You are on page 1of 3

September Nights

Written by: Alexa L. P.

Simula

Walang imik akong nag iimpake ng aking mga damit sa maleta, ito na ang huling araw ko sa Pilipinas
dahil bukas na ang pag-alis ko papuntang Korea. Nakatanggap ako ng scholarship doon—hindi ko na
sana itutuloy ang pag-alis pero natandaan ko kung paano ko pinagharapan para lamang makapasok ako sa
university na nais ko matagal pa lang. Tahimik lang akong pinapanood ni Rani, ang aking kaibigan. Alam
niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko pero ni walang isang salita ang lumalabas sa bibig niya.
Sinulyapan ko siya at nginitian. Bumuntong hininga lang siya at lumapit sa akin para tulungan din akong
mag impake. “Sigurado ka bang ito talaga ang gusto mo o—” pinutol ko ang pagsasalita niya.

“Wala na akong ibang dahilan bukod sa mag-aral doon, Rani.” Tumango lang siya bilang pagsang-ayon
Pero hindi rin nagtagal ay nagsalita ulit siya. “Maliit lang ang mundo, Aly. Hindi ka sigurado kung ano
ang maaari mong maabutan doon.” Tinignan ko siya at umiling. Hindi na ako muling sumagot pa.
Hangga’t maaari ay ayoko muna mag-isip ng kung ano.

Natapos kami sa pag-iimpake ni Rani. Napangiwi pa ako ng makitang sobrang dami kong dadalhin
papuntang Korea. Napakarami ko kasing damit at ang iba pa doon ay hindi ko pa nagagamit. International
school ang papasukan kong university doon kaya expected na puro international students din ang
makakasalamuha ko. Mabuti na ‘yon ng magkaroon naman ako ng bagong kaibigan habang malayo kami
ni Rani sa isa’t-isa. Hindi ko na rin poproblemahin pa ang tutuluyan ko dahil sagot na din iyon ng
university para sa mga international students, kaya electric bills lang ang kailangan kong bayaran. Balak
ko din sanang mag trabaho doon, hindi siguro ako mahihirapan kung flexible ang schedule ko sa school.
Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang excitement dahil sobrang tagal kong hinintay ang
opportunity na ito. Niyakap ako ni Rani na ikinagulat ko. “Siguraduhin mong tatawag ka palagi sakin ah.”
Ngumiti ako. Nagpasya kami ni Rani na umupa ng apartment habang nag-aaral kami sa Manila. Parehas
mataas ang pangarap naming dalawa kaya ganon na lamang ang pagpupursigi namin sa mga bagay-bagay.
Siya ang maghahatid sakin bukas sa airport dahil malayo ang aking pamilya sa akin at wala na silang oras
pa para mapuntahan nila ako dito na naiintindihan ko naman.
“Syempre naman. Di ko nga alam kung magkakaroon ako ng kaibigan doon, baka duguin ang ilong ko
pag di nagtagal.” Parehas kaming tumawa sa kaisipang lahat ng mga kaklase ko ay mga banyaga.
Dumating ang kinabukasan at ito na ang araw ng aking pag-alis. Tumayo muna ako at tumingin ng
sandali nang makita ko ang pangalan ng airport nang makababa ako ng van. Huminga ako ng malalim at
ngumiti. Hinila ko na ang isa kong maleta at kay Rani naman ang isa. Mamayang alas diyes and flight ko
at may isa’t kalahating oras pa ako para maghintay. Apat na oras muna bago ako makarating sa Korea.
Ang alam ko ay may susundo sa akin doon at ihahatid ako sa tutuluyan kong apartment.
Sinulyapan ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si mama na sinasabing mag ingat ako at
humingi ng paumanhin dahil hindi niya ako maihahatid. Sinabi ko naman sa kanila na ayos lang sakin
iyon, nang manirahan ako sa Manila ay natuto na akong mag-isa at tumayo sa sariling paa. Iyon din ang
dahilan kung bakit lumayo ako sa kanila, ayoko ng umasa sa mga magulang ko dahil gusto kong matuto
na. Sigurado akong panibagong buhay na naman ang makukuha ko sa Korea, bagong adjustments.
Napangiti ako ng bahagya kung ano ang mga possible kong gawin doon sa oras na nandoon na ako, agad
din namang napawi ng may maalala ako, ipinilig ko na lang ang aking ulo. Pinagmasdan ko ang mga tao
sa airport, abala sa kanilang mga buhay. Sinulyapan ko si Rani, nakita kong humikab ito—hindi raw siya
nakatulog ng mahimbing dahil nag aalala raw siya sakin kapag nandoon na ako. Hinawakan ko ang
kamay niya, napatingin naman siya sa akin.

“Iniisip ko lang kung magiging maayos ka ba doon. Paano kung—” pinutol ko ulit ang sasabihin niya.
“Magiging maayos ako doon, Rani. Kung ano man ang iba mong iniisip matagal ko ng kinalimutan iyon,
ang tagal na non para balikan ko pa ulit.” Ngumiti siya na para bang hindi siya naniniwala sa mga
sinasabi ko.
“Pero hanggang ngayon hinahanap mo parin siya.” Tinitigan ko lang siya at hindi na ako sumagot.
Sumandal na lang ako sa aking kinauupuan at bumuntong hininga.
Natapos ang isa’t kalahating oras, ito na ang oras ng aking pag alis. Tumayo ako at tinapik ang braso ni
Rani. Tinignan ko siya at nginitian at sabay niyakap. Sobrang higpit ng kaniyang yakap. Kinuha ko na
ang dalawa kong maleta ng walang sabi at naglakad na palayo kay Rani.
Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng buhay ko doon pero sana naman ay maging maayos.
Wala na akong ibang hinihiling na kung ano pa.
Naging mabilis lang ang biyahe, naglalakad ako sa airport ng makita ko ang isang malaking banner na
may nakasulat na “Ms. Aly, Intrntl student.” na hawak ng isang koreanang babae na sobrang puti na may
salamin, siguro nasa mid 30’s na siya. Naglakad ako ng mabilis at kumaway. Binati niya naman agad ako.
“Welcome to Korea Ms. Aly.” Nagagalak niyang pagbati sa akin.
“Thank you, Ms. Choi.” Agad kaming sumakay sa isang itim na kotse. Ang sabi niya ay idederetso niya
na ako sa magiging apartment ko. Bawat isang apartment ay isang student na agad ko namang ikinatuwa
dahil ayoko talaga ng may kasama sa iisang lugar.
“I’m so happy you accepted our offer.” Sabi nito sa medyo nabubulol na ingles. Nginitian ko sya.
“It has been my dream to become a student here, thank you for choosing me as one of your potential
sudent.” Hindi na siya nag salita ulit at nginitan na lang niya ako. Nawawala ang mga mata ni Ms. Choi sa
tuwing ngumingiti siya. Tumingin ako sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang mga gusali at mga tao.
Hindi ako makapaniwalang nandito na ako, dati iniimagine ko lang ito. Hindi ko tuloy maiwasan ang
maexcite.
Tumigil ang sasakyan sa isang matayog na building. Hindi muna ako bumaba ng sasakyan at
pinagmasdan ko muna ito ng maigi. Naisip ko kaagad kung gaano ako kaswerte sa oportunidad na ito.
“Let’s go.” Sambit ni Ms. Choi at tumango naman ako at bumaba na ng sasakyan.
Hila ko ang dalawa kong maleta, pagkapasok pa lang namin ay agad na binati si Ms. Choi, hula kong mga
estudyante din sila na katulad ko. Sino kaya sa kanila ang magiging kaklase ko? Pumasok kami ng
elevator at pinindot niya ang 40th floor. Tumunog ang elevator at naglakad kami palabas. Tumigil kami sa
room 405. Namangha pa ako sa itsura ng apartment ko, hindi ito kalakihan at hindi rin naman kaliitan,
saktong-sakto lang sakin, ang ikinatuwa ko pa ay may salamin doon na kitang-kita ang malawak na
Seoul. Nagbilin na lang si Ms. Choi sa ibang rules dito na maigi ko namang tinandaan, pagkatapos non ay
lumabas na siya ng apartment ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong apartment, ayaw matanggal ng ngiti ko sa aking labi, sa wakas!
Agad ko namang nilabas ang aking mga damit sa maleta, mayroon kasing cupboard at doon ko na nilagay
ang mga damit ko. Tinignan ko kung anong oras na, mag aalas kwatro na ng hapon at kitang-kita ko
malapit ng lumubog ang araw. Ginugol ko lang ang buong araw ko sa loob ng aking apartment, nagpasya
ako na bukas na lang ako gagala sa Seoul. May nag akyat ng pagkain kanina dito sa akin, pero hanggang
ngayon hindi ko parin nagagalaw. Nagtimpla ako ng kape, pinabaunan ako ni Rani nito para daw kapag
subsob ako sa pag-aaral ay may maiinom ako. Bukas ko na lang siguro siya tatawagan.
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, alas otso na ng gabi. Sumimsim ako ng kape, napabuntong
hininga ako. Ngayong nandito na ako sa Korea, ano kayang mararamdaman niya sa oras na malaman
niyang na sa iisang bansa na kami—na nasa bansa niya na ako. Ngayong nandito na ako mas lalo lang
naging mahirap sa akin na magpatuloy, alam kong nandito lang siya sa sulok-sulok ng Seoul, pero
matagal ko ng itinigil ang paghahanap sa kaniya nang wala akong makitang kahit anong impormasyon
niya. Doon ako nawalan ng pag-asa.
Isang taon na simula nang huli kaming mag-usap at pagkatapos non ay wala na akong narinig na kahit
ano sa kaniya. Ang mahulog sa isang taong kailanman ay hindi nagpakita ng mukha ay sobrang delikado,
ni hindi ko alam kung totoo ba lahat ng sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang nabaliw ako sa
isang lalaking hindi ko kailanman nakita ang mukha.

Naiyak ako ng hindi ko namamalayan.

“I won’t blame you for this.” Huli niyang sinabi pagkatapos kong sabihin sa kaniya na itigil na lang
naming dalawa. Ang akala ko’y magiging maayos ako nung gabing iyon pero hindi ko inasahan na aabot
ako ng pitong buwan sa kaiiyak. Gusto kong bawiin ang sinabi ko at araw-araw akong nagsisisi sa
desisyon kong iyon.
Hindi naman niya ako sinaktan—hindi nga ba? Ewan ko, basta ang alam ko naubos at napagod ako sa
kaniya.

We never date each other. Let’s just say that he is my almost. But everything felt so real

You might also like