You are on page 1of 4

DULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: ANGINETH G. BAUTISTA SEKSYON: N12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: MAIKLING DULA-DULAAN PETSA: OCTOBER 19,2020

VLE Serye

Mga Tauhan:
Nita- isang estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral
Tina- matalik na kaibigang kaklase ni Nita
Selya- nanay ni Nita

Unang Senaryo
Tanawin: Sa labas ng kwarto

Kakauwi lang ni Makaganda galling sa kaniyang trabaho. Alas sais y medya na


nang gabi, oras na para simulang sagutan ang mga iniwang gawain.

Nita: (Dahan-dahang kinuha at binuksan ang kaniyang laptop at humiga sa duyan)


(Binuksan ang Messenger at nagtipa ng mensahe para kay Tina)
: Babae! Kumusta na diyan? Dapat matapos ko na itong isang gawain ngayong
gabi, buong araw akong nasa trabaho bukas baka madadaragdan na naman itong
mga nakatambak na gawain.
Tina: (Nagtitipa)
DULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

: Babaeee! Alam mo bang wala akong nagawa ni isa sa mga gawain?


Nakakapagod na ‘tong online class na to.
Nita: Ako rin babae pagod na pagod na, galing pa akong trabaho. Pero may deadline
eh, itong modules nalang hahabulin ko ‘wag na siya.
Tina: Gaga ka, umepal na naman iyang ka-oa-han mo babae! Iiyak ka lang sa
matinding pagod, hindi na sa kanya, okay? Haha!
Nita: Haha Salamat sa paalala babae! Paaalalahanan din kitang malapit na ang
deadline ng isa nating gawain. Paalam babae, simulan na
natin ang bakbakan. Haha!
Tina: Okay babae! Update-update lang tayo.

Binuksan ni Nita ang VLE. Nagulat siya dahil puno ang kalendaryo ng mga
gawaing dapat tapusin sa nakasaad na araw at oras.

Nita: (Nagbukas at sinimulang binasa ang isang modyul sa partikular na asignatura)


(Humihikab na ng ilang beses)
(Nagulat sa nabasang kriterya para sa gagawing aktibidad)
: Hayy, inaantok na ako. Magpapaalarma na lang ako sa aking orasan ng alas
onse ng gabi. Magpapahinga lang ako ng ilang oras.

Ikalawang Senaryo
Tagpuan: Loob ng bahay

Nita: (Pinatay ang maingay na orasan)


:Hayyy, pagod pa ‘ko gusto ko pang matulog. Anong oras na ba?
(Tiningnan ang orasan) (Snoozed 20 times)
: Aaaaahhhhh! Alas singko na nang umaga! Hindi ko man lang nasimulang gawin
‘yong gawaing deadline na sa susunod na bukas. Huhu

Agad nagbukas ng laptop at wi-fi si Nita. Sabog sa mga notipikasyon.

Waela Paris posted a new announcement in google classroom.


November 1, 2020 Deadline of submission of your activity.
DULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Khul Lab posted a link In your CPE 111 group page.

Nita: Hala nagparamdam na. ‘Di bale, alam kong makakaya ko ‘tong gawin ngayong
araw. Isisingit ko na lang din ito habang nasa trabaho! ( Binuksan ang group chat ng
klase)
: Naku, ang ingay ng group chat nakaka-pressure sila ah. Habang ako dito,
dinahan-dahan ko lang ang mga gawain. Ayaw kong ma-stress.
Makumusta ko nga si babae.

(Nagtitipa ng mensahe sa Messenger)

Nita: Babaeee! Ano na? Kumusta na ‘yong ginawa mo kagabi?


Tina: (Nagtitipa)
Nita: (Naghahanda na para pumasok sa trabaho)
Selya: Nitaaaa! Saan ang kapatid mo?! Ang aga-aga wala na dito sa bahay! Lahat na
lang ng gawaing bahay sa akin niyo na inaasa! Hindi niyo man lang nagalaw ‘tong
mga huhugasin! Pagod na pagod na ‘ko!
Nita: (Naiingayan dahil maaga pa nambubulyaw na. Nakinig lang siya habang
sinasagot niya ito ng mahina lamang.)
: Nay, nagtatrabaho rin naman po ako. Marami po kasing gagawing mga aktibidad
sa modyul, hinahati-hati ko na po ‘yong oras ko. Pasensya po.)

Ikatlong Senaryo
Tagpuan: Nasa daan, at sa opisina

(Umalis na si Nita at tumungo sa trabaho. Nagbukas siya ng Messenger.)


Tina replied
Tina: Babaeee! Nakatulog ako nang maaga kagabi. Wala pa akong nasimulan!
Nita: ( Nabuhayan ang loob)
(Tinawagan, nagvideo call)
: Hahaha Salamat naman at may karamay ako! Kahit papaano nakapagpahinga
tayo kahit ‘di natin intension matulog nang maaga dahil sa gagawin. Ilang araw na
tayong puyat. Tatapusin na talaga natin iyon ngayon ha!
DULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Tina: Oo babae! Dinamayan nalang kita kagabi kasi alam kong pagod ka sa trabaho!
Haha nakikita ko na naman ang napaka-stress mong mukha.
Nita: Walang hiya ka babae. ‘Pag natapos na ‘tong online class natin, matutulog
talaga ako ng limang buwan!
Tina: Kung buhay ka pa niyan babae pagkatapos ng online class. Haha
Nita: Heh! Oh sya, nasa trabaho na ‘ko. Paalam na babae!
Tina: Okay, ingat ka!
Nita: Salamat babae! ‘Yong gawain natin ah! Sabay tayo magpasa mamaya!
Ingaaaat! Tulog ka muna. Haha

(End Video Call)

Agad nag-ayos ng kaniyang damit si Tina at nagsimula nang magtrabaho.

You might also like