You are on page 1of 5

Pagsusuri ng Pelikula

I. Pamagat ng Pelikula: She’s Dating The Gangster

II. Mga Tauhan:

 Athena Dizon (LoveBabe) – 17 taong gulang na Korean-cultured na dalaga at umuwi ng Pilipinas


upang magpatuloy sap ag-aaral sa Southwell High. Siya ay maganda, simpke, matalino at umiibig
sa isang binatang di niya inaasahang kanyang iibigin.
 Kenji de los Reyes (SexyLove) – ang inyong tipikal na “bad boy” at campus heartthrob sa
Southwell High. Siya ang tipikal na gwapo, sikat, umiinom, naninigarilyo, at umibig na tinatago sa
kalooban. Hindi niya gaanong nabantayan ang kanyang nararamdaman at nalaman na lamang na
minamahal na pala niya si Athena Dizon.
 Lucas – ang naging boyfriend din ni Abegail at ipinalit ni Abi kay Kenji. Naging malapit na
kaibigan rin ni Athena. Di kalaunan ay naging sanhi ng pagseselos ni Kenji.
 Sara Jung – ang best friend ni Athena mula pa noong kinder pa lang siya. Siya ay isang Korean at
naging kasa-kasama ni Athena mula pagkabat hanggang pagtanda.
 Jigs Matic, Grace Matic, Kirby Araneta – high school friend nina Athena at Kenji.

III. Paksa: Pag-iibigan nina Athena at Kenji

IV. Buod ng Pelikula:

Nagsimula ang kwento nila noong inakala ni Kenji na si Athena Dizon ay si Athena Abigail Tizon
na tinatawag niyang bee. Itinext niya ito at humingi ng tawad at hiniling na makipagkita sa kanya ngunit
nairita si Athena at at nagpanggap ngang si “Athena” na tinutukoy ni Kenji.

Gumawa si Kenji ng kasunduan na magpapanggap si Athena bilang girlfriend niya hanggang sa


makuha nya muli si Abigail ngunit sa araw-araw na pagsasama nila at pagde-date ay parating puno
lamang sila ng away at sigawan.

Nagkaroon na nga ng magandang pagtitinginan ang dalawa at tinaggal na nila ang deal sa
kanilang relasyon. Nagmahalan na sila at nagsaya sa mga sandaling magkasama sila. Ngunit bumalik si
Abigail at nagmakaawa sa pagmamahal ni Kenji.

Patuloy pa rin palang naguguluhan si Kenji sa kabila ng pagmamahalan nila ni Athena kaya’
dumating ang panahon na iniiwan niya si Athena para kay Abigail dahil may cancer si Abigail. Dito rin ang
punto na kung saan ay nalaman na sa mga eksaminasyon ng mga doctor na lumala ang sakit ni Athena.
Nalaman na ni Kenji ang tunay na dahilan kung bakit sumulat si Athena kay Kenji na may mahal
na siyang iba ay para lamang protektahan si Kenji dahil ang itinuturong dahilan ng mga mga magulang ni
Abigail kunbg bakit hindi siya umiinom ng gamot ay si Kenji. Kahit may sakit sa puso si Athena at
kailangan din niya si Kenji ay nagbigay daan siya. Ngunit, mas malakas ang tawag ng puso at sa huli ay
nagsama rin sina Athena at Kenji. Hindi nabanggit kung nakatuloy sila sa kolehiyo ngunit kinasal sila.
Nagsama sila kahit sa anumang oras ay malaki ang posibilidad na mamatay si Athena dahil sa kanyang
heart failure mula pagkabata na lumala habang nagdalaga.

Namatay nga si Athena at nag-iwan ng video para sa asawa ngunit hindi kinaya ni Kenji at
sinabing hindi na kailangang maghintay ng matagal ng kanyang asawa at susunod siya. Nagpakamatay
din si Kenji at umasang magsasama at magiging maligaya sila ni Athena kahit sa kabilang buhay pa man.

V. Dulog:

 Ang dulog na aking nakita sa pelikulang ito ang teoryang feminismo dahil ang layunin ng
panitikang ito ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
 Ipinakita sa karakter ni Athena na hindi lamang lalaki ang kayang magprotekta at
magsakrapisyo para sa kanyang minamahal kundi maging babae rin ay kayang
magsakrapisyo at magprotekta sa kanyang iniibig. Makikita dito na sinulatan niya si Kenji
na may mahal na siyang iba ay para lamang protektahan si Kenji dahil ang itinuturong
dahilan ng mga magulang ni Abegail kung bakit hindi siya umiinom ng gamot ay si Kenji.
Ginawa ni Athena yon para pumunta si Kenji kay Abegail. Sinakripisyo niya ang kanyang
pagmamahal kahit na kailangan din niya si Kenji sa panahong yon dahil lumala ang
kanyang sakit sa puso. Dahil dito ipinapakita niya ang kakayahan ng babae na
magmahal, magparaya at magsakrapisyo para sa taong minamahal kahit ang kapalit ay
ang sariling kaligayahan. Ipinapakita din ang mabuti at magandang katangian ng isang
babae sa pelikulang ito.

VI. Pansariling paninindigan sa kabuuan ng pelikula:

Bisang Pandamdamin

Tunay na mabisa ang kwentong ito at talagang tumatagos sa puso ng mga nagbabasa.
May tunay pa talagang mga taong kayang magmahal ng lubusan. Sa katunayan, noong
una ko itong nabasa ay nadala ako ng kwento at naiyak ako sa mga pangyayari.

Bisang Pangkaisipan

Sa kabila ng mga panlabas na anyo ay may mga tao pa rin na marunong magmahal.
Laging isipin na sa relasyon, hindi dapat isa lamang ang gumagalaw, nagsasakrapisyo, at
nagmamahal kundi kayong dalawa. Basta’t totoo at wagas ang pagmamahalan ng
dalawang taong nagmamahalan ay walang makakapigil kahit anumang panlasag ang
iyong iharang, maging ito man ay kamatayan.

Bisang Panlipunan

Laging tandaan ng mga kabataan ngayon na ang pag-ibig ay makakahintay kung ito ay
tunay at wagas. Huwag maging marupok sa pag-ibig at isipin ang hirap ng inyong mga
magulang sa pagpapaaral sa inyo.

VII. Mensahe:

 Ang pag-ibig ay dumarating sa di inaasahang panahon at sa di inaasahang tao. Kailangan


nating matutong maghintay at darating ito sa panahon na gugustohin ng panginoon.
Dahil kung kayo talaga ang nakatadhana ay gagawa ang panginoon ng paraan para kayo
ay pagtagpuin.
Pagsusuri ng Pelikula

I. Pamagat ng Pelikula: 100 tula para kay Stella

II. Mga Tauhan:

III. Paksa: Pag-iibigan nina Athena at Kenji

IV. Buod ng Pelikula:

V. Dulog:

 Ang dulog na aking nakita sa pelikulang ito ang teoryang feminismo dahil ang layunin ng
panitikang ito ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
 Ipinakita sa karakter ni Athena na hindi lamang lalaki ang kayang magprotekta at
magsakrapisyo para sa kanyang minamahal kundi maging babae rin ay kayang
magsakrapisyo at magprotekta sa kanyang iniibig. Makikita dito na sinulatan niya si Kenji
na may mahal na siyang iba ay para lamang protektahan si Kenji dahil ang itinuturong
dahilan ng mga magulang ni Abegail kung bakit hindi siya umiinom ng gamot ay si Kenji.
Ginawa ni Athena yon para pumunta si Kenji kay Abegail. Sinakripisyo niya ang kanyang
pagmamahal kahit na kailangan din niya si Kenji sa panahong yon dahil lumala ang
kanyang sakit sa puso. Dahil dito ipinapakita niya ang kakayahan ng babae na
magmahal, magparaya at magsakrapisyo para sa taong minamahal kahit ang kapalit ay
ang sariling kaligayahan. Ipinapakita din ang mabuti at magandang katangian ng isang
babae sa pelikulang ito.

VI. Pansariling paninindigan sa kabuuan ng pelikula:

Bisang Pandamdamin

Bisang Pangkaisipan

Bisang Panlipunan
VII. Mensahe:

You might also like