You are on page 1of 23

ULAT-PAPEL SA FIL125/167

CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

ALIPIS, JOHN STEPHEN E.


ALMADEN, EZEKIEL C.
MGA PANGALAN
CALLORINA, KRISTY LOVE J.
ELYSA JANE MANTILLA

WIKA SA LIPUNAN, BARAYTI NG LINGGWISTIK AT MGA


PAKSA BANSANG MULTILINGGWAL.
-SOSYOLINGGSIWSTIK AT PANGHIHIRAM NI HUDSON

Pagkatapos ng talakayan ay inaasahan na matatamo ng mag-aaral


ang mga sumusunod na layunin:
 Mabigyang kahulugan ang mga terminong nakapaloob sa
talakayan,
 Maibahagi ang linggwistiks at dalawang uri nito,
MGA LAYUNIN
 Matukoy at malaman ang mga multilinggwal na bansa,
 Maipaliwanag ang teorya ng sosyolinggwistika; at
 Maipaliwanag ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan at ang
kapangyarihan ng wika.
PANUTO: Ibigay ang tamang pagkakaayos ng mga ginulong letra
upang mabuo ang salita.
1. GWITILIGNSKS
2. RATIBAY
3. SNBAA
4. YOSYASOHILO
PANIMULANG
GAWAIN 5. KOSIHIYALO
6. PUNALIN
7. YAPAKAHANRING
8. IKAW
9. LIWALNGMUGTIL
10. RASYBANOY
PAGLALAHAD BARAYTI
NG PAKSA
Ang barayti ay ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika at ang
pagbabago ng wika o salita dala ng makabagong panahon at lugar.
Ang barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon,
hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng pagkabuhay o edad,
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o


heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng
pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa
pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng
wika.

Bilang ang wika ay bahagi ng bawat bansa at pamayanan,


sinasaklaw din nito ang kultura, pamumuhay, at kasaysayan ng mga
taong naninirahan dito.

Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas at


pagsasalita ng wika ay nagkakaroon din ng Barayti o 'variety sa
wikang Ingles. Sinasaklaw ng Barayti ng wika ang paraan kung paano
binibigkas o sinasalita ng mga tao ang nalalaman nilang wika.

LINGGWISTIK

Ang linggwistiks ay ang siyentipikong pag-aaral ng wika.


Sinusuri nito ang aktwal na paggamit ng wika sa mga katutubong
nagsasalita (native speaker) nito. At binabakas nito ang mga
pagbabago na nangyayari sa wika sa loob ng ilang dantaon. Ang
paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay tinatalakay
sa synchroniclinguistics, na kung minsan ay tinatawag ring descriptive
o structural linguistics. Ang pagbabakas naman ng pagbabago
paglipas ng iilang dantaon ay siyang sinusuri sa diachronic o historical
linguistics.

Singkronikong Linggwistiks

Ito ang sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa wika sa


isang partikular na panahon. Tinatalakay dito ang mga alituntunin sa
pagsamasama ng mga tunog o ponema (ponolohiya), sa pagbubuo
ng mga salita o morpema (morpolohiya), at ang pagbubuo ng mga
phrase at pangungusap (sintaks) upang sa ganon ay makagawa ng
isang gramatika na nagpapahayag sa nalalaman sa isang katutubong
nagsasalita tungkol sa kanyang wika (linguistic competence). Ang
pagsusulat ng mga gramatika at diksyonario ng isang wika ay mga
bunga sa pag-aaral na ito.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Dayakronikong Linggwistiks

Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng


maraming taon ay ang paksa ng diachronic o historical linguistics.
Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng
isang wika. Binabakas nila ang mga kapamilyang wika nito batay sa
mga katangian na komon sa kanilang ponolohiya, istruktura at
leksikon. Ang mga magkapamilyang wika ay tinatayanilang
nanggaling saisang wika lamang na tinaguriang proto-language. Ang
orihinal na wika na ito ay kanilang magawan ng reconstruction sa
pamamagitan nga mga salita na galing sa mga daughter languages
nito na magkasinghulugan at, humigit kumulang, magkasingtunog,
Ang mga salitang ito ay tinatawag na cognate sets.

Ang mga sumusunod ay cognate set ng mga wika sa pamilyang:

Malayo-polynesian, kung saan napabilang ang mga wika sa


Pilipinas: Ang salitang "kahoy"ay ginagamit sa Cebuano, Hilgaynon,
Tausug, Bikol; "kayu" naman ito sa Ibanag; "kayo" sa llocano,
Maranao, Maguindanao; "pohon kaju" sa Indonesia; "pohon kayu" sa
Malaysia; "kiew" sa Pangasinan; at "punongkahoy" sa Tagalog.
(Panganiban, 1972). Ang cognate set ay: kahoy, kayu, kayo, kiew,
pohon kaju, pohon kayu at punongkahoy. Sa pamamagitan ng
pagkokompara ng mga cognate set ay matataya ng historical linguist
ang panahon ng paghihiwalay ng mga wika sa isang pamilya at
masasabi rin nila kung aling wika sa isang pamilya ang mas matanda.

Ang wika ay buhay kaya inaasahang ito ay magbabago sa


pamamaraang gradwal. Kung babasahin natin ang mga sinulat sa
wikang Tagalog noong mga taong 1600, siguradong maranasan natin
ang kahirapan sa pagbasa at pag-intindi kasi iba ang ortograpiya nila
noon, at may mga salitang hindi na ginagamit ngayon. Marami ring
mga salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi naman
naiintindihan ng mga matatanda tulad ng gimik o praning. Kaya
karaniwang marinig ang mga ekspresyon na "gumimik ba kayo
kagabi? " o "nakakapraning ka naman!"

Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram


o borrowing. Ang pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng mga
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

nagsasalita ng isang wika ay isa pang dahilan kung bakit nagbabago


ang isang wika. May mga aspetong sosyal din na naging dahilan sa
pagbabago ng wika tulad ng katayuan sa lipunan, relihiyon, o sa
kinabibilangang lahi.

BARYASYON NG WIKA

Sa mga dekadang lumipas, ilang henerasyon na ang sumibol


at iba't ibang lahi na ang lumagos sa ating bansa na dahilan sa
pagkaroon ng maraming barayti at baryasyon sa wikang Pilipino.

Iba't ibang pangkat ng indibidwal ang nananatili sa isang


komunidad. Bawat isa ay may kanya-kanyang wika o dayalekto na
ginagamit. Nakadepende ang paggamit ng wika o katutubong mga
salita sa lugar na pinanggalingan ng isang tao. Sa paglipas ng
panahon, maraming un ng wika ang umusbong at ginagamit ng mga
indibidwal sa komunidad. May mga wikang permanente, at mayroon
ding wikang nawawala o nag lalaho sa pagdaan ng panahon.

Ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral sa relasyon ng wika at


komunidad. Nagbibigay ito ng unawa kung bakit may iba't ibang
wikang ginagamit sa lipunan. Nagsasaad ito ng ugnayan ng wikang
ginagamit sa isang lugar at nilalarawan ang kalagayan ng mga
mamamayan dito. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang
kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay
hindi matutupad kung wala ito. Ika pa nga ni Saussure (1915), ang
wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita,
nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat

Ang barayti at baryasyon ng wika ay isang larangan sa


sosyolinggwistika na pinagtutuunan ng pag-aaral at pananaliksik. Ang
teoristang si Tollefson (1991) ay nagbigay ng tipolohiya ng mga
pangkat batay sa katangiang istuktural ng mga varayti ng wika sa
degri ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga baryasyong ito.
(Kelman, 1971; Fishman, 1968; Kloso, 1968).

Naniniwala ang mga linggwista na nagkakaroon ng barayti at


baryasyon ng wika sa pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng
wika at hindi sa pagkakatulad nito. (Saussure, 1916; Bloomfield,
1918). Ayon kay Constantino (2000) sa aklat ni Santos, et al. 2010,
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

ang sosyoliggwistika ay ang ideya ng paggamit ng heterogeneous ng


wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at pangkat na may
iba't ibang lugar na tinitirahan, gawain, interes, pinag-aralan at iba pa.
Ayon dito, ang wika ay hindi isang pangkaraniwang instrumento ng
komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang
mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang
pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang cultural at
sosyal na mga gawain at grupo.

Ang pagkakaroon ng natatanging katangian na may


kaugnayan sa isang espesipiko na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang particular
na baryasyon ng wika. Ayon kay Catford (1965) mayroong dalawang
uri ng barayting wika. Una ay ang permanente ukol sa tagapagsalita o
tagabasa, nabibilang dito ang dayalekto at idyolek. Ang ikalawa
naman ay ang pansamantala nanakadepende ang pagbabago sa
sitwasyon ng pahayag. Sa barayting ito ay nauugnay ang paggamit ng
wika sa sitwasyon, napapabitan ditto ang register/rejister.

Sa mga taong lumipas, naging ispesyalisado ang mga gawain


at tungkulin ng tao na nagreresulta sa pagkakaiba-ba ngkultura at
wika na siyang nagiging panukatsa progreso ng tao (Roussean,
1950). Dahil dito, nagbunga ng pagkakaiba-iba sa wika ayon sa
pananaw, paningin, at saloobin kaugnay na ang
di-pagkakapantay-pantay ng mga wika pati na ang mga
tagapagsalita, kultura, at sibilisasyon. (Constantino, 2000)

BANSA

Ang bansa ay ang hanay ng mga taong nagpapakilala sa isang


teritoryo, wika, lahi at kaugalian, na karaniwang bumubuo ng isang
bayan o isang bansa.

Ang salitang bansa ay nagmula sa Latin na Natio (nagmula sa


Nascor, ipanganak), na maaaring mangahulugan ng kapanganakan,
ang mga tao (sa pang-etnikong kahulugan), species o klase.

Ang isang bansa ay nailalarawan sa kultura, sosyal,


kasaysayan, at pampulitikang pagkakakilanlan ng isang tao. Sa
kahulugan na ito, ang pakiramdam ng isang bansa ay maaaring
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

tukuyin bilang opinyon ng isang pangkat ng mga tao na nagbabahagi


ng mga relasyon na kinikilala nila sa kultura.

Ang teritoryo ang saklaw na lupain ng isang bansa. Maaaring


itinalaga ito ng sariling mamamayan o ng mga mananakop sa
kasaysayan ng isang bansa. Ang kasarinlan ang kakayahang
mabuhay mag-isa ng isang kapisanan, lipunan, o bansa, karaniwan
dahil may malayang pamahalaan, sariling kabuhayan, at hindi
nakapailalim sa ibang kapisanan, lipunan, o bansa. Bagaman
karamihan sa mga bansa ay nagtataglay na ng kasarinlan, may mga
teritoryong itinuturing pa rin na "bansa" kahit hindi ganap na kinikilala
ng ibang bansa ang kanilang kasarinlan, tulad ng Taiwan, Palestine,
Kosovo, at iba pa. Ang pamahalaan ang makinaryang nangangasiwa
o namamahala sa isang bansa sa pamamagitan ng mga institusyong
nagpapatupad ng pinakamataas na kapangyarihan sa nasasakupan
nito. Itinuturing itong pampublikong institusyong nagbibigay
pagkakataon sa kolektibong organisasyon ng komunidad.
Pinopondohan ito ng mga mamamayan sa pamamagitan ng buwis.
Ang pamahalaan din ang may eksklusibong pag-aari ng
kapangyarihang lehitimo na nagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa sariling teritoryo at nagtatanggol nito laban sa mga
mananakop.

MULTILINGGWAL

Ang multilinggwalismo o multilinggwal ay hango sa salitang


ingles na "multi" na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe
na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang
multilinggwalismo ay "maraming salita o wika". Dahil dito, ang
kahulugan ng multilinggwal ay ang paggamit ng maraming wika
(dalawa o higit pang wika). Ang paggamit ng maraming wika ay sa
kabila ng anumang lebel ng kaalaman ng isang tao sa bawat wika.

Ang pagiging multilinggwal ay hindi lamang tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao upang magsalita ng mga wika, kundi pati sa
kakayahan nitong makaunawa ng mga ito.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa. Ito ay may


mahigit na 150 na wika sa buong bansa.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Ang multilinggwal na tao ay gumagamit ng tatlong wika:

1. Unang wika

2. Pangalawang wika

3. Pangatlong wika

MGA BANSANG MULTILINGGWAL

Africa Mga Lenggwahe

Algeria Arabic / Tamazight


Burundi French / Kirundi
Cabo Verde Portuguese / Creole Cape Verdean
Cameroon French / English
Chad French / Arabic
Central African French / Sango
Republic Comoros
Central African French / Arabic
Republic Comoros
Djibouti French / Arabic
Eritrea Arabic / Tigrinya
Equatorial Guinea Spanish / French
Kenya English / Swahili
Lesotho English / Sotho
Madagascar French / Malagasy / English
Mauritius English / French
Mauritania French / Arabic
Morocco Arabic / Amazigh
Namibia English / Afrikaans
Rwanda French / Kinyarwanda /English
Seychelles English / French /Creole
South Africa English / Afrikaans
Swaziland English / Swati
Tanzania English / Swahili
Uganda English / Swahili
Zimbabwe English + 15 other
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Asia

Afghanistan Pashto / Dari


India Hindi / English
Israel Hebrew / Arabic
Kyrgyzstan Kyrgyz / Russian
Pakistan English / Urdu
Philippines Filipino / English
Singapore English / Chinese / Malay / Tamil
Sri Lanka Sinhalese / Tam il
Timor Lestel Portuguese / Tetum

America

Canada English / French


Haiti French / Creole
Paraguay Spanish / Guarani

Europe

Belgium Dutch / French / German


Belarus Belarusian / Russian
Bosnia and Serbian / Croatian / Bosnian
Herzegovina
Finland Finnish / Swedish
Ireland English / Irish
Kosovo Albanian / Serbian
Luxembourg Luxembourgish / French / German
Malte English / Maltese
Norway Bokmal /Nynorsk
Swiss German / French / Italian

Oceania

Palau English / Palau

Fidji English / Fijian / Hindi

Kiribati English / Kiribati


ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Nauru English / Nauru

New Zeland English / Maori

Samoa English /Samoan

Tong English / Tongan

Tuvalu English / Tuvaluan

Vanuatu English / French / Bislama

SOSYOLINGGWISTIK

Binubuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon. Ang


salitang Sosyolinggwistik ay nilikha noong 1939 ni Thomas C.
Hudson, sa pamagat ng kaniyang articule "Sociolinguistics in India".

1960's naging sikat ang pag-aaral ng sociolinguistics at


nagkaroon ito ng dalawang pamagat sociolinguistics at ang
sosyolohiya ng wika. Sa katapusan nagkaroon ng kaibahan ang
dalawa, ang sosyolohiya ng wika ay humahawak sa mga paliwanag
at hula sa mga ganap na wika sa iba't ibang antas ng grupo.

Ang Teoryang Sosyolinggwistik ay ang pamamalagay


(assumption) na ang wika ay isang panlipunang phenomenon.
Nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng
isang indibidwal kung ito's nakakonteksto sa loob ng lipunan at
sinasabi sa ibang indibidwal o grupo. Mula rito ay nakabubuo ng iba't
ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba't ibang Gawain,
papel, interes. saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.

Base naman sa dyornal na inilathala ng Shieffield Academy sa


United Kingdom (2013), ang sosyolinggwistika ay isang pag-aaral
kung saan pinagsama ang sosyolohika at linggwistika na
pinag-uugnay ang wika at ang lipunan. Naging Malaki ang tulong ng
sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may
iba-bang wikang ginagamit ang isang lipunan.

"Sosyolinguistics is the study of the relationship between


ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

language and society. Sosyolinguistics can help us understand why


we speak differently in various social contexts, and help us uncover
the social relationships in a community."

Ayon dito may malaking tulong ang sosyolinggwistika para


mas lalong maunawaan kung bakit may iba't ibang wikang ginagamit
ang isang lipunan. Kung saan ang sosyolinggwistika ay ang teoryang
nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang
particular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng
tao dito.

Para naman kay Chambers (1971) ang sosyolinggwistika ay


isang pag-aaral ng maka-sosyal na gamit ng wika at ang mga
prodatibong pag-aaral sa apat na dekada ng sosyolinggwistikang
pananaliksik ay nanggaling sa sosyal na ebalwasyon ng
linggwistikang baryant.

Panghihiram - Sa paraang ito ang isang salita o higit pa ay


hinihiram mula sa isang varayti tungo sa isang pang varayti dahil
walang katumbas ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita. (Lexical
Borrowing)

Halimbawa

Kompyuter (Computer)
Iskor (Score)
Titser (Teacher)
Keyk (Cake)
Hayskul (High School)
Populasyon (Population)
Magasin (Magazine)
Telebisyon (Television)
Basketbol (Basketball)
Babay (Bye-Bye)
Breyk (Break)
Bilib (Believe)
Elementari (Elementary)
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Interbyu (Interview)
Taksi (Taxi)

ANG SOSYOLINGGWISTIKA AT SOSYOLOHIYA NG WIKA

Sosyolinggwistika (Mikro-sosyolinggwistika)

Ayon kay Wardhaugh (2006), ang sosyolinggwistika ay may


layunin na pag-aralan at unawain ang istruktura ng wika pati na rin
ang relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Sinasabi rin na ang wika
ay may direktang relasyon sa lipunan. Ito ay nakapokus sa kung
paano nakakaapekto ang tao sa lipunan at wika at kung paano
nakikipag-ugnayan ang mga tao

Sosyolohiya o (Makro-sosyolinggwistika)

Ito ay ang pag-aaral ng ugnayan ng lipunan sa wika. Ayon kay


Fishman (1997), ang tao ay patuloy na gumagamit ng wika at patuloy
rin nanakikipag-ugnyan sa kapwa gamit ang mga norms o ugali.

Ang Paggamit ng Wika at ang Sosyal na Samahan ng Pag-uugali

1. Ang Paggamit ng Wika (Use of Language)

Ang pagbigkas ng tao ay may iba't-ibang mensahe na kung


saan, ito ay nakadepende sa kanyang layunin. Dalawang Uring
Kahulugan (Meaning)

 Literal - ito ay walang malalim na idea at tumutukoy lamang sa


tunay na kahulugan ng salita.

Halimbawa: Maricar, pahinaan mo nga ang TV.

 Di-literal - ito ay magkaiba ang kahulugan ng salita sa kung


ano ang kanyang tunay na sinabi.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Halimbawa: Maricar, hindi ka ba nabibingi sa lakas ng tunog ng TV?

2. Sosyal na Samahan ng Pag-uugali (Social Organization of


Behavior)

A. Mga Pamantayan sa Pagsasalita (Standards); Language Pattem


and Style

Kapag ang language pattern at language style ng mga


nag-uusap ay magkapareho, ito ay magreresulta sa magandang
pakikipag-usap at madaling pagkakaintidihan. Dagdag pa rito,
maaaring mas maganda at positibo ang kanilang tugon.
Kinakailangan ding bigyan ng konsiderasyon ang kung akma ba ang
gagamiting language pattern at style sa mga tagapakinig.

WIKA AT LIPUNAN

Ang lipunan ay isang pangkat na binubuo ng mga taong may


karaniwang set ng pag-uugali, saloobin, ideya, at iba pa. Ang wika
naman ayon kay Caroll (1954), ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap sa lipunan. Ang wika at lipunan ay
magkabuhol sapagkat ang wika ang siyang ginagamit ng mga tao sa
lipunan upang makipag-ugnayan, magkaintindihan, at magkaisa.

Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil


naiimpluwensyahan at nahuhubog nito ang isa't isa. Dahil sa patuloy
na pagkikipag-ugnayan at pakikpagkomunikasyon ng mga tao sa
kanilang kapwa lalo na sa ibang pangkat, nagkakaroon ng sariling
katangian ang kanilang mga salita. Nagresulta ito sa pagkakarcon ng
iba't-ibang komunidad ng tagapagsalita o tinatawag na speech
community.

Ayon kay Dell Hymes, ang speech community ay ang pangkat


ng mga taong may kamalayan sa mga patakaran at pamantayan ng
isang wika. Hindi lamang sila gumagamit ng wika kundi nauunawaan
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

din nila ang mga alituntunin ng mga gawaing pangwika. Ito rin ay
isang paraan upang mabigyan ng identidad ang mga pangkat na
gumagamit ng tiyak na uri ng wika. Ayon naman kay Labov, ang
speech community ay nabubuo kapag may isang pangkat ng mga
taong may pagkakaunawaan sa istilo at layunin ng kanilang
pakikipagkomunikasyon sa paraang sila lamang ang nakakaalam.

Apat na Posibilidad na Ugnayan ng Wika at Lipunan

1. Ang estrukturang sosyal ay maaaring nakaiimpluwensya o


makatukoy ng panglinggwikstikang estruktura o kaugalian.

2. Ang panlinggwistikang estruktura o kaugalian ay maaaring


makaimpluwensya sa estrukturang sosyal.

3. Ang impluwensya ay maaaring bi-directional.

4. Pagpapalagay na walang kaugnayan ang panglinggwistikang


estruktura sa estrukturang sosyal at sila ay independent sa
isa't isa.

WIKA SA LIPUNAN AT KULTURA


Terisita P. Semorian, Ph. D.

Ang wika ng tao ay nagbabago upang maiangkop at maiakma


sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ayon kay Harvey Daniels
(1985), malapit ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga
gumagamit nito. Nagiging batayan sa proseso ng nagbabagong
kultura ang komunikasyong namamagitan sa mga tao. Kabilang dito
ang dahan-dahan at paulit-ulit na pagsasagawa ng mga bagay sa
parehong sitwasyon na maaaring simulan sa pag-uugali o kaugalian,
pagpapalagay sa mga ideya, mga saloobin at adhikain, ang
pakikitungo, ang kaalaman at karanasan, mga pag-aalay o ritwal na
inihahandog sa mga batha-bathala para mabigyan ng magagandang
biyaya; paniniwala sa suwerte, ugaling ningas-kugon, manana habit;
ang pakikisama sa kapwa, pagmamahal sa pamilya, pagpapakita ng
utang na loob at ang pagiging mapagpatuloy at maasikaso sa bisita.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Sa patuloy na pag-inog ng mundo, ang naturang mga


pagpapahalaga ay nakakagawian, nakamimihasnan at nagiging
kaparaanan na ng buhay na naiiba sa ibang kalakaran ng buhay.
Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang ibang grupo dahil sa mga
kakaibang kultura at kasaysayang nalilinang kung saan malaki ang
papel na ginagampanan ng wika. Ayon kay Ngugi, ang
pagpapahalaga o halagahan ay batayan ng pagkakakilanlan ng tao,
ng kaniyang katangian partikular bilang kasapi ng isang lahi. Lahat ng
ito ay dala ng wika (Restituto, et al, 1994) Ang wika ang nagdadamit
sa kultura. Ito ang nagbibigagay kahulugan sa kagandahan ng
kultura. Wika ang dahilan kung bakit nakikilala ng sambayanan ang
kanyang kultura na natutunan niyang angkinin at ipagmalaki.

Sinasabi na ang wika bilang kultura ang kabuoang sisidlan ng


mga karanasan sa kasaysayan at sambayanan. Ito ay bunga ng
kasaysayang nagpapaliwanag ng mga pangyayaring naganap noong
unang panahon, naglalarawan ng mga pambubusabos at pang-aapi
ng mga tampalasan, nagpapakilala ng mga opinion ng mga
manunulat, mga patnugot, mga kolumnista at iba pa. Ito rin ay
naghahatid ng mga kabatiran sa pamamagitan ng mga salaysay ng
kabayanihang dapat ikarangal o ikapuri.

Ang ating pagkilala sa ating mga sarili bilang nilalang, sa


indibidwal o pangkatang aspekto ay batay sa larawang-diwa na
maaari o hindi maaaring tumugon sa aktwal na realiddad ng ating
pagsisikap sa pakikipagtunggali sa kalikasan. Ito ay dahil ang wika ay
tagapagtaguyod din ng larawang-diwa o imahe. Ayon naman kay
Ngugi, ang kakayahan nating makipaglaban sa mundo ay batay sa
pag-akma ng mga larawang-diwa sa realidad at kung paano sinisira o
nililinaw ng mga larawang-diwang ito ang realidad ng pakikipaglaban.

Sa kabuoan, ang wika ay tagapamagitan sa buong pagkatao


ng isang nilalang dahil ang wika bilang kultura ang siyang
namamagitan sa tao at sa mismong sarili niya, sa tao at sa kapwa
niya maging sa tao at sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng wika, naipababatid ang mga


ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

larawang-diwa sa daigdig at realidad sa paraang pasalita o pasulat.


Pandaigdig o unibersal ang tawag sa kakayahang makapagsalita,
magsaayos ng mga tunog na nagpapakita ng sabayang pag-unawa
ng mga tao. Ayon naman kay Ngugi, ang pagiging tangi lang ng mga
tunog, mga salita, mga ayos ng salita sa parirala at pangungusap at
ang tuntuning napapaloob sa nasabing pag-aayos ay siyang ikinaiiba
ng isang wika sa ibang wika.
Wika bilang kultura rin ang kabuoan ng pagpapahalaga sa
pamamagitan ng panitikan, dagdag pa ni Ngugi. Sa paraang ito,
nagkakaroon tayo ng pag-unawa sa ating sarili at sa lugar natin sa
mundo. Tila kambal ang ugnayan ng wika ng isang tao at sa kaniyang
kultura dahil ito'y magkarugtong. Ang kahusayan ng tao sa paggamit
ng wika ay maaaring maging sukatan ng uri o tayog ng kulturang
mayroon siya.

Sa wika natitiyak ang kairalan o tatak ng isang kultura, dito


nababatid ang kanyang kairalan. Ang kamalayan ng isang lahi ay
matatagpuan sa kultura, isang lipi na naiintindihan sa pamamagitan
ng wika.

ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA

Noong unang panahon, ang Diyos na ipinakilala sa atin ay ang


Diyos na hindi marunong maghimagsik. Kaya walang puwersa o
lakas ang mga mamamayang Pilipino na sumagupa sa mananakop
na Kastila dahil wikang Latin at Espanyol ang wikang banal, wika ng
Diyos at wika ng Kristiyano. (Agcaoili, 1998).

Hanggang ipinakilala ng Kilusang Propaganda ang wika ng


pagtutol at pagsalungat sa mga mananakop. Ang wikang nakapaloob
sa La Solidaridad at Diyaryong Tagalog ang nag-udyok at
nagbunsod sa mga Pilipino na lumaban, natutong humingi ang mga
Pilipino ng reporma at pagbabago sa aspekto ng pulitika at
ekonomiya. Naging bahagi nito si Andres Bonifacio na ginamit ang
wika upang isulat ang Katapusang Hibik ng Pilipinas na
nangangahulugang rebolusyon ang tanging solusyon upang lumaya
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

ang sambayanang Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.

Wika ng kapitalismo naman ang ipinakilala noong panahon ng


mga Amerikano at magpasahanggang ngayon. Wikang Ingles ang
ginagamit ng mga namumuno sa kompanya samantalang wikang
Filipino naman ang ginagamit ng mga empleyado.

Ang wika at kultura ng isang pamayanan ay dalawang


magkarugtong na bagay at hindi maaaring paghiwalayin. Hindi
magagamit ang wika kung walang kultura. Sila'y magkabuhol at
marapat na angkop na angkop ang isa't isa. Nariyan ang wika
sapagkat nariyan ang kultura.

RELASYON NG WIKA AT KULTURA

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa ay


may sariling kultura na kung saan kalakip nito ay mayroon din silang
kanya-kanyang wikang sinasalita. Hindi natin maipagkakaila na ang
bawat wika ay angkop sa bawat kultura kung kaya't naririnig natin na
ang wika at kultura ay magkabuhol at magkaugnay. Nakikita natin na
ang kultura ay umiiral sa lipunan at sumasalamin dito ang wikang
kanilang ginagamit, maaaring nangangahulugan na ang pagkawala
ng wika sa isang lipunan ay maaari ring pagkamatay ng isang kultura.
Ayon kay (Santos, Hufana, Magracia 2009) ang wika ay
pagkakailanlan ng isang kultura, na ang ibig sabihin nito ay ang wika
ay nakasalamin sa kultura ng isang lahi pati na rin ang kanilang
karanasan.

Sa pamamagitan ng wika makikilala ang kultura ng isang tao,


mayroong mga salita na natatangi lamang sa kanilang grupo
halimbawa na lamang ang salitang "maratabat" o "pride" sa salitang
Ingles, ito ay matatagpuan lamang sa mga Maranao, Maguindanao at
iba pang mga pangkat-etniko sa Mindanao na ang salitang ito ay
kaugnay sa kanilang kultura o kaugalian na hindi natin makikita sa
ibang pangkat etnikong grupo. Sa larangan naman ng pagkain, ang
salitang "pakbet" ay isang luto na kilala sa mga llocano gayundin ang
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

salitang "batsoy" na popular sa mga llonggo. Mayroon ding mga salita


na maaaring pareho ang gamit ngunit magkaiba lang ang katawagan
ng bawat grupo, katulad na lang ng salitang "tapis" na nagmula sa
taga-Luzon at salitang "malong" naman kung tawagin ito ng mga
grupong nasa Mindanao lalo na ng mga Muslim. Kung ang mga
dayuhang bansa ay kilala sa paggawa ng iba't ibang disenyo ng
cake, sa ating bansa o tayong mga Pilipino ay marami tayong mga
kakanin na maipagmamalaki tulad na lang ng puto, kutsinta, bibingka
at iba pa.

Nasa kultura rin ang pagkakaroon ng iba't ibang katawagan at


interpretasyon ng pagkain, ang 'wheat" na maraming uri ng tinapay
ang nagagawa katulad na lang ng oat meal, cookies at iba pa na
kung saan kilala ito sa mga dayuhang bansa ngunit dito sa atin ang
pangunahing pagkain ay nagmula sa pag-aani ng "palay" kung kaya't
marami tayong panturing sa salitang ito. Mula sa pagiging palay,
nagiging bigas ito kapag natanggalan na ng balat, kapag ito ay
sinaing kanin na ang katawagan. Kung ito namn ay igigisa sa may
halong mantika ito ay nagiging sinangag at kapag naging malamig na
ang kanin, bahaw ang tawag natin dito. Ngunit kung atin itong
ihahambing sa mga Amerikano, "rice" lamang ang tawag nila rito.
Ganoon din ang salitang "porridge" ng mga Amerikano na kung saan
sa atin ito ay maraming katawagan depende sa paraan ng pagluto
tulad na lamang ng tsamporado, ginataan o lugaw. Katulad rin ito sa
pagkaing itlog, kung saan ang dayuhan mayroon lamang silang
tinatawag na "boiled egg" nilagang itlog at "salted egg" o maalat na
itlog, sa ating bansa hindi mapagkakaila na maraming gamit ang itlog
batay sa uri ng pagluto katulad na lang balot, penoy, kwek-kwek at
iba pa.

Ito ay ilan lamang na mga patunay na ang wika ay salamin ng


kultura at lipunan na kinabibilagan ng isang lahi, dahil sa mga
natatangi at kakaibang salitang ginagamit ng iba't ibang pangkat
nakikila natin ang kanilang kultura at lahing pinagmulan.
Samakatuwid, ang wika at kultura ng isang tao ay sumasalamin sa
kung anong uni ng lipunan ang kanilang ginagalawan.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

PANUTO: Gumawa ng komiks strip na nagpapakita ng sitwasyong


PAGLALAPAT multilinggwal ang isang bansa. Bigyan ito ng pagpapaliwanag na
(Pangkatang-gawain)
hindi lalagpas sa limang (5) pangungusap.

RUBRIK SA PAGGAWA NG KOMIKS STRIP


Pamantayan 5 4 3 2

Buo ang
Nakalilito
kaisipan o Medyo kulang
ang Hindi buo ang
Kaisipan ng diwa ng ang kaisipan o
kaisipan o diwa o kaisipan
Komiks komiks. Ito diwa ng
diwa ng ng komiks.
ay komiks.
komiks
nakaaaliw.

May
Natutukoy marami-ra
May isa o Halos mali lahat
ang lahat ming mali
dalawang mali ang ginawang
ng tamang sa
sa pagtukoy sa pagtukoy sa
Gamit ng Wika gamit ng pagtukoy
gamit ng wika gamit ng wika
wika sa sa gamit ng
sa usapan ng sa usapan ng
usapan ng wika sa
komiks komiks
komiks usapan ng
komiks
RUBRIC/KRAYTERYA
Mahusay ang Hindi
Napakahus
pagguhit. Ang gaanong Hindi mahusay
ay ang
komiks ay mahusay ang pagguhit ng
pagguhit.
Napakahusay ang komiks.
Guhit Ang komiks
ang pagguhit. pagguhit ng Maraming bura
ay
Ang komiks ay komiks. at dumi ang
kaakit-akit
kaakit-akit Marumi ang gawa.
tingnan.
tingnan. gawa.

May
marami-ra
Walang
May kaunting ming mali Halos lahat ay
mali sa
mali sa sa may mali sa
Wika/ wika/grama
wika/gramatika wika/grama wika/gramatika,
Gramatika tika, baybay
, baybay at tika, baybay at mga
at mga
mga bantas. baybay at bantas.
bantas.
mga
bantas.

PANUTO I: Ibigay ang angkop na sagot sa bawat tanong o pahayag.


Isulat sa malalaking titik ang sagot.

1. Ito ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, trabaho,


PAGTATAYA
(Pagsusulit) henerasyon, pamumuhay sa lipunan, at maging lokasyon ang
isang lugar.

2. Ayon sa kaniya ang sosyolinggwistika ay may layunin na


pag-aralan at unawain ang istruktura ng wika pati na rin ang
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

relasyon sa pagitan ng wika at lipunan.

3. Sangay ng linggwistiks na ang bunga sa pag-aaral ay pagsulat


ng mga gramatika at diksiyonaryo sa wika. Naglalarawan sa
isang wika sa isang partikular na panahon.

4. Isang teoristang nagbigay ng tipolohiya ng mga pangkat batay


sa katangiang istuktural ng mga varayti ng wika sa degri ng
pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga baryasyong ito.

5. Ito ay nailalarawan sa kultura, sosyal, kasaysayan, at


pampulitikang pagkakakilanlan ng isang tao.

6. Tinatawag na lexical borrowing na sa paraang ito ang isang


salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa
isang pang varayti dahil walang katumbas ito sa varayting
ginagamit ng nagsasalita.

7. Ito ay maaaring nakaiimpluwensya o makatukoy ng


panglinggwistikang estruktura o kaugalian.

8. Ito ang wikang ginagamit ng mga empleyado na kaiba sa


ginagamit na wika ng mga namumuno sa isang kompanya.

9. Naging bahagi si Andres Bonifacio upang isulat ito na gamit


ang wika na nangangahulugang rebolusyon ang solusyon sa
paglaya mula sa dayuhan.

10. Ang pagkakaroon nito ay hindi lamang tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao upang magsalita ng mga wika, kundi
pati sa kakayahan nitong makaunawa ng mga ito.

PANUTO II: MAGBIGAY NG ANIM (6) NA MULTILINGGWAL NA


BANSA
IBATAY ANG SAGOT SA TALAHANAYAN SA ULAT-PAPEL

PANUTO III: Ibigay at ipaliwanag sa isang talata ang dalawang uri ng


kahulugan o meaning.
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

PANUTO: Ibigay ang tamang pagkakaayos ng mga ginulong letra


upang mabuo ang salita.

1. GWITILIGNSKS - LINGGWISTIKS
2. RATIBAY - BARAYTI
3. SNBAA - BANSA
4. YOSYASOHILO - SOSYOLOHIYA
5. KOSIHIYALO - SIKOLOHIYA
6. PUNALIN - LIPUNAN
7. YAPAKAHANRING - KAPANGYARIHAN
8. IKAW - WIKA
9. LIWALNGMUGTIL - MULTILINGGWAL
10. RASYBANOY - BARYASYON

PANUTO I: Ibigay ang angkop na sagot sa bawat tanong o pahayag.


Isulat sa malalaking titik ang sagot.

1. Ito ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, trabaho,


TALASAGUTAN
henerasyon, pamumuhay sa lipunan, at maging lokasyon ang
isang lugar. BARAYTI NG WIKA

2. Ayon sa kaniya ang sosyolinggwistika ay may layunin na


pag-aralan at unawain ang istruktura ng wika pati na rin ang
relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. WARDHAUGH o
WARDHAUGH (2006)

3. Sangay ng linggwistiks na ang bunga sa pag-aaral ay pagsulat


ng mga gramatika at diksiyonaryo sa wika. Naglalarawan sa
isang wika sa isang partikular na panahon.
SINGKRONIKONG LINGGWISTIKS

4. Isang teoristang nagbigay ng tipolohiya ng mga pangkat batay


sa katangiang istuktural ng mga varayti ng wika sa degri ng
pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga baryasyong ito.
TOLLEFSON O TOLLEFSON (1991)

5. Ito ay nailalarawan sa kultura, sosyal, kasaysayan, at


pampulitikang pagkakakilanlan ng isang tao. BANSA
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

6. Tinatawag na lexical borrowing na sa paraang ito ang isang


salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa
isang pang varayti dahil walang katumbas ito sa varayting
ginagamit ng nagsasalita. PANGHIHIRAM

7. Ito ay maaaring nakaiimpluwensya o makatukoy ng


panglinggwistikang estruktura o kaugalian. ESTRUKTURANG
SOSYAL

8. Ito ang wikang ginagamit ng mga empleyado na kaiba sa


ginagamit na wika ng mga namumuno sa isang kompanya.
FILIPINO

9. Naging bahagi si Andres Bonifacio upang isulat ito na gamit


ang wika na nangangahulugang rebolusyon ang solusyon sa
paglaya mula sa dayuhan. KATAPUSANG HIBIK NG
PILIPINAS

10. Ang pagkakaroon nito ay hindi lamang tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao upang magsalita ng mga wika, kundi
pati sa kakayahan nitong makaunawa ng mga ito.
MULTILINGGWAL

PANUTO II: MAGBIGAY NG ANIM (6) NA MULTILINGGWAL NA


BANSA
IBATAY ANG SAGOT SA TALAHANAYAN SA ULAT-PAPEL
MGA BANSANG MULTILINGGWAL

Africa Mga Lenggwahe

Algeria Arabic / Tamazight


Burundi French / Kirundi
Cabo Verde Portuguese / Creole Cape Verdean
Cameroon French / English
Chad French / Arabic
Central African French / Sango
Republic Comoros
Central African French / Arabic
Republic Comoros
Djibouti French / Arabic
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Eritrea Arabic / Tigrinya


Equatorial Guinea Spanish / French
Kenya English / Swahili
Lesotho English / Sotho
Madagascar French / Malagasy / English
Mauritius English / French
Mauritania French / Arabic
Morocco Arabic / Amazigh
Namibia English / Afrikaans
Rwanda French / Kinyarwanda /English
Seychelles English / French /Creole
South Africa English / Afrikaans
Swaziland English / Swati
Tanzania English / Swahili
Uganda English / Swahili
Zimbabwe English + 15 other

Asia

Afghanistan Pashto / Dari


India Hindi / English
Israel Hebrew / Arabic
Kyrgyzstan Kyrgyz / Russian
Pakistan English / Urdu
Philippines Filipino / English
Singapore English / Chinese / Malay / Tamil
Sri Lanka Sinhalese / Tam il
Timor Lestel Portuguese / Tetum

America

Canada English / French


Haiti French / Creole
Paraguay Spanish / Guarani

Europe
ULAT-PAPEL SA FIL125/167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA/NG FILIPINO

Belgium Dutch / French / German


Belarus Belarusian / Russian
Bosnia and Serbian / Croatian / Bosnian
Herzegovina
Finland Finnish / Swedish
Ireland English / Irish
Kosovo Albanian / Serbian
Luxembourg Luxembourgish / French / German
Malte English / Maltese
Norway Bokmal /Nynorsk
Swiss German / French / Italian

Oceania

Palau English / Palau

Fidji English / Fijian / Hindi

Kiribati English / Kiribati

Nauru English / Nauru

New Zeland English / Maori

Samoa English /Samoan

Tong English / Tongan

Tuvalu English / Tuvaluan

Vanuatu English / French / Bislama

PANUTO III: Ibigay at ipaliwanag sa isang talata ang dalawang uri ng


kahulugan o meaning.
Literal - ito ay walang malalim na idea at tumutukoy lamang sa
tunay na kahulugan ng salita.
Di-literal - ito ay magkaiba ang kahulugan ng salita sa kung
ano ang kanyang tunay na sinabi.

You might also like