You are on page 1of 4

BSED III- Filipino Bb. Karen M.

Fajardo

Lit 105

Pagsusuri ng Maikling Kwento: Geyluv ni Honorio Bartolome de Dios

Miyembro:

Vincent Neil R. Driz

Angela Bisco

Louweila S. Perez

I. Tauhan
Mike- isang mamamahayag ng diyaryo na napalapit ng husto kay Benjie
Benjie- matalik na kaibigan ni Mike na may natatagong pagtingin sa kanya
Joana- kaibigan at katrabaho ni Benjie na may gusto kay Mike
Carmi- dating syota ni Mike.
Inay- nanay ni Benjie.
II. Tagpuan
 Media Party (Zambales) -kung saan sila nagtatrabaho para sa isang proyekto.
 Bar
 Sa apartment ni Benjie
 Restaurant
 Sinehan
 Baguio- kung saan nagpunta sila para sa isang trabaho.
III. Banghay
Sa simula ng maikling kwento ng GeyLuv ni Honorio Bartolome de Dios ay
mapapansin agad natin na may problema agad na kinakaharap si Benjie at ito ay ang
nararamdaman niya para sa kaniyang kaibigan at ang pagkalito niya sa mga aksyon
na pinapakita nya rin dito. Nabanggit sa umpisa na sila ay unang nagkasama sa media
party at hindi naman nya talaga tipo o gusto itong si Mike subalit nang magpunta sila
sa Zambales para sa kanilang trabaho ay dito siya mas napalapit sa binata. Nakilala
sya ni Mike bilang mataray na bakla subalit nauunawaan nya naman kung bakit ito
ganito sapagkat ayaw niya lamang na masaktan uli siya. Sa kalagitnaan ng maikling
kwento ay lilitaw na ang problema o kasukdulan ng kwento at ang problemang ito ay
ang kinakaharap nila sa kanilang mga sarili. Hindi nila maintindihan ang kanilang
sarili lalo na ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Si Benjie na mahal si Mike
subalit natatakoy na muling sumugal sa pag-ibig sapagkat baka masaktan lamang uli
siya. Si Mike na hindi pa siguro sa kanyang sarili at sa nararamdaman para kay
Benjie. Kaibigan nga lamang ba ang tingin nya kay Benjie o mas higit pa ron? Ang
isa pang problema rito ay wala silang lakas ng loob na aminin sa kanilang sarili ang
kanilang pagkakakilanlan. Mayroong tunggalian sa kanilang mga sarili. Palagi silang
nandiyan para sa isa't-isa na mas nagpalalim sa kanilang pinagsamahan. Hanggang sa
wakas ng maikling kwento ay ito pa rin ang kanilang suliranin. Hindi pa rin malinaw
ang kanilang relasyon kaya ang naisip na lamang nila na paraan ay kung papayag ang
isa't-isa na tumira sa apartment ni Benjie. Sa ganitong paraan ay malalaman nila kung
ano ang patutunguhan ng kanilang relasyon. Sa wakas ay binanggit din na hinawakan
ni Mike ang kamay ni Benjie hindi siya sigurado kung bakla siya pero hindi na raw
ito mahalaga sa kanya.
IV. Paksang Diwa
Ang paksa ng maikling kwentong geyluv ay pag-ibig. Ang "geyluv" ay mula sa
salitang gay love. Pumapaksa ang kwentong ito sa pag-ibig ng isang lalaki na may
pusong babae sa kapwa niya lalaki. Sa kwentong ito ay pinakikita ang ilan sa
suliranin ng mga nasa LGBTQ community sa usaping pag-ibig.
V. Bisa
a. Bisang pandamdamin
Sa maikling kwentong ito ay halo-halo ang emosyon na ating mararamdaman.
Una ay ang saya dahil sa pagkakaibigan nina Benjie at Mike. Nakatutuwa na hindi
pinapansin ni Mike ang sasabihin ng iba sa pagkakaibigan nila dahil nakikita niyang
mabuting tao naman si Benjie at hindi hadlang ang kasarian nito upang ituring niya
itong kaibigan. Sa kabilang banda ay nakakapangamba rin ang sitwasyon nilang
dalawa. Hindi malinaw sa kanila ang relasyon na mayroon sila at nakakatakot ito
sapagkat maaaring sa huli ay maaaring masira ang pagkakaibigan nila.
b. Bisang Pangkaisipan
Maraming bagay ang napagtanto namin sa kwentong ito. Napagtanto naming
mahirap malagay sa sitwasyon nina Benjie at Mike na nahihirapang pumili sa pagitan
ng pagkakaibigan at damdamin.

c. Bisang pangkaasalan
Maraming aral ang kwentong Geyluv. Una ay ang pagturing nang maganda sa
ibang tao na hindi tinitingnan ang kasarian nito at ang sasabihin ng ibang tao.
Ikalawa, sa isang relasyon ay kailangan ng kalinawan. Huwag nating hayaan lamang
na masaya o komportable tayo sa taong nasa tabi natin. Darating ang araw na
kailangan nating linawin sa isang tao ang kaibahan ng pagkakaibigan sa pagkaka-
ibigan. Panghuli, ang lahat ng tao ay kamahal-mahal anuman ang kasarian nito.

You might also like