You are on page 1of 3

New Normal na Walang Iwanan, Karapatan ng mga bata ating tutukan

Estudyante

Malakas na tawag o boses ng ina, pagtilaok ng mga manok, tunog ng balita mula sa radyo o
telebisyon, iyan ang maririnig tuwing umaga bago pumasok sa eskwela.
Ngunit nakakapagtaka bakit biglang naging sobrang tahimik ng paligid, tanging ang
paggalaw lang ng kamay ng orasan sa kwarto ang bumabasag sa katahimikan. Ito na rin ang
gumigising kay Cristina sa umaga kasabay ng liwanag mula sa bintana na dumadapo sa
kanyang mukha.

Cristina: (tutunog ang alarm at babangon) Anong oras na ba inaantok pa ako? (maggugulat at
mapapabalikwas) ay naku malelate na pala ko!

Ako si Cristina, nag-aaral ako sa isa sa mga paaralan sa Maynila bilang isang 1st year
college.Tulad ng mga nagdaang araw papasok na naman ako sa eskwela sa pamamagitan ng
online class. Bakit ba naman kasi nagkaroon pa ng pandemya (buntong hininga), sana
magpatuloy na ang pagkawala at pagbaba ng kaso ng mga nagkakaroon nito.

Flor (nanay): (nag aayos ng mga pinggan) Cristina mag almusal ka na muna bago ka mag-aral
na naman diyan. Madaling araw ka na naman natulog naku kang bata ka.

Cristina: (Uupo) Eh kasi naman nanay ang dami kong ginawa na takdang aralin at isa pa
mahihirap yung mga lesson namin at hindi ko maintindihan yung iba kaya nagtatagal ako sa
mga gawain.

Hindi naman ako tamad, lalong hindi rin ako bobo pero nahihirapan parin ako, salamat sa
mga guro na patuloy na sinasagot ang mga tanong ko para lang maintindihan ko yung mga
aralin.

(Bubukas ang pinto at sisilip ang nakangiting si Brandon, kaibigan, kaklase at kapitbahay ni
Cristina)

Brandon: Magandang Umaga sa pinakamabait kong kaibigan! Nga pala mayroon akong balita
para sayo. Wala tayong pasok sa linggo na ito dahil sa susunod na linggo kasama na sa limited
face-to-face classes ang school natin! Nagbigay ng announcement ang school natin ngayon-
ngayon lang at pumunta agad ako dito.

Flor (nanay): Ibig sabihin pupunta na kayong Maynila sa susunod na linggo?


Brandon: (nakangiting sasagot) Yes po tita. Oh sige mauna na po ako baka hinahanap na ako
ni nanay.
Cristina: (yayakap sa nanay) Kinakabahan ako nay, unang beses kong mapapalayo sa iyo at
kay tatay. Natatakot rin ako na wala akong maging kaibigan doon maliban kay Brandon dahil
hindi ako taga Maynila.

Flor (nanay): Kaya mo yan anak at isa pa tatawagan ka naman namin at bibisitahin kapag
pwede na diba. Atsaka karapatan mo na mag-aral at tuparin ang mga pangarap mo, sigurado
ako marami kang magiging kaibigan doon.

(Makalipas ang isang linggo) (sa Maynila habang naglalakad sa hall way ng paaralan)
Maraming tao, mauusok na sasakyan, mga taong nagbibisikleta sa pagpasok sa trabaho,
mga batang kalye na kumakatok sa bintana ng mga sasakyan, iba’t-ibang tindera at mga barker
ng dyip. Iyan ang nasaksihan ko sa pagbaba ko ng aking sinasakyan na sasakyan sa pagpunta
ko sa Maynila.
Sa pagpasok ko sa paaralan wala akong kilala o kaibigan, naninibago ako sa new normal na
ito. Ngunit ang hindi ko inaasahan;

Zariya: (mag-aaral na nakatira na sa Maynila simula ng sya pa lamang ay ipanganak)


(mabubunggo si Cristina)

Cristina: ouch (malalaglag ang mga gamit na dala)

Zariya: Oh my god! Ayos ka lang ba pasensya na (pupulutin ang mga gamit ni Cristina) sorry
napaka careless ko kasi.

Cristina: Ah ano ayos lang (magpapakawala ng nerbyosong tawa)

Zariya: Sorry talaga. Ako nga pala si Zariyah (mapapatingin sa libro na hawak ni Cristina) oh
1st year college ka din? Wow pareho rin tayo ng course and section.

Cristina: Ah ganun ba, pwede ba na magtanong kung saan itong bulding na ito? Wala kasi
akong kilala na kahit sino sa Maynila maliban sa isa kong kaibigan kaso busy din sya ngayon.

Zariya: Sakto dyan din ako pupunta halika sumama ka sa akin ipapakilala rin kita sa mga
kaibigan ko wag kang mag-alala mababait sila.
(aalis si Cristina at Zariya)

(Makalipas ang dalawang linggo)


Sa loob ng silid-aralan sinusunod pa rin ang mga paalala upang maiwasan ang pandemya,,
sa katanghalian makikita ang mga estudyante na iba’t-iba ang ginagawa mayroon na tahimik na
nakaupo, mayroong nagagawa ng gawaing pampaaralan, kausap ang guro, tulog, ngunit sa
isang banda makikita mo ang isang dalagang masaya at may ngiti sa labi kasama ang kanyang
mga bagong kaibigan.
Amber: Uy Cristina sabay na tayong umuwi mamaya.
Hector: Tawag ka ni Kate, Cristina!
Zariya: Tina, tara kumain na tayo.
Kyle: Hey! Ipapasa na daw yung assignment mamaya Cristina.

Cristina: (nakaupo at nagmumuni-muni) Hindi ko inaasahan na mula sa unang araw na


malungkot, lumipas lamang ang dalawang linggo at ako’y napuno ng galak sa pagpasok sa
paaralan. Masaya ako na ang New Normal ay isa sa naging daan sa pagkakaroon ko ng
bagong kakilala. Nagamit ko ang karapatan ko bilang isang kabataan na makapag-aral at
magkaroon ng kalayaan.

Malaki man ang mga kahaharapin natin sa pagsubok sa loob ng New Normal, hind dapat tasyo
mag-alala dahil

You might also like