You are on page 1of 14

MUTYANG

ITINANGGI
N I RO S A L I A L . AG U I N A L D O
SOSYOLOHIKAL AT RETORIKA NA PAGSUSURI
SA NOBELANG MUTYANG ITINANGGI:
BATAYAN NG PAGLIKHA NG
_______________
Ang suliranin:
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang ginawa ng
isang romantisismo at retorika na pagsusuri sa nobelang
Mutyang Itinanggi ni Rosalia L. Aguinaldo upang Makita ang
kahalagahan at kabuluhan nito.
Tiniyak sa pag-aaral sumusunod;
1.Ang pagkakaugnay ng nobela sa mga isyung
romantisismo;
2.Ang pagkilala sa nangibabaw ng tayutay sa mga piling
kabanata sa nobela;
3.Batay sa kinalabasan, inaasahang makabuo ng isang
__________ batay sa piling kabanatang sinusuri na
ginagamit ang mga nangibabaw na tayutay.
KABANATA I: NALULUNGKOT ANG DALAGA
Ang romantisismo ay ang patungkol sa buhay ng
dalawang nagmamahalang tao. Sa unang kabanata na
pinamagatang Nalulungkot Ang Dalaga, inilahad sa manunulat
kung anong pait ang ikinahaharap sa taong nagmamahal nang
lubusan.
Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa pagtutol ng isang
ina sa isang anak sa pagpapakasal ng isang dukha. Sa ganitong
sitwasyon, ito ay nagdudulot ng kadalamhatian ng isang ta at
nangyayari rin sa ito totoong buhay. Sa ganitong pangyayari,
ganito nilarawan ng may-akda:
KABANATA I: NALULUNGKOT ANG DALAGA
“Hindi maubos lipirin ang mapait na balitang kanyang
tinanggap kay Pitang. Siya pala ay inayawan ng mga magulang ni
Elino...pinipintasan palang siyang gayon na lamang at ipinalalagay
sa siya’y alangan at hindi karapatdapat maging kaisang palad ng
isang pinakaulo ng yaman sa kanilang bayan.”
Sa simula pa lamang ng kwento ay nagkaroon na kaagad ng
tunggalian. Ang ipinahiwatig sa mga linya ang pagtutol ng mga
magulang. Itinaboy ang babae at hindi kailanman maging karapat
dapat sa isang mayaman. Masasabi na ang babae sa kwento ay
dukha. Dahil sa ganitong pangyayari, magdudulot ito ng labis na
kalungkutan na base sa sinulat ng may akda:
KABANATA I: NALULUNGKOT ANG DALAGA
“Ako’y nalulungkot – ang patuloy – sapagkat laban man
sa aking sarili’y katungkulang ko namang pasikatin ang
lumalamlam na kaligayahan ng kanyang mga magulang.”
Ang nais ipahiwatig ng manunulat ay ang dalaga ay
magalang sa mga magulang ng binata at pinapalaya niya ito
dahil mahal niya ito. Nirerespeto niya ang desisyon ng mga
magulang ng isang binata.
KABANATA II: LIMUTIN MO NA AKO
Ang pamagat ng kabanata II ay ang nais ng isang dalaga
na kalimutan na siya para sa kaligayahan ng mga matatanda.
Labag man sa kalooban, iniisip niya na ito ang tama.
Sa ganitong pag-iisip, umayaw pa rin ang binata sa
desisyon ng dalaga na limutin siya. Gusto pa ring ipaglaban ni
Elino si Consuelo kahit ayaw ng magulang niya. Gumawa ng
paraan upang hindi makatanggi ang dalaga sap pag-alok ng
binata na hindi siya pakawalan at ganito nilarawan ng may
akda:
KABANATA II: LIMUTIN MO NA AKO
“…sa akin ka lang manalig at magtiwala. Ako ay may ari
ng aking pangungusap. Ako nga’y anak ng mga magulang
ko…ngunit tangig walang makapangyayaring ni sino’t alin
man sa linalaman ng aking puso, at sa aking pag-ibig ay tanging
ikaw, Elong, ang may karapatang makapag-utos.”
Namangha ang dalaga sa sinabi ng binate ngunit sa huli,
hindi pa rin nagbago ang desisyon ng isang dalaga. Nais niya
pa ring makalimot at limotan siya. Ganito isinulat ng may
akda:
KABANATA II: LIMUTIN MO NA AKO
“…Hindi mangyayaring ang pag-ibig ng isang dukha’t
isang dakila’y pag-isahin habang buhay! Ang dukha’y pagtitiis,
ang mayaman ay sa pagpapasakit…Elino, limutin mo na ako!”
KABANATA IV: IKAKASAL SI CONSUELO
Sa laman ng kabanatang ito ay ang malapitan ng pagkasal ni
Consuelo sa isang pharmacist. Matatanda na kanyang tiya at tiyo
na nag-aalaga sa kanya sa loob ng anim na buwang pag-ulila sa
ina.
Inilarawan sa kwento na marami ang mga binata na
nagnanais sa kanya sapagkat siya at mabait at magandang dalaga.
Ngunit, nakaramdam pa rin siya ng labis na kadalamhatian kahit
na’y dinadamayan siya palagi ni Elino. Nais pa rin niya itong
pakawalan para sa magulang ng binata at ganito ang isinulat ng
manunulat:
KABANATA IV: IKAKASAL SI CONSUELO
“Malinis nga ang pag-ibig na inaalay sa kanya ni Elino, tapat
at walang maliw, ngunit isang pag-ibig na mabagabag at nagbabala
sa panig ng kanyang magulang.”
Dahil sa pangyayaring ito, nagpapadala ng sulat si Consuelo
kay Elino dahil hindi niya ito masabi sa personal. Sa laman ng
lihim, inilarawan na humihingi ng paumanhin ang dalaga sapagkat
ang nais niya ay kalimutan siya at lilimutin din para magulang ni
Elino at isa pa, niya siya rin ay ikakasal na sa isang mga taong
nagkakainterisado sa kanya.
“Lilimutin kita, alang-alang sa kanila, at bukas, kay lungkot
sabihin…ako’y ikakasal.”
KABANATA VI: DAHILAN SA AKIN
Sa kabanata VI, inilarawan ng isang manunulat ang isang
hinagpi na nararamdaman ni Elino matapos niyang mabasa
ang liham galing kay Consuelo. Para siyang namatay na nung
nabasa niya ito. Ang sakit na nadarama ay hindi maintindihan
sapagkat pang ilang ulit na niya ito nabasa.
Kahit hindi gusting bumitaw, nagparaya si Consuelo.
Inilarawan sa isang manunulat na ang pag-ibig ay ang
pagparaya, kahit man labag sa kalooban. Ganito inilarawan ng
may akda:
KABANATA VI: DAHILAN SA AKIN
“Si Consuelo’y tutupad sa kanyang katungkulan, kumakalas sa
kanya; hindi sapagka’t nagbabago ng damdamin at tibok ng puso, hindi
pagsasalawahan sa pag-ibig, kundi alam na niyang upang mabahaw lamang
ang matandang sugat na likha ng mga mahadlikang magulang niya.”
Dahil sa pangyayari, hindi alam ni Elino kung ano ang gagawin.
Hindi maiintindihan kung bakit hindi rin sang-ayon sa kanila ang tadhana.
Ngunit, paniniwala pa rin ng binata na siya pa rin karapat-dapat na
mahalin kahit siya ay dukha lamang dahil si Consuelo’y may karangalan at
sa ginawa ni Consuelo sa pagbitaw sa kanya ay hindi niya itong
matatawag na taksil. Ganito inilarawan ng manunulat ang pangyayari:
KABANATA VI: DAHILAN SA AKIN
“Ang babaeng iyong sa biglang malas ay mataksil sa kanilang
sumpaan, ay hindi man lang mapanganlang taksil ni Elino sa maagang
pakikiisang palad. Puno ng habag at pag-aalaala ang puso ay taimtim na
ninanais na ang kanyang tanging giniliw, ay maano nawang giliwin ng
lalaking may higit na palad at karangalan kaysa kanya.”
“…na kung dukha ma’y marangal naman at karapat-dapat mahalin
at ibigin.”

You might also like