You are on page 1of 2

Tristan Jay Cruz

BSA I-15

Mareng Mensiya
Fanny A.Garcia
Talambuhay ng May-akda:
Si Fanny A. Garcia (ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal) ay siyang
guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapagsalin. Siya ay nagwagi ng National Book Award
para sa Autobiography ng Manila Critics` Circle para sa librong Erick Slumbook.
Nagtapos si Garcia ng Bachelor of Science sa Eukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nakamit din niya ang kanyang Master of Arts at Ph.D. sa Filipino sa Malikhaing Pagsulat sa
nasabing pamantasan. Gawad-Chancellor Awardee bilang pinakamahusay na mag-aaral sa Ph.D.
sa Malikhaing Pagsulat. Siya rin ang kauna-unahang nagtapos sa programang Malikhaing
Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle. Naglilingkod din siya bilang
Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad.
Siya ang scriptwriter ng pelikulang Saan Darating Ang Umaga? (Viva Films, Inc., 1983)
na nominado sa kategoryang Best Story at Best Screenplay. Nalathala ang dulang pampelikula
nito saApat na Screenplay na kaniyang inedit kasama si Armando Lao, kapwa mandudula sa
pinilakang tabing. Nakatanggap din si Garcia ng parangal mula sa Carlos Memorial Palanca
Awards para sa mga kategoryang maikling kuwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata.
Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994);
Apartment 3-AMariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay
(1997), co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family
Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art,
VolumeIX, Literature.

Elemento ng Maikling Kwento:


A. Panimula: Inilahad sa panimula ng kwento ang pagkamatay ni Aling Mensiya.
B. Tagpuan: Sa isang nayon.
C. Mga tauhan:
Mareng Mensiya- sinasabing kumara ng lahat ng tao sa kanilang
lugar. May kabit na pulis-Maynila.
Mely- anak ni Mareng Mensiya na sunod sa layaw.
Lino- asawa ng anak ni Mareng Mensiya
D. Buod:
Ang kwento ay umiikot kay Mareng Mensiya, isang kabit ng isang pulis. Siya ay may
isang anak sa pulis na ito, si Mely. Si Mareng Mensiya ay ang kumare ng lahat ng tao sa
kanilang nayon, dahil pag may problema sila ay agad na tumutulong si Aling Mensiya.
Ngunit, noong namatay ang pulis na ama ni Mely, naging mahirap na ang kanilang buhay. Si

Mareng Mensiya ay naging labandera at plantsadora upang makatawid-gutom silang mag-ina.


Si Mareng Mensiya rin ay nangayat at lumubha pa ang sakit. Sa kabila ng labis na pagbabago
kay Mareng Mensiya, ang kanyang anak ay ganun pa rin, sunod sa luho at patambay- tambay
lang. Nagawa pa ni Mely na makipagtanan at magkapamilya ng maaga at hindi man lamang
inisip ang kanilang kalagayan na mag-ina. Nang mawalan ng trabaho ang manugang ni
Mareng Mensiya, mas lalong naging mabigat ang kapalaran sa kanila. Pinaalis sila sa
tinitirhan sapagkat hindi na sila nakapagbabayad pa ng upa roon. Nagdesisyon ang pamilya ni
Mely na umalis sa pook na iyon ngunit nagpaiwan ang ina. May mabait na kumupkop kay
Mareng Mensiya, binibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan kasama ang
pagpapagamot at bilang ganti, nagtatrabaho si Mareng Mensiya sa bahay noon. Ngunit ang
taong tumulong sa kanya ay iniwan ng kanyang kinakasama at ang mga kagamitan sa bahay
nilay nalanos na gayun din ang pera dahil sa pagpapagamot rito. Nagkaramdam ng inggit
ang nagsasalaysay ng Makita niya si Mely na panood-nood na lang ng sine at pakain0kain sa
restawran habang siya ay dala-dala ang pasaning dapat kay Mely kayat itoy hindi na
nagbigay pa ng perang pangsustento kay Mareng Mensiya. Namatay si Mareng Mensiya
dahil sa kalagayan at napag-alamn ng mga kapit-bahay nito na humingi ng tulong kay Mely
ang pumanaw ngunit siyay pinagdamutan at sinabi pang walang pera pero ang tutuusin ay
mayroon. Nagsisi ang anak sa ginawa at inasal sa ina at siyay humingi ng kapatawaran.
Gayundin ang ginawa ng taong nag-arugo kay Mareng Mensiya dahil hindi niya pinanindigan
ang inakong responsibilidad hanggang huli.

E. Problema:
Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman ni Mareng Mensiya kasabay pa
ng pagkamatay ng asawa nito at pakikipagtanan ng anak niya.
F. Kasukdulan:
Lumala ang hika ni Mareng Mensiya at ang lalo pang paghina ng puso nito at
ang hindi pagtulong o pagbibigay ng perang pambili ng gamut ng kanyang anak na si
Mely.
G. Wakas:
Namatay si Mareng Mensiya at pinagsisihan ni Mel yang nagawa niya sa
kanyang ina.
H. Tema:
Pagkatuto mula sa pagkakamali na hindi paglingon sa pinanggalingan.
I. Aral:
Nasa huli lagi ang pagsisisi. Malalaman lang din natin ang kahalagahan ng
isang tao kapag sila ay nawala na sa atin. Kaya pahalagahan natin ang mga taong
nagmamahal sa atin habang buhay pa sila.

You might also like