You are on page 1of 14

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

ARALIN 2:
Barayti ng Wika
1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

Introduksyon
Napakahalaga ng wika sa bawat taong nilalang. Sa pamamagitan ng wika mas
madaling mapaabot ng isang tao ang kanyang ideya, pananaw, kuro-kuro, o opinyon
na malinaw. Wika ang daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang
nauukol sa lipunan ng mga tao. Tunay na napakahalaga ng wika sa karunungang
pantao sapagkat ang pagkakaroon ng wika’y isang katangiang ikinaiiba ng tao sa iba
pang mga nilikha ng Diyos.
Ang wika ay may kanya-kanyang katangian at kahalagahan na dapat malaman
ng bawat mag-aaral. Ang mga katangian at kahalagahan ay magsisilbing batayan ng
mga mag-aaral para mas lubos nilang mapahalagahan at mabigyan ng pansin kung
gaano kalaki ang papel na ginagampanan ng wika sa araw-araw na pamumuhay ng
bawat indibidwal.
Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Ang wika ang
ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan
at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao pati na rin sa mga karatig
bansa nito. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at
kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig
ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang kahalagahan ng wika.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong
magpapatunay rito ang kuwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unng
natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang
batang walang ugnayan sa ibang tao at nahihirapang matutong magsalita dahil wala

2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

naman siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang komunidad
na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba ay hindi matututo ng
ginagamit nilang wika. Kung gayon, ang isang taong hindi nakikipag-ugnayan o
nakikisalamuha sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung
paano nagsasalita ang mga naninirahan sa komunidad na iyon. Sadyang ang wika
nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi
matatawaran ang mahahalagang gamit nito sa lipunan.
Tulad ng ating paghinga at paglakad, kadalasan ay hindi na natin napapansin
ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin itong
ginagamit. Ngunit ang totoo ay hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa
pakikipagkapawa. Ayon nga kay Durkheim ( 1985 ), isang sociologist, nabubuo ang
lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan
ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at
nakikipagtalastasan sa bawat isa.
Batid natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento
ng pagkakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at
Donaghy ( 1981 ), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag
na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan ng aba nagmula ang
wika? Walang nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-
haka at teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga lingguwistikang nag-aaral
at nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t ibang teoryang maaaring magbigay-linaw
sa pinagmulan ng wika, bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o
makapagpapabulaan sa pinanggalingan ng wika.

3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming


teorya ng iba't ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga
nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala
pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong
palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili
pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't
ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay
siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang
nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa.
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-
ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.
Mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal
o istandard na pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang
pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore
ng Babel mula sa Bibliya sa Genesis 11: 1-9 kung saan sinasabing naging labis na
mapagmataas at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at
kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit.
Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang
wika. Dahil hindi na sila nagkakaintindihan, natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag
na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.
Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aralan ang isang wika sa loob ng
kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon

4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence, ang dahilan kung


bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika ( Paz, et.al. 2003 ).
May kasabihan ang matatanda na kung gusto mo makilala nang lubusan ang
isang tao, kilalanin mo ang wikang ginagamit niya sapagkat ito ay mabisang salamin
ng kanyang pagkatao. Sa pamamagitan ng mga salitang kanyang binibigkas o
ginagamit habang siya’y nakikipag-ugnayan; masasalamin ang kanyang pagkatao,
interes, ugali, antas ng pinag-aralan, kalagayan sa buhay, at iba pa. Ito ay may
katotohanan sapagkat pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang ginagamit sa loob
ng paaralan at sa kalsada, sa preso at sa simbahan, seminar at sa palengke.

Tara ! Tuklasin Natin ang mga Nakapaloob na mga


Kaalaman sa Araling Ito!

Kahalagahan ng Wika
Kahalagahan ng Wika

1. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan


➢ Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at
kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang
gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

2. Ang wika ay sadyang napakahalaga


➢ Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi
maging sa mga ibang bansa rin.

5
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

3. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan


➢ Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay
siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga
mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang
mga tao

4. .Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika, sa sarili,


sa kapwa, at sa lipunan.

Barayti ng Wika

1. Dayalek
➢ Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga
tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o
bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng
sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang
katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa
isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na
siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama’t
may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang nagsasalita ng mga
dayalek na ito.
➢ Halimbawa,dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa
Morong, Tagalog sa Maynila, at Tagalog sa Bisaya. Ang isang
Bisayang nagsasalita ng Tagalog o Filipino, halimbawa, ay may
tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon o ilang
bokabularyong may pinagsamang Tagalog at Bisaya na tinatawag
ding “ TagBis” o Tagalog na may kahalong Bisaya tulad ng Cebuano,
Ilonggo/Hiligaynon, Kinaray-a, Waray, Samaranon, Aklanon, at iba
pa.

6
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

2. Idyolek
➢ Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon
pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang
tinatawag na IDYOLEK. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian
at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing walang
dalawang taong magkaparehong-magkapareho. Dito lalong
napatunayang hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba
ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa
kani-kanyang indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung
saan higit komportableng magpahayag.
➢ Halimbawa: “ To the highest level na talaga itoh!” ( Rufa Mae Quinto
), “ Hindi naming kayo tatantanan” ( Mike Enriquez ), at “ Aha, ha,
ha! Nakakaloka! Okey! Darla!” ( Kris Aquino ).

3. Sosyolek
➢ Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o
dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-
pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad,
kasarian, edad, at iba pa. may pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral
sa hindi nakapag-aral; ng mga matatanda sa mga kabataan; ng mga
maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla, gayundin ang
wika ng preso, wika ng tindera sa palengke, at iba pang pangkat.
➢ Ayon kay Rubrico ( 2009 ), ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad
sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito
batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
➢ Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding
gay lingo.
➢ Nabibilang din sa barayting ito ang ang wika ng mga “ coño” na
tinatawag ding coñotic o conyospeak sa isang baryant ng Taglish. Sa
Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t
masasabing may code switching na nangyayari.

7
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

➢ Isa pang halimbawa ng sosyolek ay ang salitang kabataan na nauso


rati ang jejemon
➢ Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ding tumutukoy sa
pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao.
Ang JARGON o mga natatanging bokabularyo ng partikular na
pangkatay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa, ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad
ng exhibit, appeal, complainant, at iba pa.

4. Etnolek
➢ Ito ay barayti ng wikang mula sa mga etnolongguwistikong grupo.
Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek.
Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan
ng isang pangkat-etniko.
➢ Halimbawa’y ang mga sumusunod:
1. ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na
pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
2. ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
3. ang kalipay na ang ibig sabihin ay ay tuwa o saya

5. Register
➢ Ito ang barayti ng wika kung saa naiaangkop ng isang nagsasalita ang
uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit
ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya
ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan,
nakatatanda o hindi masyadong kakilala.
➢ Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o
pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o
pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, at sa paaralan.
➢ Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag
ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o
mga kasing-edad at mga matagal nang kakilala. Nagagamit ito sa mga
pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o

8
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

magbabarkada gayundin sa pagsulat ng liham pangkaibigan, komiks,


at sariling talaarawan.
➢ Halimbawa ng mga register:
1. Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling
sitwasyon lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa
Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga
Magsisipagtapos, atbp.)
2. Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong
sitwasyon ay isahang-daan na daluyan lamang (one-way).
Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya,
Deklarasyon atbp.)
3. Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga
gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay
katanggaptanggap para sa magkabilang panig ng struktura
ng komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at
pasyente, guro at magaaral, abogado at kliyente, atbp.)
4. Casual Register – Impormal na wika na kadalasang
ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan. Ang
pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda /
pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang pangkat,
kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta
sa usapan.
5. Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay
limitado lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o
espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa,
magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)

6. Pidgin
➢ Umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native
language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito
kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho
silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkakaintindihan
dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa. Dahil parehong walang
nalalaman sa wika ang bawat isa kaya nagkakaroon ng tinatawag

9
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

nating makeshift language. Wala itong pormal na estruktura kaya’t


ang dalawang nag-uusap ang lumilinang ng sarili nilang tuntuning
pangwika.

7. Creole
➢ Ang wikang ito ay nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o
unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit
ito sa mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa magkakaroon
ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng mga karamihan.
➢ Ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang
lugar.

Antas ng Wika

1. Pabalbal /Balbal
➢ May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika.
➢ Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
➢ Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay
may nabubuong mga salita.
➢ Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na
nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
➢ Mga Halimbawa: parak, istokwa, juding, tiboli, balbonik, brokeback

2. Kolokyal
➢ Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na
mga salita.

10
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

➢ Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin


namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon
din sa kanyang kinakausap.
➢ Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang
madaling maintindihan.
➢ Mga Halimbawa: ika, alala, kanya-kanyan, lugal, antay

3. Lalawiganin/Panlalawigan
➢ Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya
ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-
lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
➢ Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
➢ Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
➢ Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na
gamitin sa ibang lugar.
➢ Mga Halimbawa: kaibigan-Taglog, Gayyem-Ilokano, Higala-
Cebuano, Amiga-Bikolano

4. Pambansa/Lingua Franca
➢ Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
➢ Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan
➢ Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at
kalakalan.
➢ Mga Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya

5. Pampanitikan
➢ Pinakamayamang uri
➢ Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan.
➢ Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto.
➢ Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na
babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay
makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o
kathang isip.

11
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

➢ Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang


nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.
➢ Halimbawa: mabulaklak ang dila, di-maliparang uwak, kaututang
dila, balat-sibuyas, taingang kawali, nagbukas ng dibdib.

6. Salitang Pang-edukado
➢ Ito ang wikang nasa pinakamataas na antas sapagkat mabisa ang
paggamit ng wikang ito. Ang wikang ito ay ginagamit sa silid-aralan
ng mga paaralan, kolehiyo, Pamantasan o sa mga pormal na
talakayan.
Sanggunian
AKLAT

1. Angeles, Feliciana S. et. Al ( 2005 ). Sining ng Pakikipagtalastasan ( Pantersyarya )


Booklore Publishing Corporation

2. Angeles, Feliciana S. et.al ( 2005 ). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.


Booklore Publishing Corporation

3. Arrogante, Jose et.al. (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.


Manila:National Book Store.

4. Badayos, Paquito B. et. al. (2010). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:Batayan at


Sanayang Aklat sa Filipino 2.Malabon City: Mutya Publishing House.

5. Belvez, Paz M. et.al. ( 2004 ). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Rex Book
Store, Sampaloc Manila

6. Carpio, Perla S. ( 2012 ). Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Jimcyzville


Publications. Malabon City

7. Castro, Florian (2008). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila:Grandbooks


Publishing.
8. Castillo, Mary Joy A. ( 2017 ). Pagbasa ta Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Filipino 2.
Jimczyville Publications, Tinajeros, Malabon City

9. Dayag, Alma M. ( 2016 ). Pinagyamang Pluma. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

12
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc, Quezon City

10. Espina, Leticia (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila :


Mindshapers.

11. Garcia, Lakandupil G. et. al. ( 2006 ) Komnikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy
Publishing House, Cabanatuan City.

12. Garcia, Lakandupil C. et. al. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
(Binagong Edisyon).Cabanatuan City: Jimcy Publishing House

13. Lachica, Venerabda S. et. al.(2006) Dokumentasyon ng Komunikasyon sa Riserts (Unang


Edisyon). GMK Publishing House, Quezon City.

14. Lachica, Veneranda S. et. al.(2010) Lingas sa Akademikong Komunikasyon (Unang


Edisyon). GMK Publishing House, Quezon City.

15. Lachica, Veneranda S. et. al.(2015) Pandalubhasaang Pagbasa at Pagsulat. M.K. Imprint,
Sta. Cruz, Manila.

16. Lalunio, Lydia P. et.al. ( 1985 ). Ang Pagtuturo ng Pagbasa para sa mga Guro at
Magiging Guro. Rex Book Store, Sampaloc Manila.

17. Manasca, Feicita R. et.al ( 1995 ). Sining ng Pakikipagtalastasan. Katha Publishing Co,
Inc.

18. Nuncio, Rhoderick (2004). Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang


Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila:UST Publishing House.

19. Pagkalinawan, Leticia C. et. Al. ( 2004 ). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Mutya Publishing House, Inc. Balubaran, Valenzuela City.

20. Plata, Sterling (2010).Keys to Crirical Reading and Writing.Laguna: Trailblazer


Publications.

21. Ramos, C.P. Esperanza, E.S. Tamayo. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.
Filipino 2. (Pangkolehiyo). Redman Printing, Sta. Mesa, Manila. 2001.

22. Ramos, Lurida (2010). Developing Skills in Writing and Research. Manila: Mindshapers.

23. Villaruel, Rosie R. et.al. ( 2016 ). Malikhaing Pagsulat. SIBS Publishing House. Quezon
City.

13
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BSCS 1, BSOA 1, BSBA 1
Akademikong Taon & Semestre 2022-2023, Unang Semestre

ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN

1. https://www.slideshare.net/yencobrador/mga-batayang-kaalaman-sa-wika
2. https://www.slideshare.net/RochelleNato/mga-batayang-kaalaman-sa-wika-
81652538
3. http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-
wika.html
4. https://www.coursehero.com/file/48577756/Mga-batayang-kaalaman-sa-
wikadocx/
5. https://fliphtml5.com/feocn/gjrc/basic
6. https://www.scribd.com/doc/290710978/Batayang-Kaalaman-Sa-Wika
7. http://wika.pbwiki.com/f/ORTOPDF.pdf

14

You might also like