You are on page 1of 3

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

DIAGNOSTIC NA PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF 01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Diagnostic Test

KILALANIN MO: Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Hanapin sa kahon ang tamang
kasagutan.

Yagang Howatt & Dakin Wilga Rivers Konsepto sa Sarili Kasarian

Edad o Gulang Oras o Panahon Lugar Kenneth Goodman James Dee

Valentine Villafuerte Literary Awareness Decoding Skills

Masusing Pagbasa Muling Pagbasa Pagtatala Peter Daniels Kellogg

Xing Jin Pang-ekonomiya Pangkasaysayan

1. Ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap.
2. Sa makrong kasanayang pakikinig, nakapaloob ang kasanayang pag-unawa sa diin at
bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita.
3. Makalawang beses nakikinig ang tao kaysa sa pagsasalita, maka-apat na beses kaysa sa
pagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsusulat.
4. Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o
pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
5. Magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae kapag pakikinig ang pag-uusapan.
6. Kapag bata ang kausap hindi kinakailangang mahaba ang pahayag para hindi sila malito
at hindi magkamali ng pag-uunawa.
7. Sa pakikinig mahalagang maikintal sa isipan ng mga taong nakikinig at nagsasalita ang
mga de-peligrong oras.
8. Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng lebel
ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
9. Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuo muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa teksto.
10. Ang pagbasa ay pagkain ng ating utak at napatunayan na marami sa mga mahilig
magbasa ay nagtatagumpay.
11. Ang pagbasa ay pagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

DIAGNOSTIC NA PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF 01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

12. Kailangang ang wikang binabasa ay may kahulugan, may sariling paraan ng pagsulat at
may sariling paraan ng pagbasa. Kaalaman din ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat
mabasa upang ganap na maunawaan ang teksto.
13. Kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang binabasa at maiangkop sa tunog
( ponolohiya, intonasyon) ng wikang ito upang maibigay ang tiyak na kahulugan ng
salita.
14. Nangangailangan ng maingat na pagbasa, may layuning maunawaang ganap ang
binabasa upang matugunan ang pangangailangan tulad ng report, tisis, riserts o
pananaliksik at iba pa.
15. Kung ang binasa ay mahirap unawain bunga ng mahihirap na salita o pagkakabuo ng
pahayag.
16. Ang pagbasa ay may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang
pag-iimbak ng impormasyon.
17. Isang sistema ng humigit-kumulang na permanenting panandang ginagamit upang
kumatawan sa isang pahayag kung saan maari itong muling lumikha nang walang
interbensyon ng nagsasalita.
18. Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng
pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip
19. Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,
pagbuo ng kaisipan, at retorika
20. Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang
paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
21. Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga
naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

PAGTUKOY. Tukuyin ang tamang kasagutan sa mga sumusunod

22. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa
man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa,
bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa
kanila. ( pidgin )
23. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa
Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam
niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init
at ulan. ( Etnolek )
24. Ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring
nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ng tao. ( Rene Descartes )
25. “The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the
natives in their own tongues. Only thus could the message of
Christianity could reach the Indian‘s hearts. The natives were to be
asked to repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In
1582, the Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish
missionary procedure to the Philippines. ( Phelan )
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

DIAGNOSTIC NA PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF 01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

You might also like