You are on page 1of 8

MODYUL 1: WIKA

SC FIL 1

PAGTUTURO NG FILIPINO SA
ELEMENTARYA 1
(Estruktura at Gamit ng
Wikang Filipino)

BEED 3

By

KARLA CARIZA D. DAO-AY


PALAWAN STATE UNIVERSITY
SC FIL 1: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1
By Karla Cariza D. Dao-ay

Course 1

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

Republic of the Philippines


PALAWAN STATE UNIVERSITY
Puerto Princesa City
CORON CAMPUS

Vision
An internationally recognized university that provides relevant and
innovative education and research for lifelong learning and sustainable
development.

Mission
Palawan State University is committed to upgrade people’s quality of
life by providing education opportunities through excellent
instruction, research and innovation, extension, production services,
and transnational collaboration.

Course 2

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

LAGOM-PANANAW

Sa Modyul na ito ay matatalakay ang kahulugan ng wika, mga elementong taglay ng


wika at kahalagahan nito sa kabuoan.

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang-depinisyon ang wika ayon kay Gleason.
b. Natatalakay ang mga elementong taglay ng wika.
c. Naibabahagi ang halaga ng wika sa sarili at sa lipunan sa kabuoan.

PAGGANYAK

Magandang umaga! ikaw bilang isang Filipino, bakit sobrang napakahalaga ng wika
sayo? Mahalaga ba ito sa pang araw-araw mong pamumuhay? Bakit kailangang malaman ang
kahalagahan ng wika lalo’t ikaw ay magiging isang ganap na guro sa hinaharap?

_ __

Magandang umaga sa iyo. Kumusta ka? Ngayong araw ay ating tatalakayin ang Wika
at ang kahalagahan nito sa pang araw-araw mong buhay.

Introduksyon
Ang tao ang may pinakamataas na antas na nilikha ng Panginoon. Binigyan niya ito ng
puso upang mahalin ang iba pa niyang nilikha at isipan upang makapag-isip ng mga bagay-
bagay na dapat gawin sa pagpapaunlad sa kapaligiran at sa pagpapanatili sa pakikipagkapwa.
Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin at ang lahat ng
kanayang mga mithiin maging sa sarili, sa kapwa at sa bansa. Ang wika ang nagsisilbing
kaluluwa ng tao. Kung walang wika, ang tao ay hindi makapag-isip, makaramdam at makagawa
ng kahit anumang bagay dito sa mundong kanyang ginagalawan.

Course 3

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

Ang wika isang mahalagang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kalipunan


ito ng mga tunog at simbolo upang maipaabot sa kapwa ang nais ipahayag ng isip at damdamin.
Sa pamamagitan ng wika ay naiparating ang mensahe sa tao sa paraang pasulat o pasalita. Ang
mga pangyayari noon, ngayon at maging sa hinaharap ay nagiging kasaysayan nang dahil sa
wika. Walang kasaysayang naitala at nabanggit kung walang wika.
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay nagtataglay ng napakalawak na saklaw sapagkat ito ang ginamit ng tao
upang matugunan ang lahat ng kanyang pangangailangan.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Nagsisimula ito sa pag-aaral ng pinakamaliit
nay unit ng tunog hanggang sa ito’y makabuo ng pangungusap upang magamit sa pang araw-
araw na pakikipag-usap sa kapwa.
Katangian ng Wika
1. ANG WIKA AY ISANG SISTEMA
Binubuo ng mga magkakaugnay na mga bahagi na maaaring sa anyo o kahulugan. Ang
anyo ay tumutukoy sa magkakaugnay na sistema ng mga tunog, pagbuo ng mga salita at
mga kaayusan ng salita sa pangungusap.

2. ANG WIKA AY BINUBUO NG MGA TUNOG


Sangkap ng pagsasalita-labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig at iba pa. Hindi lahat ng
naririnig sa ating kapaligiran ay maituturingna wika.

3. ANG WIKA AY ARBITRARYO


Ang wika ay kanya-kanyang set ng palatunugan, leksikal at gramatikal na estruktura na
ikinaiba sa ibang wika. Ang mga tunog na pangwika, nabuong salita at ang mga kahulugan
nito ay pinagkakasunduan ng mga taong kapangkat ng isang kultura.

4. ANG WIKA AY PANTAO


Pangtao na kakaiba sa wikang panghayop. Nailipat a naisasalinang kultura ng mga tao ang
wikang ginagamit.

5. ANG WIKA AY PAKIKIPAGTALASTASAN


Pagpapahayag ng mga naiisip ng tao, pagsasabi ng kanilang damdamin at pangangailangan
sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni Liezl Radin Borlosa,


MA.ED.-FLT))
https://www.slideshare.net/jessicavduque/wika-28063711

“Paano kaya magkakaintindihan ang bawat isa kung walang wika?”

Course 4

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

Barayti ng Wika

Heterogenous na Wika
Wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo at pangangailangan ng paggamit nito, maraming
baryasyon ng wika. Ito ang ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinggwistik bilang batayan ng
heterogenous na wika.

 Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,


maging ang kani-kanilang interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
 May dalawang dimensyon ang baryabiliti nito: heographical at sosyal (Constantino,
2006)

Dayalek
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa
ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
Malaki man o maliit.

Sosyolek
Ito naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensiyong sosyal. Tinatawag din itong
sosyal (pamantayan) barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Ito ay
maaaring okupasyunal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ang mga tanging
bokabularyo ng isang partikular ng pangkat ng gawain.

Idyolek
Ito ay ang indibidwal na paggamit o istilo ng wika.

Ekolek
Ito ay ang wikang kalimitang ginagamit lamang sa bahay.

Etnolek
Ito ang wikang ginagamit ng etnolinggwistikong grupo.

Register
Wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan.

Homogenous na Wika
Nasasabing ang wikang pormal ay iba sa naimbentong wika.

“Sa istado ng iyong buhay, saang barayti ng wika ka nabibilang at bakit?”

Salamat sa iyong matiyagang pagbasa at pagsisiyasat ng araling ito. Sana ay marami kang
natutunan!

https://www.slideshare.net/jessicavduque/wika-28063711

Course 5

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

Sa ating susunod na aralin, bilang paghahanda ating tatalakayin ang mga Estruktura ng
Wika.

PAGLALAHAT

1. Ano ang kahalagahan ng wika sa iyong sarili at sa iyong komunidad na kinabibilangan?

PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ilahad ang mga katangian ng wika?


2. Anong barayti ng wika ang ginagamit lamang sa loob ng bahay?
a. Ekolek
b. Etnolek
c. Sosyolek
d. Dayalek
3. Ano ang wika ayon kay Henry Gleason?
a. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo.
b. Ang wika ay masistemang talinhaga ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang patayo.
c. Ang wika ay masistemang kabuuan ng sinasalitang paksa na pinipili at isinasaayos
sa pangungusap.
d. Ang wika ay masistemang paraan ng mga titik na pinipili at isinasaayos sa paraang
pakwento.
4. Bakit sinasabing ang wika ay arbitraryo?
a. Dahil ito ay binubuo ng mga magkakaugnay na mga bahagi na maaaring sa anyo o
kahulugan.
b. Dahil ito ay may sangkap ng pagsasalita-labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig
at iba pa.
c. Dahil ito and nabuong salita at ang mga kahulugan nito ay pinagkakasunduan ng
mga taong kapangkat ng isang kultura.
d. Dahil ito ay pangtao na kakaiba sa wikang panghayop.
5. Ito ang katangian ng wika na binubuo ng mga magkakaugnay na mga bahagi na
maaaring sa anyo o kahulugan.
a. Pakikipagtalastasan
b. Pantao
c. Masistema
d. Arbitraryo

Course 6

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

6. Ang register ay ang wikang ?


a. Wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na
pagpapakahulugan.
b. Ito ang wikang ginagamit ng etnolinggwistikong grupo.
c. Ito ay ang wikang kalimitang ginagamit lamang sa bahay.
d. Ito naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensiyong sosyal.
7. Anong barayti ng wika ang ginagamit ng mga tagbanua sa Coron Island?
a. Dayalek
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Ekolek
8. Wika na araw-araw mong naririnig sa loob lamang ng inyong bahay.
a. Ekolek
b. Dayalek
c. Idyolek
d. Sosyolek
9. Ikaw ay galing sa mayamang pamilya. Ang iyong mga magulang ay englis lamang ang
ginagamit magsalita saan man kayo pumunta. Anong barayti ng wika kaya kanilang
kinabibilangan?
a. Etnolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Register
10. Si titser Bea ay gumagamit ng kanyang sariling istilo ng wika sa kanyang pagtuturo
upang ganap niyang maibigay ng maayos ang kanyang aralin, anong barayti kaya ng
wika ang kanyang ginagamit?
a. Idyolek
b. Register
c. Sosyolek
d. Dayalek

SUSI SA PAGWAWASTO

1. Ang wika ay masistema


Ang wika ay binubuo ng mga tunog
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay pantao
Ang wika ay akikipagtalastasan
2. A-Ekolek
3. A- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo.
4. C- Dahil ito and nabuong salita at ang mga kahulugan nito ay pinagkakasunduan ng
mga taong kapangkat ng isang kultura.
5. C- Masistema
6. A- Wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na
pagpapakahulugan.

Course 7

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022


MODYUL 1: WIKA

7. A- Dayalek
8. A- Ekolek
9. C- Sosyolek
10. A- Idyolek

TALASANGGUNIAN

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni Liezl Radin Borlosa,


MA.ED.-FLT))
https://www.slideshare.net/jessicavduque/wika-28063711

Course 8

Modyul 1: Aralin 1 September 7, 2022

You might also like