) sa mga pension fund institution na ni-release ng COA, nangunguna ang Social
Security System (SSS) na mayroong undistributed collections sa premiums at loan
payment ang hindi ipinasok sa kanilang database o system at umaabot ito sa kabuuang
halagang P9.939 bilyon.
Ayon sa COA, nagbayad na ang mga miyembro ng SSS ng kanilang loan at maging
kontribusyon sa SSS subalit hindi pa rin nai-credit sa kanilang pangalan ang mga
binayaran.
Pumangalawa rito ang Armed Forces of the Philippines-Retirement and Separation
Benefits System (AFP-RSBS) na may P4.914 bilyon na sinundan ng Government Service
Insurance System (GSIS) na umaabot sa P2.697 bilyon ang hindi nai-credit sa kanilang
mga miyembro kahit nagbayad na ang mga ito.
Sumunod dito ang Social Housing Finance Corporation P372.626 milyon; Home
Development Mutual Fund (HDMF or PagIBIG Fund) P264.132 milyon; at Small
Business Corporation (SBC) P1.807 milyon.

Ayon sa COA, nasa balag ng alanganin ang mga miyembro ng mga pension funds na ito
dahil ang kanilang credit ratings ang maaapektuhan dahil sa kapalpakan ng mga
institusyon na ito.
(T)he collections of premiums and loans (that) have not been posted to the individual
members

accounts

members/pensioners

affect
data

the

accuracy

ultimately

and

delaying

correctness
the

of

processing

presentation
of

benefits

of
of

members/pensioners, babala ng COA.


Inihalimbawa ng COA ang mga miyembro ng GSIS na siguradong hindi makakautang muli
o kayay limitado ang mauutang na halaga sa panahon ng pangangailangan dahil ang
kanilang binayarang dating utang ay hindi updated o kaya ay walang record of
payment.
Maging ang dibidendo na kinita sana ng miyembro dahil sa pagbabayad nang walang
patid at delay ay hindi rin maibibigay sa miyembro.
Member paying amortization will not benefit to this since his loan balance will not
reflect immediately the correct/actual loan balance due to the delayed posting(and)
deprives members from accumulation of dividends from the time the payment or
remittance should have been posted, ayon sa COA.

5. 30 Pinoy na nilindol, nasa Rome na


Aabot sa 30 Filipino ang inilikas ng mga awtoridad mula sa Norcia, Italy na niyanig ng
magnitude 6.6 na lindol, Linggo.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), inilikas ang nasabing mga
Pinoy patungo sa Roma kung saan pansamantalang manunuluyan ang mga ito sa
religious guest house.
Sinabi ni Hector Cruz, welfare officer ng OWWA, na nasa ligtas at wala namang nasaktan
sa mga nasabing Pinoy sa Italy.
Kabilang ang Norcia sa mga bayang pinakamalubhang napinsala ng lindol na tumama sa
central Italy, alas-7:40, Linggo ng umaga.

Ang naturang pagyanig ang pinakamalakas na naitala sa loob ng mahigit 30 taon, ayon
sa Istituto Nazionale di Geofisica e Vulcanologia (INGV).
Naitala ang sentro ng lindol sa pagitan ng mga rehiyong Umbria at Marche, malapit sa
Norcia. Naramdaman ito mula sa mga rehiyon ng Trentino-Alto Adige hanggang Puglia.
Marami ring kalsada ang isinara, dahilan upang mahirapan ang mga awtoridad na ilikas
ang mga Pilipino roon.
Patuloy naman ang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na maging alerto ang
mga Pinoy sa posibleng aftershocks at iba pang sakunang posibleng idulot ng lindol.
Tiniyak din ng Department of Foreign Affairs (DFA) na handa silang magbigay ng
anumang ayudang kailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Tumutulong na rin umano ang Filipino communities sa ibang bayan sa pangangalap ng
relief supplies na maaaring maipadala sa mga kababayang nagsilikas mula Norcia.

6. DRUG RAID SA MOTEL


Nagkaroon ng habulan at barilan sa pagitan ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot at
awtoridad matapos magsagawa ng drug raid sa isang motel sa Quezon City kahapon ng
madaling-araw.
Ganap na alas-2:30 ng madaling-araw nang magkasa ng drug raid ang mga tauhan ng
Quezon City Police District (QCPD) sa isang motel sa kahabaan ng Commonwealth
Avenue ng nasabing lungsod. Target nilang mahuli ang nasa drug watch list na si Lesley
Cruz, nasa hustong gulang ng nasabi ring lugar.
Sa go signal ng asset ay tinungo ng mga awtoridad ang motel kung saan nagaganap ang
transaksyon ng ipinagbabawal na gamot. Dito nila nakita ang target na si Cruz at dalawa
pa nitong kasamahan.
Agad na sumakay ng kotse at nang makaalis na sa motel ay mabilis silang binuntutan ng
mga pulis at nang kanila itong sitahin ay doon na umano bumunot ng baril si Cruz at
pinaputukan ang mga ito saka pinaharurot ang kanilang sinasakyang kotse.
Doon na napilitan ang pulisya na pagbabarilin ang sasakyan ng mga suspek. Nabasag
ang windshield at wasak din ang mga gulong ng kotseng ginamit ng mga suspek.

Nangmapalibutan na ng mga awtoridad ay wala na ring nagawa ang mga suspek kundi
sumuko. Na-recover sa mga ito ang nasa limang mga plastic ng hinihinalang shabu na
inaalam pa ang dami gayundin ang baril na ginamit ni Cruz sa pagpapaputok.
Noong una ay todo tanggi pa ang mga suspek na shabu ang mga na-recover sa kanila at
na sangkot sila sa iligal na kalakaran ng ipinagbabawal na gamot ngunit kalaunan ay
napaamin na rin ang mga ito.

BAGYONG LAWIN MAS MALAKAS!


Sa paglabas ng bagyong Karen sa bansa, inaasahan ang mas malakas na bagyong
papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules na maaaring umabot sa
Category 5 o super typhoon na tatawaging Lawin.
Base sa report ng isang commercial weather service provider na nakabase sa San
Francisco, USA, ang Tropical Storm Haima na tatawaging bagyong Lawin ay aabot ang
lakas sa 251 kilometers per hour bago pa mag-landfall sa hilagang parte ng Luzon.
Magugunita na ang isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa noong
Nobyembre 2013 ang bagyong Yolanda na may international name na Haiyan ay itinaas
din sa Category 5 hurricane na labis na puminsala sa Visayas partikular sa Samar at
Leyte.
Nakikita na dadaan si Lawin sa northernmost tip ng Luzon bandang alas-tres ng hapon
sa Huwebes bilang Category 4 typhoon na aabot sa 210 kph at 250 kph.
Sinasabing mas malakas ito kaysa bagyong Karen.

Karen humina na
Lalo pang humina si Karen at ito ay tuluyan nang nakalabas ng PAR sa Pangasinan
bandang alas-otso ng umaga kahapon.
Muling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Bolinao, Pangasinan na taglay ang
pinakamalakas na hangin na aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at
pagbugso na aabot naman sa 200 kph at kumikilos ito sa direksyong west northwest sa
bilis na 22 kph.

3 patay
Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy
Taguiwalo na may iniulat na tatlong bangkay ang nakuha ng mga awtoridad, pero hindi
pa matukoy kung nasawi ang mga ito dahil sa bagyo kung saan ang isang fatality ay
mula sa Bato, Camarines Sur, na hinihinalang nalunod.
Kinilala ang mga ito na sina Arcille Latoja, 26; Rex Adrian Latoja, 6 at Reynold Latoja, 3,
habang patuloy na ginagamot sa ospital ang isa pang biktima na si Luisito Oliveros, 38.
Umaabot naman sa mahigit 9,000 residente mula sa Regions 2, 3, Calabarzon at 5 ang
nasa ibat ibang evacuation centers sa kasalukuyan.

Landslides
Ayon naman kay Northern Luzon Command Commander, Lt. Gen. Romeo Tanalgo na ang
Banaue-Mayoyao-Alfonsolista, Isabela Boundary Road sa Ifugao ay isinara dahil sa
landslide.
Ang Abatan Buguias at Kenon Road ay hindi rin passable dahil sa landslides.
Lahat ng mga kalye at tulay sa Kalinga ay madadaanan lahat ng klaseng sasakyan bukod
na lamang sa Abra-Kalinga Road na sarado dahil sa naganap na landslide sa Barangay
Pantikian, Balbalan.
Ayon naman kay Genaro Basilio, OIC Provincial Disaster Risk Reduction and Management
Officer (PDRRMO) na walang problema sa kahabaan ng national highway sa pagitan ng
Aritao at Dalton Pass sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Aksyon agad
Samantala, sa isang press briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) kuntento si DSWD Secretary Judy Taguiwalo, sa mga naging tugon ng
mga lokal na pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Karen.
Inihayag ni Taguiwalo na nagampanan ng mga ito ang mabilis na makapaghanda at
nabigyan naman agad ng sapat na ayuda ang mga residente na naapektuhan ng bagyo
gaya ng pagbibigay ng mga relief goods.

Marikina
Itinaas naman sa Alarm Level 1 ang Marikina River matapos umangat ang lebel ng tubig
sa 15.2 meters bandang alas-otso ng umaga bagamat bumaba na rin ito nang bumuti
ang panahon bandang hapon.

Aurora Province
Kahapon ng bandang alas-2:30 madaling-araw nang maramdaman ang pananalasa ng
bagyong Karen matapos itong mag-landfall sa Baler, Aurora.
Iniulat ng Department of Interior ang Local Government (DILG), isolated na ang bayan ng
Dingalan dahil under construction ang kanilang main road at nasira naman ang mga
alternatibong daan.

Stranded na pasahero
Bumaba na sa 5,581 ang mga pasahero na stranded sa mga pantalan kasunod ng
pagtama ng bagyong Karen, kahapon ng madaling-araw sa Baler.
Pinayuhan pa rin ang mga sasakyang pandagat na huwag pumalaot hanggang masama
ang panahon.

ENTERTAINMENT

1. THE SOURCE: Imelda Schweighart, patuloy sa


paghamig ng batikos!
Natapos na ang Miss Earth 2016 pero hindi pa tapos ang mga batikos laban kay Miss
Earth

Philippine

Imelda

Schweighart

dahil

sa

kanyang

controversial

video

na

kumukuwestyon sa panalo ni Miss Ecuador Katherine Espin.


Apparently, hindi namalayan ng palengkerang-palengkera na si Imelda na nakunan siya
ng video habang sinasabi niya na Yung nanalo, peke ang ilong, peke ang baba at peke
ang boobs. Ang Miss Earth dapat natural.
Ang mga kapwa Pilipino ang dismayado sa inasal ni Imelda na pinaratangan nila na hindi
rin natural dahil peke ang ugali kaya hindi raw nakapagtataka na hindi siya nakasali sa
semi-finalists ng Miss Earth 2016.
Naglabasan din ang mga isyu tungkol sa pagiging pasaway ni Imelda na ginamit ang
screen name na Imee Hart noong talent pa siya ng Viva Artists Agency.
Reportedly, naging biktima ni Imelda si Miss England Luissa Burton na sumakit ang tiyan
nang lunukin nito ang buto ng rambutan na diumanoy ipinakain sa kanya ng Pinay
beauty queen.
Isang kaibigan ni Miss England ang nag-share ng conversation nila tungkol sa pananakit
ng tiyan ni Burton.
I told the team manager I feel sick and getting cramps and Im concerned and she said
did you eat the seed of this fruit and basically, Miss Philippines gave them to me, USA
and Venezuela yesterday, handing them out and told us, were supposed to eat the seed,
also of the fruit!!! I cant believe it, ang kuwento ni Burton tungkol sa kanyang
karanasan na naging dahilan para lalong maging kontrabida si Imelda sa paningin ng
haters at bashers niya.
Ang mga nasty story laban kay Imelda na dapat ipagtanggol ang sarili ang basehan ng
mga mensahe na natatanggap ng Miss Earth Philippines Organization mula sa
disappointed Filipinos na gustong ipabawi ang korona ng pilya at kontrobersyal na
beauty queen.

2. THE SOURCE: Imelda, laglag sa Miss Earth dahil


sa attitude problem?
LaglagsaMiss Earth 2016 ang Philippinerepresentative na si Imelda Schweighart at si
Cloie Skarne, ang anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia na official delegate ng
Sweden sa beauty pageant na ginanap noong Sabado sa Mall of Asia Arena at live na
napanood sa Starworld.
Marami ang nagulat dahil hindi pumasok sa Top 16 candidates si Schweighart na dating
co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie ng TV5. May isyu na diumano, may kinalaman
ang attitude ni Schweighart kaya thank you girl ang naging kapalaran niya.
Nagingkontrobersyal si Schweighart dahil sa pagkukumpara niya kay President Rodrigo
Duterte at sa diktador na si Adolf Hitler.
Nakatikim din si Schweighart ng salita mula kay Miss Earth 2008 Karla Henry na
pinagbintangan niya na pinagtawanan siya sa pre-judging event ng Miss Earth 2016.
Masyadong active si Schweighart sa social media at ang kanyang Facebook rants ang isa
sa itinuturo na ugat ng pagkatalo niya sa Miss Earth 2016.
Nang manalo siya na Miss Earth Philippines noong June 2016, nabanggit ni Schweighart
sa mga interview sa kanya na biktima siya ng racial bullying
Nang mabigo si Schweighart na makapasok sa semi-finals ng Miss Earth 2016, biktima
na rin siya ng online bullying dahil sa paratang na hindi niya naitayo ang watawat ng
Pilipinas.
Pasok sa Top 16 at nakalusot sa Top 8 si Cloie pero hindi na siya pinalad na makabilang
sa Top 4 candidates.
Hindi man nagkaroon ng puwesto ang kanyang half-sister, supportive kay Cloie si KC
Concepcion na kinabahan nang husto.
We feel so proud of Cloie. She made it so far and looked absolutely STUNNING! Shes
worked so hard and come so far! ang reaksyon ni KC sa resulta ng pagsali ni Cloie sa
Miss Earth 2016.

3.

Miss Ecuador na si Katherine, deserving na


Miss Earth!

Si Katherine Elizabeth Espin, ang charming at gracious representative ng Ecuador ang


nanalo ng Miss Earth 2016 crown. Bukod sa maganda, mahusay sumagot si Espin na
nag-effort na batiin ang audience sa sariling lengguwahe ng mga Pilipino.
Hindi nakalimutan ni Espin na mag-sign of the cross nang tawagin siya bilang semi-finalist at finalist ng contest kaya nakuha niya ang atensyon at paghanga ng lahat.
Mga runner up ni Espin si Miss Colombia Michelle Gomez (Miss Earth Air), Stephanie de
Zorzi ng Venezuela (Miss Earth Water) at Bruna Zanardo ng Brazil (Miss Earth Fire).

4. Alma, patuloy sa paghingi ng dasal para kay


Mark
Kailangan pa naming habulin si Alma Moreno sa elevator ng GMA 7 pagkatapos ng
presscon ng TsuperHero dahil nagmamadali na itong pumunta sa Pampanga para
dalawin muli si Mark Anthony Fernandez na nakakulong doon dahil sa illegal possession
of prohibited drugs.
Agad namin siyang kinumusta lalo na nga at sobrang busy siya sa taping ng fantaserye
na ito kasabay ng obligasyon niya bilang isang ina.
Mahirap, sobrang mahirap. Katulad ngayon, pupunta akong Pampanga, then balik dito.
Kung pupunta ako, kailangan kong ikundisyon ang sarili ko.

Hindi maganda ang sitwasyon ng anak ko Alma


Kumusta ang sitwasyon ngayon ni Mark base sa huling pagdalaw niya?
Siyempre, hindi maganda. Ang sitwasyon, siyempre, yong iba nun, sa lawyer na
namin
Hindi ako puwede magsalita. Basta ang lagi ko lang hinihingi ay dasal para malampasan
niya ito.

Adjusted na ba si Mark sa bagong mundo niya?


Sagot ni Alma, Siyempre, hindi pa.
Hindi naman ganun kadali yon.
Basta si Mark, naga-adjust, hindi ganun kadali.
Kung ako nga hindilalo na ang anak ko sa loob.
Nakunan nga ang isang video na nagsu-sorry sa kanya ang kanyang anak. Ano ang
masasabi niya rito?
Lagi namang mabait si Mark. Hindi yan nagbigay ng problema sa ibang tao, walang
inagrabyado, hindi palaaway.
Alam niyo naman yon, kilala niyo naman yon. Sarili lang niya ang nabiktima.
Medyo bumibigat na ang kanyang loob kaya minarapat na rin niyang magpaalam dahil
lalarga pa nga siya para puntahan ito.

5. OH LABAN KA?!: Kylie, nahawaan daw ng swerte


ni P-Digong!
Nahawaaan daw niPresident Duterteng suwerte si Kylie Verzosa, ang bagong Miss
International. Bago nga ang laban, ipinagmalaki ni Kylie sa kanyang IG wall ang photo
nila ni P-Digong.
Sinabi ni Kylie na luckiest siya sa araw na iyon nung makita niya si Duterte.
Today I am the luckiest!!! President Duterte at his state visit to Japan, felt at home with
all the Filipinos. Thank you for all your good energy, thank you to everyone who made
this possible. #missinternational2016 #rehearsalday.
Anyway, nagbunyi nga ang mga Pinoy sa pagwawagi ni Kylie. Kanya-kanyang pagbati
nga ang mga local celebs natin kay Kylie.

OPINION

EDITORIAL: Good news mula sa Japan! Salamat, Ms.


Kylie Verzosa!
alamat! Salamat! Salamat!
May panibagong karangalan na naman ang gandang Pinay. Kagabi ay iniuwi ni Bb. Kylie
Verzosa ang titulo bilang Miss International 2016. Ginanap ang pandaigdigang
patimpalak ng kagandahan sa Tokyo, Japan kung saan nagsasagawa rin ng official visit si
Pangulong Rodrigo Digong Duterte.
Talagang pinatutunayan lang ng mga Pinay na angat ang ating kayumangging
kagandahan.
Isang napakagandang pasalubong ito sa sambayanang Filipino mula sa Japan. Lalo pa
ngat sawang-sawa na ang mga Pinoy sa mga balita ng patayan, sa mga negatibong
puna ng ilang dayuhang gobyerno at international organizations sa asal ng ating Pangulo
at pati na sa mga intrigang pulitikal.
Pero ang mas malaking alalahanin ngayon ng sambayanan na bahagyang nasapawan at
napagaan ng koronong uwi ni Ms. Kylie ay itong pangamba sa trabaho ng ilang sektor.
Una ang pangamba ng mga call center employees na masapul ang kanilang trabaho ng
paulit-ulit na pagmumura at pakikipag-cool off ng Pangulo sa Estados Unidos.
Ito ring sinasabing solusyon sa trapik ng Metro Manila, Metro Cebu at iba pang lungsod
sa bansa na magreresulta raw sa mass layoff ng mga tsuper, konduktor at mekaniko.
Sa binabalangkas daw na emergency power na balak ibigay ng Kongreso kay Pangulong
Duterte para solusyunan ang problema ng trapik ay may masasakripisyo at kasama rito
ay ang public transportation.
Magandang breaker ng mga pangit na balita at ng mga alalahanin itong pagkapanalo ni
Bb. Kylie Verzosa. Sana ay masundan pa ito sa mga susunod na laban ng ating mga
pambato sa kagandahan.
Si Miss Universe Pia Wurtzbach, ilang buwan na lamang na magsusuot ng korona at
nakatakda na niya itong isalin sa susunod na Miss Universe.

Sa inyo, mga kahanga-hangang Filipina na nag-uuwi ng dangal sa bansa at nagsisilbing


inspirasyon sa mga kabataan, maraming-maraming salamat! Salamat sa happy news!
Congratulations, Miss International 2016 Kylie Verzosa! Mabuhay ka!

BIDA KA!: Libreng wi-fi sa paaralan


Mga bida, bilang chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture ngayong
17th Congress, bahagi ng aking tungkulin ay tingnan ang kalagayan ng mga
pampublikong paaralan at state colleges and universities (SUCs) sa ibat ibang bahagi ng
bansa.
Itoy

upang

mapakinggan

ang

hinaing

ng

mga

estudyante

at

malaman

ang

pangangailangan ng mga paaralan, tulad ng kakulangan ng silid-aralan, upuan, aklat at


iba pang mga kagamitan.
Mahalagang malaman ang mga pangangailangang ito upang maisama at mabigyan ng
karampatang pondo sa pambansang budget.
***
Kamakailan, dinalaw natin ang Alegria National High School nang magtungo tayo sa
Bacolod City.
Natutuwa naman tayo sa mainit na pagtanggap ng mga estudyante, guro at mga
magulang sa ating pagdating.
Ininspeksiyon natin ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng paaralan at nagsagawa
ng round table discussion sa mga pinuno ng paaralan at student leaders upang malaman
ang kanilang pangangailangan.
Sa nasabing round-table discussion, nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na
magsalita at maiparating ang mga kailangan sa pag-aaral.
Isang Grade 10 ang tumayo at nagsabi na isa sa pinakamalaking pangangailangan nila
ay silid-aralan, na sa ngayon ay siksikan kaya nahihirapan silang mag-aral.
Isa pang binanggit ng estudyante ay ang kakulangan ng computer at internet sa kanilang
paaralan na magagamit sa paggawa ng assignment.

Kahit pa kulang ang mga libro, kung may internet ay magagamit nila ang pinakamahusay
at world-class na materyales para sa edukasyon.
***
Kabilang ang Alegria National High School sa 74% ng public schools na walang internet
connection, batay sa data mula sa Department of Education (DepEd).
May sapat na pondo naman ang DepEd para i-connect ang mga paaralan sa internet
ngunit dahil kulang ang imprastruktura at signal ng internet, hindi sila mabigyan ng
magandang koneksiyon.
Nakababahala ang numerong ito dahil mahalaga ang connectivity sa internet sa
pagtuturo at pagkuha ng karunungan.
Kaya sa ginawa nating pagdinig sa Senate Bill No. 1050 o ang panukala kong lagyan ng
libreng internet ang public schools at SUCs sa buong bansa, hinikayat natin ang DepEd,
Department of Information and Communications (DICT) at telecommunication companies
na maglatag ng plano upang matugunan ang problema.
Sa ating pagdinig, humingi ako ng roadmap mula sa mga kaukulang ahensiya ng
pamahalaan at pribadong sektor kung paano mabibigyan ang 100% ng public schools at
SUCs ng libreng internet connection.
Sa paglalagay ng internet sa mga paaralan, masusuportahan ang pag-aaral sa
pamamagitan ng learning materials at online information.
Sa ilalim ng panukala, aatasan ang bagong tatag na Department of Information and
Communications Technology (DICT) na bigyan ng malakas na internet connection ang
mga estudyante, faculty members at iba pang non-teaching personnel.
Ang internet connection na ito ay dapat ilagay sa isang lugar kung saan makakasagap ng
malakas na signal ang lahat.
Kumbinsido ako na dapat sanayin ang mga estudyante sa responsableng paggamit ng
internet upang mapabilis ang pag-unlad ng kanilang kaalaman at maging produktibong
mamamayan sa hinaharap.

EDITORIAL: Kaninong responsibilidad ang tamang


asal?
Hindi pa nakakaalpas ang Pilipinas sa pagiging mahirap na bansa. Nandito pa rin tayo sa
kategorya ng Third World country.
Pero hindi rin maitatatwa na mas gumanda ang sitwasyon natin sa ilalim ng nakaraang
administrasyon kaysa pinanggalingan natin. Mismong mga international financing
institutions at mga pinagkakautangan natin ang nagbigay ng tumataas na grado sa
Pilipinas.
Lahat sila ay nagsasabi noon na nasa tamang direksyon ang Pilipinas. Kailangan lamang
na ituluy-tuloy.
Kahit mahirap tayong bansa, nagsisikap tayong umusad mula sa kinalalagyan. Ang
kailangan lamang ay klarong direksyon ng mga namamahala at malaki ang pag-asa ng
sambayanang Filipino kay Pangulong Rodrigo Digong Duterte na hindi niya bibiguin ang
kanilang mga pangarap personal na ambisyon man o hangarin para sa bansa.
Nakakalungkot lang na habang nakatuon ang pansin ng lahat sa kung paano aasenso
ay tila mayroong isang napakahalagang aspeto ang napapabayaan: ito ay ang
kagandahang asal, partikular ng mga kabataan.
Nakakagulat na tila iba na ang pakahulugan ngayon ng mga Pinoy millennials sa
salitang cool. Bakit ngayon, cool ang magaspang na asal? Bakit bilang na bilang na
lamang ang magalang makipag-usap sa nakakatanda?
Bakit patok sa kanila kapag sumasagot nang pabalang o kumakasa sa mas may edad o
higit sa tinatawag na awtoridad?
Bakit hindi na naririnig ang po at opo? Bakit hindi na sila marunong magbigay? Sa
sasakyan o sa pampublikong mga lugar, tila hindi na uso ang pagpapaubaya ng upuan o
pagpapauna sa pagsakay sa mga nakakatanda?
Bakit tila ordinaryo ngayon sa mga kabataang lalaki ang pumapatol sa kaalitang babae?
Bakit tila ang normal ngayon ay ang pagsagot ng pabalang, pagpatol, pakikipagsikuhan
at bastos na asal, kilos at pananalita sa kapwa?

Ano ang nangyari sa bagong henerasyon? Kaninong responsibilidad ba talaga ang


paghubog sa kanila sa tunay na kagandahang-asal? Iyong kagandahang asal na
nakatanim sa pagkatao at hindi kayang burahin ng anumang pagbabago ng panahon at
pag-usad ng teknolohiya.
Sino ba ang dapat sisihin sa pagdausdos ng moralidad ng mga kabataan? Ang mga
magulang ba na naging abala sa pagtatrabaho? Ang mga guro at ang sumasamang
kalidad ng edukasyon? Naging kampante rin ba masyado ang Simbahan? O ang
komunidad na siyang kumunsinti sa sumasamang asal ng bagong henerasyon?
Mahirap man tayong bansa, pero dati tayong mayaman sa kagandahang asal. Tayo ay
isang lahi na mayroong dignidad at mababang-loob na tinitingala, hinahangaan at
pinamamarisan kahit ng ibang lahi. Ibalik natin ang imaheng ito ng mga Filipino.

EDITORIAL: Tinanong mo ba ang tao, Mr. President?


May lumalaking sentimiyento ngayon ang sambayanan. Sana, bago magbitaw ng
maaanghang na salita si Pangulong Digong Duterte, lalo na sa international policies, ay
pangunahin nitong ikinukonsidera ang interes at kalagayan ng mga mamamayang
Filipino sa loob at labas ng Pilipinas.
Kahit ang mga mambabatas at mismong mga miyembro ng gabinete, iisa ang hiling sa
Pangulo. Okey namang makipagkaibigan sa iba, ayos na magkaroon ng mga bagong
investors sa Pilipinas gaya nitong pagtarget sa China, Russia at iba pang kapitbahay sa
Asya, pero dapat ay hindi nang-aaway ng ibang bansa at ang pinakapangit ay kumakalas
pa sa mga dati at matagal nang kaibigan.
Dapat maunawaan ng Pangulo na gaano man kaganda ang kanyang balak para sa
Pilipinas, hindi ito mage-gets ng taumbayan kung napeperwisyo ang kanilang trabaho o
nalalagay sa peligro ang kanilang kinabukasan, sampu ng kanilang pamilya.
Para kasing hanggang ngayon ay gustong patunayan ng Pangulo na tigasin siya at
gagawin niya ang gusto niya gayong hindi na kailangan dahil nanalo na siya at siya na
ang nakaupo sa puwesto.
Walang mawawala kung magtanong, kumonsulta at makinig.

Gaya nitong bilyones na package na naisara ni Pangulong Digong sa kanyang China visit.
Malaking bahagi nito ay utang. Sino ba ang magbabayad? Hindi bat ang mga taxpayers?
Hanggang kelan magbabayad ang taumbayan sa utang na ito? Malamang ay tapos na
ang termino ni Pangulong Digong pero tuloy pa rin ang mga bayarin.
Itong pang-aaway at pagkalas sa US ties, hindi lang daw sa military aspect kundi pati sa
ekonomiya. Paano ang trabaho ng milyun-milyong Pinoy na nakasandal sa mga US
industries at companies? Mabuti na lang din at mala-Big Brother ang pang-unawa ng
Amerika at hanggang ngayon ay hindi pinapatulan ang pang-aasar ng ating lider.
May kontrobersyal pang pahayag ang Pangulo sa China visit na nagsasabing
historically ang Scarborough Shoal ay pag-aari talaga ng China. Bakit ganun?
Ipinaglalaban yan ng mga Filipino na sa atin yan! At naipanalo pa natin yan sa UN
Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands.
Itong pinangangambahan ng lahat na baka naman may halong ideolohiya ang
pakikipagmabutihan ni Pangulong Digong sa China at Russia na parehong communist
countries.
Tama na maging decisive at firm na lider pero mahalaga pa rin na sensitibo sa boses at
tunay na pangangailangan ng pinamumunuang sambayanan at dapat ay klaro sa
taumbayan kung saan dinadala ang bansa.

Kaya Natin: Pilipinas, dapat kaibigan ng lahat


Lumabas ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan
pinapakita nito na maliit ang tiwala ng mga Pilipino sa bansang Tsina habang napakataas
naman ng tiwala ng karamihan ng Pilipino sa Estados Unidos o Amerika. Pinapakita
lamang nito na hindi talaga nagugustuhan ng ating mga kababayan ang ginagawang
pambabraso sa atin ng bansang Tsina sa West Philippine Sea kung saan hanggang
ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ng Tsina na mangisda ang ating mga mangingisda
roon.
Hindi rin naman nakakagulat na malaki ang tiwala natin sa Amerika dahil sa nakaraang
ilang dekada ay malaki ang naitutulong nila sa ating bansa lalung-lalo na sa panahon ng
trahedya. Kung matatandaan natin, isa sa mga pinakamalaking nagbigay ng tulong ang
Amerika sa atin noong tumama ang bagyong Yolanda habang kakarampot lamang ang
itinulong ng Tsina sa ating mga kababayan noong mga panahong yun. Nakakagulat tuloy

ang mga nagiging pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na mas pumapabor pa ito na
magkaroon ng maayos na relasyon sa Tsina kaysa sa Amerika.
Sa totoo lang, hindi naman natin kailangan mamili kung sino ang magiging kaibigan at
kakampi natin. Pwede namang maging maganda ang relasyon natin sa Amerika at sa
Tsina.
Malaki ang magiging pakinabang ng ating bansa kung magiging maayos ang relasyon
natin sa dalawang malalaking bansang ito. Halimbawa, alam niyo ba na halos 80% ng
mga call center sa ating bansa ngayon, ang kliyente ay malalaking kumpanya sa
Amerika? Kapag hindi maayos ang ating relasyon sa Amerika, pwedeng mawala ang mga
kliyenteng ito at mawalan ng trabaho ang ilang daang libo nating mga kababayan na
nakaasa sa mga call center na ito. Saan dadalhin ni Duterte at ng kanyang
administrasyon ang mga mawawalan ng trabaho kapag nangyari ito? Gutom ang aabutin
ng kanilang mga pamilya.
Ang bansang Tsina naman ang pinakamalakas na bansa ngayon sa Asya kaya tama rin si
Duterte sa panunuyo nito para makakuha ng tulong ang ating bansa. Ang balita ko ay
nakakuha na ng pangako si Duterte mula sa Tsina na tutulong ito sa pagpapagawa ng
tren na magkakabit mula hilagang Luzon hanggang sa Bicol region. Malaking tulong ito
kung mangyayari ito. Bukod pa rito, ang balita ay tutulong din daw sa pagpapagawa ng
drug rehabilitation centers ang bansang Tsina para sa dumadaming mga drug addict sa
ating bansa.
Makikita natin na hindi naman kailangan mamili ng Pilipinas ng kanyang magiging mga
kakampi at kaibigan, pwede namang lahat ay maging kaibigan natin para mas dumami
pa ang tumulong sa ating bansa.

EDITORIAL: Panahon ulit ng Tabang!


Noong Yolanda, umalingawngaw ang salitang ito: Tabang! Salitang Bisaya na ang ibig
sabihin ay tulong o saklolo.
Ngayon ay malaking bahagi ng Northern Luzon ang pinadapa ni monster typhoon
Lawin. Hindi pa kumpleto ang report mula sa mga sinalantang probinsya dahil ang
karamihan sa kanila ay wala pang kuryente.

Pero sana nga ay totoo ang mga ulat na maliit lang ang bilang ng casualties ng bagyo.
Talagang napaghandaan si Lawin. Ito naman ang aral na iniwan ni Yolanda.
Mapait na karanasan si Yolanda dahil unang bagyo ito na nasa ganitong kategorya
tulad din ni Lawin na pumasok sa Pilipinas at ang totoo, isa sa pinakamalakas na
bagyo si Yolanda sa buong mundo.
Sa ulat kahapon ay walo ang naitalang patay. Maliit ito kung ikukumpara sa tindi ng
puwersa ng monster typhoon.
Maaga ring nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)
sa mga local government units (LGUs) at sa mismong mamamayan sa ipinakitang
kooperasyon. Tunay namang balewala ang pagsisikap ng gobyerno kung mismong ang
mga tao ay hindi makikipagtulungan.
Sa mga kwento kahapon, may ilang lugar pa nga na kusang lumikas sa ligtas na mga
lugar ang ilang residente. Naka-monitor daw sila sa lagay ng panahon at sa takot sa
naririnig na mga balita sa mga lugar na unang tinamaan ng hambalos ni Lawin ay hindi
na nila hinintay na ilikas sila ng mga awtoridad. Kinusa na nila ang pag-alis sa kanilang
bahay para hindi na sila malagay pa sa panganib.
Mahusay ang ganitong kaisipan! Sana ay laging ganito tayo sa panahon ng kalamidad.
Pero hindi lang naman buhay ang pininsala ni Lawin kundi mas malaking danyos ang
iniwan nito sa mga kabahayan, sa imprastraktura, sa mga pananim, palaisdaan at iba
pang kabuhayan at negosyo at sa mismong komunidad ng mga napuruhang bayan at
lalawigan.
Kaya dito kakailanganin ang tabang ng mga kababayan na pinalad na hindi madale ng
bagyo.
Sana ay magbayanihan muli para mabilis na makatayo ang nalugmok na mga lugar.
Hindi lang sa anyo ng pera at relief goods maipapakita ang pagtulong. Mas malaking
kontribusyon ang manpower o boluntaryong paghahandog ng oras, lakas at skill lalo na
sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, mga gusali, tulay at kalsada.
Tabang! Halinat magbayanihan!

Kaya Natin: Programa para sa kahirapan

By Harvey Keh

Isa sa mga magandang programa ng kasalukuyang administrasyon ay ang bukambibig ni


Presidente Rodrigo Duterte na labanan at tapusin na ang mga kriminal na patuloy na
nagbebenta at naglalako ng iligal na droga sa ating bayan.
Sa tingin ko ay naging matagumpay ang programang ito sa unang 100 araw ni Duterte
dahil nakita naman nating lahat na libu-libong mga drug addict at pusher ang kusang
loob na sumusuko sa ating mga kapulisan. Sana ay patuloy lamang ang maging laban na
ito ni Duterte para naman malinis na talaga ang ating bayan sa salot na ito na sumisira
sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Bukod dito, isa sa mga hinihintay ko kay Duterte ay ang kanyang magiging malawakang
programa para masugpo na rin ang mas malaking salot sa ating bayan at yan ay ang
patuloy na gutom at kahirapan na nararanasan ng marami nating mga kababayan.
Noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino, naging matagumpay ang pinatupad
na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Dahil sa programang ito, marami sa ating
mga kabataan ang nakatapos ng kanilang pag-aaral at ngayon ay nagkaroon na ng
maayos na trabaho para maiangat ang kanilang pamilya mula sa kahirapan. Sana ay
magkaroon din ng programa gaya ng 4Ps si Duterte para matutukan talaga ng husto ng
administrasyong ito ang kahirapan sa ating bayan.
Pinag-uusapan na rin ang kahirapan, noong nakaraang linggo ay ginanap ang Angat
Buhay, isang malawakang pagpupulong ng ibat ibang mga lokal na pamahalaan, mga
malalaking kumpanya at mga non-government organizations (NGOs) para magkausap at
magtulungan para labanan ang gutom at kahirapan.
Ito ay pinamunuan ni Bise Presidente Leni Robredo na noong kampanya ay nangako na
bibigyan niya ng pansin ang mga nasa laylayan ng ating lipunan.
Maganda na habang si Duterte ay nakatutok sa pagsugpo ng kriminalidad sa ating
bayan, si Robredo naman ay nakatutok na mabigyan ng lunas ang problema ng
kahirapan. Kung magtutuluy-tuloy ang magandang samahan nina Duterte at Robredo,
hindi malayo na magiging maayos ang kinabukasan ng ating bayan.

You might also like