You are on page 1of 38

MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y.

2021-2022

PAGTATAT’WA
Ang mga larawang inyong makikita sa kabuuan ng modyul na ito ay hindi
pag-aari ng sinomang gumawa nito. Pagkilala sa tunay na may-ari.)

Panalangin Bago Mag-aral

Ama Namin
Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang
kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan Mo po
kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin Mo kami sa aming
mga sala. Para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag Mo
po kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama, Amen!

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
1
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

KWARTER II

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap
sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao,
bayan o kalikasan.

PAMANTAYAN SA PAGHUHUBOG NG AVCPS:

Ang mga mag-aaral ay magiging matapat at makabayang manunulat-kompositor
(writer-composer).

ARALIN 1 Isang Punong Kahoy (Tula); Pagpili ng

Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

 Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula.
 Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan.
 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
 Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika at may apat o
higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa
kapwa, bayan o kalikasan.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang di-familyar na mga salita.
2. Natutukoy ang mahahalagang detalye ng tulang binasa.
3. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga elementong nakapaloob sa
tula.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
2
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

4. Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit

sa pangungusap.
5. Nakabubuo ng sariling likhang tula na may apat na saknong.
6. Napahahalagahan ang kabuuan ng aralin.

Talasalitaan
Bago mo simulang pag-aralan ang mga aralin sa modyul na ito ay iyo munang
hawanin ang mga sagabal na maari mong makita sa araling ito.

Panuto: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

Isulat ang titik ng inyong sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Lambong D. Orasyon
B. Malalabay E. Taghoy
C. Malamlam F. Tanod

______ 1. Ang oras ng panananalangin sa gabi ay hindi kinaliligtaang gawin

araw-araw ng buong mag-anak.

______ 2. Sa kanilang bakuran ay makikita ang isang puno ng manggang may

malalagong mga sanga.

______ 3. Nagsisilbing takip laban sa sikat ng araw para sa kanilang tahanan ang
malalagong sanga ng mga punong kahoy.

______ 4. Ang mga bituin sa kalangitan ay mistulang mga bantay na nakamasid

sa kanilang munting tahanantuwing gabi.

______ 5. Habang ang mga-anak ay namumuhay nang mapayapa sa kanilang

lugar ay maririnig naman ang daing ng mga batang lansangan sa
kabayanang nagdarahop sa pagkainat kalinga ng magulang.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
3
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

PANIMULA
Gawing makabuluhan ang buhay mo dahil ito ang tanging maiiaalay
mo sa Diyos na nagkaloob nito sa iyo.

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng tulang Isang Punong Kahoy, iyo

munang kilalanin ang may-akda nito, si Jose Corazon De Jesus.

ISANG PUNONG KAHOY

Ni: Jose Corazon De Jesus

ALAM MO BA?

Isa si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute sa maipagmamalaki nating mga

Pilipino sa larang ng Panitikan. Bagama't nagtapos si Jose Corazon de Jesus ng
abogasya, hindi siya kumuha ng pagsusulit sa bar. Mas pinili pa niya ang maging
isang manunulat. Siya ay kinilala bilang isang mahusay na makata, mang-aawit, at
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
artista noong kanyang kapanahunan. Wala diumanong dalaga Nagdisenyo
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro
noon na hindi
malalaglagTel.
angNo.puso kapag siya ang tumutula o umaawit sa entablado dahil na rin sa
(043) 284-7587
4
kisig at ganda ng kanyang tinig.
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Dahil sa ilang ulit niyang pagtatagumpay sa balagtasan

na ang kalaban ay si Florentino Collantes na isa ring batikang
makata, siya ay itinanghal na kauna-unahang "Hari ng
Balagtasan." Siya rin ay tinaguriang "Makata ng Pag-ibig" ng
kanyang kapanahunan. Ang bantog na bantog na "Bayan Ko,"
tula niyang nilapatan ng tugtugin ni Constancio de Guzman ay
naging tanyag na awit noong Rebolusyon sa EDSA at ng
Pamahalaang Cory Aquino.
Ang tulang iyong matutunghayan na pinamagatang"
Ang Punongkahoy" ay ang huling tulang naisulat ni Jose
Corazon de Jesus bago siya namatay. Sa humigit-kumulang na
walong daang tulang kanyang naisulat, ang tulang ito na isang elehiya ang itinuturing na
kanyang obra-maestra. Tulad ng isang tula naging maikli lamang ang kanyang buhay
ngunit maituturing na naging makabuluhan ito. Nag-iwan ang isang Huseng Batute ng
mga akdang lubhang napakaganda at kapupulutan ng aral.

SAGOT SA TALASALITAAN
1. orasyon
2. malalabay
Talakayan 1 3. lambong
4. tanod
5. taghoy

PAGBASA 2 Ang buhay ng tao ay malimit na ihalintulad sa kandila na

habang lumilipas ang panahon ay unti-unti itong nauupos.
Habang ito ay nakasindi, patuloy namang nababawasan ang oras na itatagal nito,
kaya naman mahalaga na pahalagahan natin ang bawat sandal ng ating buhay.

Ngayon ay magpatuloy
IMMACULATE HEART OF MARY ka sa iyong pag-aaral
ACADEMY, INC. at tumuklas ng F.mga
JEFFERSON bagong
MONTIEL, LPT
kaalaman. Madrid
Iyo namang
Blvd., Zonebasahin at unawain
II, Pinamalayan, ang tula ni Jose Corazon
Oriental Mindoro De Jesus, ang,
Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
Isang Punong Kahoy. 5
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

ISANG PUNONG KAHOY

Ni: Jose Corazon De Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Organo sa loob ng isang simbahan

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Ay nananalangin sa kapighatian,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Naging krus ako ng magsuyong laing
Magdamag na tanod sa aking libingan...
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Sa aking paanan ay may isang batis,

Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Ni ibon, ni tao'y hindi na matuwa!

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

At iyong isipin nang nagdaang araw,
Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
Isang kahoy akong malago't malabay;
At tsaka buwang tila nagdarasal.
Ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
6
Sagutan ang Gawain 1
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 1

Talakayan 2

PAGBASA 3 Sa pagkakataong ito naman ay iyong tuklasin, aralin at

basahin ang Kahulugan at ang mga Elemento ng Tula
dito sa modyul na ito. Para naman sa karagdagang impormasyon, maaring basahin
ito sa inyong libro, sa ALAMIN NATIN pahina 157-159, Pinagyamang Pluma 8.
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.

Ang Kahulugan ng Tula at ang mga Elemento Nito

Tula – Anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao.

Gumagamit ng mga marikit na pananalita. Binubuo ng mga saknong at taludtod. May
mga elementong nagpapatingkad rito. May anyong naaayon sa kanyang taludturan.

Anyo ng Tula:
Tradisyunal
Berso Blangko
Malayang Taludturan

Ang tradisyunal ay anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na
kahulugan.

Ang berso blangko ay anyo ng tulang may sukat ngunit walang tugma.

Ang malayang taludturan ay anyong walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng
tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago
ng mga kabataan.

Elemento ng Tula:

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
7
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Sukat
Saknong
Tugma
Kariktan
Talinhaga

Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang

saknong.

Uri ng Sukat:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing - animin – labing-anim na pantig
Lalabing - waluhin – labing-walong pantig

Ang saknong ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming taludtod.

Uri ng Taludtod:
2 na taludtod – couplet
3 na taludtod – tercet
4 na taludtod – quatrain
5 na taludtod – quintet
6 na taludtod – sestet
7 na taludtod – septet
8 na taludtod – octave

Ang tugma ay isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ito ay
tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.

Uri ng Tugma:
Tugmang ganap (Patinig)
Tugmang di-ganap (Katinig)

Ang kariktan ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw
ang damdamin at kawilihan.

Ang talinhaga ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.

Sanggunian: https://brainly.ph/question/870297

Para sa karagdagang
IMMACULATE HEART OF MARYimpormasyon
ACADEMY, INC. at mga halimbawa,
JEFFERSONiyong basahin
F. MONTIEL, LPT
ang
Madrid ALAMIN
Blvd., NATINOriental
Zone II, Pinamalayan, pahina 157-159, Pinagyamang
Mindoro Pluma 8. Dito
Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
iyong mababatid ang iba pang Kahulugan ng Tula at mga Elemento Nito. 8
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 2 at 3

Sagutan ang Gawain 2 at 3

Matapos mong malaman ang kahulugan at iba’t

ibang elemento ng tula, iyo namang tuklasin at
Talakayan 3 aralin ang Pagpili ng Angkop na Salita sa
Pagbuo ng Tula.

Ngayon ay nasa huling yugto ka na ng iyong aralin.

PAGBASA 4
Bago ka magpatuloy sa pagsasagot sa mga susunod
na gawain ay iyo munang basahin at pag-aralan ang Pagpili ng Angkop na Salita sa
Pagbuo ng Tula sa Isaisip Natin, pahina 164-165. Pagkatapos ay gawin ang sunod na
mga gawain.

Gawain 4 at 5

Sagutan ang Gawain 4 at 5

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ WAKAS ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
9
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o

ARALIN 2 Salapi? (Balagtasan); Pagsang-ayon at
Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

 Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa sa paksa ng balagtasan.
 Nakapaglalahad sa paraang pasulat sa ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang
argumento.
 Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng
opinyon.
 Nakabubuo ng mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katwiran.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Natutukoy ang pahiwatig ng malalalim na salitang ginamit sa pangungusap.
2. Naibibigay ang hinuha sa mga opinyong binanggit sa binasa.
3. Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.
4. Nakasusulat ng opinyon batay sa mga isyung nakatala.
5. Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad na
may pagsang-ayon at pagsalungat.
6. Napahahalagahan ang kabuoan ng aralin.

TALASALITAAN
Bago mo simulang pag-aralan ang mga aralin sa modyul na ito ay iyo munang
tuklasin ang kahulugan ng mga talasalitaang ginamit sa akda.

Panuto: Tukuyin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may

salungguhit. Bilugan ang iyong sagot.

1. Matayog ang isipan ng isang taong may mataas na pangarap sa buhay.

2. Ang isang taong mahinahon ay banayad magsalita.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
10
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

3. Nagpupumilit manalasa ang makata para puksain ang kalaban.

4. Maraming itinatago ang mapagkubli sa damdamin.
5. Nagkainitan ang magkalaban bunga ng kanilang nag-aapoy na katwiran.
6. Natatalos niya ang nalalaman ng kanyang katunggali kaya’t hindi siya
nahirapang ipagtanggol ang kanyang panig.
7. Nagahol siya sa oras kaya’t nagkulang na rin siya ng pagmamatuwid sa kanyang
kalaban.
8. Nagmistulang mulala ang binata dahil sa kanyang pagkatulala sa narining na
balita.
9. Maitutring bang salapi ang kakarampot ng perang ito?
10. Aahin mo pa ang dunong na iyan kung ang katalinuhan mo ay gagamitin mo
lang sa mali?

PANIMULA
“Ang salapi ang ay maituturing na kayamanang taglay ngunit kailanga
ng karunungan sa pagtatamo ng makabuluhang buhay.”

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng balagtasan, iyo munang alamin ang

kahulugan nito.

“Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi?”

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
11
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

ALAM MO BA?

Ang balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa.

Karaniwan itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o
mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan. Tinawag na Balagtasan ang unang patulang pagtatalo na
ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924 bilang parangal kay
Francisco Balagtas na siyang kinikilalang "Ama ng Panulaang Tagalog."
Ang balagtasan ay binubuo ng dalawang panig. Ang isa ay sang-ayon at ang
isa naman ay hindi sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Sa pagtatalo ng dalawang
panig ay may isang namamagitan sa kanila na kung tawagin ay lakandiwa. Hangarin
ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang
pangangatwirang inilalahad. Samakatwid, dapat gumamit ang mga makata ng mga
salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na
maunawaan. Dapat din silang magbigay ng mga patunay na makatotohanan kaya't
nararapat lang na ang bawat panig ay may sapat na kaalaman sa paksang
pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa anumang pag-uusig ng kalaban
tungkol sa paksang pinagtatalunan.

SAGOT SA TALASALITAAN
1. mataas 6. nalalaman
Talakayan 1 2. mahinahon 7. nagkulang
3. puksain 8. pagkatulala
4. itinago 9. pera
5. nagkainitan 10. katalinuhan

PAGBASA 2 Ngayon ay nasa pasimula ka na ng bago mong aralin. Sa

iyong pagpapatuloy, iyong mababatid kung alin ang
nakahihigit sa dunong o salapi. Simulan mo na itong tuklsin sa pamamagitan ng
pagbasa sa Balagtasang pinamagatang “Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o
Salapi?”, sa pahina 175-181, PINAGYAMANG PLUMA 8. Pagkatapos ay sagutin
ang gawain.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
12
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 1

Sagutan ang Gawain 1

Talakayan 2

Sa pagkakataong ito naman ay iyong tuklasin, aralin at

PAGBASA 3
basahin ang mga Elemento ng Balagtasan sa modyul na
ito. Para naman sa karagdagang impormasyon, maaring basahin ito sa inyong libro,
sa ALAMIN NATIN pahina 186-188, Pinagyamang Pluma 8.
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa

isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang
sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga
saloobin o
pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

1. Tauhan
a. Lakandiwa - siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang
mambabalagtas. Siya rin ang tagapamagitan o taga pagbigay hatol ayon sa katwirang
inilahad tungkolsa paksa, tikas, tinig at kakayahang umakit sa mga nakikinig.

b. Mambabatas - tawag sa taong nakikipagbalatasan o makatang lumalahok dito na

karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan. Makata ang gumagawa ng tula, mga
akda at nagwagi na salarangan ng pagsulat.

c. Manonood - sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan. Ang

manonood ay isa sa mga pangangailangan sa ganitong uri ng presentasyon. Ang
kahusayan ng mga mambabalagtas ay masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang
taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa kanila.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
13
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

2. Pinagkaugalian
a. Sukat - ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ngayon
nauuso na rin ang moderasyon sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay
naging labing-anim na pantig ngayon. Ang iba naman ay ginagawa itong
lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu.

b. Tugma - tugma ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa

panulaan. Maari itong maging tugmang ganap na nangangahulugang matatapos ang
mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog. Ang tugmang di ganap ay
nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig.

c. Indayog - tinatawag ding aliw-iw ang indayog. Ito ay tumutukoy sa tono kung paano
binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga
salita sa isang taludtod.

3. Paksa
Ang paksa ay bagay na pinag-uusupan o tatalakayin upang ganap na
maipaliwanag atmaunawaan ang konteksto nito.

4. Mensahe
Ito ang kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan kaakibat ng
paksangtinatalakay ang mensaheng nais iparating.

Sanggunian: https://dokumen.tips/documents/mga-elemento-ng-balagtasan.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan

Para sa karagdagang impormasyon at mga halimbawa, iyong basahin

ang ALAMIN NATIN pahina 186-188, Pinagyamang Pluma 8. Dito
iyong mababatid ang iba pang Kahulugan at mga Elemento ng Balagtasan.
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.

Gawain 2
Sagutan ang Gawain 2

Talakayan 3
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
14
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Sa huling bahagi ng araling ito, iyo namang isaisip ang

PAGBASA 4
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng
Opinyon.
Unawain mong mabuti ang aralaing ito upang masagot mo ang mga susunod na mga
gawain.

Pagsang-ayon at Pagsalungat
sa Pagpapahayag ng Opinyon

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-

ayon. Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito
man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay sa
pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin.
Pag-aralan sa ibaba ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa
pagpapahayag ng opinyon.

1. Pahayag sa Pagsang-ayon - Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag,

pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o
pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya
ng....
 Bilib ako sa iyong sinasabing...  Sang-ayon ako...
 Ganoon nga...  Sige...
 Kaisa mo ako sa bahaging  Lubos akong nananalig…
iyan...  Oo...
 Maaasahan mo ako riyan…  Talagang kailangan…
 Iyan din ang palagay ko...  Tama ang sinabi mo…
 lyan ay nararapat...  Tunay na...
 Totoong…
2. Pahayag sa Pagsalungat - Ito ay pahayag na nanganga hulugan ng pagtanggi,
pagtaliwas, pagtutol, pag kontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na
pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito.
Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang sumusunod:
Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang sumusunod:

 Ayaw ko ang pahayag na...

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
 Hindi ako naniniwala riyan...
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
 Hindi ako
Tel. No. sang-ayon
(043) 284-7587 dahil… 15
 Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi.
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 3 at 4
Sagutan ang Gawain 3 at 4

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ WAKAS ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ARALIN 3 Walang Sugat (Sarsuwela); Pandiwa

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
16
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

 Naipahahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa.
 Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan at kasalungat na kahulugan ng
mga malalalim na salitang ginamit sa akda.
 Nasusuri nang pasulat ang ang papel na ginampanan ng sarswela sa pagpapataas ng
kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.
2. Nasusuri ang maaaring ipakahulugan ng mga pahayag mula sa akdang binasa.
3. Napahahalagahan ang kulturang Pilipinong masasalamin sa sarswelang
tinalakay.
4. Natutukoy ang pandiwa at aspekto nito.
5. Nakapagpupuno ng wastong aspekto ng pandiwang bubuo sa diwa ng
pangungusap.

Talasalitaan
Bago mo simulang pag-aralan ang mga aralin sa modyul na ito ay iyo munang
gawin ang panimulang gawain sa ibaba.

Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa hanay A.
Titik lamang ang isulat sa linya bago ang bilang. (Payabungin Natin pp. 200)

Hanay A Hanay B

____ 1. pinulot ang bastidor a. balangkas na gawa sa kawayan na

ginamit sa pagbuburda sa tela
____ 2. marahil siya’y filibustero
b. baril na may umiikot na silindro

____ 3. dagdagan ang racion c. taong kalaban ng pamahalaan

____ 4. may dalang rebolber d. ipinamamahaging pagkain

____ 5. sila’y mga tampalasan e. taong kulang sa kagandahang asal

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
____ 6. kaming mga klerigo f.
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro awit pansimbahanNagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
17
____ 7. planuhin ang matrimonyo g. kalungkutan
____ 8. ama ng mga hunghang

MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

PANIMULA
“Bawat isa’y maaaring maging bayani kung ang pag-ibig sa Diyos,
kapwa at bayan sa puso’y patuloy na maghahari.”

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng Sarsuwelang, Walang Sugat ay iyo

munang kilalanin ang may-akda nito, si Severino Reyes

WALANG SUGAT

ALAM MO BA?

Si Severino Reyes na nakilala rin sa tawag na Lola Basyang ang sumulat ng

dulang Walang Sugat. Ito ang ikalawang dulang kanyang nasulat na talagang
nagpatanyag sa kanya. Sinasabing nang unang itanghal ang dulang ito ay inumaga sa

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
18
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

lansangan ang mga manonood. Naaliw sila sa panonood dahil sa mga awit at tugtugan
nitong nakapagbigay-lugod sa kanila na kaiba sa moro-morong madalas nilang
mapanood na pawang labanan at sigawan ang tema. Ang dulang ito ay dalawang ulit na
isinapelikula noong mga taong 1939 at 1957.
Si Severino Reyes ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861,
Mayroon siyang limang kapatid sa kanyang magulang na sina Rufino Reyes at Andrea
Rivero. Kilala rin siya bilang "Ama ng Sarsuwelang Tagalog." Nagsimula siyang
magsulat ng dula nooong 1902. Sinikap niyang mapaunlad ang dulang Tagalog dahil
nakita niyang ang moro moro at komedya na siyang tanyag na uri ng dula noon ay
walang buti at kapakinabangang dulot sa manonood.

Halina't iyong alamin at tuklasin kung bakit labis na

naging tanyag ang kanyang dulang Walang Sugat na
maituturing na isang akdang gumising sa kamalayan ng mga
Pilipino upang higit na mahalin ang ating bansa at
pahalagahan ang mga kultura ng ating lahi. Iyo ring alamin
kung angkop nga bang pamagatan ang akdang ito ng Walang
Sugat.
SAGOT SA TALASALITAAN
1. a 6. j
Talakayan 1 2. c 7. i
3. d 8. h
4. b 9. f
5. e 10. g

PAGBASA 2 Ngayon ay nasa pasimula ka na ng bago mong aralin. Sa

iyong pagpapatuloy, iyong mababatid ang dulang
Walang Sugat ni Severino Reyes. Basahing mabuti at unawain ang dulang ito sa
pahina 202-246, PINAGYAMANG PLUMA 8 sapagkat makatutulong ito sa
pagsasagot mo sa susunod na mga gawain.

Gawain 1

Sagutan ang Gawain 1

PAGBASA 3
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
19
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

ANG SARSUWELA

Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog

na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan,
paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning
panlipunan o pampolitika Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga
Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito patula
at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan,
bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin. Samantala, ang
tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay
binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa.
Melodrama kung ito ay tawagin o kaya'y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang
paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig
kaya nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela, bagama't ipinakilala noong panahon ng mga Espanyol, ay lubos
na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna
nina Severino Reyes na kilalá sa taguring Lola Basyang sa kanyang dulang Walang
Sugat, Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas) Juan Abad sa kanyang
Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng Katipunan; Amando
Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage
show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan
lamang ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong
panlibangan na lamang ang teatro.
Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa
sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa
pananampalatayang Katolisismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang
nangyayari sa bansa.

Gawain 2

Sagutan ang Gawain 2

Talakayan 2

Sa pagkakataong ito naman ay iyong tuklasin, aralin at

PAGBASA 4
basahin ang Kahulugan at mga Aspekto Pandiwa sa
modyul na ito.
Para naman sa karagdagang impormasyon, maaring basahin ito sa inyong libro, sa
ISAISIP NATIN pahina 258-260, Pinagyamang Pluma 8.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Makatutulong itoBlvd.,
Madrid upangZone masagot moOriental
II, Pinamalayan, ang mga susunod pang gawain.Nagdisenyo
Mindoro
Tel. No. (043) 284-7587
20
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

PANDIWA
Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o
galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig,
upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa:
1 Pumunta ako sa tindahan. 4. Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
2. Binili ko ang tinapay. 5. Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
3. Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.

Aspekto ng Pandiwa
Ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan nangyari, nangyayari,
mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.

Salitang-Ugat Naganap o Nagaganap o Magaganap o Kakatapos

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
basa nagbasa nagbabasa magbabasa kababasa
sira nasira nasisira masisira kasisira

Aspektong Naganap o Perpektibo – Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos.
Salitang-Ugat = Naganap
alis = umalis
mahal = minahal
Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay
patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Salitang-Ugat = Naganap
kanta = kumakanta
linis = naglilinis

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
21
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Salitang-Ugat = Naganap
lakad = lalakad
linis = maglilinis
Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa
nasisimulan at gagawin pa lamang.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandiwa

Para sa karagdagang impormasyon at mga halimbawa, iyong basahin

ang ISAISIP NATIN pahina 258-260, Pinagyamang Pluma 8. Dito
iyong mababatid ang iba pang Kahulugan at mga Aspekto ng Pandiwa.
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.

Gawain 3
Sagutan ang Gawain 3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ WAKAS ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Amerikanisasyon ng Isang Pilipino

ARALIN 4
(Sanaysay); Iba’t ibang Paraan ng
Pagpapahayag
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
22
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

 Naiuugnay ang ang tema ng napanood na programang pantelebisyonsa akdang
tinalakay.
 Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, saloobin at opinyon
kaugnay ng akdang tinalakay.
 Nagagamit ang iba”t ibang paraan nag pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing at iba
pa) sa pagsulat ng sanaysay.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang may parehong baybay.
2. Nakikilala ang uri ng paglalahad na ginamit sa pahayag.
3. Nakasusulat ng sanaysay na ginagamitan ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag.

PANIMULA
“Kaisipang banyaga’y ati nang iwaksi, ating ipagmalaki ang lahing
kayumanggi na sa dakong Silangan ay namumukod tangi.”

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng sanaysay na pinamagatang

Amarikanisasyon ng Isang Pilipino ay iyo munang kilalanin ang may-
akda nito, si Ponciano B.P. Pineda

Amerikanisasyon ng Isang Pilipino

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
23
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

ALAM MO BA?
Si Ponciano B.P. Pineda ay itinuturing na "Ama ng Komisyon ng Wikang
Filipino." Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay sinimulan niya ang mga sosyo-
lingguwistikang pananaliksik na naglalayong palaguin ang wikang pambansa.

Kilala rin si Ponciano B. P. Pineda bilang isang mahusay na awtor ng mga

librong pang-akademiko. Siya rin ay pinarangalan ng Gawad Palanca sa kanyang
mga maikling kuwentong "Ang Mangingisda" (1958) at "Malalim ang Gabi "(1953).

Siya rin ang may-akda ng sanaysay na iyong mababasa sa araling ito na

pinamagatang "Amerikanisasyon ng Isang Pilipino. Dahil sa mahabang panahong
pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa ay maraming Pilipino ang tunay na
naimpluwensiyahan ng kultura at pagpapahalagang mula sa bansang ito. Sa mga
pahina ng kasaysayan malimit nating mababasang ang mga Pilipino ay tinaguriang
"Brown Americans" sa dahilang nananatili ang kulay kayumanggi ng mga Pilipino
ngunit sa salita at kaasalan ay nababahiran ito ng mga pag-uugaling Kanluranin.

Kaya sinasabing ang Amerikanisasyon ay isang sakit na

tumalamak sa katawan ng ating lipunan. Tunay na bunga
nito ang maraming kapansanan ng bayan.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
24
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Ang de-Amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling

dapat nating gampanan sa ating bansa sa kasalukuyan. Iyong tunghayan ang isang
sanaysay na isinulat ni Ponciano Pineda na magmumulat sa iyong murang isipan hinggil
sa bagay na ito.

Gawain 1
Sagutan ang Gawain 1

Talakayan 1

Sa pagkakataong ito naman ay iyong basahin at aralin

PAGBASA 2
ang sanaysay na isinulat na Ponciano Penida, ang,
Amerikanisayon ng Isang Pilipino sa pahina 268-270, Pinagyamang Pluma 8.
Nang sa gayon ay masasagot mo ang mga susunod pang gawain.

Gawain 2 at 3
Sagutan ang Gawain 2 at 3

PAGBASA 3 SANAYSAY
Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag,
at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri
ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
25
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Ang kabuuan ng sulatin, gaano man kahaba, ay iisa lamang ang paksa nito.
Tinatawag itong ‘essay’ sa English na mayroon ding sistematikong paraan ng
pagpapahayag ng mga pananaw o kalaaman. Karaniwang mayroon itong simula,
katawan, at wakas na nagiging dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng
damdamin ng sumusulat.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay "nakasulat sa karanasan ng isang
sanay sa pag sasalaysay". Ang sanaysay ay nag-mula sa dalawang salita, ang SANAY at
PAGSASALAYSAY. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin,
kaisipan, saloobin, reaksiyon, at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan,
mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-sanaysay
https://brainly.ph/question/8676729

Talakayan 2

PAGBASA 4
Iba't Ibang Paraan ng Pagpapapahayag (Paglalahad)

Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at

nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng
nagsasalita o sumusulat. Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan kung ano
ang katuturan ng isang salita o bagay, kung paano ang pagsasagawa ng isang bagay,
kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.
Upang mabigyang-linaw ang pagpapahayag ay ginagamit ang iba't ibang
pagpapaliwanag.

1. Pag-iisa-isa-Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa

pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Dito ay malinaw na naipakikita ang mga dahilan at
bunga ng mga pangyayari.

2. Paghahambing at Pagsasalungatan-Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing

ng magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC.
paraang ito ang
JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
pinakamalimit naBlvd.,
Madrid gamitin.
Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
26
3. Pagsusuri-Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaaapekto
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 4 at 5
Sagutan ang Gawain 4 at 5

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ WAKAS ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Saranggola (Maikling Kwento); Pang-

ARALIN 5
Uri at Kaantasan Nito

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
27
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

 Naiuugnayang kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig.

 Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda.
 Nakasusulat ng wakas ng maikling kwento.

MGA TARGET SA PAGKATUTO:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Naipahahayag ang sariling saloobin, kaisipan at ideya
2. Nakikilala ang mga pang-uri at kaantasan nito.
3. Nahihinuha ang kahulugan ng pahayag sa akda.
4. Nakagagawa ng sariling wakas ng kwentong tinalakay.

Panimulang Gawain
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang isang búhay na
matagumpay gamit ang isang imahen o larawan, ano kaya ito? Bilang panimulang gawain,
gumuhit ka ng isang bagay na para sa iyo ay maaaring maging simbolo o larawan ng isang
taong masaya, matagumpay, at kontento sa buhay. Ilagay ito sa kahong makikita sa ibaba at
pagkatapos sa tapat nito ay ilahad ang iyong maikling paliwanag para dito.

Simbolo: Paliwanag:

PANIMULA
“Ang matagumpay ay hindi nasusukatsa laki at kinang ng mga bagay
na nakikita sa pagkilala sa mga tunay na mahalaga.”

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng maikling kwento na pinamagatang

Saranggola ay iyo munang kilalanin ang may-akda nito, si Efren Reyes
Abueg.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
28
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

ALAM MO BA?
Si Efren Abueg ay isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,
mananaysay, at kritiko ng kanyang panahon. Kabilang sa kanyang mga aklat ang Bugso,
ang kanyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo
ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa
Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); at MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino
(1970).
Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang
gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press
(1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak
Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).
Siya rin ay sumulat at nag-edit ng maraming
sangguniang aklat na ginagamit magpahanggang ngayon sa
kapwa pribado at publikong paaralan, mula elementarya
hanggang kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kanyang
mga kuwento sa mga teksbuk na isinulat ng ibang awtor.
Iyong basahin ang isa sa kanyang mga akdang tiyak na hihipo
sa iyong puso bilang isang anak, ang isa sa mga maikling
kuwentong kanyang isinulat na pinamagatang "Saranggola."

Gawain 1
Sagutan ang Gawain 1

Talakayan 1

Sa pagkakataong ito naman ay iyong basahin at aralin

PAGBASA 2
ang maikling kwento na isinulat na Efren Abueg, ang,
Saranggola sa pahina 289-294, Pinagyamang Pluma 8.
Nang sa gayon ay masasagot mo ang susunod pang mga gawain.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
29
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 2 at 3

Sagutan ang Gawain 2 at 3

Talakayan 2

PAGBASA 3 Mga Elemento ng Maikling Kwento

Maiiksing salaysay sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng ilang

mga tauhan. Ang isang momento o kaganapan sa buhay ng pangunahing tauhan nito.
Isa itong anyo ng masining na panitikan. Si Deogracias A. Rosario ang tinaguriang
Ama ng Maikling Kwento.
Mga Elemento:
• Tauhan
• Tagpuan at Panahon
• Saglit na Kasiglahan
• Suliranin o Tunggalian
• Kasukdulan
• Kakalasan
• Wakas

Tauhan
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. Nakasentro sa pangunahing
tauhan ang kwento at may kasamang mga pantulong na tauhan.

Tagpuan/Panahon
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang panahon at lugar para maging
totoo sa kanya ang kwentong binabasa.

Saglit na Kasiglahan
InihahandaIMMACULATE
sa bahaging ito ang
HEART mgaACADEMY,
OF MARY mambabasa INC. sa pagkilalaJEFFERSON
sa mga F.pagsubok na
MONTIEL, LPT
darating saMadrid
buhay ngZone
Blvd., mgaII, tauhan
Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
30
Suliranin o Tunggalian
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Sanggunian: https://quizlet.com/518532949/elemento-ng-maikling-kwento-final-flash-
cards/

Para sa karagdagang impormasyon iyong basahin ang ALAMIN

NATIN sa pahina 299-300, Pinagyamang Pluma 8. Dito iyong
mababatid ang iba pang Kahulugan at mga Elemento ng Maikling Kwento.
Makatutulong ito upang masagot mo ang mga susunod pang gawain.

Talakayan 3

Sa huling bahagi ng araling ito, iyo namang isaisip ang

PAGBASA 4
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng
Opinyon.
Unawain mong mabuti ang aralaing ito upang masagot moa ng mga susunod na mga
gawain.
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
31
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Pang-uri at Kaantasan Nito

Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan onagbibigay turing sa mga

pangngalan at panghalip.
Ito ay may kaantasan o kasidhian.

• Lantay – Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.

• Pahambing – Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o

panghalip. Ito ay may dalawang uri.

o Magkatulad – Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad.

Ginagamit dito ang panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-ama kuwento.

o Di magkatulad – Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng

pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.

Palamang – May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na

pinaghahambing. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang lalo, higit, di hamak, mas, at iba pa.
Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay maaaring maging daan ukol sa lalong
maunlad na kabuhayan.
Pasahol - Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan.
Gumagamit ng di gaano, di asino di masyado, at iba pa.
Halimbawa: Di gaanong istrikto ang anak kompara saama.

• Pasukdol – Nása pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay maaaring

positibo o negatibo Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng
mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan ng…, hari ng…, at kung minsa'y pag-
uulit ng pang-uri.
Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang ito na nagbigay-daan sa lalong
maunlad na kabuhayan.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
32
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Gawain 4 at 5
Sagutan ang Gawain 4 at 5

Ngayon ay natapos mo na ang modyul na ito. Naging

makabuluhan ba ang iyong pag-aaral, naging mabunga ba ito?

__________________________________________________

PAMANTAYAN PARA SA PAGBUO NG TULA

Pamantaya 4 3 2 1 Kabuoa
n n
Mensahe Malalim at Makabuluh May ilang Mababaw
makabuluhan an ang bahagi ng ang
ang mensahe mensahe ng tula ang di mensahe
ng tula. tula. makabuluha ng tula.
n.
Sukat at Gumamit ng May mga May Walang
Tugma napakahusay sukat at pagtatangka sukat at
at angkop na tugma ng gumamit tugma

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
33
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

angkop na ngunit may ng sukat at kung may

sukat at bahagyang tugma naisulat
tugma. inkonsisten ngunit halos man.
si. inkonsistent
lahat.

Taludtod May wasto at May May May

at Saknong kopletong wastong wastong kulang sa
bilang ng bilang ng bilang ng saknong
saknong at saknong taludtod at
taludtod. subalit may subalit may taludtod
kulang sa kulang sa ng tula.
taludtod. saknong.
Kaangkup Naipakita May Medyo Napakala
an sa nang kaugnayan malayo sa yo sa
Paksa malinaw ang sa paksa paksa ang paksa ang
kaugnayan at ang mga mga ideya o mga
nakapagbibig ideyang paksang ideyang
ay ng inilahad. inilalahad o inilalahad.
malinaw na ipinapakita.
halimbawa
bilang
patunay.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TALATA

PAMANTAYAN Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5
pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol sa paksa. 5
Naipakikita/nakagamit ng hudyat na pagsang-ayon at pagsalungat 5
sa pagpapahayag
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata. 5
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay! 3 – Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4 – Mahusay 2 – Di mahusay
IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT
Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
34
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Pamantayan Katangitang Mahusay May Nagsisimul Punto

i 3 Katamta a Pa s
4 ng Galing Lamang
2 1
Nilalaman Nabanggit at Maliwanag Bahagyan Kulang ang
naipaliwanag ang g may mga ideya
nang nilalaman kakulanga at hindi
malinaw ang ng n ang mga naipaliwan
mga puntos sanaysay. ideya sa ag nang
tungkol sa loob ng mabuti.
paksa. sanaysay.

Kaugnayan sa Naipakita May Medyo Napakalayo

Paksa nang kaugnayan malayo sa sa paksa
malinaw ang sa paksa paksa ang ang mga
kaugnayan at ang mga mga ideya ideyang
nakapagbibig ideyang o paksang inilalahad.
ay ng inilahad. inilalahad
malinaw na o
halimbawa ipinapakit
bilang a.
patunay.

Pagkamalikh Nauunawaan Nauunawaa Hindi Hindi

ain nang maayos n ang mga gaanong maunawaa
at malinaw ideyang naunawa n ang mga
ang mga nakapaloob an ang ideyang
ideyang sa ginawang mga inilalahag.
ipinahahayag sanaysay, ideya.
.

Organisasyon Lohikal at Naipakita Lohikal Walang

ng Ideya mahusay ang ang ang mga patunay na

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
35
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

pagkakasuno debelopmen talata organisado

d-sunod ng t ng mga subalit ang
mga ideya; talata ang mga pagkakalah
gumamit din subalit ideya ay ad ng
ng mga hindi hindi sanaysay.
transisyunal makinis ang ganap na
na pantulong pagkakalah nadebelo
tungo sa ad. p.
kalinawan ng
mga ideya.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
36
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

Panalangin Pagkatapos Mag-aral

LUWALHATI

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara

noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen!

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
37
MODYUL SA BAITANG 8 - FILIPINO S.Y. 2021-2022

MGATALASANGGUNIAN AT MGA WEBSITE NA GINAMIT:

 Dayag, A et al. (2017). Pinagyamang Pluma 8 (Teachers Wraparound Edition). Quezon

City, Phoenix Publishing House, Inc.
 Umali, E., et. al. (2006). Kaban ng Wika IIQuezon City, Metro Manila, Lorimar
Publishing Co., Inc.
 https://brainly.ph/question/870297
 https://dokumen.tips/documents/mga-elemento-ng-balagtasan.html
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandiwa
 https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-sanaysay
 https://brainly.ph/question/8676729

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY, INC. JEFFERSON F. MONTIEL, LPT

Madrid Blvd., Zone II, Pinamalayan, Oriental Mindoro Nagdisenyo
Tel. No. (043) 284-7587
38

You might also like