You are on page 1of 2

Walang Balikat

Ni Richelle Ann G. Fernandez

Kung noon ay usong-uso ang tinatawag na “Filipiniana” at “kimona” ngayon sa kasalukuyang


panahon ay marami nang naglipanang bagong kagamitan at kasuotan na siyang tinatawag na “trend” o
“uso”. Tunghayan ang kuwento ng isang “promdi girl” o sa madaling salita ay probinsyanang babae na
lumuwas sa Maynila upang makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan.

Isa si Eline sa mga masuwerteng nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa isang paaralan sa


Maynila. Siya ay laking San Miguel, Surigao del sur. Hindi pa niya alam ang pasikot-sikot at mga kaugalian
sa lugar na kaniyang kinasasadlakan. Magandang babae si Eline, matangkad, medyo payat, mahaba ang
buhok, makinis ang kutis, at talaga namang mahuhumaling ang lahat ng lalaking kaniyang madadaanan
kung… oo kung marunong nga lang siyang mag-ayos. Lingid sa kaniyang kaalaman ang mga bagong
kasuotan ngayon. Lagi lamang siyang naka suot ng mahabang palda at maluwang na t-shirt habang
pinaparesan niya ito ng isang sapatos na kulay tsokolate na binili pa niya sa tindahan ng Muslim sa
kanilang bayan.

Unang semester ng taon sa kaniyang bagong paaralan, abala si Eline sa paghahanap ng kaniyang
klasrom para sa kaniyang unang klase. Maraming tumitingin sa kaniya lalo na ang mga kababaihan na
talagang mababasa ang pandidiring nakikinita sa kanilang mga mata dahil sa suot mi Eline. Buong araw
siyang pinag-uusapan ng mga estudyanteng makakasalubong niya hanggang sa may limang babaeng
lumapit sa kaniya at nakipag kaibigan. Sa tuwang nadarama ni Eline ay pumayag siyang makipag kaibigan
dito. Makikita sa limang babae na galing sa mga mayayamang pamilya ang mga ito, maganda ang mga
kutis at halatang hindi pinag huhugas ng pinggan sa kanilang mga bahay. Maganda ang mga ito kung
pumorma, malayong malayo sa kung paano magdamit si Eline.

Lumipas ang buwan na kasa-kasama ni Eline ang kaniyang mga bagong kaibigan. Masasabi
niyang totoo ang mga ito sa kaniya dahil ni minsan ay hindi siya nito pinababayaan sa mga lumalait ng
tingin sa kaniya. Hanggang sa isang araw ay nagkayayaan silang gumimik sa isang bar, pinilit nilang
magsuot si Eline ng mga makabagong damit na ayon pa sa kaniya ay, “walang balikat” o “off-shoulder” sa
ingles. Dahil nga gusto rin ni Eline na makibagay ay sinuot niya ang kasuotang binigay sa kaniya ng isa sa
kaniyang bagong kaibigan, maiksi ito sa kaniya. Isang walang balikat na dress, hindi man lang umabot sa
kaniyang tuhod. Nung una ay hindi siya komportable rito ngunit nang nag tagal ay naging komportable rin
dahil sa mga papering kaniyang nakukuha sa mga kaibigan.

“Wow! Napaka sexy mo pala Eline at ang ganda mo kapag naayusan. Araw-arawin mo na kasing magsuot
ng mga ganito pareho sa’min.”

Ngumiti lang si Eline at inaya na ang mga ito na magsilakad na at baka maabutan pa ng trapik sa
daanan. Kinakabahan si Eline sapagkat iyon ang unang beses siyang makakapasok sa bar kasi wala
namang ganuon sa kanilang lugar. Pagkarating nila sa kanilang destinasyon, naririnig na kaagad ni Eline
ang malakas na tugtug galing sa loob ng lugar na kanilang pupuntahan. Sing lakas ng tibok ng kaniyang
puso ang tunog na kaniyang naririnig sa loob. Sa labas pa lamang ng pintuan ay makikita na ang mga
lasing at nag-iinumang mga tao, halu-halo ang mga ito, may mga babae at mga lalaking kung mag-usap ay
para nang maghahalikan dahil sa lakas nang tugtug, sino nga bang magkakarinigan kung hindi ilalapit ang
tenga sa kausap. May kumaway sa isa kaniyang mga kaibigan, senyales na iyon ang kanilang puwesto sa
gabing iyon.

Abalang nagmamasid si Eline sa kaniyang mga nakikita, bago ang mga ito sa kaniyang mga mata
sapagkat hindi naman siya palainom at pala gimik. Kanina pa niya napapansin ang mga malalagkit na
tingin sa kaniya ng mga lalaking medyo lasing na. May mga nagtangka pa ngang hawakan siya sa kamay
ngunit buti nalang nahila siya kaagad ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Lumipas ang oras, tinatagayan na
nila si Eline. Hindi rin siya maka hindi kasi nga gusto niya rin makibagay sa mga bagong kaibigan. Nakaka
limang baso pa lamang siya ay nahihilo na si Eline. Gusto niyang pumunta sa banyo ngunit hindi niya
talaga kayang tumayo dahil sa hilong nadarama. Ngunit hindi na rin niya kaya pang pigilan ang puson niya
kaya pinilit niyang tumayo at hanapin ang banyo nang may isang lalaking humablot sa kaniyang kamay at
hinila siya papunta sa madilim na parte ng lugar na iyon. Napasigaw na lang siya at nawalan ng malay
dahil sa pwersang kaniyang naramdaman.

Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka, hindi mo rin trabahong gawin ang hindi mo nakaugalian
para lang magustuhan ka ng iba. Piliin mo kung saan ka komportable at masaya. Ang totoong kaibigan ay
hindi ka pinipilit sa mga bagay na hindi ka naman hiyang at komportable. Gawin mo kung anong nararapat
at tama. Ikaw ay ikaw, mahalin mo kung anong mayroon sa iyo at huwag mo itong baguhin upang
magustohan ka ng nakararami. Ang pagsisi ay laging nasa huli.

You might also like