You are on page 1of 64

Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

KALIPUNAN NG MGA BABASAHIN SA FILIPINO 8

BILANG PAGTUGON SA IMPLEMENTASYON NG PROJECT OCSI

(Oral Communication Skills Improvement)

Tinipon nina

NELIA PINEDA EGANA


Ulong-guro I , Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School

JENNIFER SAMOY MERCADO


Guro I , Sta. Cruz National High School

Hulyo 2016

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Talaan ng Nilalaman
1. Ang Mag-anak
2. Ang Buhay ng Tao
3. Bawat Pagkabigo
4. Ang ating Bagong Kapanagutan
5. Pagpili ng Kaibigan
6. Ang Tunay na Pangaral
7. Ang Talinghaga ng Maghahasik
8. Ang Mayabang na Pagong
9. Ang Iibigin sa Bawat Puso
10. T’boli
11. Operasyon Tanim Gulay
12. Tunay na Ina
13. Balatkayo
14. Sa Pagsuway
15. Ang Kabayo at ang Kalabaw
16. Bagong Kaibigan
17. Sino ang Kahanga-hanga sa Diyos
18. Ayaw makinig sa payo ng magulang
19. Ang Kultura sa Aming Bayan
20. Ang Diyos ay Pag-ibig
21. Ang Huwarang Mag-aaral
22. Ang Elepante at mga Bulag
23. Ang Ngiti
24. Pag-aalinlangan

25. Wikang Filipino,Isang Bansa, Isang Diwa

26. Ang Munting Pilipinas

27. Batang Iskawt

28. Tinding

29. Digma ng Buhay

30 Dangal

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 1
Ang Mag-anak
Amado A. Rayos

Maagang gumigising ang mag-anak upang simulan ang kani-kanilang gawain sa araw-
araw. Dahil sa kahirapan ng buhay, sila ay nagtutulong-tulong upang mabuhay. Mabuti
na ang nakahanda sila sa anumang unos na darating sa kanila. Si Mang Danny ay
nagpapasada ng dyip na pampasahero samantalang ang asawa niyang si Aling Cora ay
umaangkat ng iba’t ibang gulay sa Divisoria at itinitinda sa talipapa sa duluhan. Ang
panganay nilang si Jon-Jon ay nagtitinda ng mga dyaryo sa umaga bago pumasok ng
paaralan. Nasa ikalawang taon na siya sa mataas na paaralan. Ang kita niya rito ay
ibinibili niya ng mga gamit. Hindi siya umaasa sa kanyang mga magulang. Si Rita
naman ay nagluluto ng pagkain at nag-aayos ng bahay. Nasa ikaanim na baitang siya ng
elementarya at magtatapos na siya sa darating na Marso. Sa hapon siya pumapasok.
Habang wala sila, si Lola Mameng ay siyang nag-aalaga kay Boyet na limang taon pa
lamang.
Tulad ng ibang mag-anak, dumarating ang mga problema sa buhay nila ngunit
nalalampasan din nila ang mga ito.

Talasalitaan:
Kahirapan
Umaangkat
Umaasa
Nag-aalaga
nalalampasan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Sino-sino ang bumubuo sa mag-anak?


A. Bayaw at hipag
B. Pinsan at kaibigan
C.Magulang at anak
D. Lolo at lola

2.) Alin ang hindi ginagawa ng mga miyembro ng mag-anak?


A. Nagluluto
B. Nagtitinda
C. Naglalaro
D. Namamasada

3.) Bakit kailangang nilang kumilos at magtrabaho?


A.) Upang maligaya
B.)Upang mabuhay
C.) Walang sagabal
D.) Upang umiwas sa trabaho

4.) Bakit kailangan nilang kumilos at magtrabaho?


A.) Upang pumunta sa kapitbahay
B.) Upang simulan ang kani-kanilang gawain
C.) Walang aasahan
D.) Upang umiwas sa trabaho

5.)Kailangan ba sa pamilya ang pagsusunuran?


A. Medyo, kasi magulang lang
B. Madalas kasi papaluin ang di sumunod
C. Oo,
D. Hindi

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 2
Ang Buhay ng Tao
Leticia F. Dominguez et al (Wika at Panitikan)

Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may
kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang
nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng
Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo, kaya kailangang maging handa sa lahat
ng sandali. Kung kaya mong magpaligayasa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay
nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin sa mga taong nangangailangan. Anong
malay mo, baka bukas ay kunin na Niya ang buhay mo. Lahat ng tao, bata, matanda,
binata, dalaga, may asawa o wala ay dapat maging handa sa ganitong pangyayari.
Anumang bagay na ginawa at binata sa lupa, tiyak na may kapalit sa kabilang buhay.

Talasalitaan:
nakasalalay
iglap
bukas ang puso
Maykapal

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Anong paksa ang binigyang-halaga sa paglalahad?


A. Hiram ang buhay
B. Sa kabilang buhay
C. Ang buhay ng Tao
D. Binawi ng Panginoon ang buhay

2. Makatotohanan ba ang kaisipang binanggit tungkol sa Paksa? Bakit?


A. Dahil ang buhay ng Tao ay hiram lamang
B. Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng Tao.
C. Tiyak na ang buhay ng Tao ay panandalian lamang
D. Ang Tao ay Mamamatay sa isang iglap lamang.

3. Kailan ang tao maaring bawian ng buhay?


A. Maaaring isang iglap lamang
B. Hindi sigurado
C. Matagal na paghihintay
D. Permanenteng buhay

4. Anong mga kabutihan ang ipapakita mo sa iyong kapwa habang ikaw ay nabubuhay?
A. Bukas ang puso at damdamin
B. Magpaligaya sa Tao
C. Makipagsaya sa Tao
D. Magmura sa Tao

5. Anong paksa ang tinatalakay?


A. Sino ang Tao Sa Mundo
B. Ang buhay ng Tao
C. Ang buhay ng Tao ay panandalian lamang
D. Buhay na buhay ang Tao.

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 3

Bawat Pagkabigo
Conrado Fajardo(Wika at Panitikan)
Hinintay-hintay mo sa gabi ng palad
Ang isang umagang lipos ng pangarap;
Inasam-asam mo sa diwa at hagap
Ang ningning ng isang darating na bukas.

Ang paniwala mo sa buting itanim


Ay ibayong buti ang aning kakamtin;
Ang pananalig mo: sa gawang magaling
Malao’t madali, bunga’y magaling din.

Umaga’y dumatal; pagkaganda-ganda;


Ngunit hindi iyo; umaga ng iba
Ang sugat ng pusong dati’y makirot na!
Sa nangyaring ito’y lalong kumirot pa!

Kaysaklap mabatid ang katotohanang


Ang ganda ng bula’y nasa tingin lamang!
Kaypait lunukin ang balighong buhay:
Bayaran ng tanso ang gintong pautang!

Sa pagkabigo mong halos susun-suson,


Pati si Bathala’y nasisisi tuloy;
Ang paniwala mo’t pananalig noon
Ibig mong talikda’t baguhin na ngayon.

Subalit mali ka: puso mo’y tatagan


At magtiwala ka sa Poong Maykapal:
Bawat pagkabigo’y...palapit na hakbang
Sa kahit mahuli’y...tiyak na tagumpay!

Talasalitaan:
pangarap
inaasam-asam
ningning
kaysaklap

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

susun-suson

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1. Anong pangyayari ang mahirap tanggapin sa buhay ng isang tao?
A. Pag-asa
B. Kabiguan
C. Kapighatian
D. Kasamaan

2. Bakit may mga tao na hindi kayang tanggapin ang kabiguan?


A. Kawalan ng pag-asa sa buhay
B. Sinisisi ang dios
C. Sobre ang iniisip
D. May problema/suliranin sa buhay.

3. Bakit bawat pagkabigo ay may


A. Pag-asa
B. Pagsubok
C. Walang tiwala
D. Walang kinikilalang diyos

4. Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng tula?


A. Pagsubok
B. Walng tiwala
C. Pag-asa
D. Pagkabigo

5. Dapat ba natin sisihin ang Poong Maykapal?


A. Medyo
B. Siguro
C. Hindi
D. Di-gaano

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 4

Ang Ating Bagong Kapanagutan


Manuel L. Quezon(Gintong Pamana)

Ang kasarinlan ay hindi nangangahulugan, tulad ng ipinangangalandakan ng ilan, na


ang bawat isa ay maaaring mamuhay ng sagana at mariwasa, na walang gagawa, walang
magbabayad ng buwis, at ang lahat ay mayayaman at maligaya. Iyan ay hindi kasarinlan,
at ang pagbibigay ng ganyang kabuhayan ay hindi ko tungkulin. Ang tungkulin ko ay
bigyan ko kayo ng isang pamahalaan na magdudulot sa inyo ng lahat ng pagkakataong
magpapabuti sa inyong mga tungkulin bago ninyo lasapin ang mga kabutihang iyan.

Magbubukas kami ng mga bagong daan ukol sa inyo, at magbibigay ng mga paaralan
sa pamamagitan ng mga buwis na karapatang inyong pagbayaran. Sisikapin namin na
ang isang magbubukid o isang manggagawa sa pagawaan ay sumasahod ng tumpak sa
kanyang pagod sa paggawa, datapwa’t tantuin ninyo na dapat kayong gumawa upang
mapabuti ang inyong mga kalagayan, kayo sa inyong sarili ang magpunyagi upang
kamtan ang mga pagkakataong inihahandog sa inyo ng bagong pamahalaan.

Hindi ko magagawang punuin ng salapi ang lukbutan ng kahit sino sapagkat wala
akong maibibigay, at kahima’t magkaroon ako ay hindi ko rin gagawin ang gayon. Ang
pamahalaan ay hindi isang samahan ng kawanggawa, na ang lahat ng maysakit o mga
taong tamad na maghanapbuhay ay pumaroon at humingi ng ipangtatawid-buhay. Ating
ganapin nang buong ingat ang tungkulin. Bigyan natin ng malalim na pagkukuro ang
mga bagay na ito. Maaari nating maitatag ang isang dakila at marilag na bansa kung
tayo’y may wastong kaisipan tungkol sa mga bagay na hinahangad natin sa pamahalaan
at sa mga bagay na dapat nating gawin sa ating sarili.

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 5

Pagpili Ng Kaibigan
Halaw kay Emily Dickinson ni
Federico L. Espino, Jr. (Hiyas Ng Lahi)

Namimili ang kaluluwa


Ng lipuna’t kaibigan
At matapos na mamili’y
Sinasarhan ang pintuan.

Sakali ma’t may karwaheng


Tumigil sa tarangkahan
‘di kikilos, ‘di titinag
Maging hari man ang lulan.

Sa loob ng isang bansa


Na maraming mamamayan
Siya’y akin nang nakitang
Pumili ng isa lamang.

Talasalitaan
sa puso’y tumitimo
sa diwa’y di maglalaho
tumigil sa tarangakahan
di-titinag
hari man lulan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1. Sa anong pagkataon masusubok moa ng tunay na kaibigan?
A. Pangaral
B. Pakikisama
C. Pagkabigo
D. Pakitang Tao

2. Dapat mo bang panatilihin sa puso moa ng poot sa iyong Kaibigan? Bakit?


A. Oo, sapagkat galit ako sa kanya
B. Medyo, may tampuhan
C. Hindi, sapagkat ang tunay na kaibigan ay nagmamahalan at nagbibigayan.
D. Hindi, sapagkat walang katulad ang ugali niya.

3. Bakit ang kaibigan ang sandigan?


A. Mabait
B. Lagging nakakasama
C. Walang iwanan
D. Hindi mapagkatiwalaan

4. Ano ang ibig ipakahulugan ng may-akda sa sumusunod na Saknong?


A. Pumili ng tunay na kaibigan
B. Alamin ang tunay na pag-uugali
C. Iisa lang ang pipiliin kong kaibigan
D. Wala akong kaibigan

5. Ilan taludturan ang tula?


A. Isa
B. Dalawa
C. Tatlo
D. Apat

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 6

Ang Tunay Na Pangaral


Gloria C. Tatad (Modern Teacher 2001)
Tunay na maraming ginintuang butil ang naipamana sa atin ng sarili nating magulang.
Ito ang bunga ng kanilang karanasan sa buhay. Sinasabing ang karanasan ay iyong
pinakamabuting guro. Mula sa karanasan ng ating mga magulang ay sinikap nating
huwag ng ulitin ang pagkakamaling nagawa nila noong kanilang kapanahunan.
Ang magbigay ng aral sa atin ay kaligayahan na nila sapagkat ayaw nilang maligaw
tayo ng landas. Ang magturo ng katatagan ng loob ay ginagawa nila upang malaman
natin ang tamang pagharap sa mga suliraning maaaring dumating sa ating buhay.
Ang makinig sa pangaral nila ay tungkulin ng bawat isa sa atin, upang tayo ay
makaligtas sa panganib. Matuto tayong sumunod sa kanila para na rin sa ating sariling
kabutihan. Ang magtiwala ay mahalaga sa mga magulang at anak.

Talasalitaan:
ginintuang butil
kapanahunan
katatagan
makaligtas
panganib

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Anong tungkulin ng Magulang sa Anak?


A. Pabayaan
B. Tatalikdan
C. Mangaral
D. Pagalitan

2. Ano ang kaligayahan ng mga Magulang sa Anak?


A. Sumunod sa utos ng Payo.
B. Lumalaban
C. Walang galang
D. Matiisin

3. Bakit kailangan pangaralan ang Anak?


A. Mahal ng Magulang ang Anak
B. Para sa sariling kabutihan
C. Pagtuturo ng katatagan ng loob
D. Maging masaya

4. Anong mensahe ang ipinararating ng may akda?


A. Sumunod s autos at payo ng Magulang
B. Lumaban sa Magulang
C. Apihin ang Magulang
D. Alipustahin

5. Ano ang paksang tinalakay?


A. Ang Magulang sa Anak
B. Ang tunay na Pangaral
C. Ang Magulang
D. Suwail na Anak

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 7

Ang Talinghaga ng Maghahasik


Nang araw na iyon, umalis sa bahay si Hesus at naupo sa may dalampasigan. Ngunit
maraming tao ang nagtipon sa paligid Niya kaya sumakay Siya ay naupo sa Bangka
samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao at marami Siyang ipinahayag sa
kanila sa tulong ng talinghaga.
At sinabi ni Hesus, “ lumabas na ang maghahasik, para maghasik”, sa kanyang
paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain
ang mga iyon. Nahulog naman ang iba pang buto sa batuhan at mababaw na lupa roon.
Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw,
nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito. Nahulog ang iba pang buto sa
tinikan at nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. Nahulog naman
ang iba sa matabang lupa at namunga. Nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman
ang sa iba, at tatlumpu at iba pa. Makinig ang may tainga!

Talasalitaan:
dalampasigan
ipinahayag
tumubo
sinikil

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Ano ang ipinahayag ni Hesus sa mga Tao?


A. Tungkol sa natuyong lupa
B. Tungkol sa talinghaga ng maghahasik
C. Nahulog ang buto sa batuhan
D. Madaling tumubo ang damo

2. Saan naupo si Hesus na pinagtipunan ng mga Tao?


A. Dagat na Malalim
B. Sa may dalampasigan
C. Sa kabundukan
D. Sa Ilog

3. Ano ang sinabi ni Hesus sa mga Tao?


A. Lumabas kayo at manalangin
B. Lumabas na ang Maghahasik para Maghasik
C. Lumabas kayo at Lumuhod
D. Lumabas kayo ang Magpasalamat

4. Bakit madaling Tumubo ang mga buto?


A. Dahil mataba ang lupa
B. Dahil di malalim ang lupa
C. Maraming tubig ang pinagtamnan
D. Maputik ang parte ng lupa.

5. Ilana ng namunga sa nahulog na matabang lupa.


A. Sandaan
B. Wala
C. Natuyot
D. Isa

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 8

Ang Mayabang Na Pagong

Minsan, sa isang lugar ay may isang pagong na naghihingalo dahil sa labis na uhaw
at gutom. Nakita siya ng dalawang ibon at nagpasyang tulungan siya. Kumuha sila ng
isang kahoy at hinawakan nila ito sa magkabilaang dulo sa pamamagitan ng kanilang
tuka. Sumabit ang pagong sa gitna ng kahoy sa pamamagitan ng kanyang pagkagat.
Inilipad siya ng mga ibon sa himpapawid upang dalhin sa ligtas na lugar.
Habang inililipad ng dalawang ibon ang pagong, narinig nila ang usap-usapan ng
mga tao sa ibaba ”tingnan ninyo, kamangha-mangha ang mga ibon habang hila-hila nila
ang pagong sa kanilang paglipad!’’ Nais ni pagong na magpasikat sa mga tao. “kamusta
kayo,” sigaw ng pagong. Dahil sa pagbuka ng kanyang bibig siya’y nahulog, tumama sa
isang bato at namatay.

Talasalitaan:
naghihingalo
nagpasya
kamangha-mangha
hila-hila
labis na uhaw

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Sino ang naghihingalo sa isang ilang lugar dahilan sa labis


A. Lobo
B. Pagong
C. Baka
D. Ibon

2. Saan sumabit ang pagong habang hinahawakan at inililipad ng dalawang ibon?


A. Gitna ng dagat
B. Gitna ng kabundukan
C. Gitna ng kahoy
D. Masukal na lugar

3. Anong paraan ang ginawa ng dalawang ibon sa pagong?


A. Hinawakan nila sa magkabilang dulo sa pamamagitan ng kanilang tuka.
B. Sa pamamagitan ng pakpak
C. Sa pamamagitan ng mga paa.
D. Sa pamamagitan ng matutulis na kuko

4. Anong katangian ang masasabi natin na Pagong?


A. Mabait
B. Suwail
C. Mayabang
D. Mapanghusga

5. Anong paksa ang tinalakay?


A. Pabula
B. Ang Mayabang na Pagong
C. Suwail
D. Di mapagkakatiwalaan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 9

Ang Iibigin Ko Sa Bawat Puso


Feliciano S. Danipog (The Modern Teacher 1997)

Ang pusong gusto ko na kay Ama mula


Ay sandaigdigan na pang-unawa,
Sa kamusmusan ko’t mali-maling pita
Na hindi mait’wid ng sariling kusa.

Sa kay Ina nama’y banal na pagsinta


Nang mapaamo ko layuning dakila,
Para marating din bukas na maganda
At pangakong langit ng Poong Bathala.

Ang puso na mula kina Ate’t Kuya


Nais ko’y matapat na pagpapahalaga;
Sa payo at utos nina Ama at Ina
Nang tahanan nami’y buo sa pagsinta.

Sa sadyang maalam na Lolo at Lola


Pusong makaluma sa panahong bago
Sana’y maiangkop at nang aking matamo
Kailangang pagbabago rito sa mundo

Talasalitaan
sandaigdigan
kamusmusan
kusa
mapaamo
matamo

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1. Anong uri ng Puso ang nais mong madama sa iyong Magulang?
A. Pang-aapi
B. Pagmamahal / Pang-unawa
C. Pag-maltrato
D. May kinikilingan

2. Bakit ang Ina ang tinaguriang ilaw ng Tahanan?


A. Nag-aalaga at nagsusubaybay sa mga Anak
B. Naglalaba
C. Naghahatid sundo sa Paaralan
D. Nagpapakain

3. Ano ang nais ipahiwatig ng ikatlong saknong ng Tula?


A. Sama-samang nag-aaway
B. Nagsusumbatan
C. Sama-samang maligaya at buo ang pamilya
D. Walang pagkakaisa

4. Anong pinakatampok na paliwanag sa bawat parirala?


“Matapat na Pagpapahalaga sa payo at utos”
A. Hindi papansin ang mga payo at utos.
B. Lagging nasa isip ang mga payo at utos
C. Humingi ng bayad sa pagsunod sa mga payo at utos
D. Ayokong sumunod sa mga utos.

5. Anong paksa ang tinalakay?


A. Ang iibigin ko’y ikaw
B. Ang iibigin ko sa Bawat Puso
C. Walang iibigin kundi ikaw
D. Ikaw alng laman ng Puso ko.

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 10

Tiboli
Hango sa “Kasaysayan ng Tiboli”
Ni Lerina N. Lapuebla (Wika at Panitikan)

Sa mga bulubundukin ng Timog Kotabato ay naninirahan ang isang pangkat-etnikong


kung tawagin ay Tiboli. Mapayapa sila at di-mapaghinala sa dayuhan. Sila’y may
sariling kalinangan at uri ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang
kasuotan. Ang mga hikaw, mga kwintas at makulay na make-up ay pahiyas ng kanilang
mga katawan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang Tiboli ay maaaring hirangin
bilang isa sa may pinakamakulay na kasuotan at hiyas ng katawan.

Talasalitaan:
mapayapa
di-mapaghinala
bulubundukin
kalinangan
pahiyas

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Saan bulubundukin nakatira ang pangkat etnikong Tiboli?


A. Timong Kotabato
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Mindanao

2. Anong kasuotan ang kanilang isinusuot sa katawan?


A. Mapalamuti at Makulay na Kasuotan.
B. Mahaba ang kasuotan
C. Walang saplot ang katawan
D. Maraming hiya sang katawan

3. Saan makikita ang bulubunduking Timog Kotabato?


A. Luzon
B. Bisayas
C. Mindanao
D. Malaysia

4. Anong kultura mayroon ang pangkat etniko?


A. Mapalamuti at makulay na pananamit.
B. Walang sariling pamahalaan
C. Walang sapat na edukasyon
D. Walang hanapbuhay

5. Anong mensahe ang hatid ng talata?


A. Mapayapa silang naninirahan at may sariling kalinangan
B. Hinirang sila bilang may pinakamakulay na kasuotan
C. Pahiyas ang kanilang katawan
D. Mapalamuti ang katawan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 11

Operasyon: Tanim-Gulay
ni Teo S. Baylen(Gintong Pamana)
Masisigla ang mga kabataan ng Barangay Maunlad sa pagsasagawa ng kanilang
Operasyon:Tanim-Gulay. Ipinahiram ng kanilang Barangay Chairman ang bakanteng
lupa nito upang pagtamnan ng iba’t ibang gulay. Naglalagay ng bakod na kawayan ang
ilang kabataang lalaki habang nagbubungkal ng lupa ang iba. Ang ilang kabataang babae
ay nagwawalis ng sukal samantalang ang iba’y naghahanda ng mga paglilipatan ng mga
punlang petsay, mustasa, kamatis, talong at okra. Gumagawa naman ng mga balag sina
Tirso at Caloy para gapangan ng mga ampalaya, upo at patola. Nagpapawis na silang
mabuti sa mainit na sikat ng araw subalit nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa. Alam
nilang madaling lalaki at yayabong ang mga tanim nila dahil aalagaan at sisinupin nila
ito araw-araw. Ganyan katapat sa paggawa ang mga kabataan ng Barangay Maunlad.

Talasalitaan:

Sisinupin
Maunlad
Bakanteng lupa
Mayabong
Masukal

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Bakit masisigla ang mga kabataan ng Barangay Maunlad?


A. Dahilan sa pagsasagawa ng kanilang operasyon:tanim-gulay
B. Paglilinis
C. Pagsasaayos ng kapaligiran
D. Paghahanda ng pagkain

2.) Anu-ano ang ginagawa ng mga kabataan sa kanilang munting gulayan?


A. Naglalagay ng mga palamuti
B. Nagtatanim ng iba’t ibang gulay
C. Pagsasaayos ng kapaligiran
D. Nagpapapawis

3.) Anong klase ang pagsusunuran ng mga tao sa Barangay Maunlad?


A. Katapatan sa paggawa
B. Katamaran sa mga gawain
C. Walang kusa sa gawain
D. Palaasa at ayaw utusan

4.) Bakit maitutring na pag-asa ng bayan ang kabataan ?


A. Sapagkat sila ang huwaran
B. Sila ang susunod na henerasyon
C. Masigasig
D. Maaasahan

5.) Anong paksa ang tinutukoy ng talata?


A. Paglilinis
B. Pagtatanim ng gulay
C. Pagbabakod
D. Pagtatanim ng mga punongkahoy

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 12
Tunay Na Ina
Iluminada Balazo et al (Hiyas ng Lahi)

Ang ina ay siyang naghahanda ng kalooban ng anak sa mabuti at mahusay na


paniniwala, pagmamahal sa puri, malinis na asal at maginoong kilos. Siya rin ay
nagtuturo sa anak ng pag-ibig sa kapwa at pananalig sa Maykapal. Lagi niyang
pinaaalalahanan ang anak na dapat nitong pagtibayin ang kanyang loob sa ano mang
hirap sapagkat ang buhay ay sadyang puno ng pighati’t suliranin.

Talasalitaan:

Mahusay
Maginoong kumilos
Pananalig sa Maykapal
Puno ng pighati
Paniniwala

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Ano ang tawag sa Ina ng tahanan?


A. liwanag ng tahanan
B. Ilaw ng tahanan
C. Utusan sa Tahanan
D. Tagapaglinis

2.) Ano ang kadalasang sinasabi ng Ina sa kanyang anak?


A. Gumawa ng masama
B. Makinig sa pangaral
C. Lumayo sa landas
D. Itakwil ang Magulang

3.) Kailan dapat paalalahanan ng Ina ang kanyang anak?


A. Palagi
B. Madalas
C. Araw-araw
D. Minsan

4.) Bakit kailangan na pangaralan ng Ina ang kanyang anak?


A. Para sa kanilang sarili
B. para sa kanilang kabutihan
C. Para sa kasamaan
D. Para sa paghanda ng sarili

5.) Ano ang dapat na ipakita ng anak sa kanyang magulang?


A. Pag-iwas
B. Di pagsunod
C. Pagmamahal
D. Pagiging suwail na anak

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 13
Balatkayo
Iluminada Balazo et al( Hiyas ng Lahi)

Kararating pa lamang ng loob sa parang. Pinanood niya ang kawan ng tupang


nanginginain sa damuhan. Hindi ito nananakit ng mga tupa kaya ipinapalagay ng pastol
na wala siyang dapat ikatakot. Maging ang pastol ay nakalapit dito nang hindi siya
sinasaktan. Dahil dito siya ay lubos na nagtiwala sa lobo.
Isang araw, ang pastol ay lumuwas ng Maynila. Nagbilin siya sa lobo. “Ikaw na muna
ang bahala sa mga tupa. Pakibantayan mo. Sasaglit lamang ako sa bayan at may bibilhin
ako.”
“Lakad na po.Umasa po kayong pangangalagaan ko sila,’’ ang wika ng lobo ngunit sa
kaibuturan ng puso ng lobo ay may nabuong buktot na hangarin.
“Ang aking pinakahinihintay na sandali ay dumating din,’’ ang wika ng lobo sa sarili.
Nagpakabusog ang lobo sa mga tupang pinatay.
Nang makita ng pastol na maraming patay na tupa, nagitla siya at nagwika , ‘’Ang
lobo ay lobo rin kahit na magmukhang mabait.’’

Talasalitaan:
Pangangailangan
Nanginginain
Kawan
Tiwala

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1.) Ano ang mga damdaming nakapaloob sa akda?
A. Umaasa
B. Pananakit
C. Balatkayo
D. May hangarin

2.) Sino ang aalis para lumuwas ng Maynila?


A. Pastol
B. Tupa
C. Lobo
D. Bantay

3.) Ano ang hangarin ng lobo sa kanyang kasama?


A. Pagsuway
B. May nabuong buktot
C. Pagtitiwala
D. Nananakit

4.)Ano ang hinabilin ng pastol sa lobo bago siya umalis?


A. Ikaw na ang bahala sa mga tupa
B. Huwag mong saktan ang mga tupa
C. pakainin mo ang tupa ng maayos
D. Huwag mong takutin ang mga tupa

5.) Ang paksang tinalakay ay tungkol sa


A. Balatkayo
B. Pastol
C. Tupa
D. Lobo

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 14

Sa Pagsuway
Ni Dominiciana S. Laguardia (Modern Teacher 2014)

Sa dako ng dagat may nagpondong dilim, Babala ng isang unos na darating;


Kung kaya ang ina sa anak-nagbilin, Na huwag mamangka, ulan huwag sugurin.

Natawa ang anak sa bilin ng ina, At saka nagwikang nagmalaki pa;


Bakit matatakot? Bakit mangangamba? Sa lakas ng bisig ay walang uuna.

Ang palalong anak ay hindi natakot, Mag-isang naglayag namangka sa laot;


Nang marating niya ang gitna ng dagat, Biglang umihip ang hanging habagat.

Sinalpok ng alon sinasakyang bangka, Nabali ang sagwan sa lakas ng sigwa;


Nawasak ang layag tumaob ang bangka; Nahulog sa tubig palalong binata.

Inang nag-aruga magdamag naghintay, Hindi alintana ang lamig at ginaw;


Palibhasa’y ina, inang mapagmahal, Sa balat ng lupa ay walang kapantay.

Puso ng magulang parang binibiyak, anak na sumuway pagbalik di tiyak


Sa pusod ng dagat bangkay ay nalagak, kasamang nalibing ang paying busilak.

Itanim sa isip, mga kabataan, Ang payo ng ina ay dapat ingatan;


Ang mga pangaral ay ariing yaman, Nang hindi matungo sa kapahamakan.

Talasalitaan:
babala
nagbilin
sugurin
mangamba
busilak

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Bakit nabali ang sagwan?


A. Malalaki ang alon
B. Maulan
C. Mahangin
D. Bagyo

2. Anong pandama na ginamit “Sa dako ng dagat may nagpondong dilim?”


A. Panlasa
B. Pang-amoy
C. Paningin
D. Pansalat

3. Anoa ng ipinakita ng Anak?


A. Pagsuway
B. Matapang
C. Mapusok
D. Mayabong

4. Bakit ang pahayag aya ng “Nagbabantang unos sa buhay ng Anak?”


A. Sagabal
B. Kahirapan
C. Sakit
D. Panganib

5. Bakit umihip ang hangin kabagat? Ano ang ibinabadya ng hangin habagat na
taludtod?
A. Kasawian
B. Suliranin
C. Sakuna
D. Kamalasan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 15

Ang Kabayo At Ang Kalabaw


Isang magsasaka ang nagnais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon
niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga
pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo.
Maari bang tulungan mo ako at pasanin mo ung iba?” pakiusap ng kalabaw.
Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikatna ating amo kaya pagtiisan mo”, anang
kabayo na lalo pang binilisan ang paglakad.
“Parang awa mo na tulungan mo na ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang init ang araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,’’pakiusap pa rin ng
kalabaw.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang sikat ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nangyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan
ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya naming makalakad dahil sa naging
napakabigat ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon,” maypagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
Talasalitaan
paglalakbay
inilulan
ipinataw
panghihina
pagsisi

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Bakit nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw?


A. Sobrang bigat ang dalahin at mahabang paglalakbay.
B. Mahina ang katawan
C. Masama ang pakiramdam
D. Madaling mapagod

2. Anong pakiusap ang ginawa ng Kalabaw kay Kabayo?


A. Ayoko! Mabigat ang dala-dalahin mo.
B. Bahala ka, sa buhay mo!
C. Mapapagod ako.
D. Maaari bang tulungan mo ako?

3. Ano ang nangyari sa kalabaw sa tindi ng Pagod?


A. Nahilo
B. Namatay
C. Gutom na gutom
D. Natumba

4. Anong paksa ang binigyang-halaga sa paglalahad?


A. Kasipagan ng kalabaw
B. Mapagsamantala
C. Pagiging tahimik
D. Makasarili

5. Anong paksa ang Tinalakay?


A. Ang Kabayo At Ang Kalabaw
B. Ang Pagong at ang Matsing
C. Pabula
D. Kwento ng mga Hayop

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 16
BAGONG KAIBIGAN
G. Bernard Umali

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang
kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin
dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya
silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at
nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero
walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako
sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako
mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa
langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin.
Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw
na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na,
mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng
isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay
nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin
sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school
bus.“

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 17

Sino ang Kahanga-hanga sa Diyos?


Armando R. Rayos

Kailanman at saanman, ang maganda ay hinahangaan, sinusuyo, inaasam.


Sinusundan-sundan saanman pumaroon ang magandang binibini. Pinipilit na siya’y
makilala at makadaupang –palad. Ang marikit na bulaklak ay pinipitas at sinasamyo.
Ang mabuting aklat ay inaasam na angkinin at basahin. Hinuhuni-huni at inaawit-awit
ang isang malambing na tugtugin o awitin.
Subalit ... ang mabuti ay may sariling luklukan sa kaharian ng Diyos. Ang masipag
at masikap ay laging may laang tulong at gantimpala sa Kanya. Ang mahirap at ulila ay
malapit sa puso Niya sapagkat dahop sila sa mga material na bagay at lagi pang api-
apihan.
Kahanga-hanga ang pangit ngunit may malinis at busilak nakalooban. Kapuri-puri
ang mangmang na laging handang tumulong sa kanyang bayan at kapwa.

Talasalitaan:
Hinahangaan Kapuri-puri
Inaasam Busilak
Makadaupang-palad Ulila
Marikit Kaharian ng Diyos
Kahanga-hanga Luklukan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Sino ang lumikha ng mga kahanga-hangang bagay?


A.Tao
B. Bata
C. Diyos
D. Kaibigan

2.) Saan may sariling luklukan ang gumagawa nang mabuti?


A. Kaharian ng Diyos
B. Tahanan
C. Palasyo
D. Monasteryo

3.)Ano ang nangyayari sa mga gumagawa ng mabuti sa Panginoon ?


A. Malapit sa puso Niya
B. Umiiwas
C. Itinatakwil ang sarili
D. Walang halaga

4.) Kapag ang isang tao ay gumawa ng kabutihan, ano ang kanyang taglay?
A. Kasamaan
B. Busilak na Kalooban
C. Api
D. Mapaghusga

5.) Anong kaisipan ang para sa ipinagkaloob ng Diyos?


A. Kahanga-hanga
B. Pagtakwil
C. Kalimutan
D. Paghusga sa lahat ng bagay

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 18

Ayaw Makinig sa Payo ng Magulang


Gloria E. Villaraza

Si Luis ay mayabang at matigas ang ulo . Walang pinakamagaling kundi ang


kanyang sarili. Ang barkada niya ay nahuhumaling sa kung anu-anong masasamang
bisyo. Ayaw niyang pakinggan ang mga pangaral ng kanyang ina.

Hindi nagtagal, naging sugapa sa ipinagbabawal na gamot si Luis. Labag sa


kalooban ng ina ang nangyayari sa anak. Nag-ukol ng buhay, salapi at panahon ang ina
para sa kabutihan ng anak. Sayang at ito’y hindi pinahahalagahan ng anak.

Talasalitaan:
Matigas ang ulo
Nahuhumaling
Sugapa
Labag sa kalooban
Barkada

Pilin ang letra ng tamang sagot:

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

1.) Ang mayabang ay hindi nahihiyang magbuhat ng sariling bangko. Ano ang ibig
ipakahulugan ng salitang nakapahilig?
A. Mahilig pumuri sa sarili.
B. Mahilig kumuha ng bangko.
C. Binubuhat ang bangko sa loob ng bahay.
D. Makasarili

2.) Palibhasa’y mahaba ang buntot, nais niya’y laging nasusunod ang kanyang
maibigan.Anong katangian ito?
A. Siya’y laki sa layaw
B. Siya’y walang galang
C. Siya’y suwail na anak
D. Siya’y makasarili

3.) Kaninong pangaral ang ayaw niyang pakinggan?


A. Kaibigan
B. Kapatid
C. Kamag-aral
D. Ina

4.) Alin sa mga sumusunod ang kinasugapaan ng anak na labag sa kalooban ng Ina ?
A. Barkada
B. Bisyo
C. Pagkain
D. Pagtulog

5.) Alin sa mga sumusunod ang dulot ng masamang barkada?


A. Kabutihan
B. Kasamaan
C. Kasiyahan
D. Kaginhawaan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 19

Ang Kabataan Sa Aming Bayan


Santiago S. Cuino

Naglunsad ng isang makabuluhan at napapanahong proyekto ang mga kabataan sa


aming bayan. Isa itong proyekto at tulong-tulong ang mga kabataan. Sinusuportahan ito
ng mga mamamayan sa aming bayan. May tatlong buwan na proyekto ito. Nagtanim ng
mga halamang puno ang mga kabataan sa mga gilid ng daan at sa bundok na “kalbo”
na. Tinutulungan sila ng pamahalaan sa pagbibigay sa kanila ng mga punla ng
halamang-puno. Araw-araw ay dinidiligan nila ang mga ito. Buhay na buhay na ang mga
ito. Lumalago na ang mga sanga’t dahon ng mga ito. Mga isa o dalawang taon pa,
matatakpan na muli ng mga punong ito ang kalbong kabundukan sa aming bayan.
Malililiman na ng malalabay na sanga at dahon ang mga tabing daan.

Talasalitaan:
Makabuluhan
Pamahalaan
Punla
Malalabay
Naglunsad

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Ano ang kanilang inilunsad na tumanggap ng pagbati at papuri?


A. Paghahayupan
B. Pag-aalaga
C. Proyekto
D. Pagpapaganda ng kapaligiran

2.) Sino ang nagkaisa at nagtulungan para sa proyekto ng kanilang bayan?


A. Kawani sa gobyerno
B. Kabataan
C. Anak
D. Magulang

3.) Ano ang ibinigay sa kanila ng pamahalaan


A. Punla ng halamang puno
B. Punla ng tabako
C. Punla ng mais
D. Punla na ginamit sa pagsasaka

4). Sa kanilang pagtatanim ng mga punongkahoy, ito ang magsisilbing pamalit sa


A. Nakakalbong kagubatan
B. Pagkasunog
C. Pagkasira
D. Pagbaha

5.) Isa sa mga aktibong tumutulong ang


A. Red Cross
B. Pamahalaan
C. Edukasyon
D. Paaralan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 20

Ang Diyos ay Pag-ibig


Gloria Villaraza
Walang kapantay ang pag-ibig na iniuukol ng Diyos sa lahat. Ang balana, mabuti man
o masama, ay may laang pagmamahal sa kanya. Di ba’t tinubos Niya ang pagkakasala
ng madla? Inihahandog Niya ang Kanyang buhay. Ibinibigay Niya sa atin ang Kanyang
Ina upang maging Ina ng lahat at maging taga-pamagitan natin. Subalit may ilan na tila
ayaw tumanggap sa Kanyang Ina. Ang iba ay wari bantulot na ibigay ang pagmamahal
sa Babaing Bukod na Pinagpala. Bakit kaya?

Ang sinuman na nagmamahal sa Diyos ay nararapat ding magmahal sa Babaing ito at


sa kanyang kapwa, saanman siya naroroon, sa lahat ng panahon, sa hirap at ginhawa at
ginhawa, sa lungkot at saya.

Talasalitaan:
Walang kapantay
Balana
Tinubos
Inihandog
Bantulot
Pinagpala

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Para kanino iniuukol ng Diyos ang Kayang pag-ibig?


A. Akin
B. Lahat
C. Bata
D. Taong masama

2.) Sino ang tinubos ng Diyos sa pagkakasala?


A. Taong walang sala
B. Tao
C. Bata
D. Nilikha

3.) Ano ang inihandog ng Diyos?


A. Buhay
B. Ina
C. Madla
D. Sanlibutan

4.) Ang pag-ibig na iniuukol sa atin ng Panginoon ay walang


A. Katulad
B. Halaga
C. Kapantay
D. Kasingkahulugan

5.) Ang buhay ng tao ay hiram natin sa


A. Panginoon
B. Tao
C. Magulang
D. Kaibigan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 21
Ang Huwarang Mag-aaral
David San Pedro
Ang mag-aaral ay isang mahalagang sandigan upang magkaroon ng isang mabuti at
matatag na paaralan. Nagtataglay siya ng maraming kasiya-siyang katangian.
Una sa lahat, matapat siyang sumusunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan.
Taos-puso siyang gumagalang sa lahat ng mga guro. Masipag siyang gumagawa ng mga
gawaing-bahay at pampaaralan. May kusang-loob siya. Hindi na siya kailangang utusan
pa. Matulungin siya di lamang sa mga guro kundi maging sa kapwa mag-aaral man.
Tunay na maaasahan siya.

Talasalitaan:

Sandigan
Matatag
Alitutunin
Kusang-loob
Maaasahan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.) Ano ang inaasahan sa isang huwarang mag-aaral?


A. Pag-asa
B. Sandigan
C. Matatag
D. Matapat

2.) Ano ang kailangang ginagawa ng isang tunay na mag-aaral?


A. Makisama
B. Maaasahan
C. Kasiya-siya
D. Nagpapasalamat

3.) Alin ang dapat sundin ng huwarang mag-aaral?


A. Pag-asa
B. Pakikisama
C. Alituntunin sa paaralan
D.Alituntunin ng magulang

4.)Kanino dapat nagpapakita ng paggalang ang mga huwarang mag-aaral?


A. Guro
B. Mag-aaral
C. Kaibigan
D. Kasamahan sa loob ng paaralan

5.) Ano ang dapat na tinataglay ng mgahuwarang mag-aaral?


A. Maayos na sarili
B. Magandang katangian
C. Magandang mukha
D. Magandang kaibigan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 Seleksyon 22
Ang Elepante at Ang Mga Bulag

Minsan isang hapong mainit ang araw,


May anim na bulag, sa zoo namasyal,
Nagkasundo silang doon ay dumalaw
Upang elepante ay makapanayam.

Iyang unang bulag, siyang nagpasiya;


“Diyos po, hintay! Hindi ko madipa,
Palagay ko parang dingding siya,”
Kagyat na sinabing kasabay ay tawa.

Ikalawang bulag ay siyang lumapit,


Hindi sinasadya sa pangil kumapit:
“Bilog at makinis, totoong matulis,
Pihong sibat ito!” ang pagmamatuwid.

Ang ikatlong bulag, sumunod, humipo;


Ang nahipo’y tuhod, tulad daw ng puno:
“Puno ng kahoy, tunay, hindi biro!
Magpustahan tayo upang magkasundo.”

Ikaapat na bulag, kaipala’y lumapit,


Ang nahipo’y nguso, madulas, pilipit:
“Alam ko na, ahas!” ang siyang sinambit,
Ang pagkakasabi ay dalawang ulit.

Ang sumunod nama’y ikalimang bulag,


Ang nahipo’y taynga, sinabi kaagad:
“Ito ay pamaypay, aking tinitiyak,”
Kasabay ang ngiting sa labi bumukad.

Katapusang bulag, sa huli napabanda,


Kaya itong buntot ang nahipo niya:
“Lubid! Walang sala!” pagkaraka’y badya,
Walang alinlanga’t tila nagyabang pa.

Ang anim na bulag ay nangagsiuwi,


Tuloy ang taltalan at di mapagwari
Kung sino ang tama, kung sino ang mali,
Pagpalain ng D’yos ang anim na sawi!

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ilan ang mga bulag na nagpasyang pumunta sa zoo?


A. Apat
B. Lima
C. Anim
D. Pito

2.) Kailan pumunta sa zoo ang mga bulag?


A. Umaga
B.Gabi
C. Tanghali
D. Hapon

3.) Ano ang nakapitan ng ikalawang bulag?


A. Buntot
B. Tuhod
C.Pangil
D. Nguso

4.) Pang-ilan ang bulag na nakakapit sa tainga ng higante?


A. 5
B. 4
C. 3
D. 2

5.) Bakit nasabing sila ay sawi?


A. Dahil hindi nila nahawakan ang lahat na bahagi ng katawan ng elepante
B. Dahil nagkagulo sila
C. Dahil lahat sila ay tama
D. Dahil lahat sila ay mali

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 23

Ang Ngiti
Miguel C. Arguelles (Wika at Panitikan)
Hindi sisimulan ang sanaysay na ito sa tanong na “Ano ang ngiti?” sapagkat alam na
nating lahat kung ano ito. At saka bakit ko pa itatanong kung ano ang ngiti at pagkatapos
ay ako rin ang siyang sasagot? Ayaw kong tumulad sa di-iilang mananalumpati at
sanaysayista na sa kanilang mga tanong ay sila rin ang sumasagot . Malapit sa kaululan
ang gayon, sa palagay ko. Hindi po ba? Kayo rin ang sasagot sa aking tanong.
Ang matagal ko nang iniisip ay kung kailan at kung saan unang ngumiti ang tao. Sa
paraiso pa marahil.. At sino kaya sa dalawa kina Adan at Eba ang unang ngumiti, at
bakit kaya naman ngumiti? Hindi ko sasagutin ang sarili kong tanong: magbibigay na
lamang ako ng sariling palagay. Ah marahil, ay si Eba. (Hindi naman ako makikipagtalo
kung sasabihin ninyong si Adan.) Maaaring nasalamin nya ang kanyang kaanyuan sa
isang malinaw na batis at nang Makita niya ang kaniyang hubad na kariktan ay napangiti
siya. Kaipala’y ang kauna-unahang ngiti sa kasaysayan ng sangkatauhan ay
namumukadkad sa mga labi ni Eba, sa mga labi niyang hindi nagkapalad na masayaran
man lamang ng lipstik.
Kung si Eba nga ang unang ngumiti o kung si Adan man di mapag-aalinlangang ang
kauna-unahang ngiti ng tao ay dalisay at lantay na ngiti: walang bahid ng pagkukunwari.
Bakit ay sa paraiso iyon sumilay. Marahil ay katulad din iyon ng pandaigdig na ngiti ni
Mona Lisa: matipid at pigil ngunit ang kadalisayan ay ay tumataos sa puso ng sinumang
makamasid. At ang kanyang ngiti ay walang pagbabago sa larawan.
Sa tanyag na aklat ni Dale Carnegie na may pamagat na “How To Win Friends and
Influence People”, binigyan ng awtor ng napakataas na pagpapahalaga ang ngiti. Ayon
sa kanya ay kailangang kailangan ang ngiti sa pakikipagkapwa-tao at sa
pakikipagkaibigan. Ngunit tiyak na ang tinutukoy na ngiti ni Carnegie sa kanyang aklat
ay ang ngiting mapang-akit at masaya, iyong ngiting wika nga’y may dalang bukang-
liwayway. Ang ngiting ito, tunay man o hindi, ay pinakikinabangan ng ngumingiti
kadalasan. Kaya ito ang pinapraktis ng mga pulitiko, ahente, tindera, hostess at iba pa.
Ang ngiting ito rin ang tinutukoy na matamis na ngiti. Kung ang tamis nito ay tunay o
huwad, tanging ay may ngiti lamang ang higit na nakababatid.
Ayon sa mangangatha at makata, bukod sa ngiting matamis ay mayroon pa ring ngiting
maasim at mapait. Ang ngiting ganito ay di nakaaakit ng magiging mga kaibigan at di
makakaimpluwensya sa mga tao, maibabalik ko kay Carnegie. Sa halip na bukang-
liwayway, takipsilim ang dala ng mga ngiting ito. Ang maasim na ngiti ng isang taong
nais lamang makapagbigay, wika nga, sa kanyang kausap o mga kaharap. Hindi bukal sa

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

loob niya ang pagngiti, maaaring naiinis siya, nayayamot o nagagalit, ngunit humihingi
ng pangyayari o ng kagandahang asal na siya ay ngumiti, kaya ang ngiti niyang pilit
lamang ay maasim. Ito ang ngiti ng mga taong di nasisiyahan sa buhay o ng mga hindi
nasisiyahan sa mga kasama sa bahay o opisina. Ang ngiting mapait, na pilit lamang ay
maasim. Ang ngiting mapait na pilit din ang pagsilay sa mga labi, ay karaniwan daw
nagpapasalamin ng wasak na puso at durog na pag-asa ayon sa mga alagad ni Balagtas.
Malungkot ang ngiting ito na karaniwan nang namamalas sa putla ng mga labi ng mga
taong sawi at sa mga patuloy na nakikipagtunggali sa kalupitan ng buhay. May
kaugnayan din daw kung minsan ang ngiting ito sa pagpapatiwakal. Kapag ang isang
tao’y hindi na makayanang ngumiti ng mapait upang ikubli ang matinding kapighatian at
kahirapang dinadala ay nangyayaring wakasan na niya ang lahat.
Sa kasalukuyan, kahit namamayani ang kalupitan ng tao sa tao ay higit na marami pa
ang namamalas nating ngiting matamis sa ating paligid kaysa ngiting maasim at mapait.
Namamalas pa rin natin ang mga ngiting punong-puno ng pag-asa sa ating paligid. Oo,
kahit sa putlang mga labi. Iyan ay isang palatandaang hindi pa man gaanong kasamaan
naman hindi pa rin napapanahon ang paggunaw ng Maykapal sa atin kung tawagin ng
mga makata’y “hibang na daigdig”.
At mula sa isang hindi palangiting makata:
“Ang hinahanap ko’y ang ngiting dalisay,
Kaytamis at walang bahid-kasalanan,
Katulad ng ngiti ng bukang-liwayway
At ngiti ng sanggol sa kawalang-malay!”
Magwawakas ako sa pamamagitan ng isang pakiusap. Isang ngiti po naman diyan. Opo,
kahit kakaputol na pilit na ngiti..

Talasalitaan:
Makipagtalo
Dalisay
Walang bahid na pagkukunwari
Taos sa puso
Nakikipagtunggali
Namamalas

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Kapighatian

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1.) Para saan ang ngiti?
A. Hayop
B. Bagay
C. Pakikipagkapwa
D. Pambuska sa kaaway

2.) Alin ang ngiting pumapawi sa karalitaan?


A. Matapat
B. Walang bahid ng pagkukunwari
C.) Di Naglalaho
D.)Mapaghamak

3.) Dapat mo bang panatilihin sa puso’t diwa ang pagkapoot sa taong nakagalit mo?
A.) Hindi
B.) Medyo
C.)Totoo
D.) Madalas

4.)Ano ang ipinapakiusap ng may-akda?


A. Ngumiti kahit napipilitan
B. Ngumiti ng malapad
C. Ngumiti habang umiiyak
D. Ngumiti habang nakikinig

5.) Anong paksa ang tinatalakay?


A. Ang ngiti
B. Ang ngiting mapagkunwari
C. Ngiting pairap
D. Walang katapusang ngiti

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 24

Pag-aalinlangan
Ni Mario Mijares

Mildred: Bakit nababalisa ka, Laura? May dinaramdam k aba? Bukas na ang
laban mo!

Laura: Tila sinasamaan ako ng pakiramdam. Kinakabahan yata ako sa galing


ng mga makakaharap ko bukas. Baka hindi ko maibigay ang inaasam
ninyo.

Mildred: Di baga handing-handa ka na? Ano’t nag-aalala ka? Ikaw ay tsampiyon


ng ating paaralan. Marahil nawawalan ka lamang ng tiwala sa iyong
kakayahan. Huwag! Magaling ka, Laura, magaling! Iyan ang tandaan
mo. Alisin moa ng pag-aalinlangan. Tiwala at pananalig sa sarili ang
kailanga. Maging si Gng. Dominguez ay bilib na bilib sa iyo. At kaming
lahat ay nasa likod mo.

Laura: Salamat, Mildred. Paano na lamang ako, kung wala ka? Gaano na
karami ang dapat kong ipagpasalamat sa iyo?

Mildred: Itong si Laura … Sino kaya ang magtutulungan kundi ang


magkakaibigan?

Talasalitaan:

nababalisa
kinakabahan
inaasam
pag-aalinlangan
tiwala

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Bakit nababalisa si Laura?


A. Dahilan sa kanyang gaganaping laban
B. Dahilan sa kanyang pagsusulit
C. Dahilan sa kanyang kalagayan
D. Dahilan sa kanyang problema

2. Sino ang atubili at alanlang-alala sa gaganapin nyang laban?


A. Mildred
B. Kapatid
C. Guro
D. Kaibigan

3. Ano ang masasabi sa katangian ni Laura?


A. Matiyaga at matalino
B. Palakaibigan sa lalaki
C. Masungit
D. Mapagkunwari

4. Sinu-sino ang mga taong humahanga kay Laura


A. Gng. Dominguez at mga kaibigan
B. Mga kalalakihan
C. Manliligaw
D. Kapatid

5. Anong paksa ang tinalakay?


A. Ang Tiwala
B. Pag-aalinlangan
C. Ang Kinabukasan
D. Ang bagong Pag-asa

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 25
Wikang Filipino
Isang Bansa, Isang Diwa
Ni Lina T. Acob
Ref.: Modern Teacher – 2002

Isang bansa, isang diwa


Ang sigawan ng balana
Isang bansang mabubuhay
Na payapa’t maligaya.

Pag-isahin, pagsamahin
Wikang sarili’y gamitin,
Magyakap at Magbuklod
Sa iisang adhikain.

Mabuhay, Manuel Luis Quezon!


Pangulong magiting
Wikang pinagyaman
Nitong ating bayan.

Wikang kinundiman
Ng mga makata,
Isang wika, isang diwa
Filipino, ating wika.

Talasalitaan:
balana
payapa
magbuklod
adhikain
pinagyaman

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Ano ang dapat nating pahalagahan at gamitin?


A. Bilingual
B. Lalawiganin
C. Wikang Filipino
D. Wika ng ibang bansa

2. Dapat ba nating tangkilikin an gating wika?


A. Medyo
B. Madalas
C. Oo
D. Hindi

3. Sino ang Ama ng Wikang Pambansan na pinagyaman at ipinagtanggol ang sariling


wika?
A. Jose Rizal
B. Melchora Aquino
C. Manuel Luis Quezon
D. Gregorio del Pilar

4. Paano natin ipagtanggol ang sarili nating wika?


A. Ipagyabang ang Wikang Filipino
B. Pahalagahan at Mahalin ang Wikang Filipino
C. Ipagkait ang Wikang Filipino
D. Gamitin nang ayos ang Wikang Filipino

5. Sa anong paraan dapat natin gamitin ang Wikang Filipino?


A. Gamitin natin sa araw-araw at pahalagahan.
B. Kalimutan ang sariling wika
C. Huwag tangkilikin ang wikang atin.
D. Hindi ginagamit

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 26
Ang Munting Pilipinas
Ni: Gervacio B. Santiago
Hiyas ng Lahi II

"Ano bang pook itong pinagdalhan mo sa akin?" tanong ni Liezl, isang balik- bayan,
sa kanyang pinsang si Sol.
"Ito ang Nayong Pilipino. Makikita mo rito ang mumunting replika ng mga
makasaysayan atmagagandanglugal sa atingbansa," ang masiglang paliwanag ni Sol sa
pinsan.
“Talaga! Alin ang una nating pupuntahan?"
"Doon muna tayo sa bahay ni Rizal."
Pagdating doon, inilibot ni Sol ang pinsan.
u
Iyan ang mga gamit ni Rizal. Tingnan mo at katulad na katulad iyan ng bahay ng
bayani sa Calamba. Di ba nakarating ka na roon?"
"Ganyan nga ang bahay niya roon."
Nagpatuloy sa pamamasyal ang magpinsan.
"Ano naman iyon? Tila maraming mumunting burol."
Lumapit sila sa itinuturo ng balik-bayan.
"Iyan ang balitang Chocolate Hills sa Bohol."
Nagpatuloy sila sa pamamasyal..
"Ang ganda rito. At kayrami palang nagtutungo rito."
"Oo, ganito rito lalo na kung araw ng Sabado at Linggo. Di ka man makarating sa
iba't ibang panig ng Pilipinas, pag nalibot mo ang Nayong Pilipino, parang nakita mo na
ang buong Pilipinas."
"Ito'y isang munting Pilipinas."
Talasalitaan:

Balik-bayan
Burol
Panig ng Pilipinas
Pook
Munti

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Ang pinsan ni sol ay isang


A. Balik-bayan
B. Tagasuri
C. Bisita
D. Kasamahan

2. Maganda ang mga tanawin sa ibat ibang


A. Kalooban ng Pilipinas
B. Panig ng Pilipinas
C. Masalimuot
D. Maduming lugar

3. Ipinagmamalaki ni Sol sa kanyang pinsan na si Liezl ang


A. Magagandang tanawin,
B. Kalinisan,
C. Kasamaan,
D. Tao sa munting kagandahan ng Pilipinas.

4. Talagang humahanga ang mga dayuhan sa kagandahang tanawin ng


A. Mukha
B. Kilos
C. Pilipinas
D. Pakikisama

5. Ang munting Pilipinas ay isa sa mga pinapasyalan ng mga


A. Hayop
B. Dayuhan
C. Mga bata
D. Negosyante

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 27

Batang Iskawt
Ni: Zenaida S. Badua
Wika ng Panitikan

Nagpunta ang mga batang iskawt sa Mt. Makiling para magkamping. Kasama
nila ang kanilang guro. Nagdala sila ng kani-kanilang gamit at pagkain sa loob ng isang
lingo.

Pagdating ng grupo sa Makiling, nagtayo sila ng kani-kanilang tent at nag-ayos


ng kani-kanilang dalahin. Naghanap din sila ng iba’t-ibang bagay na maaaring magamit
na lutuan, sampayan at tauban ng pinggan.

Sa loob ng isang lingo, natuto silang maging malikhaing mga kabataan.

Talasalitaan:
malikhain
grupo
kamping
nagtayo ng tent
iskawt

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Saan lugar pumunta ang mga Iskawt?


A. Baguio
B. Mt. Makiling
C. Mt. Province
D. Cebu

2. Ano ang unang ginawa ng mga Iskawt?


A. Nagtayo ng Tent
B. Kumain
C. Nagpahinga sa ilalim ng puno
D. Namasyal

3. Anu-anong mahahalagang bagay6 ang kanilang dala-dala?


A. Lutuan at pinggan
B. Pera
C. Maleta
D. Cellphone

4. Anong katangian ang dapat taglayin ng Iskawt?


A. Matapang at Matapat
B. Mapagkunwari
C. Mapaghusga
D. Palabiro

5. anong paksa ang tinalakay?


A. Ang Mayabang na Iskawt
B. Iskawt ay Masipag
C. Batang Iskawt
D. Matapang na Iskawt

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 28

TINDING…
Pascual de Leon

Magsabi ang Langit kundi ikaw’y talang


Nagbigay sa akin ng tuwa’t biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw ng lalo mang pihikang makata.
Ikaw’y maniwalang ang musmos kong puso’y
Natuto sa iyong humagga’t sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, ng pamimintuho.

At sino sa iyo ang hindi hahanga?


Ikaw’y paralumang batis n biyaya,
Pakpak ng pangarap at Reyna ng awa.

Ang dilim ng gabi sa aki’y natapos,


Ngumiti sa tangkay ang mga kampupot,
Gayon ma’y narito’t puso ko’y busabos.

Talasalitaan:
pamintuho
busabos
biyaya
diwata
paraluman

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Kanino dapat pasalamatan ang ibinigay sa ating buhay?


A. Panginoon
B. Kaibigan
C. Magulang
D. Guro

2. Anong mensahe ang hatid ng Poong Maykapal?


A. Ang pagmamahal at gumalang
B. Magsabi ng katapatan
C. Maglingkod
D. Umasa sa magulang

3. Kanino dapat tayo mahiya sa mga nagawagang kasalanan?


A. Tao
B. Kaibigan
C. Diyos
D. Pari

4. Sino ang may akda ng tula?


A. Juan A. Reyes
B. Josephine Garcia
C. Pascual De Leon
D. Jose De Dios

5. Ano ang pamagat ng tula?


A. Ang Daloy ng Luha
B. Pag-ibig sa Diyos
C. Paglilingkod sa Diyos
D. Tinding

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 29

DIGMA NG BUHAY
ni: Julyhet Roque

Dapat 
Isaalang alang
Ginintuang buhay
Mahalin at igalang
Alay ng Maykapal
Ngayon ay pinipigilan ng
Gobyernong gustong yumaman
Batas ng ibang bansa
Ugat daw ng pag-unlad
Huwag hayaang
RH bill ay ma-aprobahan
Sa Diyos tayo ay mahiya naman.

Talasalitaan:

ginintuan
gobyerno
maykapal
RH Bill
ma-aprobahan

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Ano ang dapat gawin ng tao sa sanlibutan?


A. Magmahal at gumalang
B. Magsinungaling sa kapwa
C. Makiapid
D. Hindi pagsunod sa mg autos ng mga magulang

2. Ano ang mahalagang ibinigay sa atin ng Poong Maykapal?


A. Buhay
B. Kaluluwa
C. Kagandahan
D. Kaibigan

3. Sino ang yumayaman sa lipunan?


A. Mga pulitiko
B. Mga nagtatrabaho sa pribadong institusyon
C. Gobyerno
D. Guro

4. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang ating bansa?


A. Sosyalismo
B. Nasyonalismo
C. Pederalismo
D. Demokrasya

5. Sino ang may-akda ng tula?


A. Juan A. Reyes
B. Josephine Garcia
C. Pascual De Leon
D. Julyhet Roque

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Filipino 8 – Seleksyon 30

DANGAL
ni: Julyhet Roque

Araw araw dapat, Mabuti ang gawin,


Baka kasi bukas, Buhay mo na’y kunin
Mainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabuti
Sa kapwa at Diyos natin.

Mainam ng wala kang kayamanan


Sa mundong ito pag tayo’y lumisan
Pagkat mainam ng dangal ay naalagaan,
Kahit patay na, tiyak ika’y papupurihan.

Talasalitaan:
mainam
lumisan
dangal
papurihan
mundo

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016
Project OCSI – Oral Communication Skills Improvement

Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Kailan dapat gumawa ng kabutihan?


A. Araw-araw
B. Palagi
C. Minsan
D. Hindi gaano

2. Sino ang nagbigay ng buhay ng tao?


A. Panginoon
B. Magulang
C. Kaibigan
D. Gobyerno

3. Ano ang dapat nating ipakita sa kapwa?


A. Kabutihan
B. Kasamaan
C. Kaaway
D. Katalinuhan

4. Ano ang mahalaga sa isang tao?


A. Kayamanan
B. Puri at Dangal
C. Katalinuhan
D. Maraming kaibigan

5. Ilang taludturan mayroon ang tula?


A. 2
B. 4
C. 3
D. 5

DIVISION WRITESHOP ON THE IMPLEMENTATION OF THE PROJECT OCSI (Oral Communication Skills Improvement)
Sikatuna Beach Hotel and Resort, San Jose, Occidental Mindoro
July 14-16, 2016

You might also like