You are on page 1of 5

Titser Aya

Marco Antonio R. Rodas


Rodas, M.A. (2013) Na’ay Po: Mga Akdang Quezon. Alrose Printing Services

Buod

Si Aya – isang singkwenta anyos na guro sa Atimonan, Quezon ay nag-iisa na


lamang sa buhay. Yumao na ang kanyang mga magulang nang dahil sa isang trahedya
nang pagkalubong ng sinasakyan nilang bangka tungong Alabat, Quezon. Dulot ng
pangyayaring ito ang kanyang hindi pagkapasa sa licensure examination para sa mga
guro. Muli niyang sinubukan kumuha ng pagsusulit na inabot pa ng karagdagang tatlong
beses ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pa rin siya nakapasa. Nalaman rin niya na
ang kanyang katipan ay may anak sa ibang babae at hindi niya maatim na kanlungin ng
kanyang pag-ibig ang isang lalaking tumatakbo sa kanyang responsibilidad. Naging salik
rin ito sa kanyang hindi pagpakapasa sa eksaminasyon.
Kapalit nang hindi pagiging lisensyadong guro ni Aya ay napag-desisyunan niyang
magsagawa ng tutorial center sa kanyang bahay sa mga batang hindi makasabay sa
paaralan, sa mga batang kinakailangan pa ng mas ma-tiyaga at malalim na pagkatuto.
Dito niya ginugol ang kanyang oras at panahon upang mapunan ang puwang sa kanyang
kalooban dulot ng kanyang hindi pagkapasa.
Isang gabing maulan nang paghihintay sa isang waiting shed sa kanyang bayan,
nakilala niya si Emy – isang bente-uno anyos na dalagang taga-Bicol na napadpad sa
Atimonan dahil sa pagkaiwan sa kanya ng kanyang kinakasamang lalaki. Dito namuo ang
pagkakakilala ng dalawa. Dahil na rin sa pagkaulila ni Aya sa kanyang mga mahal sa
buhay, tinaggap niya na ang nagdadalang-tao na si Emy sa kanyang pamamahay at
tinuring na sariling pamilya.
Lumipas ang mga panahon at mas malalim ang kanilang pinagsamahan. Nag-
tungo sa Bicol nangg ilang linggo si Emy at ang kanyang anak na si Joy dahil ipinakilala
na ni Emy sa kanyang magulang ang kanyang tinagong anak kung saan nagbadya ang
pagka-alala ni Aya dahil wala siyang balita sa mag-ina. Dito dinalaw si Aya nang naudlot
na nakaraang hindi tuluyang nabigyan ng kahulugan.
Dose anyos si Aya nang may kaibigan siyang lubhang napalapit sa kanya. Ang
kanyang ‘ngalan ay Lori. Ang pagkakaibigan nila ay lubos pa sa turingan ng isang
magkaibigan. Tila may kaakibat itong pagkahalina sa isa’t isa.
Tumungong Bicol si Lori at ang kanyang pamilya at doon na nanirahan. Isa itong
tinaguriang dagok sa buhay ni Aya. Hindi kagaya ng mga magulang ni Lori, ang nanay ni
Aya ay lubos na naintindihan ang nararamdaman ng kanyang anak nang walang
pasubali. Nagsilbi itong katotohanan sa buhay ni Aya na ayaw magpakilala, subalit
palaging nagpaparamdam.
Isang araw, pagkauwi ni Aya sa kanyang bahay ay may nakausap siya na kanyang
dating estudyante na ngayo’y abogado na. Inalok siya na mag-turo sa isang daycare
center dahil siya ang gusto maging guro ng mga bata dahil sa angking simbuyo ng
damdamin nito sa pagtuturo. Higit pa rito, nakita niya si Joy na naglalaro at si Emy na
lumabas galing sa kusina. Nag-uwi si Emy at Joy sa kadahilanang tinuring na tahanan na
ng mag-ina ang tahanan ni Aya at sa kauna-unahang pagkakataon ay siniil ni Emy ng
halik sa labi si Aya.

Pagsusuri

A. Piksiyon ang uri ng panitikan na ito. Ito ay isang halimbawa ng maikling


kwento na nasa ilalim ng mga akdang tuluyan. Ang maikling kuwento ay isang
maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng
realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang maikling kwento ay nakasaad sa unang panauhang pananaw. Ang


paglalahad ng mga pangayayri ay base sa persepyon ng tauhan sa kuwento.
Ang paglalahad din ng kuwento ay hindi kronohikal. Ito ay binahagi sa iba’t ibang
pangyayari at salik sa buhay ng pangunahing tauhan.

C. Mga Tayutay

URI NG TAYUTAY TAYUTAY PALIWANAG


“Nakasilip ang bilog na
Ang liwanag na
buwan sa bintana.
nanggagaling sa buwan
Pagbibigay-kaauhan Gumagapang ang
ay kita hanggang sa
liwanag sa loob ng
loob ng kuwarto.
kuwarto-“
Isang araw, may
“Ngunit, isang umaga, dumating o
Pagtatambis muling dinalaw si Emy naramdaman bigla si
ng nakaraan.” Emy na may patungkol
sa kanyang nakaraan.
“Impit na napahagulgol Umiyak nang malakas si
Pagdaramdam
si Emy.” Emy.
Dumating rin sila sa
“…hanggang sa makilala punto na hindi na sila
Pagsalungat ng pagkailang ang nagkaka-ilangan at
kapanatagan.” kumportable na sila sa
isa’t isa.
Gumaan ang
“Sandaling ipinahiram ng
pakiramdam niya dahil
Pagpapalit-tawag kapayapaan ang
pansamantala itong
kanyang kalooban.”
napalagay ang loob.

D. Sariling Reaksyon

1. Teoryang Eksistensyalismo - Layuning ipakita na may kalayaan ang tao na


pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili.
2. Mga pansin at puna
Tauhan:

Aya – Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay, at sa pagka-edad


niya, naging matapang pa rin siya at pinanindigan ang kanyang pagmamahal sa
pagtuturo. Bukod dito, natuldokan na rin niya ang matagal nang bumabagabag sa
kanyang kalooban hinggil sa pagkaulila nito sa isang pakiramdam na hindi
nabigyan nang malinaw na kahulugan noong siya ay kabataan pa lamang.

Emy – Hindi madali ang magmahal ng isang tao nang buong-buo at sa huli
ay iiwan ka lamang, at higit sa lahat, hindi pa napanindigan ang inyong supling.
Ngunit sa kabila nito, nagpatuloy si Emy sa kanyang buhay at kalaunan ring
napakilala ang kanyang anak sa kanyang mga magulang. Naging matapang rin si
Emy dahil nagawa niyang magmahal ng isang tao na malaki ang agwat ng edad
mula sa kanya.

Mrs. Watson – Hindi tama ang maliitin ang isang tao dahil hindi ito
lisensyado. Hindi nalilimita at natatapos ang pagtuturo sa lisensya. Hangga’t nag-
aapoy ang damdamin ng isang tao sa pagtuturo at taos puso ang pagkagusto nito
na makatulong sa mga bata ay wala dapat makakapigil kahit ano man ang
pagkakataon.

Aling Ceding – Malimit sa mga magulang na tanggapin ang kanilang anak


na tila nagpapamalas nang hindi kinaugaliang ibig sa isang bagay o tao. Ngunit si
Aling Ceding, ina ni Aya, ay dalisay na tinaggap ang kanyang anak at binigyan ng
payo tungkol sa tunay at bukas na pag-ibig.

Galaw ng pangyayari:
Kakaiba ang transisyon ng kuwento na ito. Hindi siya iyong mga karaniwang
pagkakasunud-sunod. Bagama’t hindi kinaugalian ang istraktura ng kuwento,
maiintindihan pa rin naman ito. Tila nagsilbing flashbacks ang pagbabahagi ng
mga pangyayari at dahil dito, mas naintindihan kung bakit ganoon ang nangyayari
sa kasalukuyan

3. Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip:
Lubos kong naunawaan na ang sa kabila ng iba’t ibang kwalipikasyon sa
isang propesyon – lalo na sa pagtuturo – hindi hadlang ang mga ito. Bagama’t sa
ibang mga pangyayari ay mahalaga ang lisensya, ngunit kung ang iyong nais ay
ang matulungan ang mga batang nahihirapan sumabay sa paaralan dahil hindi pa
ganoon kabilis ang kanyang pagunawa ay maaari mo itong gawin at walang kahit
anong sagabal ang maaaring humadlang sa iyo.

Bisa sa Damdamin:
Emosyonal ang aking naramdaman pagkatapos ng akda. Bukod sa aking
nabanggit na hindi natatapos sa lisensya ang pagtuturo, akin ring nabatid na ang
pagmamahal ay walang pinipiling kasarian o nakaraan. Ang puso ay hindi
marunong mag-dikta kung kanino ito titibok. Kusa na lang ito magpaparamdam
kung ang iyong kaharap o kausap ay siyang iyong tinatangi.

Bisa sa Kaasalan:
Sa panahon ngayon, marami na ang mas nagiging bukas at totoo sa
kanilang sarili hindi katulad noong unang panahon na tinuturing na malaking
kasalanan ang pag-ibig sa kapwa kasarian. Minsan na rin itong itinuring na
“karamdaman” dahil hindi raw ito pang-karaniwan ngunit pagkatapos mabasa ang
akda na ito, mas lalo kong napagtanto na kahit kailanman ay hindi magiging
kasalanan ang pagmamahal sa kapwa, hindi mali ang magkagusto sa tinatangi ng
iyong puso hangga’t malinis ang iyong intensyon sa kanya, hindi “karamdaman”
ang pagmamahal sa kapwa mo kasarian dahil hindi naman iyon sapat na batayan
sa pagmamahalan kundi ang walang katapusang pagsuporta at pag-aruga sa
iyong tinatangi.

Bisa sa Lipunan:
Ang lipunan na ating ginagalawan ngayon ay mas lubos na ang
pagtanggap sa mga tao na may karelasyon sa katulad na kasarian. Marami nang
naitayong organisasyon na naglalayon sa pagtulong at pagtanggap sa kanila.
Napasa na rin sa Senado ang batas na magpaparusa sa tao o kumpanya na
magdi-diskrimina sa kasarian ng kanilang mga empleyado o kapwa. Malaking
hakbang ito tungo sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan.
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
College of Business and Accountancy
Lucena City, Province of Quezon

Pagsusuri ng Maikling Kuwento

Pagbasa’t Pagsulat tungo


sa Pananaliksik

Isinumite kay:
Gng. Gina Catalig

Isinumite ni:
Adriona May B. Santayana
BSA IV

Mayo 09, 2019

You might also like