You are on page 1of 3

PAG-UULO NG BALITA (Sekundarya)

PANUTO: Lagyan ng dalawang headline ang mga sumusunod na pamatnubay sa


isang buong papel.

1.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Sa unang araw ng liderato ni House Speaker Gloria


Arroyo ay niratipikahan na kahapon ng Kamara ang panukalang
Bangsamoro Organic Law (BOL) na mas kilala bilang Bangsamoro Basic
Law (BBL).

2.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Pormal nang tinanggihan ni Acting Chief Justice


Antonio Carpio ang automatic nomination sa kanya para sa pagiging
punong mahistrado ng Korte Suprema.

3.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Nagbabala kahapon ang ilang senador sa posibilidad


na maging Prime Minister ng bansa si Speaker Gloria Macapagal Arroyo
matapos magawang agawin ang posisyon ni dating Speaker Pantaleon
Alvarez sa mismong araw ng State of the Nation Address ni Pangulong
Duterte.

4.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- “Lumutang” ang pangalan ni OFW Partylist Rep.


Aniceto “John” Bertiz at misis nito sa P6.8 milyong “bribery scandal” sa
Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan napilitang
magbitiw kamakailan si Undersecretary Dominador Say.

5.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Nabahala umano si Pangulong Duterte sa


panukalang no elections (no-el) ni dating House Speaker Pantaleon
Alvarez para lamang bigyan daan ang Charter Change (Cha-Cha) at ito
ang posibleng dahilan kaya napatalsik ang dating lider ng kamara.
6.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Kinontra ni Sen. Bam Aquino ang pahayag ni


Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na
nakatutulong na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN)
Law na maibsan ang pasanin ng mahihirap na pamilya sa mataas na
presyo na bilihin.

7.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagsuporta ang Alay-Buhay Partylist


sa pagtulak ni Pangulong Duterte na ipasa ang tax reform package 2 na
naglalayong pababain ang corporate income tax.

8.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Siniguro kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na


hindi siya matatakot na ituloy ang giyera laban sa droga dahil lamang sa
kanyang kritiko.

9.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa 23,000 katao na pro at anti Duerte


ang nagdaos ng protesta malapit sa Batasang Pambansa sa Quezon City
bunsod ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong
Rodrigo Duterte kahapon.

10.
___________________________________________________________________________________

MANILA, Philippines- Himalang nabuhay ang isang 38-anyos na babaeng


guro sa elementarya makaraang pagpupukpukin ng bato sa mukha at
ihulog pa sa tinatayang 50 talampakang bangin ng dalwang hindi pa
nakilalang notoryus na karnaper na tumangay ng kanyang motorsiklo sa
Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa.
PAG-UULO NG BALITA (Sekundarya)
PANUTO: Lagyan ng dalawang headline ang mga sumusunod na pamatnubay sa
isang buong papel.

1.
__________________________________________________________
MANILA, Philippines- Umaabot sa 46,000 pamilya ang natulungan ng
Office of the Vice President (OVP) sa isang taong panunungkulan ni Vice
Pres. Leni Robredo kasama na ang mga biktima ng Marawi siege.

2.
__________________________________________________________
MANILA, Philippines- Dumaranas ng traumatic mental disorder ang 2,500
sibilyang nagsilikas sa lungsod ng Marawi dulot ng matinding bakbakan n
tropa ng pamahalaan at Maute na nasa ika-39 araw na kahapon.

3.
__________________________________________________________
MANILA, Philippines- Kapwa arestado ang isang mag-asawa na gumagamit
ng pekeng ID ng Person with Disabilities (PWD) upang makahingi ng
financial assistance sa City Social Welfare and Development Office
(CSWDO) sa Valenzuela City.

4.
__________________________________________________________
MANILA, Philippines- Ibibida ni Pangulong Duterte abg tagumpay ng giyera
kontra droga at terorismo sa idaraos na ikalawang State of the Nation
Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 24.

5. __________________________________________________________
MANILA, Philippines- Tahasang sinabi kahapon ni Pangulong Duterte na
maaari muling makipag-usap ang gobyerno sa mga rebelde pero hindi dapat
maging doble-kara ang mga ito.

You might also like