You are on page 1of 35

Rosal ni Mayette Bayuga

I. Banghay

A. Simula

Ang maikling kwento na pinamagatang “Rosal” ni Mayette Bayuga ay


sinimulan nang pasalaysay ng pangunahing tauhan si Dalisay Dias kung saan
inilahad niya dito kung ano ang naging dahilan niya upang mag-alay ng bulaklak
sa Birheng Maria at kung bakit babae lamang ang tinatanggap na mga estudyante
noon sa kanyang paaralan na Colegio de la Immaculada Corazon.

Isinalaysay niya rin kung paano nagbago ang patakaran ng kanyang paaralan
nang pinayagan ang mga lalaking mag-aral dito at hindi na rin daw matatandang
Madreng Portuges ang nagtuturo sa kanila dahil napalitan na ng mga madreng
pilipina at ang karamihan pa nga raw ay matataba kagaya ni Sr. Guada.

Patunay:

“Naging ugali kong mag-alay ng bulaklak kay Birheng Maria simula ng


sabihin ni Sister Guada na ang mga masipag mag-alay ng bulaklak sa Birhen ay
mananatiling malinis at kagalan-galang. Labintatlong gulang lang ako at nasa
unang antas pa lamang ng pag-aaral sa Colegio de la Immaculada Corazon. Kaya
lang, dahil gusto kong mapansin ng lahat na ako’y isang mabuting bata, sinunod
ko si Sr. Guada.

Nag-iisang eskuwelahang katoliko sa bayan ng Boac ang Colegio. Itinayo


ito noong panahon ng mga kastila at ang unang mga guro ay mga madreng
Portuges. Sabi ng mga matatanda ay matangkad, mapuputi at matatangos ang
ilong ng mga nasabing madre. Mga batang babae lang ang tinanggap nito sa
paaralan dahil ang pangunahing itinuturo nila maliban sa pagdarasal ay
pananahi,pagbuburda, ang pagtugtog ng piyano at ang pangangalaga sa katawan.
Sa pag-asang maging kagaya ng mga madreng Portuges ang kanilang mga anak,
halos lahat ng may mga sinasabing pamilya sa bayan ay sa Colegio pinag-aral
ang mga anak na babae.

Sa aking panahon ng pag-aaral ay marami nang pagbabago sa Colegio.


Ang pananahi at pagbubuda ay naging bahagi na lang ng araling Sining
Pangkabuhayan. Hindi na rin kami hinahasa sa pagtugtog ng piyano. Ang isang
luma’t malaking piyano na maaring siyang ginamit ng mga naunang mag-aaral ay
isinantabi na lang sa loob ng silid dalanginan, may makapal na takip at ginagamit
na lang sa mahahalagang okasyon. Ang pangangalaga naman sa katawan,
kasama ang kalinisan ng kaluluwa ay naging bahagi na ng sermon ni Sr. Guada
tuwing pagkatapos ng pagtaas ng bandila sa umaga. Maaring ang mga
pagbabagong ito ay dala ng pagbukas ng pinto ng Colegio sa mga mag-aaral na
lalaki. O maaring sinadya ang pagbabago upang makapasok ang mga lalaking
mag-aaral. Hindi na rin matatandang Madreng Portuges ang nagtuturo sa amin,
napalitan na ng mga madreng pilipina ang karamihan ay matataba kagaya ni Sr.
Guada.”

B. Saglit na Kasiglaan

Sa pagkakataong ito, nangyari ang saglit na kasiglaan ng kwento noong


nadiskubre ni Dalisay Dias ang liblib at tagong lugar sa kanilang paaralan kung
saan hindi niya ito ipinagsabi sa iba pagkat nais niyang siya lamang ang mamalagi
roon.
Patunay:

“Nangangalahati na ang buwan ng Setyembre nang matuklasan ko ang


isang tagong lugar sa itaas na bahagi ng halamanan, halos nasa tuktok na ng
gulod. Isang mahabang kumot ng Bermuda grass ang nagpapayungan mga
nagsasalimbayang makakapal na dahon ng gumamela at santan. Para bang
sadyang isaayos ang tagong lugar na iyon, malinis at malambot ang Bermuda
parang laging nauupuan. Mula noon, palagi na akong naglalagi sa kubling lugar
na iyon upang magbasa at magmuni muni. Hindi ko ipinaalam kanino man sa
takot kong may umagaw sa aking pag iisa.”

C. Suliranin
1. Nagkaroon ng suliranin sa kwento noong si Dalisay Dias ay nagsimulang
magaalinlangan sa buo niyang katawan. Siya rin ay may mga pang agam-
agam simula nang lisanin niya ang nakakubling lugar.

Patunay:

“Aywan ko naman kung bakit kung kalian pa ako nawalan nang lugar na
mapagmumuni-munihan, ay saka naman ako napuno ng maraming agam-agam.
Sa bawat araw, iba’t ibang bagay tungkol sa aking sarili ang gumugulo sa aking
isip at napapaalinlangan sa buo kong katawan. Nagsimula kong mapansin na may
dalawang bukol nang nag-uunahang lumaki sa aking dibdib.”

2. Ang ikalawang suliranin naman sa kwento ay pumapatungkol sa


pagkakaroon niya ng takot na magsabi sa ibang tao ng kanyang mga
nararamdaman lalo na’t naiibigan niya na rin magbasa ng mga librong
tungkol sa romansa at baka siya’y pagtawanan lamang.4
Patunay:

“Nagsimula na rin akong magkahilig sa pagbabasa ng mga librong


punong-puno ng malalagkit romansahan ng lalaki’t babae. At sa gabi kung
nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog, nagsimula akong mangarap na
may mainit na kamay na humahaplos sa buo kong katawan. Hindi ko
maipaliwanag ang mag bagay na iyon. Takot akong magkuwento kahit kanino
dahil baka ako pagtawanan.”

3. Ang ikatlo at huling suliranin sa kwento ay tungkol naman sa pagtatanong


niya kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging malinis at kagalang-
galang.

Patunay:

“Itinuloy ko pa rin ang pagdadala ng mga rosal sa Mahal na Birhen., ngunit


nagsimula na akong magtanong kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging
malinis at kagalang-galang.”

D. Tunggalian:

Tao laban sa lipunan

1. Hindi man naging hayag ang pagpapakita ng tunggalian ni Dalisay Dias


laban sa lipunan ngunit hindi rin naman bago sa atin na
napakamapanghusga ng mga karamihan kung kaya’t siya ay natatakot na
magpahayag ng kanyang mga nararamdaman sa nakararami dahil iniisip
niyang baka pagtawanan lamang siya ng mga ito.

Patunay:
“Nagsimula na rin akong magkahilig sa pagbabasa ng mga librong
punong-puno ng malalagkit romansahan ng lalaki’t babae. At sa gabi kung
nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog, nagsimula akong mangarap na
may mainit na kamay na humahaplos sa buo kong katawan. Hindi ko
maipaliwanag ang mag bagay na iyon. Takot akong magkuwento kahit kanino
dahil baka ako pagtawanan.”

2. Nagkaroon ng tunggalian ang tao laban sa lipunansa kwento dahil kahit


hindi hayag na sinabing nagrebelde at gumawa ng kasalanan si Dalisay
Dias ay mapapansin naman agad natin na ang panonood niya ng pagiisa
ni Evelyn Noche at Manny Adams sa nakakubling lugar ay katumbas na
rin ng panonood ng pornograpiya na alam naman nating labag sa
simbahang Katoliko at relihiyong Kristyanismo. Ang pagnanais niyang
maging malinis at kagalang-galang ay nadumihan simula nang gawin
niya ito.

Patunay:

“..,ilang hakbang mula sa pang-alay sa Birheng Maria, pinatunayan ni


Evelyn at Adams na sila nga’y bagay sa isa’t isa. Walang pakialam sa paligid,
masusing pinag-aaralan nila ang katawan ng isa’t isa, nagmamadali ang mga
kamay, nag-uunahan ang mga kilos. Kung may ahas na gumgapang sa paanan ni
Evelyn, ni hindi niya iyon mararamdaman. Dahan-dahan akong humakbang
palayo at nagtuloy sa halaman. Pinagpapawisan ang malagkit ang buo kong
katawan. Pumitas ako ng isang rosal at unti-unting pinigtal ang mga talulot nito,
saka isinabog paitaas, pilit pinaabot sa langit habang ang mga ito’y naman’y
tuloy tuloy na nagbabagsakan sa lupa. Kinabukasan ay humanap ako ng lugar
kung saan maari akong magkanlong habang tinatanaw ko ang tagong lugar. Isang
matabang punong niyog ang aking nakita.”

Tao laban sa sarili

1. Ipinapakita sa kwento na nagkaroon ng pag-aalinlangan sa sarili si


Dalisay Dias kung kaya’t siyay nagkaroon ng pang agam agam sa buo
niyang katawan.

Patunay:

“Aywan ko naman kung bakit kung kalian pa ako nawalan nang lugar na
mapagmumuni-munihan, ay saka naman ako napuno ng maraming agam-agam.
Sa bawat araw, iba’t ibang bagay tungkol sa aking sarili ang gumugulo sa aking
isip at napapaalinlangan sa buo kong katawan. Nagsimula kong mapansin na may
dalawang bukol nang nag-uunahang lumaki sa aking dibdib.”

2. Masasabi ko ring nagkaroon ng tunggaliang si Dalisay Dias sa kanyang


sarili dahil nagpatalo siya sa pagnanasang kanyang nararamdaman nang
masimulan niyang makasaksi ng pagiisa nina Evelyn Noche at Manny
Adams sa loob ng nakakubling lugar. Hindi niya lamang isang beses
nilabag ang sarili ngunit naulit pa ito hanggang sa nahiligan na niya.

Patunay:

“Araw-araw ay mula noon, habang ang mga kaklase ko’y nag uunahang
makababa sa hagdang bato kapag inihudyat na ang oras ng pag uwi , dahan
dahan naman akong naglalakad, kunwari’y papunta sa grotto, upang sa ilang
saglit ay unti-unting umakyat papunta sa kabilang bahagi ng gulod at sa likod ng
pinakamatabang niyog ay maupo at manood ng natatanging palabas.

Nagdaan ang ilang linggo. Nagpatuloy ang maliligayang pag-iisa nina


Evelyn at Adams. Habang sa bawat araw ay nakakaisip sila ng bagong paraan ng
pagsamba sa kanilang laman, natuto naman ako ng iba’t ibang paraan na
panonood. Bawat isang haplos ni Adams, bawat isang halinghing ni Evelyn, ay
nagbukas sa akin ng libo’t isang pintuan ng langit.”

E. Kasukdulan

Ang kapanapanabik na pangyayari sa kwento ay nagsimula nang naulanan at


nakaapak si Dalisay Dias ng kung ano sa lugar kung saan nanonood siya ng
natatanging palabas na naging sanhi upang malaman ni Manny Adams na may
nakakapanood sa kanilang pag-iisa ni Evelyn Noche.

Patunay:

“Buwan ng Disyembre, sa aking kinauupuan sa likod ng matabang punong


niyog ay hinampas ng malakas na hangin ang aking buhok pagkatapos ay
naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa aking balikat. Agad akong
tumayo upang humanap ng masisilungan. Maaring sa pagmamadali ko’y
nakatapak ako ng isang tuyong dahon, o isang baling sanga, hindi ko alam….
Mula sa tagong lugar, tumayo si Adams at nagkasalubong ang aming mga mata.
Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso. Matagal na katahimikan. Pakiramdam
ko’y nakabaon ang mga paa ko sa lupa. Umagos ang ulan sa aking katawan – sa
buhok, leeg, tumagos sa uniporme at binasa ang dalawang bukol sa aking dibdib.
“P…………………………ka! P………………………….ka!” Umalingawngaw sa
buong halamanan ang sigaw ni Adams. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis.”
F. Kakalasan

Ang kakalasan ng kwento ay naganap nang nagkaroon ng pagsisisi si


Dalisay Dias sa kanyang ginawa at nais niyang tulungan si Evelyn Noche na
kasalukuyang pinapagalitan ni Sr. Guada sa kanyang opisina dahil narinig niya
itong nananaghoy at nagmamakaawa. Marahil na rin sa nadiskubrehan ito ng
madre o isinumbong ni Dalisay Dias ang magkasintahan kung kaya’t siya’y
nakokonsensya.

Patunay:

“Nangangalahati na ako nang marinig ko ang boses ni Evelyn nananaghoy,


nagmamakaawa. Gusto kong puntahan siya, yakapin. Gusto kong lumuhod at
magmakaawa kay Sr. Guada para sa kanya at para sa aking sarili…. ngunit
nakasara ang pintuan ng opisina ni Sr. Guada.”

G. Wakas

Ang wakas ng kwento ay winakasan sa pamamagitan ng tuwirang sabi


sapagkat isinalaysay dito na naintindihan na ni Dalisay Dias ang totoong katangian
ng pagiging malinis at kagalang-galang. Bakas din sa pagkakalahad na nais niyang
magsisi sa kaniyang ginawang pagkakamali at sabihin ang kaniyang mga sikreto
kahit walang lumalabas sa kanyang bibig. Naipakita rin na kung dati ay malilinis
na rosal ang inialay niya sa birhen, ngayon naman ay nakapag-alay siya ng lanta at
naputikang rosal na para sa kanya ay ang pinakamagandang bulaklak na naalay
niya rito. Natapos ang kwento ng may solusyon at kalinawan sa isip para sa
pangunahing tauhan.
Patunay:

“Latag na ang takimsilim. Ang buong buro ay yakap na ng nag-aagawang


dilim at liwanag. Lumuhod ako sa harap ng imahen ng mahal na Birhen at tumitig
sa maganda niyang mukha. Wala akong nakitang galit doon, o panunumbat, ni
pagtatampo. Maaliwalas ang kanyang mukha, may bahagyang ngiti, puno ng pag-
ibig. Sa unang pagkakataon, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng pagiging malinis
at kagalang-galang – mga katangiang nakalarawan sa magandang mukha ng
Birhen. Gusto ko sanang magsalita, sumigaw sabihin ang lahat ng aking mga
lihim sa mahal na Birhen. Ngunit kahit isang kataga ay walang lumabas sa aking
bibig. tumayo ako at inilagay sa nakakrus na palad ng Birhen ang aking rosal
lanta man at putikan, iyon ang pinakamagandang bulaklak na naialay ko sa
kanya.”

II. Tauhan
1. Dalisay Dias

Siya ay isang mag-aaral sa Colegio de la Immaculada Corazon at ang


pangunahing tauhan sa kwento.

Siya ay isang tauhang Bilog sapagkat nagkaroon ng pagbabago sa


kanyang sarili simula nang magdiskubre niya ang isang natatanging
pangyayari sa nakakubling lugar.

Panlabas na Katangian:
 Nagdadalaga
 Malinis sa katawan
 Kayumanggi ang balat
 Katamtaman ang laki
 Malinaw ang mga mata
 Malakas ang panrinig
Panloob na Katangian:
 Inosente noon ngunit narungisan ito simula nang magbasa na
siya ng mga malalagkit na romasahan ng lalaki’t babae at
makasaksi ng pagiisa nina Evelyn noche at Manny Adams.
 Mahinhin
 Mahiyain
 Mapagpanalangin
 Palasimba
 Pinagtatanggol ang paniniwala o May paninindigan
 Marupok sa tukso
 Takot mahusgahan ng kapwa
 Mapagpanggap
2. Evelyn Noche (Pangalawang Tauhan)

Siya ay mag-aaral sa Colegio de la Immaculada Corazon na nasa


ikatlong antas at ang ikalawang tauhan sa kwento. Siya ay isang tauhang
Lapad sapagkat hindi naman sinabi sa kwento na nagkaroon ng pagbabago
sa kanyang pagkatao.

Panlabas na Katangian:
 Mag-aaral sa ikatlong antas
 Matangkad
 Matangos ang ilong
 Hanggang beywang ang maaalong buhok
 Kayumanggi ang balat
 Mahusay sa pagtugtog ng piyano
 Hinahangaan ng nakararami

Panloob na Katangian:

 Usisera
 Madaldal
 Makulit
 Mapanukso
 Mapusok
3. Manny Adams

Siya ay isang lalaking mag-aaral sa Colegio de la Immaculada


Corazon at maituturing din na ikalawang tauhan sa kwento. Siya ay isang
tauhang Lapad sapagkat katulad ni Evelyn ay wala namang pagbabago sa
kanilang pagkatao na isinasalaysay sa kwento.

Panlabas na Katangian:

 Amerikano
 Mayaman
 Mestiso
 Matangos ang ilong
 Matangkad
 Maganda ang hubog ng katawan
 Basketball Player at MVP sa kanilang colegio

Panloob na Katangian:

 Suplado
 Mapusok
4. Sister Guada

Siya ang prisipal sa paaralan ng Colegio de la Immaculada


Corazon. Siya ay maituturing na Lapad na tauhan sapagkat naging
konsistent siya sa kanyang gampanin sa kwento.

Panlabas na Katangian:

 Mataba
 Kayumanggi at kulubot ang balat
 Matanda

Panloob na Katangian:

 Malakas ang pananampalataya


 “Perfectionist”
 Strikta ngunit mabuti sa kapwa
5. Ana

Siya ang sekretarya ni Sister Guada na naghatid kay Dalisay Dias


noong nabasa ito dahil sa ulan. Siya ay masasabing tauhang Lapad
sapagkat ang kanyang karakter ay consistent sa kwento.

Panlabas na Katangian:

 Kayumanggi ang balat


 Nasa 25 pataas ang edad

Panloob na Katangian:

 Mahinhin
 Matalino
 Masipag
 Masunurin
 Magalang
6. Lola ni Dalisay Dias
Sa kanya lumaki si Dalisay Dias. Masasabing siya ay Lapad na
tauhan sa kwento sapagkat naging consistent naman siya sa kanyang
karakter.
7. Iba pang tauhan
 Mag-aaral na lalaki
 Madreng Portuguese
 Mga kaklase ni Dalisay Dias

III. Tagpuan
 Pinagganapan
Silid dalanginan
- “Ang isang luma’t malaking piyano na maaring siyang ginamit ng mga
naunang mag-aaral ay isinantabi na lang sa loob ng silid dalanginan,
may makapal na takip at ginagamit na lang sa mahahalagang okasyon.”
- “at ang bawat isa ay nasa tamang lugar na, ang silid dalanginan ay
tinutogtog ang piyano at sa saliw nito ang mga mag-aaral ay kakanta ng
Ave, Ave, Ave Maria……… Habang umaakyat sa halamanan.”
Halamanan
- “Bawat mag-aaral ay inaatasan magtanim at mag-alaga ng tatlong uri
ng halaman sa mga itinalagang halamanan.”
- “ang silid dalanginan ay tinutogtog ang piyano at sa saliw nito ang mga
mag-aaral ay kakanta ng Ave, Ave, Ave Maria……… Habang umaakyat
sa halamanan.”
- “Umakyat ako sa halamanan para magkanlong sa makakapal na dahon
ng rosal.”
Puno Hagdang Bato
- “Sisimulan iyon sa pagtitipon ng lahat ng mag mag-aaral ng puno ng
hagdang bato, kung saan inaayos ng pares-pares, at ang bawat isa ay
nasa tamang lugar na, ang silid dalanginan ay tinutogtog ang piyano at
sa saliw nito ang mga mag-aaral ay kakanta ng Ave, Ave, Ave
Maria……… Habang umaakyat sa halamanan.”
Gulod
- “Pipitas kami ng bulaklak sa halamanan at aakyat, pababa sa kabilang
dako ng gulod patungo sa kinaroroonan ng groto, na nasa dulo ng isang
katarikang hagdang bato.”
Groto
- “Nagtitipon kaming lahat sa ibaba ng grotto upang manalangin,
pagkatapos ay aakyat na nag bawat pares at iaalay sa Birhen ang mga
sariwang bulaklak.”
Altar ng Birheng Maria
- “..,pagkatapos ay aakyat na nag bawat pares at iaalay sa Birhen ang
mga sariwang bulaklak.”
Nakakubling Lugar
- “palagi na akong naglalagi sa kubling lugar na iyon upang magbasa at
magmuni muni.”
Sa pinakamatabang niyog
- “..,sa ilang saglit ay unti-unting umakyat papunta sa kabilang bahagi ng
gulod at sa likod ng pinakamatabang niyog ay maupo at manood ng
natatanging palabas.”

Opisina ni Sister Guada


- “Nabasa ang makinang na sahig ng opisina ni Sr. Guada sa
magkahalong tubig-ulan at ihi na umagos sa aking katawan.”
- “…. ngunit nakasara ang pintuan ng opisina ni Sr. Guada.”
Kwarto
- “Agad akong naligo, nagbihis at saka nagkulong sa loob ng aking
kwarto. Ngunit hindi ako napakali.”
Altar ng kanyang Lola
- “lumabas ako ng kwarto nakita kong nakaluhod na si lola sa harap ng
altar, taimtim na nagrorosaryo.”
Sala at Balkonahe
- “Maingat akong humakbang papalayo sa altar, lumampas sa sala at
balkonahe at tuloy-tuloy nang lumabas sa tarangkahan.”

 Panahon
Panahon ng Kastila
- “Nag-iisang eskuwelahang katoliko sa bayan ng Boac ang Colegio.
Itinayo ito noong panahon ng mga kastila at ang unang mga guro ay
mga madreng Portuges.”
Kasalukuyang Panahon
- “Sa aking panahon ng pag-aaral ay marami nang pagbabago sa
Colegio. Ang pananahi at pagbubuda ay naging bahagi na lang ng
araling Sining Pangkabuhayan.”
Umaga
- “Ang pangangalaga naman sa katawan, kasama ang kalinisan ng
kaluluwa ay naging bahagi na ng sermon ni Sr. Guada tuwing
pagkatapos ng pagtaas ng bandila sa umaga.”
- “Tuwing umaga, sa kanyang sermon ipinapaalala ni Sr. Guada upang
magsilbing inspirasyon na darating ang araw na lahat ng bulaklak na
iaalay sa Birheng Maria tuwing sasapit ang kanyang mahalagang
kapistahan ay mangagaling sa halamanan at ang bulaklak ay magiging
tunay na mga alay, dasal na pinagpala ng sariling kamay ng mga mag-
aaral.”
- “Isang umaga, nakasalubong ko si Sr. Guada nang ako’y papunta sa
groto, kipkip sa aking mga palad ang tatlong bulaklak ng rosal na basa
ng hamog.”
Tatlong Taon
- “Tatlong taon ng principal si Sr. Guada nang tumuntong ako sa Colegio
pinatupad na ang kanyang pangarap na mapuno ng bulaklak ang
halamanan.”
Tuwing sasapit ang Kapistahan
- “Sinimulan na ng isang ritwal na ginagawa sa tuwing sasapit ang mga
kapistahan ng Birheng Maria.”
Madaling Araw
- “Ang kakaibang pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria ay nagaganap
sa madaling araw.”
Isang beses sa isang lingo
- “Isang beses sa loob ng isang linggo, nag aalay ako ng rosal sa Mahal
na Birhen. Buong puso akong umaasa na magiging malinis at kagalang-
galang ako sa habambuhay tulad ng sinabi ni Sr. Guada.”
Buwan ng Setyembre
- “Nangangalahati na ang buwan ng Setyembre nang matuklasan ko ang
isang tagong lugar sa itaas na bahagi ng halamanan, halos nasa tuktok
na ng gulod.”
Hapon
- “Isang hapon, habang tahimik akong nagbabasa, nakarinig ako ng mga
yapak na papalapit.”
Gabi
- “At sa gabi kung nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog,
nagsimula akong mangarap na may mainit na kamay na humahaplos sa
buo kong katawan.”
Isang araw ng Oktubre
- “Hinila ang mga paa kong bumalik ako sa tagong lugar pagkatapos ng
klase isang araw ng Oktubre.”
Araw-araw
- “Araw-araw ay mula noon, habang ang mga kaklase ko’y nag uunahang
makababa sa hagdang bato kapag inihudyat na ang oras ng pag uwi ,
dahan dahan naman akong naglalakad, kunwari’y papunta sa grotto,
upang sa ilang saglit ay unti-unting umakyat papunta sa kabilang bahagi
ng gulod at sa likod ng pinakamatabang niyog ay maupo at manood ng
natatanging palabas.”
Ilang lingo
- “Nagdaan ang ilang linggo. Nagpatuloy ang maliligayang pag-iisa nina
Evelyn at Adams.”
Buwan ng Disyembre
- “Buwan ng Disyembre, sa aking kinauupuan sa likod ng matabang
punong niyog ay hinampas ng malakas na hangin ang aking buhok
pagkatapos ay naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa aking
balikat.”

 Kalagayan
“Ngumiti siya at sinabi, maraming magagandang rosas sa halamanan, Isay,
dagdagan mo iyang mga rosal mo,” Umiiling ako.”

“Matigas ang pagtatanggol ko sa aking paboritong bulaklak kaya tumungo


na rin si Sr. Guada at nagtuloy na ako sa groto.”

“Buong puso akong umaasa na magiging malinis at kagalang-galang ako


sa habambuhay tulad ng sinabi ni Sr. Guada. Hindi ko naman maintindihan
ang nais niyang sabihin.”
“Mula noon, palagi na akong naglalagi sa kubling lugar na iyon upang
magbasa at magmuni muni. Hindi ko ipinaalam kanino man sa takot kong
may umagaw sa aking pag iisa.”

“Wala akong nabalitaang ahas dito.” pabigla akong sumagot dahil sa inis
na nanakot niyang boses.”

“Kahit naiinis ako sa sinabi ni Evelyn nagkaroon rin naman ako ng takot.”

“Aywan ko naman kung bakit kung kalian pa ako nawalan nang lugar na
mapagmumuni-munihan, ay saka naman ako napuno ng maraming agam-
agam.”

“Nagsimula na rin akong magkahilig sa pagbabasa ng mga librong


punong-puno ng malalagkit romansahan ng lalaki’t babae. At sa gabi kung
nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog, nagsimula akong mangarap
na may mainit na kamay na humahaplos sa buo kong katawan.”

“Takot akong magkuwento kahit kanino dahil baka ako pagtawanan.”

“Walang pakialam sa paligid, masusing pinag-aaralan nila ang katawan ng


isa’t isa, nagmamadali ang mga kamay, nag-uunahan ang mga kilos. Kung
may ahas na gumgapang sa paanan ni Evelyn, ni hindi niya iyon
mararamdaman.”

“Dahan-dahan akong humakbang palayo at nagtuloy sa halaman.


Pinagpapawisan ang malagkit ang buo kong katawan.”

“.., dahan dahan naman akong naglalakad, kunwari’y papunta sa grotto,


upang sa ilang saglit ay unti-unting umakyat papunta sa kabilang bahagi ng
gulod at sa likod ng pinakamatabang niyog ay maupo at manood ng
natatanging palabas.”
“Bawat isang haplos ni Adams, bawat isang halinghing ni Evelyn, ay
nagbukas sa akin ng libo’t isang pintuan ng langit.”

“Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso. Matagal na katahimikan.


Pakiramdam ko’y nakabaon ang mga paa ko sa lupa. Umagos ang ulan sa
aking katawan – sa buhok, leeg, tumagos sa uniporme at binasa ang
dalawang bukol sa aking dibdib.”

“Nangangalahati na ako nang marinig ko ang boses ni Evelyn nananaghoy,


nagmamakaawa. Gusto kong puntahan siya, yakapin. Gusto kong lumuhod
at magmakaawa kay Sr. Guada para sa kanya at para sa aking sarili….”

IV. Buod

Naging ugali na ni Dalisay Dias na mag-alay ng bulaklak sa birheng maria.


Siya ay nagsimulang mag-aral sa Colegio de la Immaculada Corazon noong siya
ay labintatlong gulang pa lamang. Dahil gusto niyang mapansin ng lahat na siya’y
isang mabuting bata, sinunod niya si Sr. Guada.

Nag-iisang eskuwelahang katoliko sa bayan ng Boac ang Colegio. Itinayo


ito noong panahon ng mga kastila at ang unang mga guro ay mga madreng
Portuges. Sabi ng mga matatanda ay matangkad, mapuputi at matatangos ang ilong
ng mga nasabing madre. Mga batang babae lang ang tinanggap nito sa paaralan
dahil ang pangunahing itinuturo nila maliban sa pagdarasal ay
pananahi,pagbuburda, ang pagtugtog ng piyano at ang pangangalaga sa katawan.
Sa pag-asang maging kagaya ng mga madreng Portuges ang kanilang mga anak,
halos lahat ng may mga sinasabing pamilya sa bayan ay sa Colegio pinag-aral ang
mga anak na babae.
Maraming pagbabago ang nangyari sa Colegio, ang pananahi at pagbubuda
ay naging bahagi na lang ng araling Sining Pangkabuhayan. Hindi na rin sila
hinahasa sa pagtugtog ng piyano. Ang luma’t malaking piyano ay isinantabi na
lang sa loob ng silid dalanginan, ito ay may makapal na takip at ginagamit na lang
sa mahahalagang okasyon.

Maaring sinadya ang pagbabago upang makapasok ang mga lalaking mag-
aaral. Hindi na rin matatandang Madreng Portuges ang nagtuturo sa kanilang
paaralan, napalitan na ng mga madreng pilipina at ang karamihan ay matataba
kagaya ni Sr. Guada. Bawat mag-aaral ay inaatasan magtanim at mag-alaga ng
tatlong uri ng halaman sa mga itinalagang halamanan. Tuwing umaga, sa kanyang
sermon ipinapaalala ni Sr. Guada ang mga ito upang magsilbing inspirasyon na
darating ang araw na lahat ng bulaklak na iaalay sa Birheng Maria tuwing sasapit
ang kanyang mahalagang kapistahan.

Ang kakaibang pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria ay nagaganap sa


madaling araw. Sabi ni Sr. Guada, isang matandang sakripisyo pangkalinisan ng
kanilang kaluluwa ang nasabing ritwal. Isang beses sa loob ng isang linggo, nag
aalay si Isay ng rosal sa Mahal na Birhen. Buong puso siyang umaasa na magiging
malinis at kagalang-galang siya habambuhay tulad ng sinabi ni Sr. Guada.

Buwan ng Setyembre, mayroong nadiskubreng lihim na lugar si Isay na


hindi niya ipinagsabi ninuman sapagkat natakot siyang maagawan ng lugar na
pagmumuni-munihan. Isang araw nakita siya ni Evelyn Noche dito at sinabihang
may natagpuang patay na ahas doon. Si Evelyn ay maganda at maihahalintulad sa
mga potuges na madre ngunit ang pagkakaiba ay kayumanggi ang balat nito. Kahit
naiinis siya kay Evelyn, dahil na rin sa takot na mapagalitan ay hindi na siya
bumalik sa nasabing lugar.
Simula nang lisanin niya ang lihim na lugar ay nagkaroon siya ng pang-
agam agam sa sarili, kung saan nahiligan niya nang magbasa ng mga malalagkit na
romansahan ng lalaki’t babae. Napansin niya rin na lumalaki na ang kanyang
dibdib. Dahil sa takot na pagtawanan ay inilihim niya na lamang ito. Buwan ng
oktubre ay naisipan ni Isay na bumalik sa nakatagong lugar ngunit sa hindi
inaasahan ay nakita niya si Evelyn Noche at Manny Adams na nagtatalik at walang
pakialam sa paligid. Siya ay agad din namang umalis. Kinabukasan ay nakahanap
siya ng mainam na lugar upang matanaw ang natatanging palabas. Araw araw
simula ng pangyayari na iyon ay palagi nang nanonood si Isay sa pagiisa ng
magkasintahan.

Isang araw, ay umulan ng malakas ay sumilong si Isay ngunit siya ay


nakaapak ng dahon o kahoy na naging dahilan upang makita siya ni Manny at
mahuli na nanonood. Lubos ang hiya na kanyang nadama at tumakbo patungo sa
opisina ni Sister Guada. Hinatid siya nito ni Ana sa kanilang bahay ngunit hindi
siya mapakali.

Nang tumila ang ulan pumunta si Isay sa kanilang Colegio, narinig niya ang
boses ni Evelyn na umiiyak. Nais niya itong tulungan ngunit sarado ang opisina ni
Sister Guada. Dumiretso siya sa halamanan at pumitas ng rosal, isang rosal na
matagal nang namulaklak. Hinagip ng malagkit na putik ang kanyang kaliwang paa
at nahila siya pababa. Tumilapon ang rosal na nakulapulan ng putik at pinilit
ayusin ang ilang nagliyagis nitong talulot.

Lumuhod siya sa harap ng imahen ng mahal na Birhen at tumitig sa


maganda niyang mukha. Wala siyang nakitang galit doon, o panunumbat, ni
pagtatampo. Maaliwalas ang kanyang mukha, may bahagyang ngiti, puno ng pag-
ibig. Sa unang pagkakataon, naiintindihan niya na ang ibig sabihin ng pagiging
malinis at kagalang-galang – mga katangiang nakalarawan sa magandang mukha
ng Birhen. Gusto niya sanang magsalita, sumigaw sabihin ang lahat ng kanyang
mga lihim sa mahal na Birhen. Ngunit kahit isang kataga ay walang lumabas sa
kanyang bibig. Tumayo siya at inilagay sa nakakrus na palad ng Birhen ang
kanyang rosal lanta man at putikan, iyon ang pinakamagandang bulaklak na
naialay niya rito.

V. Paglalapat ng Teorya
1. Teoryang Bayograpikal

Si Mayette Bayuga ay isang freelancer, at nabuo niya ang mga kwento niya
sa pagitan ng pagtatrabaho bilang researcher, page-edit at pagpu-proofread,
pagsasalin, pagsusulat, at iba pang gawain sa iba’t ibang institusyon.Nagtapos
siya ng MA in Literature sa Ateneo de Manila University.Dalawa sa mga
sinulat niya ang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature: ang
“Rosal” (unang gantimpala, 1993) at “Ang Baliw” (ikalawang gantimpala,
1997).

2. Teoryang Kultural
 Mag-alay ng bulaklak sa altar

“Habang umaakyat sa halamanan. Pipitas kami ng bulaklak sa


halamanan at aakyat, pababa sa kabilang dako ng gulod patungo sa
kinaroroonan ng groto, na nasa dulo ng isang katarikang hagdang bato.
Nagtitipon kaming lahat sa ibaba ng grotto upang manalangin,
pagkatapos ay aakyat na nag bawat pares at iaalay sa Birhen ang mga
sariwang bulaklak.”

 Pagrorosaryo kapag may Orasyon


“Orasyon na. Nagbabadya ang kampana ng simbahan. lumabas ako
ng kwarto nakita kong nakaluhod na si lola sa harap ng altar, taimtim na
nagrorosaryo. Pinupuno ng gumagaralgal niyang boses ang buong
bahay.”

 Pagsasagawa ng ritwal

“Ang kakaibang pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria ay


nagaganap sa madaling araw. Sabi ni Sr. Guada isang matandang
sakripisyo pangkalinisan ng aming kaluluwa ang ritwal.”

 Pagtuturo ng pananahi at pagbuburda sa kababaihan

“..,ang pangunahing itinuturo nila maliban sa pagdarasal ay


pananahi,pagbuburda, ang pagtugtog ng piyano at ang
pangangalaga sa katawan. Sa pag-asang maging kagaya ng mga
madreng Portuges ang kanilang mga anak, halos lahat ng may mga
sinasabing pamilya sa bayan ay sa Colegio pinag-aral ang mga anak
na babae.”

3. Teoryang Klasisismo
“Alam kong kapag may nangyari sa akin ay mananagot ang Colegio. Dahil
gusto kong patunayan sa sarili ko na mabait na bata, hindi na ako bumalik
doon.”

4. Teoryang Romantisismo

“Meron nga po. pero ang rosal po ay mabuti at walang tinik. Naiiba po ang
rosal sa pangkaraniwan. Para sa akin, ang rosal ang pinakamagandang
ialay sa Birhen.” Matigas ang pagtatanggol ko sa aking paboritong
bulaklak kaya tumungo na rin si Sr. Guada at nagtuloy na ako sa groto.”

“Wala akong nabalitaang ahas dito.” pabigla akong sumagot dahil sa inis
na nanakot niyang boses.”

“Kahit naiinis ako sa sinabi ni Evelyn nagkaroon rin naman ako ng takot.
Paano nga kung may ahas sa tagong lugar?” Alam kong kapag may
nangyari sa akin ay mananagot ang Colegio.”

“Hindi ko maipaliwanag ang mag bagay na iyon. Takot akong magkuwento


kahit kanino dahil baka ako pagtawanan.”

“Walang pakialam sa paligid, masusing pinag-aaralan nila ang katawan ng


isa’t isa, nagmamadali ang mga kamay, nag-uunahan ang mga kilos. Kung
may ahas na gumgapang sa paanan ni Evelyn, ni hindi niya iyon
mararamdaman.”

“Bawat isang haplos ni Adams, bawat isang halinghing ni Evelyn, ay


nagbukas sa akin ng libo’t isang pintuan ng langit.”

“Lumuhod ako sa harap ng imahen ng mahal na Birhen at tumitig sa


maganda niyang mukha. Wala akong nakitang galit doon, o panunumbat, ni
pagtatampo. Maaliwalas ang kanyang mukha, may bahagyang ngiti, puno
ng pag-ibig. Sa unang pagkakataon, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng
pagiging malinis at kagalang-galang – mga katangiang nakalarawan sa
magandang mukha ng Birhen.”

5. Teoryang Realismo
 Pagiging mapagpanampalataya ng mga tao
 Mapanghusgang Lipunan
 Pre-marital Sex
 Panonood ng pornograpiya
 Pagbabasa ng librong may Romansa
 Pagiging maintindihin ng nakakatanda

6. Teoryang Naturalismo
“Bulubundukin ang Boac. Ang Colegio ay sa taas ng isang gulod nakatayo.
Ang gulod na ito’y nasa dulo ng isang magkakrus na daang nagsisimula sa
malapit sa aming bahay sa Isok. Sa paanan ng gulod ay nagsisimula ang
isang mahabang hagdang batong paakyat sa mga silid-aralan, na ang
pagkakasunod-sunod ay iniaayon sa antas ng pag-aaral. Nasa dakong
tuktok ang halamanang namumutiktik ang kapal ng iba’t ibang klaseng
bulaklak.”

“Ang kakaibang pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria ay nagaganap sa


madaling araw. Sabi ni Sr. Guada isang matandang sakripisyo
pangkalinisan ng aming kaluluwa ang ritwal. Sisimulan iyon sa pagtitipon
ng lahat ng mag mag-aaral ng puno ng hagdang bato, kung saan inaayos ng
pares-pares, at ang bawat isa ay nasa tamang lugar na, ang silid
dalanginan ay tinutogtog ang piyano at sa saliw nito ang mga mag-aaral ay
kakanta ng Ave, Ave, Ave Maria……… Habang umaakyat sa halamanan.
Pipitas kami ng bulaklak sa halamanan at aakyat, pababa sa kabilang dako
ng gulod patungo sa kinaroroonan ng groto, na nasa dulo ng isang
katarikang hagdang bato. Nagtitipon kaming lahat sa ibaba ng grotto upang
manalangin, pagkatapos ay aakyat na nag bawat pares at iaalay sa Birhen
ang mga sariwang bulaklak.”
“Nangangalahati na ang buwan ng Setyembre nang matuklasan ko ang
isang tagong lugar sa itaas na bahagi ng halamanan, halos nasa tuktok na
ng gulod. Isang mahabang kumot ng Bermuda grass ang nagpapayungan
mga nagsasalimbayang makakapal na dahon ng gumamela at santan. Para
bang sadyang isaayos ang tagong lugar na iyon, malinis at malambot ang
Bermuda parang laging nauupuan. Mula noon, palagi na akong naglalagi
sa kubling lugar na iyon upang magbasa at magmuni muni. Hindi ko
ipinaalam kanino man sa takot kong may umagaw sa aking pag iisa.”

“Sa bawat araw, iba’t ibang bagay tungkol sa aking sarili ang gumugulo sa
aking isip at napapaalinlangan sa buo kong katawan. Nagsimula kong
mapansin na may dalawang bukol nang nag-uunahang lumaki sa aking
dibdib. Nagsimula na rin akong magkahilig sa pagbabasa ng mga librong
punong-puno ng malalagkit romansahan ng lalaki’t babae. At sa gabi kung
nanunuot ang ginaw sa manipis kong pantulog, nagsimula akong mangarap
na may mainit na kamay na humahaplos sa buo kong katawan. Hindi ko
maipaliwanag ang mag bagay na iyon. Takot akong magkuwento kahit
kanino dahil baka ako pagtawanan.”

“Marami ang nagsasabi na bagay sila ni Evelyn Noche at doon sa tagong


lugar, nakakanlungan ng nagsasalimbayang gumamela at santan, ilang
hakbang mula sa pang-alay sa Birheng Maria, pinatunayan ni Evelyn at
Adams na sila nga’y bagay sa isa’t isa. Walang pakialam sa paligid,
masusing pinag-aaralan nila ang katawan ng isa’t isa, nagmamadali ang
mga kamay, nag-uunahan ang mga kilos. Kung may ahas na gumgapang sa
paanan ni Evelyn, ni hindi niya iyon mararamdaman.
Dahan-dahan akong humakbang palayo at nagtuloy sa halaman.
Pinagpapawisan ang malagkit ang buo kong katawan. Pumitas ako ng isang
rosal at unti-unting pinigtal ang mga talulot nito, saka isinabog paitaas,
pilit pinaabot sa langit habang ang mga ito’y naman’y tuloy tuloy na
nagbabagsakan sa lupa. Kinabukasan ay humanap ako ng lugar kung saan
maari akong magkanlong habang tinatanaw ko ang tagong lugar. Isang
matabang punong niyog ang aking nakita.”

“Habang sa bawat araw ay nakakaisip sila ng bagong paraan ng pagsamba


sa kanilang laman, natuto naman ako ng iba’t ibang paraan na panonood.
Bawat isang haplos ni Adams, bawat isang halinghing ni Evelyn, ay
nagbukas sa akin ng libo’t isang pintuan ng langit. Tanaw na tanaw ko sila
mula sa aking kinauupuan at tanaw ko rin ang malalagong rosal sa
halamanan na nang panahong iyon ay nagngangalit na namumulaklak,
siguro’y ipinaaalala na nakalimutan ko na ang pag-aalay sa Birheng
Maria.”

“Buwan ng Disyembre, sa aking kinauupuan sa likod ng matabang punong


niyog ay hinampas ng malakas na hangin ang aking buhok pagkatapos ay
naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa aking balikat. Agad akong
tumayo upang humanap ng masisilungan. Maaring sa pagmamadali ko’y
nakatapak ako ng isang tuyong dahon, o isang baling sanga, hindi ko
alam….. Mula sa tagong lugar, tumayo si Adams at nagkasalubong ang
aming mga mata. Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso. Matagal na
katahimikan. Pakiramdam ko’y nakabaon ang mga paa ko sa lupa. Umagos
ang ulan sa aking katawan – sa buhok, leeg, tumagos sa uniporme at binasa
ang dalawang bukol sa aking dibdib.”

“Orasyon na. Nagbabadya ang kampana ng simbahan. lumabas ako ng


kwarto nakita kong nakaluhod na si lola sa harap ng altar, taimtim na
nagrorosaryo. Pinupuno ng gumagaralgal niyang boses ang buong bahay.
Maingat akong humakbang papalayo sa altar, lumampas sa sala at
balkonahe at tuloy-tuloy nang lumabas sa tarangkahan. Wala ng ulan. Wala
na ring tao sa magkakurus na daang papunta sa Colegio sa itaas ng gulod.
Tahimik.”

“Lumakad ako…. sa una’y dahan-dahan, pabilis ng pabilis, hanggang


tumakbo na ako papunta sa Colegio. Pakinwari ko’y napakataas ng
hagdang bato, para bang hindi ko makakayang akyatin ngunit unti unti
akong umakyat, humahangos, humhingal. Nangangalahati na ako nang
marinig ko ang boses ni Evelyn nananaghoy, nagmamakaawa.”

“Umakyat ako sa halamanan para magkanlong sa makakapal na dahon ng


rosal. Nangunguluntoy ang mga rosal, pawing nakatungo ang mga
bulaklak, siguro’y dahil sa lakas ng ulang nagdaan. Pumitas ako ng isang
rosal, bukadkad na iyon, mukhang ilang araw nang nakapagsabog ng
bango at nasaid na ang kabuturan. Maliliit ang aking mga hakbang ngunit
tiyak ang patutunguhan. Sapo ko sa aking dibdib ang palanta nang bahagi
ng gulod kaya nadulas ako. Hinagip ng malagkit na putik ang aking
kaliwang paa at nahila akong pababa. Tumilapon ang rosal na nakulapulan
ng putik at pinilit ayusin ang ilang nagliyagis nitong talulot.”
“Lumuhod ako sa harap ng imahen ng mahal na Birhen at tumitig sa
maganda niyang mukha. Wala akong nakitang galit doon, o panunumbat, ni
pagtatampo. Maaliwalas ang kanyang mukha, may bahagyang ngiti, puno
ng pag-ibig. Sa unang pagkakataon, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng
pagiging malinis at kagalang-galang – mga katangiang nakalarawan sa
magandang mukha ng Birhen.”

7. Teoryang Idealismo
 Dalisay Dias
- Siya ay ideal na bata dahil masunurin at nagnanais na maging malinis at
kagalang galang ngunit nagpatalo lamang ito sa tukso at ginustong
maging saksi ng pag-iisa nina Evelyn at Manny.
“Naging ugali kong mag-alay ng bulaklak kay Birheng Maria simula ng
sabihin ni Sister Guada na ang mga masipag mag-alay ng bulaklak sa
Birhen ay mananatiling malinis at kagalan-galang. Labintatlong gulang
lang ako at nasa unang antas pa lamang ng pag-aaral sa Colegio de la
Immaculada Corazon. Kaya lang, dahil gusto kong mapansin ng lahat na
ako’y isang mabuting bata, sinunod ko si Sr. Guada.”

 Evelyn Noche
- Siya ay maganda, may matangos na ilong at magaling sa pagtugtog ng
piyano. Isa siyang ideal na dalaga ngunit may nakubli itong sikreto
sapagkat ang kanyang puri na dapat ay inaiingatan ay ibinigay niya na sa
isang lalaking nagngangalang Manny.
“Maganda si Evelyn Noche. Siya ay matangkad, matangos ang ilong at
hanggang beywang ang maaalong buhok. Kung hindi nga lang
kayumanggi ang kulay ng kanyang kutis ay siya ang nailalarawan kong
itsura ng magandang madreng Portuges na unang naging guro ng
Colegio. Mahusay kasi sa pagtugtog ng piyano si Evelyn at madalas,
siya ang tumutogtog nito kapag may okasyon o kaya’y kung kapistahan
ng mahal na Birhen.”

 Manny Adams
- Siya ay isang ideal na lalaki sapagkat siya ay gwapo, may matipunong
katawan at sikat sa kanilang paaralan ngunit ito ay mapusok pagdating sa
pag-ibig at nagpapadala siya sa emosyon kun/g kaya’t nagagawa nila ni
Evelyn na magtalik kahit sila ay bata pa.
“Hindi nag-iisa si Evelyn Noche sa tagong lugar kasama niya si Manny
Adams, ang most valuable player ng koponan ng basketball ng colegio.
Amerikano ang ama ni Manny(higit na kilala sa tawag na Adams) kaya
naman litaw na litaw ang kanyang pagiging mestiso. Halos lahat ng mga
babae sa Colegio ay kinikilig sa kaguwapuhan niya.”

 Tagong Lugar/ Nakakubling Lugar


- Ito ay ideal na lugar upang makapagmuni-muni at mapagisa ngunit ito ay
maaring maging delikadong lugar sapagkat may natagpuang patay na
ahas doon.
“Nangangalahati na ang buwan ng Setyembre nang matuklasan ko ang
isang tagong lugar sa itaas na bahagi ng halamanan, halos nasa tuktok
na ng gulod. Isang mahabang kumot ng Bermuda grass ang
nagpapayungan mga nagsasalimbayang makakapal na dahon ng
gumamela at santan. Para bang sadyang isaayos ang tagong lugar na
iyon, malinis at malambot ang Bermuda parang laging nauupuan.”
8. Teoryang Pormalistiko
Wika
- Ang wikang ginamit ay antas pampanitikan dahil ang ginamit na mga
salita rito ay pili at malikahain.
Estilo
- Masining at nasa kronolohikal na ayos ang pagkakalahad ng kwento.
Panauhan
- Ang maikling kwentong “Rosal” ni Mayette Bayuga ay nasa unang
panauhan sapagkat ang pangunahing tauhan sa kwento na si Dalisay Dias
mismo ang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento.

9. Moralistiko
 Pagsisi ni Isay sa nagawang pagkakamali

10. Simbolismo
 Maliligayang pag-iisa
 Nagbukas sa akin ang isang libo’t isang pintuan ng langit
 Pakiramdam ko’y nakabaon ang mga paa ko sa lupa

VI. Kabisaan
A. Bisa sa Isip

Ang pagiging kagalang-galang at pagiging malinis ay hindi mapupunan


ng pagpapanggap. Huwag kang matakot na ipahayag ang iyong
nararamdaman o pangagam-agam sa sarili sa mga taong malapit sa’yo
upang matulungan ka nilang masagot ang iyong katanungan. Huwag
hayaang malason ang iyong pag-iisip ng pagnanasang maari pang pigilan
dahil nasa huli ang pagsisisi tulad na lamang nang nangyari kay Isay sa
kwento.

B. Bisa sa Asal

Matuto kang rumespeto sa mga pribadong kaganapan na nangyayari sa


ibang tao. Huwag abusuhin ang kawalang malay nila sa iyong pansariling
kasiyahan. Walang kang kasalanan kung aksidente mo lang itong nakita
ngunit kung paulit-ulit mo itong gagawin tulad na lamang sa pagsaksi ni
Isay sa maligayang pag-iisa nin Evelyn at Manny araw-araw ay tinitiyak
kong isang malaki at napakahalagang utos ng Panginoon ang iyong
nalabag.

C. Bisa sa Damdamin

Hindi dahil ikaw ay nagkasala ay wala ka ng karapatan upang magsisi.


Minsan sa buhay natin, ang mga pagkakamali ang nagiging susi upang
mahanap natin ang totoong kasagutan. Katulad na lamang ni Isay na
naguluhan sa totoong ibig sabihin ng pagiging malinis at kagalang-galang
ngunit sa bandang huli ay nalaman niya ang ibig ipagpakahulugan nito
nang makita niya ang imahen ng birheng Maria.

VII. Simbolismo
Dalisay Dias
- Siya ang sumisimbolo sa murang isip ng mga kabataan na narungisan
dahil sa panonood ng pornograpiya.
Evelyn Noche at Manny Adams
- Sila ang sumisimbolo sa mga mapupusok na batang magkasintahan at
nagpapadala sa kanilang damdamin kung kaya’t nagagawa nila ang Pre-
Marital Sex.
Manny Adams
- Dahil kilala ang mga dayuhang Amerikano bilang “Liberated” masasabi
kong sinisimbolo ito ni Manny Adams.
Sister Guada
- Sinisimbolo ni Sister Guada ang isang mapanghusgang lipunan dahil
mapapansin sa parte ng kwento ang pagkkwestiyon niya sa pag-aalay ni
Isay ng rosal sa mahal na birhen dahil mas mainam naman ialay ang
rosas kaysa rito.
Lanta at naputikang rosal
- Sinisimbolo nito ang inosenteng kaisipan ng tao na narungisan dahil sa
kasalanan.
- Maaari rin itong magsimbolo sa puri ng babae
Malakas na Hangin at Ulan
- Sumisimbolo sa naging hudyat o “wake up call” ni Isay para mahinuha
ang nagawang pagkakamali.
Opisina ni Sister Guada
- Sinisimbolo nito ang isang kwarto ng hukom kung saan nagaganap ang
panghuhusga. Nailahaad sa parte kwento na narinig ni Isay si Evelyn na
umiiyak na parang nagmamakaawa ngunit nang kanya itong tulungan ay
sarado ang pinto ng opisina.
Nakakubling lugar
- Sinisimbolo nito ang “safe haven” o ang lugar kung saan maaari mong
ipakita ang iyong tunay na pagkatao at sarili. Ito rin ang isang lugar kung
saan malaya mong magagawa ang nais mong gawin.
Birheng Maria
- Sumisimbolo sa tunay na kahulugan ng pagiging malinis at kagalang-
galang.

VIII. Tema at Paksang Diwa


Ang tema sa kwentong pamamanhikan ay tungkol sa kung ano nga ba ang
nais ipagpakahulugan ng malinis at kagalang-galang.
Ang paksang diwa naman nito ay tungkol sa nadaanang pagsubok at tukso ni
Isay bago nakamit ang tunay na kasagutan sa tanong.

IX. Pagpapaliwanag ng pamagat


Kung babasahin mo ang pamagat na “Rosal” sa kwento ni Mayette
Bayuga ay mahihinuha mo na marahil may koneksyon ito sa mga
bulaklak at kung bakit natatangi ito at rosal ang napili niyang pamagat.
Kung papalalimin natin at tatapusin ang kwento, masasabing ang
pagtanggol ni Isay sa rosal kay Sister Guada ay nagbigay ng maliwanag
na konklusyon kung bakit ito ang pamagat. Sinabi niya na ang rosal ay
maputi, tulad ng pagnanais niyang maging malinis, at mabuti dahil wala
itong tinik tulad ng pagnanais niyang maging kagalang-galang, hindi
lamang sa paningin ng tao kundi sa paningin din ng mahal na Birhen at
Panginoon. Ang rosal ay sumisimbolo sa pinapangarap o hinahangad na
pagkatao ni Isay sa murang edad.
X. Pangkalahatang Pagsusuri
Ang maikling kwento ni Mayette Bayuga na pinamagatang “Rosal” ay
naging pinto upang mas masilayan ang totoong nangyayari sa
kabataan. Kinakailangan na maging bukas tayo sa kanila upang hindi
sila makadama ng takot at pag-aalinlangan na magsabi sa atin ng
totoo. Katulad ng nangyari kay Isay na natakot magpahayag dahil
baka siya ay pagtawanan, ito ay nagresulta sa hindi niya pagpigil sa
pagnanasa na nararamdaman. Kinakilangan na maging mapagmatyag
tayo sa ginagawa ng mga kabataang magkasintahan dahil tulad nina
Evelyn at Manny ay maaaring magresulta ito sa mapusok na desisyon
at Pre-Marital Sex.
Tulad ng sinabi ko kanina sa bisa sa damdamin, hindi dahil ikaw ay
nagkasala ay wala ka ng karapatang magsisi. Misan sa ating buhay,
nagkakamali muna tayo upang mas malaman ang totoong kahulugan
ng mga bagay bagay.

You might also like