You are on page 1of 3

GAWAIN 1

1. Anong klaseng mukha ng bakla o kabaklaan ang


itinampok sa kuwento? Ilarawan ito.
Ang klase ng mukha ng bakla o kabaklaan na itinampok sa kuwento

ay ang isang Baklang Confirmed. Nasabi ko ito dahil sa

kuwentong Geyluv, si Benjie ay siguado na sa kanyang pagkatao na

isang lalaki ngunit may pusong babae. Masasabi ko din na si Benjie

ay isang Matapang na Bakla dahil sa kuwento dahil sa ayaw na

niyang masaktan pang muli, ito ang naging dahilan kaya takot sya

ulit makipagrelasyon ngunit sya din ay kilala na isang mabait na

bakla. Nasasabi ko din na sya ay matapang dahil na din sa mga

nanlalait sakanya sa kuwento na hindi sya nirerespeto bilang bakla.

Madami na syang napagdaanan sa buhay at naranasan na din

nyang pagtaksilan ng mga tao sa paligid nya na ayaw na nya maulit

ulit ito sakanya. Matapang sya dahil may mga taong ginagamit lang

ang pagiging bakla niya para sa kanilang kapakanan. Si Benjie ay

isang bakla na gusto ay true love hindi nya gusto yung money for

love na arrangement. Si Benjie ay isang Baklang mayroong


paninindigan at hindi basta-bastang bakla na pinaiiral ang puso

kundi pati ang utak. Pinag-iisipan niyang mabuti ang kaniyang mga

kinikilos bago gumawa o pumasok sa isang sitwasyon kung ito ay

may magandang dulot o hindi magandang sitwasyon.


GAWAIN 1
2. Maliban sa pagiging bakla, magbigay ng iba
pang isyu ang isiniwalat sa akda. Makatotohanan
bang naipakita ang mga ito o hindi? Bakit?
Si Benjie ay may pakiramdam na di maamin kay Mike. Kundi sa sarili

niya lamang inaamin ang pakiramdam na iyon. Sapagkat siya ay

takot masaktan o mapaglaruan o gamitin lamang ng mga lalaking

napapalapit sakaniya. At mas iniisip niya rin ang pagkakabigan kesa

sa relasyon sapagkat ayaw niya itong masira. Ganoon din naman si

Mike, hindi din niya alam kung ano ang naraamdaman nya para kay

Benjie basta ang alam niya ay ayaw niya itong mawala sa buhay niya.

Ang isang isyu pa ay ang relasyon ni Mike at ni Carmi na mahal pa

ng babae ang lalaki at ganoon din ang nararamdaman ng lalaki

ngunit pagdating na sa kasalan, pangako na manatili sa isa't isa at

bumuo ng isang pamilya ng magkasama ay naging duwag sila at nag

desisyon ang babae na tapusin ang kanilang relasyon. Madalas din

silang magkita at napagtanto ni Mike na gutso nyang balikan si Carmi

ngunit hindi nya sinusnod ang kanyang damdamin dahil lamang inisip

nya na ang babae ang nakipaghiwalay at hindi sya. Makatotohanan

ang mga isyu na naipakita sa kuwento dahil ito ay nangyayari din sa

totoong buhay, maraming nakakaranas ng pagkakaroon ng

damdamin sa isang kaibigan ngunit hindi ito maamin dahil mas

inuuna nilang isipin ang maidudulot nito sa kanilang pagkakaibigan.

Marami din tao na takot sa commitment kaya hindi na

pinagpapatuloy pa ang relasyon.


GAWAIN 1
3. Bigyan ng payo si Mike sa anyo ng liham sa
kaniyang huling tanong sa sarili.

Dear Mike,

Magandang araw sa iyo! Nabasa ko ang kuwento tungkol

sainyo ni Benjie at nais ko lang ipayo sa iyo na alam kong

naguguluhan ka pa sa kung ano ang nararamdaman mo, sa kung ano

nga ba ang kasarian na meron, kung mahal mo na ba talaga si

Benjie. Nais ko lamang ipayo sa iyo na mag-isip ka munang mabuti

bago ka gumawa ng desiyon dahil ang magiging desiyon mo ang

magiging tulay kung saan nga ba tutungo ang relasyon niyo ni Benjie.

Wag magpadalos-dalos sa nararamdaman, paganahin ang puso pati

na rin ang utak. Alam kong mahirap umamin ng nararamdaman sa

isag kaibigan dahil madaming pwedeng mangyare at isa na din dito

ang pagkasira ng pagkakaibigan niyo pero yun nalang ba lagi ang

iisipin? Mas maganda na ikaw ay umamin upang iyong marinig din

kung ano ang nararamadaman din ni Benjie, mas okay na maging

tapat ka sa iyong sarili at sa iyong nararamdaman kesa mag-isip at

magsisi sa huli. Sana nakatulong itong payo ko sa iyo, sana ikaw ay

naliwanagan ng kaunti, at hinihiling ko na maging maayos ang

kalalabasan ng magiging desisyon mo para sa iyong sarili at para sa

relasyon niyo ni Benjie.

Sumasaiyo,

Joyce

You might also like