You are on page 1of 3

Note:

hehe tamang cooperate ubos na po ang aking braincells

Simula pagkabata ay matalik na magkaibigan sila Francine at Neil, halos hindi mapaghiwalay
ang dalawa, lagi sila nandiyan para sa isa’t-isa ngunit ngayong lilipat sila ay susubukin ng
tadhana ang katibayan ng kanilang pagkakaibigan.

Entrance:
*Papasok sa loob ng silid-aralan si Chloe, at naiwan sa may pinto sila Neil at Francine*

Chloe: Guys, may announcement ako.

*Hindi tumahimik ang mga mag-aaral kaya nagalit si Chloe at ihinampas ang niya ang kanyang
papel sa lamesa*

Chloe:SHUT UPPP!!!!, Oh! Tatahimik naman pala eh!, So, hindi muna makakapasok si ma’am
kaya ako muna ang naatasan na magbantay sa ating klase. Mayroon tayong dalawang bagong
kaklase, new students! Pumasok kayo at magpakilala.

* na sila Francine at Neil at umupo na sa kanya-kanyang upuan*

Makalipas ang ilang oras ay tanghali na at lumapit si Franccine kay Neil upang ayain itong
kumain.

Francine: Neil! Tara, sabay na tayong kumain, maraming pinadalang pagkain si mama upang
ating pagsaluhan, andito din ang iyong mga paborito.

Neil: Ah hindi muna ako sasabay sa iyo, inaya kasi ako ni Kleenth na kumain kami ng sabay,

Kleenth:Ikinagagalak kong makilala ka.

Francine: Ikinagagalak ko ring makilala ka, oh siya, mauna na ako, sa iba nalang ako sasabay
kumain ng tanghalian.

Lumipas ang ilang araw at hindi na masyado nagpapansinan ang matalik na magkaibigang sina
Neil at Francine dahil sa bagong kaibigan na mayroon si Neil.

*Sumunod na araw*

Gian: Francine, Francine, Francine. Matalik na magkaibigan kayo ni Neil diba? Pero balita ko
hindi na kayo masyado nagpapansinan? Sawa na ba siya sayo? *sabay tawa ni Gian at umalis
na*

Napaisip bigla si Francine dahil totoo naman ang sinabi ni Gian sa kanya ngunit sa huli ay
isinawalang bahala nalang niya ito dahil alam niyang hinding-hindi siya tatalikuran ni Neil. Sa
kabilang banda naman ay masayang nag-uusap sina Neil at Kleenth. Kung iyong titignan ay
mukha na silang matalik na magkaibigan ngunit ang hindi alam ni Neil ay may masamang
binabalak si Kleenth. Pagkatapos nila magpaalam sa isa’t-isa ay nagtungo si Kleenth kung saan
naroroon si Gian at kanilang pinagplanuhan ang masama nilang pinaplano.

Gian: Ano balita,may nakuha ka bang issue sakanya?

Kleenth: Oo, at ang balita ko ay na-expelled siya sa dating paaralan na pinapasukan niya dahil
may estudyante siyang muntik mapuruhan.
Gian:Ayos yan,maasahan ka talaga.Bwisit na bwisit na ko sakanya lahat nalang ng atensyon
sakanya naibibigay eh baguhan lang naman sya saka di naman sya masyadong mayaman.

Kinabukasan, pagpasok ni Neil ay may narinig siyang bulong-bulungan at mukhang iniiwasan


siya ng mga mag-aaral. Nakita niya si Kleenth na kasama si Gian at agad niya itong nilapitan.

Neil: Ahh Kleenth! Anong pinag-uusapan nila? Bakit tila ako ang kanilang pinag-uusapan? May
nangyari ba?!

Na guguluhan na tanong ni Neil

Gian:Ako na sasagot niyan,ngunit may tanong lang ako kamusta ba kayo ni francine??Rinig ko di
mo na daw siya pinapansin hindi ka ba naawa sakanya??

*natameme si Neil sa sinabi ng lalaki*

Kleenth: Ganyang tao ka pala Neil?Alam mo kung ako si francine hindi nalang kita kakainiganin

Neil: Ha? Ano ang ibig mong sabihin? May nagawa ba akong mali?

Gian:Siguro dahil alam na ng lahat kung paano ka na suspend sa dati mong school, hm grabe ka
pala,nga pala si francine??

*Di maka sagot si Neil*

Gian:Di ka makasagot noh???siguro nilayuan ka narin nya,sabagay puro ka kasi “kasama ko si


kleenth” “magkasama kaming kakain ni kleenth” eh inuto kalang nmn niya eh ikaw naman itong
di gunagamit ng isip nakipagkaibigan ka agad.

Kleenth: Gian, tama na iyan, sumosobra ka na, umalis nalang tayo baka kung ano pa ang
mangyari.

*umalis na sila Gian at Kleenth*

Mag isa malungkot at hindi matanggap ni Neil ang mga nangyari iniisip niya kung ano na ang
gagawin niya dahil wala ng gustong makipag kaibigan sakanya.Nakita nya Francine papalapit ito
sakanya may dalang pagkain.

Francine:Alam ko na lahat ng nangyari *binigay kay Neil ang pagkaing dapat para sakanya*

Neil:Bakit hindi mo ko nilalayuan tulad ng iba??

Malungkot na pagtanong ni Neil

Francine:Dahil kilala kita simula nung bata pa,alam kong hindi mo sinasadyang mapuruhan ang
ating dating kaklase,alam ko rin na naninibago ka dahil hindi naman ganito ang dati nating
napagdaanan sa school, mahirap mag tiwala sa ibang tao sa panahon ngayon,masaya ka man
dahil may bago kang kaibigan hindi mo naman sila mapag kakatiwalaan lahat,hindi kita
nilalayuan dahil tunay mo akong kaibigan,lagi akong andito upang damayan ka.

Neil:Ipag patawad mo kung gaano kita trinato nung mga nakaraang araw nag sisisi na ko sa
aking mga ginawa pansensya na tlga Francine.

Ngumiti si Francine at si Neil sabay silang pumunta sa canteen at masayang kumain kahit pinag
titinginan sila ng mga tao
Nanatili parin ang masamang pag uugali ni Gian ngunit wala ng masyadong pumapansin
sakanya kasi lagi namang gulo ang kaniyang nagagawa

Si Kleenth ay nag sisi sa kanyang mga nagawa at nag patawad kay Neil pinatawad naman ni Neil
si Kleenth at naging mag kaibigan na sila ulit

The End.

You might also like