You are on page 1of 5

KASANAYAN SA PAGBABASA

ANG KATWIRAN (BUOD)

NI CELSO AL. CARUNUNGAN

Isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay ganon rin ang
kalungkutan ni Quintin kung saan puro kabiguan at pasakit ang kanyang nararamdaman.
Dahil sa kanyang pagiisa at labis na paghihirap ay sumangko sa kanyang isip na taposin
na ang kanyang buhay para mawala na ang kanyang mga problema na dinadala.

Sa isang tulay, siya ay may balak na tumalon. Kasabay ng malakas na ulan,


bawat patak nito'y sumasabay sa pagbagsak ng kanyang katwirang hindi na magpatuloy
sa paglaban sa buhay. Labag man sa kanyang damdaming sundin ang kanyang maitim
na balak ay nagdasal muna siya bago tuluyang tumalon, humingi ng tawad sa
kadahilanang tatapusin na niya ang kanyang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, may taong hindi niya maaninag ang katauhan, kumbaga isang
misteryosong nilalang ang biglaan nalang sumigaw at nagpakawala ng mga payong
makakapagbago sa kanyang desisyon. Sinabi ng isang nilalang na mag-isip muna ng
mataimtim. Isinugarado ng nilalang sa oras na yaon na sa pagkatapos ng isang taon,
magkikita muli sila at doon ay ipagpatuloy ang naudlot niyang balak; ang magpakatiwakal.

Muli siyang bumalik sa kanyang sistema, napawi ang negatibong pag-iisip,


at tila'y natauhan. Dahil doon, sinulit niya ang bagong pagkakataong tila'y naibigay sa
kanya. Agad- agad siyang pumunta kina Imelda - ang babaeng matagal na niyang
napupusuan. Inilahad niya ang lihim niyang damdamin na walang takot na kung saan,
naghintay lang pala si Imeldang magtapat ng pag-ibig ang binata sa kanya. Sa ganoon
din, nakipagsapalaran siya na magsabi ng katotohanan sa kanyang boss tungkol sa
kanyang trabaho. At dahil doon, nataas ang kanyang pwesto sa trabaho.
Nagtuloy-tuloy pang gumaan ang buhay ni Quintin. Sila'y nagpakasal na at
noong dumating ang Hunyo, nakatanggap siya ng isang magandang balita at iyon nga
ay siya ay magiging ama na.

Agosto, kung saan kung gaano kalakasan ang ulang siya'y nagulumihan
noon ay ganoon din ang lakas ng ulan na kanyang napag-isipan ang kasunduang bumalik
siya muli sa tulay. Napagdesisyonan niyang pumunta agad sa tulay na kung saan siya
ay may balak noong magpatiwakal. Siya ay sumigaw na hindi niya gustong mamatay. At
sa isang may madilim na parte, nakita nya muli ang isang nilalang na may makikinang na
mga mata at binigkas niyang hindi niya gustong mamatay pa. At ayon nga sa napag-
usapan nila noon, napagtanto niyang gusto niya nang magpatuloy sa buhay pagkat sa
pagkakataong nagaganap ngayon sa kanyang buhay ay mayroon na siyang katwirang
mabuhay; ang kanyang pamilya. Ang nilalang ay napatawa lamang at sinabihan uli siyang
kung sa pagkakataon noon na nagtagumpay siyang magpakamatay ay hindi niya na
mararanasan ang buhay na may katwirang mabuhay.
Persepsiyon

Maraming bahagi ng kwento ang nagsisilbing balakid sa pagbasa kung


saan mas nahirapan sa pagintindi sa nais iparating ng may akda. Una, paggamit ng mga
malalalim na salita na kung saan mas mahirap maintindihan. Pangalawa, hindi bago ang
kanyang kwento dahil marami narin ang gumawa ng ganyang kwento na kung saan alam
na kung saan patungo ang akda. Panghuli, hindi masyadong malakas ang bawat detalye
ng kwento bagama’t kulang ito sa sangkap ng panghihikayat sa kanyang mambabasa.
REAKSYON

Ang Katwiran na isinulat ni Celso Al. Carunungan ay hango sa totoong


buhay ng isang tao na gustong magpatiwakal dahil hindi na kinaya ang mga pagsubok
sa buhay. Nais ng tagapagsulat na ipahiwatig sa mambabasa na dapat hindi tayo sumuko
sa mga hamon ng buhay. Sapagkay,kahit ano pang unos na dumating ay lilipas din basta
may tiwala kalang sa Panginoon at sa iyong sarili.

Bawat daloy ng kwento ay madaling maiintindihan dahil lahat tayo ay


nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay. Napakaganda ng paglathala ng estorya dahil
nahahango ito sa totoong buhay kung saan lahat ng makakabasa ay madaling
nakakaunawa. Ang estorya ay nakakaantig sa bawat mambabasa kaya mas lalo itong
madaling maintindihan ang mensahi na nais ipabatid ng may akda sa kanyang
mambabasa. Bawat mensahi na gustong ipabatid ng may akda ay siguradong mababatid
ng mga tao dahil sa angkin nitong layunin kung saan mapapaisip ang mga tao sa kung
ano ang aral na dapat na maipupulot sa kwento.
REPLEKSYON

Ang kwento ay maihahalintulad natin sa totoong buhay kung saan tayo ay


nakakaranas ng pagkabigo at pagsuko sa buhay dahil hindi natin alam kung paano ma
ito msosolusyonan.

Hindi ko maipapagkaila mismo sa aking sarili ay naranasan ko narin na sumuko


na sa mga hamon sa buhay. Mahirap pag may dinadaanan ka na pagsubok lalo na pag
wala kang masabihan sa mga problema mo dahil ang tingin mo walang makakaintindi
sayu at baka pagtawanan lang nila ang mga problema mo kaya mas mabuti na itago
nalang ito sa sarili mo kaya humantong tayo sa dulo kung saan na mas maganda na
mawala nalang sa mundo para narin mawala narin ang mga problema na dinadala natin
sa bubay. Kalaban mo ang mundo at pati narin ang sarili, hindi mo alam kung sino
talaga ang makakapagtiwalaan mo.

Bagamat hindi magiging solusyon ang pagpapatiwakal sa problema bagama’t


ang problema ay hindi dapat tinatakbuhan kundi ito ay nilalaban at binibigyan ng
solusyon. Lahat tayo ay may ibat-ibang pagsubok sa buhay na nasasatin kung paano
natin ito laruin, pero lahat ng pagsubok ay lilipas din gaya ng ulan , biglang bubuhos ng
malakas ang ulan pero sa pagsapit ng ilamg oras ito ay hihina at mawawala din. Gaya
ng ating mga problema lahat ng yan lilipas din kaya tayo binigyan ng mga pagsubok
para tayo ay lumakas at tumatag kahit sa ano pang hamon ng buhay ang dumating.

You might also like