You are on page 1of 16

Mistakenly Yours

Written by: yourlostbutterfly


Description:

Bbbbbbb
Synopsis:
Prologue:

I heard my phone rings so I picked it up. Nakapatong ito sa may armrest ng upuan ko dito sa
loob ng room. Walang tingin-tingin sa caller ko na sinagot ang tawag at magsasalita na sana
nang may bigla nalang umusap mula sa kabilang linya.

[“Baby, can you please come over here at the restaurant near the school? My parents just
want to meet you. I need you here ASAP please. I’ll wait for you outside the restaurant,
baby"]

I blinked several times nang matapos ang tawag. What did just happened?

Tinignan ko ang cellphone ko, making sure na may tumawag nga.

“Sino yun?” Tanong ko sa sarili ko

Kailan pa ako nagkaroon ng boyfriend? Baby huh? Napailing nalang ako at bumuntong-
hininga. Masyado na talagang maraming gusto na mag-prank call at mukhang nabiktima pa
nga ako ng isa.

Hindi ko nalang inisip pa yung tawag at tahimik na naghintay nalang na dumating ang mga
classmates ko dito sa loob ng room. Malapit na matapos ang lunch break namin pero wala pa
rin sila.

“May pasok kaya?” I asked myself then opened my cellphone again

I opened my messenger and saw a lot of messages. Well, nakakatamad mag-open ng


messenger kaya bahala sila dyan. Hindi ko rin alam kung bakit miski yung mga hindi naka-
mute ko na messages ay hindi na nagnonotif sa akin.

Binuksan ko ang isa sa mga messages ko, group chat namin na buong section. Nag-scroll ako
mula sa taas na hindi ko pa nababasa hanggang sa dulo. Napasimangot nalang ako nang
makita ko na wala nga kaming pasok ngayon.
Ibinulsa ko nalang ang cellphone ko at isinakbit ang bag ko sa likod ko. I have no other
ressons para mag-stay pa rito sa school dahil wala naman pala kaming klase.

Sana pala ay sumama nalang ako sa kaibigan ko kanina nang mag-lunch sila eh ‘di sana hindi
ako maghihintay ng klase dito para sa wala.

Nasayang lang ang oras ko sa paghihintay dito eh wala naman pala kaming klase. Hindi ko
naman kasi hilig ang magbasa ng messages ko, liban nalang kung importante. Kaso, malay ko
ba na may important messages pala ako ngayon.

Kadalasan kasi ng messages ko, sa dami ba naman ng group chat ko, ay puro mga usapan
lang ng mga kaklase ko. Kung ‘di man ay usapan sa group chat ng mga kaibigan ko dito sa
school, outside the school, at miski ng mga kaibigan ko online.

Hindi naman halatang friendly ako ano? Pero hindi naman talaga. Hindi ko nga alam kung
paano ako nagkaroon ng mga kaibigan, at ng ganyan karami pa.

Naglakad nalang ako pababa ng building namin. Nasa fourth floor pa kasi kami kaya medyo
mahaba-habang hakbangan pa ito pababa. Pagkatapos ay mahabang lakarin naman papunta sa
gate ng school.

May iba’t ibang building dito, meron sa bukana, sa gitna, at syempre ang building namin na
dito pa talaga napatapat sa dulo. Pero, swerte rin naman kasi medyo mahangin at maganda
ang view.

Kung titignan dito mula sa fourth floor namin na building ang ibaba ay mapapakuha ka talaga
ng cellphone mo para mag-picture. Maganda ang view rito, malawak rin. Pero bukod doon ay
maganda ring talunan kung gusto mo na humimlay.

Napatawa nalang ako ng mahina at napailing sa mga naiisip ko ngayon. ‘Wag lang sana na
may makakakita sa akin dahil baka pagkamalan pa ako na nababaliw dito.

Pagkababa ko ng huling baitang ng hagdanan ay naalala ko na naman yung call kanina, yung
prank call ba. Well, napaisip kasi ako na what if totoo pala yung call pero namali lang sya ng
taong tinawagan? What if wrong number pala sya, paano na kung totoo nga ‘di ba?
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko habang naglalakad. Inopen ko ang recent calls ko at
nakita ko na hindi registered sa akin ang number na tumawag kanina. So, hindi ko talaga sya
kilala.

Pero, kung hinahanap nga nya ang girlfriend nya, paano na ‘yan kung ako ang natawagan
nya? Dapat ko bang hanapin ang girlfriend nya? Pero sobrang dami naman ata ng babae dito
at ng may mga boyfriend para isa-isahin ko pa sila. Pero paano na?

I scoffed. Bakit ko nga ba pinoproblema ito? Pakisabi rin pala sa akin kung bakit tinatawagan
ko ngayon yung number na tumawag sa akin kanina? Gosh, I shouldn’t be meddling with
their business kaso na-wrong number kasi si Kuya so I need to tell him that.

Baka kasi mamaya ay maghintay sya at umasa na dumating si girl pero hindi naman dadating
kasi hindi naman nya or rather be ay hindi naman sya ang naka-recieve ng tawag kundi ako.
Alangan naman na ako ang pumunta doon eh hindi ko naman sila kilala at hindi ko na sila
business pa para pakialaman pa.

It keeps ringing pero walang sumasagot. Akma ko na sanang ibababa ang tawag nang may
sumagot at magsalita.

“Kuya, ako po—” My words are cut by the caller nang bigla siyang sumingit

[“Help, please pumunta ka na dito. I need someone to show to them, nasaan ka na ba? Iya,
come over here now please?”] Tila hindi ako makahanap ng isasagot ko sa kanya

“U-Uhm...K-Kuya—” Talaga naman ayaw ako pagsalitain

[“I’ll wait for you here, please come now...”] And by that, the call just ended again without
me telling that he called the wrong number

Napa-facepalm nalang ako dahil sa nangyari. Parang bigla atang sumakit ang ulo ko dahil sa
nangyayari sa akin ngayong araw na ‘to. Sa pagkakatanda ko naman ay hindi friday the
thirteenth ngayon para malasin ako ng ganito.
Napabuntong-hininga nalang ako at nakikipagtalo sa isipan ko kung pupunta ba ako or hindi.
I’m not his girlfriend, I don’t even know him kaya bakit ako pupunta? Pero he said ‘please’ at
nanghihingi pa ng tulong.

Pero in fairness, hindi na niya tinawag na baby yung Iya, which is the one he expected who
have answered his call.

Hayst, whatever, bahala na nga. I need to clarify him things by myself then. Kung ayaw nya
ako pagsalitain in call, maybe personally ay maiintidihan na nya ako tama?

Nagsimula na akong maglakad papunta doon sa restaurant na sinasabi nya. Sana lang talaga
ay magkaintindihan na kami dahil baka mamaya talaga ay ako pa ang masisi dahil hindi
dumating ang girlfriend nya.

Pero, pwede ko naman siyang i-text ‘di ba?

Tumigil ako sa paglalakad at napailing. Saka ko pa naisip ‘yon kung kailan malapit na ako sa
restuarant.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag-type ng message para i-send sa number na kanina
pa ako pinuputol sa mga sinasabi ko. I-click the send button and waited for it to be sent.

Pero sa kamalas-malasan naman talaga ay nakita ko nalang ang warning sign na send failed
daw ang message ko. Like seriously? Nananadya ba talaga? Bakit ba ang malas ko ngayon?
Baka naman may idadagdag pa, pakibigay na rin po agad para isang bagsakan nalang.

May isasama pa ba ang araw ko na ito? Tsk, malas naman.

Naglakad nalang ako papunta doon sa restaurant na ‘yon tutal malapit nalang naman talaga
ako doon. Pagkarating ko sa harap ng restaurant ay may nakita agad akong lalaki na naka-
uniform ng school namin.

Baka sya na? Baka sya na yung caller?


Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan at napakapit pa ako sa laylayan ng bag ko dahil sa
kaba. Andami na namang what if na pumapasok sa isip ko ngayon.

What if masungit sya tapos kagalitan nya ako? What if hindi pala sya yung hinahanap ko?
What if mapahiya lang ako dito? What if—argh, I can’t!

Urong nalang kaya ako? Alis nalang ako since hindi pa naman nya ako napapansin na nandito
sa harapa—

“Miss?” Binabawi ko na talaga ang mga sinabi ko kanina

Kamalas-malasan naman! Dinagdagan pa nga ang kamalasan ko! Oh baka may idadagdag pa
pakibuhos na agad para wala na, hindi na ako magugulat pa ng ganito.

“A-Ah...Ano..pa’no ba ‘to?” Napakamot pa ako sa ulo ko dahil sa hiya sa ginagawa ko


ngayon

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Huhu uuwi nalang po ako, I can’t na po talaga.

“Miss?” Muli nyang pagtawag sa akin

“A-Ano kasi Kuya, ako po yung natawagan nyo imbes na yung g-girlfriend mo” I smiled
awkwardly pero nanatili naman siyang nakatitig sa akin

Bakit? Huy Kuya ano ba! Naiiyak na ako dito oh.

“So, hindi si Iya ang natawagan ko?” He asked more likely to himself

“Yes po. Sinasabi ko na po yan actually kanina pero pinuput—”

“Nevermind, let’s go” Agad nya akong hinawakan sa kamay ko at hinila papasok ss
restaurant
“T-Teka lang, bakit mo ako hinahatak papasok sa loob?” Kunot-noong tanong ko sa kanya
kaya napatigil sya at humarap sa akin

“Just this once, tulungan mo naman sana ako. I know this is too much, natawagan at
naistorbo na nga kitta pero lulubusin ko na. Can you be my pretend girlfriend?”

Ha?
Chapter 1 : Pretend

Kisha Rae’s Point of View

“Po?” Parang tangang tanong ko dito sa lalaki

Seryoso ba sya? Prank ba ‘to? Sinasabi ko na nga ba!

“Miss, I’m sorry pero sorry talaga” Ano daw?

Magsasalita pa sana ako nang higitan nya ako bigla papunta sa isang table dito sa loob ng
restaurant. Magpoprotesta pa sana ako nang bigla ko nalang naramdaman ang pagbitaw nya
sa kamay ko at ang dahan-dahan niyang paglagay ng braso nya paikot sa baywang ko.

Napatingin ako sa kamay nya na nasa baywang ko na at agad din na napatingin sa kanya na
hindi naman nakatingin sa akin. Sinundan ko ang tinitignan nya at nakitang may dalawang
tao pala sa harapan namin ngayon.

“U-Uh..” Napalunok nalang ako ng palihim dahil sa sitwasyon ko ngayon

Gosh, bakit ba ako nandito?!

“Mom, Dad, meet my baby, my girlfriend...” Ha?!

Teka! Ano daw, girlfriend? Nasa’n ang girlfriend? Nasaan?


Nilibot ko ng palihim ang tingin ko sa paligid, sa buong restaurant, pero wala naman akong
nakikitang ibang babae dito na pwede niyang ipakilala na girlfriend nya. Liban nalang kung...

Unti-unti akong napalingon sa kanya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. I look into his
eyes para ipahiwatig na naguguluhan ako sa nangyayari pero bigla nalang siyang ngumiti sa
akin.

Huy, ipaliwanag mo po ang nangyayari hindi yung ngingiti ka dyan huhu.

“I guess she’s still not ready to meet you, Mom, Dad. Sinabi ko naman kasi sa inyo that she’s
shy, didn’t I?” He chuckles while talking

Sana all po nakukuha pa na tumawa sa ganitong sitwasyon. Parang gusto ko nalang kasi na
magpalamon sa lupa ngayon na, now na po please.

Mas malala pa pala kaysa sa public speaking at ito na ‘yon. Waah, help me het out of this
situation please! Sana man lang ay may makita ako na kaibigan or kakilala or kaklase man
lang, ano ba! Huhu.

“So, what’s your name?” Tanong nung ginang habang nakatingin...sa’kin?

“A-Ako po?” Itinuro ko pa ang sarili ko

“Yes, anong name mo?” She’s smiling at me right now pero kinakabahan pa rin ako

I glanced at this guy beside me pero tinitignan lang nya ako na tila naghihintay sa gagawin
ko. Uy I need help!

“Uhm..I-I..” Napakagat naman ako ng bahagya sa labi ko dahil sa kaba

Grabe naman, why naman po ganito. Mabait naman po ako ah? Bakit kailangan ko itong
danasin?
I heard the man chuckled, probably ay asawa nitong ginang.

“Don’t be shy and scared, hindi naman kami nangangain” The man chuckled as well as his
wife

“Iha, it’s fine. We just want to know kung ano nga ba ang pangalan ng magiging daughter-in-
law namin” Nakangiting sambit nung ginang

What?! Daughter in law?!

Tila hindi rin inaasahan nitong lalaking katabi ko ang sinabi ng parents nya dahil medyo
napahigpit ang kapit nya sa baywang ko.

Teka, hindi naman ako ang girlfriend dito ah? Yung Iya ‘yon! Bakit kasi ako nagpunta dito,
eh ‘di sana ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Nagugutom na rin ako, bakit kasi dito pa
sa restaurant kailangan mangyari itong kahihiyan na ‘to. Naman talaga oo.

“Mom...” I heard this guy beside me talk with a warning in his voice

“What? Totoo naman ah? Unless you’re not sure of her?” Tinaasan naman sya ng kilay ng
mother nya

Kinabahan naman ako dito sa pwesto ko. Mukha yatang mataray yung mommy nya. Jusko,
uuwi nalang po ako please naman.

“Hon, tinatakot mo yung bata” Binalingan naman ako nung asawa nung ginang after nya
sabihin ‘yan

“Oh, sorry..” She smiled sweetly again, “So, ano nga ang name mo?” Dagdag pa nya

I calmed myself and take a deep breath. Sabihin ko ba na Iya? Magpanggap kaya ako na ako
yung Iya? Pero paano na ‘yon? Nakita na nila ang mukha ko, baka akalain nila na
nagparetoke yung Iya kapag na-meet na rin nila.
What do do?! Umisip ka ng paraan Kira!

“I-I am Kisha Rae po, u-uh...nice to meet you po” Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanila

Wala na, finish na ako. Kahihiyan ko na siguro ‘to habang-buhay. Sana lang taalaga ay
walang makakaalam nitong nangyayari sa akin ngayon dahil baka hindi ko na kayanin pa.
This is too much na po huhu.

“So, is Rae your surname?” Nakangiting tanong nung ginang

“N-No po. It’s actually my second name, Kisha Rae po ang name ko” I smiled awkwardly at
her

Sinong hindi ma-awkward-an sa nangyayari sa akin ngayon? I never thought that I’l be in this
kind of situation. Kung hindi sana ako nagpunta dito ay baka nakauwi na ako ngayon sa
bahay at nagsusulat ng notes na hindi ko natapos sa school.

I also need to review dahil malapit na ang preliminaries namin kaya tambak na rin kami ng
activities. May hindi pa nga pala ako tapos na activity at ipapasa na pala yun bukas. Gosh,
pwede na ba umuwi? Yun nalang kaya ang irason ko?

“Oh, wait upo muna kayo. Baka nangangalay na kayo kakatayo dyan” She offered the two
chairs in front of them

Nagdadalawang-isip pa ako kung uupo ba ako or hindi pero iginaya ako nitong lalaki
papalapit doon at ipinaghila pa ako ng bangkuan.

I glanced at him and caught him looking at me, probably waiting me to sit down kaya naman
umupo nalang ako at gumaya na rin sya. Ngayon ay nakaupo na ako katabi nitong lalaking
hindi ko naman kilala, kaharap ang parents nya, at higit sa lahat ay nasa sitwasyon na never
ko na ginusto at pumasok sa isip ko.

Gosh, bakit ba sobrang malas ko ngayon? Ayoko na itanong if may isasana pa ba ‘to at baka
madagdagan na naman, ayoko na aba. Kota na po ako sa kamalasan please lang.
“So, how did you meet my son, Arvin?” The man asked me as he glanced at this guy beside
me

So, Arvin pala ang name nya huh. Humanda itong Arvin na ito sa akin mamaya dahil sa
sitwasyon ko ngayon.

“How did my son make you say ‘yes’?” Tanong naman nung ginang

Teka! Times up! Pwede na ba talagang umuwi? Hindi ko na kaya pa ito.

“Ma’am—”

“Call me Tita, anak” The woman cut me off to say those words

“P-Po?” Tila lutang na tanong ko sa kanya

Why would I call her Tita, ‘di ba? Hindi naman kami magkaano-ano at hindi ko rin naman
sila kilala. I shouldn’t be here also at the first place pero nandito pa rin ako.

“Call me that way dahil next time na tatawagin mo ako ay mommy na rin” She smiled at me

Napalunok naman ako ng bahagya dahil sa kaba. Hindi ko inaasahan ito. I never expected to
be in this situation and I really wanna go home right now. Hindi ko na alam anong gagawin
ko. Baka mamaya ay umiyak nalang ako dito dahil sa kaba at kahihiyan na nararamdaman ko.
Gosh.

“Anyway, baka gutom na sila. Let’s just order some food then talk about this while waiting
for our foods?” The man suggested kaya naman napalingon agad ako sa kanya

Libre ba? I mean I need to go home na pala!

“Po? ‘Wag na po, uuwi na rin naman po kasi ako talaga ngayon” Agad kong pigil sa kanya
“But, we still want to talk to you” Singit naman nung ginang

“I-I’m sorry po, nagkakamali po—”

“Mom, I think she really needs to go now. You know? She has her period right now and baka
hindi na siya komportable” Putol naman sa akin nitong katabi ko

Hilig talaga nilang putulin ang sinasabi ko huh? Pero what the freak are you saying mister?!
Seriously?

Bumaling naman ng tingin sa akin yung parents nya kaya naman sinubukan ko nalang na
ngumiti na sana ay hindi nagmukhang pilit kahit na pilit naman talaga. Huwag lang sana
naging ngiwi yung ngiti dahil hindi naman ako marunong ngumiti talaga.

“Is that so?” Tila biglang nag-alala naman yung ginang

“Yes, kanina pa kasi siya nagsasabi sa akin that she’s having some period cramps. Hindi nga
dapat sya makakarating ngayon, I just insisted dahil gusto nyo nga sya na makilala” This guy
beside me explained

Wow, I wonder if he’s a writer or what kasi ang galing nya na gumawa ng kwento. He’s very
detailed and I don’t know what to felt now. Matutuwa ba ako na gumagawa na siya ng paraan
para makalusot ako at makauwi or I’ll feel the embarrassment of what he is saying right now.

Seriously? Irason ba naman na may period ako ngayon at nagka-cramps? Well done,
makalusot ka man dyan ay hindi ka makakalusot sakin.

“But before you drive her home, kumain na muna tayo. What do you want, anak?” Sabi nung
ginang at bumaling na naman sa akin

“P-Po?” Parang tangang tanong ko na naman

The couple chuckled after of what I have said. Masisisi ba nila ako kung parang lutang ako
ngayon? Kanina pa nila ako pinapansin dito at hindi ako sanay sa mga ganyang atensyon. I
prefer being alone, and I prefer to go home now.
Ayoko na magtagal dito kaya sasakyan ko nalang itong katabi ko. Pasalamat sya at gusto ko
na talaga umuwi. Isaasantabi ko na muna ang gutom ko.

“What do you want to eat? Kaming bahala” Nakangiting pag-uulit nung ginang

But even though nasa forty years old na sila ay mahahalata pa rin na may itsura silang mag-
asawa.

“H-Hindi na po, ma’am” Nahihiyang tanggi ko

Hindi muna ako magpapadala sa gutom ko. Tama na na nagpunta ako dito at napagkamalan
na girlfriend nitong katabi ko, tama na ‘yon. Gusto ko ng umalis dahil nahihiya na talaga ako
sa kanila.

You might also like