You are on page 1of 2

Allan Lloyd M.

Martinez Nobyembre 13, 2020


BSED Filipino II G. Ryan D.
Raran

PAGSUSURI SA GEYLUV
Ang “Geyluv” ay isang maikling kwento na isinulat ni Honorio Bartolome de Dios
tungkol sa magkaibigan ng bakla at straight na lalaki na nahulog ang kanilang
naramdaman sa isa’t-isa. Ang kuwento ay umiikot sa matalik na magkaibigang sina
Mike at Benjie. Isang straight na lalaki si Mike habang isang aminadong bakla naman si
Benjie. Nagkakilala ang dalawa sa isang media party at magsimula ng pangyayaring
iyon, naging matalik na silang kaibigan. Ang bawat isa ang naging hingaan nila at higit
pa sa kaibigan ang naging turingan nila sa dahil sa likas na kabaitan ni Benjie at pag-
uunawa sa isa’t isa. Nagugustuhan ni Joana (katrabaho ni Benjie) si Mike. Nakilala ni
Benjie ang dating nobya ni Mike na si Carmi. Isang araw, inamin ni Benjie na mahal
niya si Mike. Hindi nakapagsalita si Mike pero para sa kanya sobrang mahalaga sa
kanya si Benjie dahil wala pa siyang nagiging kabigan na gumaan sa kanyang
pakiramdam at nasasabi niya lahat ng problema at nararamdaman niya rito. Sa isang
bus, nais sana ni Mike na magsama na lang sila ni Mike sa iisang bahay upang
mabantayan nila ang isa’t isa at mas lumalim ang nararamdaman nila sa bawat isa.
Nagdadalawang isip si Benjie dahil baka lalo siyang mahulog sa kaibigan at walang
patunguhan. Tumingin si Benjie sa labas ng bus pagkatapos ng mabigat na pag-uusap
nila ni Mike. Sa mabilis na pagtakbo ng bus, hinawakan ni Mike ang kamay ni Benjie
dahil nararamadaman niyang nahihirapan na si Benjie.
Kung mapapansin natin ang takbo ng kwento, nangibabaw dito ang
pagkakaibigan, patas na tingin sa tao at karapatan sa pagmamahal. Sa pagkakaibigan,
hindi naging hadlang ang pagiging bakla ni Benjie sa pagkakaibigan nila ni Mike.
Palaging nariyan ang dalawa para sa isa’t-isa lalo na sa panahong may suliranin ang
isa sa kanila. Dahil hindi naging hadlang kay Mike ang kasarian ni Benjie, nangibabaw
dito ang patas na tingin sa tao. Minsan na rin nabanggit sa kwento na naipakilala ni
Mike si Benjie sa kanyang mga kaibigan at hindi naman naging hadlang ang kabaklaan
ni Benjie upang matanggap siya ng mga kaibigan ni Mike. Sa karapatan naman sa
pagmamahal, umamin si Benjie sa kanyang nararamdaman kay Mike ngunit ito’y
parang tinanggalan na niya ng karapatang umibig si Benjie nang sabihin niyang “Mas
mabuting maging magkaibigan na lang tayo”.

Kung ang dulog ng panitikan ang pag-uusapan dito, nangibabaw dito ang
teoryang queer (queer theory). Balikan natin ang kasaysayan ng teoryang ito, hango ito
sa mga teoryang feminismo, dekonstruksyon at post-structuralist theory at
naimpluwensya ang dulog na ito mula sa kultura ng Anglo-American sa isang kilusang
HIV/AIDS noong dekada ’80 pero ang teoryang ito ay nagsimulang umusbong noong
dekada ’90. Nagmula sa akda ni Teresa de Lauretis tungkol sa kulturang pag-aaral ng
peminismo na may pamagat na “Queer Theory: Lesbian and Gay Sexualities” noong
1991 ang pag-usbong ng teoryang ito.

Sa depinisyon nito, ang queer na pagdulog o queer theory ay isang teorya na


layunin ng panitikan nitong iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga
homosexual. Sa teoryang ito, nakatuon dito ang mga taong nasa ikatlong kasarian o
mas kilala natin sa tawag na LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender)
Community. Ang mga taong kabilang sa ikatlong kasarian (homosexual) ay kailangan
tratuhin ng may respeto, pagmamahal at pantay na pagtingin ano man ang kanilang
estado sa buhay.

Muli natin balikan ang kwento, napapansin natin na inilarawan ng may-akda na


umaangat ang pagkakapantay-pantay ng tingin ng mga taong nasa ikatlong kasarian sa
lipunan. Kung balikan natin ang kahulugan ng queer na pagdulog, dito mapapasok ang
puntong pag-aangat ng tingin ng mga homosexual sa lipunan. Bilang patunay, naipakita
ito sa kwento na hindi naging hadlang kay Mike ang pagiging bakla nito kay Benjie at
tinatanggap niya nang buong-buo bilang magkaibigan. Sa inilarawang tampok nito,
nangibabaw ang patas na tingin sa mga taong nasa ikatlong kasarian kaya masasabi
nating nasa pagdulog na queer ang ginamit ng may-akda sa kwentong ito.

You might also like