You are on page 1of 2

PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: ANGINETH G. BAUTISTA SEKSYON: F12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: PAGSULAT NG ALAMAT PETSA: OKTUBRE 30,2020

Alamat ng Pinya ng South Cotabato

Noong unang panahon sa pook ng South Cotabato, may isang pamilya na salat
sa buhay ang nakakita’t nakaibigan ang isang ada. Binigyan sila nito ng mahika at
tinuruan silang gumawa ng isang tanim na mapagkikitaan nila. Isang araw, ang mag-
asawang si Aling Pita at Mang Tonyo ay abala sa pagtitimpla ng mga sangkap sa
kanilang gagawing tanim. Natuwa sila at agad itinanim nang pahilera sa kanilang
bakanteng lote.
Pagkalipas ng ilang taong pag-aabang, nagalak ang mag-asawa dahil sa dami
ng kanilang pipitasing bunga. Hindi nila mawari kung anong klaseng bunga iyon
sapagkat marami itong mata at may koronang katulad ng sa dahon nito. Kumuha sila ng
isang bunga, binalatan at tinikman ito. Manilaw-nilaw, may hibla at katakam-takam ang
laman nito kaya nasabik si Aling Pita na lasapin ito. “Ang asim!”, sambit niya at kasunod
noo’y biglang nangati ang kanyang dila. Sumunod naman si Mang Tonyo at ganoon din
ang nangyari. Napagtanto nilang palpak ang pagkakatimpla ng tanim na iyon kaya
nagpatulong sila sa kaibigang ada.
Sumubok muli sila at hindi nawalan ng pag-asa. Sinigurado nilang nasunod nila
ang payo ng ada upang maging matamis at hindi makati ang kalalabasan nito. Sinunod
nila ang tamang proseso ng pagtatanim at naghintay muli ng ilang taon. Dumaan ang
halos dalawang taon at tapos na rin ang paghihintay nila. Agad nilang pinitas at
tinikman ang bunga ng ikalawa nilang subok. Namangha ang mag-asawa sa ubod ng
tamis nito at nagpasalamat sa ada sapagkat mayroon na silang pagkakikitaan. Lumipas
ang maraming taon, sagana at malawak na ang kanilang taniman ng prutas na iyon na
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

kung tawagin nila’y “Pinyo” (mula sa pangalan ng mag-asawa) na bunga ng kanilang


paghihintay at pagsisikap. Kalaunan ang “Pinyo” ay naging “Pinya” at ngayo’y ang
South Cotabato ay kilala nang plantasyon ng mga pinya.

You might also like