You are on page 1of 9

FILIPINO

Q1- Week 1 to 2
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

Aralin 1

(Sagutin ang mga gawain at ipasa sa Setyembre 7, 2021.)

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na


pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat/maikling kuwento, epiko ayon
sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan,
 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-
bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan,
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag), at
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:


Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nakikilala ang paghahambing na ginamit at napupunan ng angkop na uri ng
paghambing ang pangungusap.
2. Napahahalagahan ang kabuon ng aralin.
3. Nakasusulat ng karunungang bayan na nagpopromote ng turismo ng bansa.

Gawain 1: Kahulugan Ko! Ibigay Mo!


IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
2
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap.
Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.

a. hindi nadidisiplina d. pinag-isipan


b. katalinuhan e. problema
c. matalino f. walang magandang hinaharap

________ 1. Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.

________ 2. Inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago niya gawin.

________ 3. Matigas ang ulo ng anak na hindi napaluluha.

________ 4. Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.

________ 5. Marami siyang masasamang bisyo kaya't sigurado akong

nakatunganga na iyan bukas.

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matalinhagang pahayag na ginamit sa


bawat pangungusap. Isulat ang iyong sa loob ng kahon.

1. Mahirap ang maging anak-dalita.

2. Siya ay nagtataingang-kawali sa mga gawain.

3. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-krus ng magulang.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
3
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

4. Ayon sa sarbey parami nang paraming mga Pilipinong nagbibilang ng poste.

5. Ikinararangal si Jem ng kanyang magulang dahil nagsusunog siya ng kilay.

Gawain 2: Hanapin Mo’t, Ilalantad Ko!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba. Hanapin ang mga salawikain,
kasabihan, o sawikaing ginamit. Pagkatapos, isulat ang sampu (10) sa kahon sa ibaba at
ibigay ang kahulugan ng mga ito batay sa pagkakagamit sa teksto.

Buhay Estudyante
Ikapitong-langit ang nadarama ng sinumang estudyante dahil sa
pagkakataon nilang makapag-aral sa kabila ng kahirapan ng buhay. Dahil dito, marami
sa kanila ang nagsusunog ng kilay sa hangaring maipasa ang lahat ng asignatura. Gaano
man kahirap ang mga gawaing pampaaralan, kailanma’y di sumagi sa kanilang isipan na
itaas ang kanilang watawat. Alam nilang sa likod ng makapal na ulap ay may
nakatagong liwanag.
Nakatutuwang isipin, marami sa mga mag-aaral na ito ang kayod
kalabaw para masuportahan lamang ang pag-aaral. Tinitiis din nila ang maraming
pagkakataong kinakalambre ang kanilang tiyan. Marami rin sa kanila ang natutong
mamaluktot dahil sa maigsi ang kumot. Ang masaklap, malimit na butas ang kanilang
bulsa.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
4
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

Ibayong sipag at tiyaga ang ipinamamalas nila dahil ayaw nilang


maranasan ang tulad ng iba riyan na walang ibang alam gawin kundi magbilang lamang
ng poste. Lalong ayaw nilang maituring na mga laman ng lansangan. Ibayong atensyon
din ang kanilang ibinibigay sa kanilang pag-aaral sapagkat ayaw nilang makakuha ng
kalabasa sa anumang pagsusulit sa alinmang asignatura. Lahat ay ginagawa rin nila
upang makadaupang-palad ang sinumang nakakasalamuha.
Sa kabilang banda, abot batok ang ngiti ng mga estudyanteng ito kung
may mga indibidwal na bukas ang dibdib. Pinasasalamatan nilang lubos ang taong tulad
nila. Oo, dalangin nating magtagumpay ang mga estudyanteng tulad nila. Mainit na
komendasyon ang ibig nating tanggapin nila. Isa ka ba sa kanila?

Mga Salawikain/Kasabihan/Sawikaing Kahulugan


Ginamit

Gawain 3: Madali Lang ‘Yan

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
5
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

A. Panuto: Bilugan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa kahon


kung anong uri ito ng paghahambing.

Halimbawa:
1. Ang búhay noon ay mas simple kumpara sa
Palamang komplikadong búhay ngayon.

2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa


paaralan kompara sa dati.

3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.

4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang


kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.

5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil


magkamukha sila.

6. Ang mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, kasabihan


at sawikain ay parehong kasasalaminan ng mga kultura ng ating
mga ninuno na dapat nating pag-ibayuhin at palaganapin.

7. Ang mga karunungang-bayan ay kasinghalaga rin ng iba pang


anyo ng panitikan sapagkat ang mga ito’y kasasalaminan ng
mga kultura nating mga Pilipino.

8. Di tulad ng salawikain at sawikain, di-hamak na madaling


unawain ang kasabihan sapagkat halos lantad na ang kahulugan
ng mga ito

Gawain 4: PAGNINILAY

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
6
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

Sa maikling pahayag, ipaliwanag,


PAANO MO MAIPAKIKITA ANG IYONG
PAGPAPAHALAGA SA MGA PAKSANG
ATING NATALAKAY?
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Gawain 5: It’s More Fun in the Philippines

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Ngayong nabatid mo na ang iba’t ibang Karunungang-Bayan, Nagdisenyo
Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro
maging ang
Paghahambing, ikaw naman ngayon ang gagawa o susulat ng SARILI MONG 7
karunungang-bayan na ginagamitan ng panghambing.
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

Panuto: Ikaw ay naatasang manguna sa isang adbokasiyang magbabalik o bubuhay sa


mga karunungang-bayan na alam mong makatutulong sa pagkakaroon ng magandang
gawi ng mga kabataang tulad mo. Kaya naman ang iyong gagawin ay bumuo ng sarili
mong mga karunungang bayan batay dito gamit ang iba’t ibang termino sa
paghahambing.

Halimbawa: (Sariling gawa)

SALAWIKAIN: Pahambing na Pasahol

Pilipinas ay piliin sapagkat higit na maganda ang sariling atin.

Iyong Sagot

SALAWIKAIN:

PALAISIPAN:

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
8
ACTIVITY SHEETS SA FILIPINO 8 S.Y. 2021-2022

BUGTONG:

____________________ ____________________
____________________
Student’s Signature ____________________
Parent’s Signature
Lagda sa Ibabaw
Over Printed ng
Name Lagda sa Ibabaw
Over Printed ng
Name
Pangalan ng Mag-aaral Pangalan ng Magulang

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY JEFFERSON F. MONTIEL, LPT


Madrid Blvd., Pinamalayan Oriental Mindoro Nagdisenyo
9

You might also like