You are on page 1of 1

PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Riza A. Pacarat SEKSYON: F12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: Masining na Pagpapakilala PETSA: Oktubre 5, 2020

Pag-iyak

Imong tingog hinaya. Pagtarong, lain kaayo.


Ang linyang parating lumalabas sa labi mo.
Titingin, tatango at dudungo
Pagsunod lagi sa utos ay awtomatiko.

Yay! Sabaan gud ka, sabi nila,


Tatawa at iiling. Yaon ang tingin nila.
Sapagkat ibang Riza ang kanilang nakilala,
Ngunit pagtatangis ba ay kanilang nahula?

Ako’y isang militar na enensayo't praktisado,


Salita't kilos ay kalkulado't detalyado,
Kailangan laging handa’t sigurado,
Pagpapanggap ay perpekto't masterado.

Nang dismaya'y nakita sa 'yong mukha,


Dahil ako'y sumaway sa harap ng madla,
Ngumiti. Huminga. Ibubuka ang labi. Tinig ay kinakapa,
Ngunit… paano lumuha nang malaya?

You might also like