You are on page 1of 8

Panaginip

Tumingin ako sa paligid ko.

Nagkakagulo. Nagsisigawan. Nagtitilian. Maingay. May naiyak sa sobrang saya. May


nahihimatay.

Hindi ako makapaniwala. Tila hindi totoo. Tila isang panaginip. Kung panaginip man, sana wag
na akong magising. Pero hindi, kung panaginip ito bakit parang totoo? Bakit parang dama ko,
parang nakikita ko, parang naririnig ko? Bakit parang totoo na nandito ako? Na nakatayo ako
dito? Na nanonod sa kanila habang nag peperform sila?

Tumingin ako sa kanya laking gulat ko na nakatingin din siya sakin. Nag iwas ako ng tingin.
Hindi sa naiilang ako kundi nahihiya ako na kinikilig. Ewan ko ba. Napaisip ako. Pwede kaya
akong umakyat kung nasaan siya? Kung nasaan siya nakatayo? Naisip ko din na hindi ko ito
malalaman hangga't hindi ko susubukan. Kaya tumakbo ako papunta sa kaniya ng hindi nag-
iisip kung ano ang mangyayari sakin pagkatapos. Kung ano man ang mangyari, wala na akong
pakialam. Basta mayakap ko lang siya ayos na ako. Kita ko ang gulat ng lahat nung tumatakbo
ako. Palapit sa kaniya. Napangiti naman ako ng bahagya noong nakita ko din ang gulat sa
mukha niya. Baliw ba? Oo, baliw na ako. Malapit na sana ako, isang hakbang na lang
mayayakap ko na siya. ISANG HAKBANG!

Ngunit may bigla na lang akong naramdaman na tubig. Napakadami at nakapalamig na tubig.

Napamulat ako nung hindi ko na kinaya ang lamig ng tubig. Pagkamulat ko nakita ko ang basa
kong kama at ang basa kong sarili. Galit akong tumingin sa nakangiti kong pinsan. Nandoon na
eh, mayayakap ko na. Tapos bigla na lang akong binuhusan ng tubig. Bwisit.

Handa na sana akong habulin siya kaso ang magaling kong pinsan nakatakbo agad palabas ng
aking kwarto.

Bumangon akong bwisit na bwisit sa mundo. Tinabi ko ang mga nabasang gamit syaka ako
naligo. Nakakunot ang mga kilay ko habang nakaharap sa salamin na nag susuklay. Bwisit
talaga.

“Bilis na mahuhuli na tayo!” narinig kong sigaw ng pinsan ko.

Sa sobrang inis ko lalo kong binagalan. Pagkalipas ng ilang minutong nagsusuklay ako, may
nagbukas ng aking pinto.

“Bakit ba napakatagal mo?” humarap ako sa kaniyang nakabusangot.

“O, Anong nangyari sa mukha mo?” tinutukoy niya ata ang galit kong mukha. Lalo na akong
nainis nung bahagya siyang tumawa.

“Bilisan mo na at mahuhuli na tayo sa klase. Ayaw kong mahuli” sabay labas ng aking kwarto.
Kung hindi niya ako ginising edi sana may mood akong pumasok ngayon. Tss.

Humarap ako sa salamin na seryoso ang mukha. Sabi ng iba maganda daw ako, pwede daw
akong mag model kaso isip bata lang daw. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ko. Tuwid ang
aking mga buhok, matangos ang aking ilong, maninipis at mapupula ang aking labi, bumagay
naman dito ang bilog kong mata. Sakto lang ang pagkaputi ko. 5’5 naman ang aking height at
slim ang aking pangangatawan. Napaisip ako na tama sila maganda ako, pero isip bata? Hindi
ah.

Hindi ko pinapansin ang aking pinsan na dada ki dada sa aking tabi hanggang sa makarating
kami sa paaralan namin. Pumasok agad ako sa aking silid-aralan. At tamad na umupo sa aking
upuan. Hindi ko kaklase ang pinsan ko sa paksa na ito kaya medyo magaan ang loob ko.
Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya naaalala ko kung paano niya ako ginising sa
napakaganda kong panaginip.

1st year college na ako kaya medyo naninibago parin ako sa school at siyempre sa mga
tinuturo.

Naglalabas ako ng gamit nang may narinig akong sumisigaw o tumitili, hindi lang isa kundi
marami sila. Sa kuryoso ko at dahil sa dakila akong tsismosa, nanguna-nguna akong lumabas
para makita kung ano ang nangyayari.

Nung una hindi ko makita kung ano ang tinitilian ng mga babaeng ito, nung palapit na sila unti
unti ko ng naaninag kung bakit sila tumitili.

Teka? Parang kilala ko sila ah. Totoo ba to? Baka nagkakamali lang ako. Inisip ko na
imposible. Imposible dahil imposible. Imposibleng nandito ang pinakasikat na banda sa buong
pilipinas. Imposibleng nandito ang mga ‘crush’ ko. Kinusot ko ang mata ko para masigurado
kong totoo nga ang nakikita ko. Kinusot ko uli nung nakita ko ulit sila. Paulit ulit ko ng kinusot
ang mata ko pero nakikita ko parin sila. Isang paraan lang para malaman ko ang totoo.
Sinampal ko ng malakas ang aking sarili at nagmamadaling tumingin uli kung nasan sila.
Ngunit nadatnan kong paakyat na sila sa may hagdan habang tinitilian ng maraming babae.
Totoo ba talaga to? Sigurado? Weh?

Handa na sana akong sundan sila sila nang bigla kong nakita ang prof ko na papunta na sa
silid namin. Kaya wala akong nagawa kundi pumasok at maghintay ng ‘dismissal’. Iniisip ko
habang nagklaklase ang prof ko kung totoo ba yung nakita ko. Kung totoo ba na nandito sila.
Kung nandito nga sila, ano naman ang gagawin nila dito? Buong klase kong inisip ang
maaaring sagot sa mga tanong ko. Buong klase ko ding inisip kung ano ang gagawin ko kapag
nakita ko ulit sila. Pinangako ko sa aking sarili na hindi na ako tutunganga dahil walang
mangyayaring maganda kung papagpatuloy ko iyon. Pinalangin ko din na sana huwang ako
mahimatay pag nakita ko sila ng malapitan.

Naparami ata ang aking pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin gayung hindi naman ako
sigurado kung makikita ko ulit sila.

Pero hindi naman masama mag isip ng bagay bagay, hindi ba?

Napakasaya ko noong natapos na ang klase para sa umagang ito. Nagmadali akong mag ayos
ng gamit at pumunta sa canteen. Pakiramdam ko kasi makikita ko sila doon, maliban na lang
kapag may klase sila sa oras na ito.

Naglalakad ako papunta sa canteen, nang may narinig na naman akong tili. Sinundan ko kung
saan nang gagaling ang tilian nayun. Sigurado ako na ang 'Chase' (pangalan ng banda) na
yun.
Hinihingal akong nakarating sa canteen. Hinanap ng mata ko kung nasan ang apat na lalaki.
Madali ko naman silang nakita dahil maraming babae na nakapalibot sa kanila.

Umupo ako kung saan malapit sa kanila. Hindi na ako sumubok na lumapit sa kanila dahil alam
ko namang masisiksik lang ako don. Kaya naisipan ko na umupo na lang at pagmasdan ang
aking pinaka minamahal na lalaki sunod sa aking ama.

Nakikita ko mula dito kung paano siya ngumiti ng tipid samantalang ang kasamahan niya ay
utas na. Isa ang pagiging tahimik nya sa maraming dahilan kung bakit gusto ko siya.

Pinagmasdan ko ang kagwapuhan niya. Bagay sa kaniya ang bagong gupit niya na undercut,
matangos ang ilong niya, hindi naman siya kaputian at hindi kaitiman yung parang nasa gitna
lang meduim skin tone ganon, kahit na lalaki siya mapupula pa den ang labi niya, bumagay
naman dito ang cold eyes niya. napakatangkad din niya kung titingnan mo siya siguro mga
nasa 6'0 ang height niya, maganda din ang pangangatawan niya kaya lalo ko siya nagustuhan.
Bukod sa pisikal na katangian niya gusto ko kung paano siya tumugtog ng gitara niya. Napaisip
ako. Kumakanta kaya siya? Simula kasi nung pinakilala sila ng kompanya nila hindi ko pa siya
naririnig kumanta.

Nagulat ako nung tumawa siya ng bahagya. Mahina lang pero sapat na para marinig ng iba.
Mas nagulat ako nung tumingin siya sakin tapos kumain uli.

Sakin ba talaga tumingin yun? Tumingin ba talaga sakin si Vincent Klaus Bautista?

Tumingin ako sa likod ko pero ang nakita ko lang ay yung mga babae na tumitili at sinasabi na
tinignan daw sila ni Vince. Gusto ko man na isipin na ako yun pero hindi, marami kasing mga
pilingera na babae sa likod ko. Ayaw ko naman maging pilingera katulad nila.

Kinabukasan nalaman ko na dito na sa paaralan ko papasok ang Chase. Noong una


nawindang ako pero pagkaraan ng araw nasanay na din ako.

Araw araw kong sinubukang magpapansin kay Vince, pero hindi naman niya ako napapansin.

Kaya naisipan kong ipagpabuti ang pagpapansin kay Vince. At ngayong araw ko balak gawin
ang plano ko para tuluyan na akong mapansin ni Vince.

Naglalakad ako sa hallway ng nakita kong naglalakad si Vince mag-isa.

Lalapitan ko na sana siya kaso napatigil ako ng may lumapit sa kaniyang babae. Hindi lang
ordinaryong babae kundi napakagandang babae. Nakita kong may inabot yung babae kay
Vince at nakita ko din kung paano tingnan at ngitian ng tipid ni Vince yung baabe.

Naluluha akong tingnan sila, pinunasan ko naman ang luhat ko at tumalikod nung nakita kong
sumulyap si Vince sa gawi ko.

Tumakbo ako papunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

"Ano ba Nami, bakita ka naiyak? Ni hindi mo jowa yung tao. Crush mo lang siya. Eh ano
naman kung may jowa siya, marami namang iba diyan. Hindi lang siya ang gwapong nilalang
sa mundo. Maghanap ka na lang ng iba diyan." kumbinsi ko sa sarili ko.
"Eh paano kapag hindi niya pala jowa yun?"

"Aishh" sabay bato ng bato na napulot ko.

"Aray!" daing ng kung sino man ang tinamaan.

Nagulat ako nung nakita kong nadugo ang noo ni Vince. Nagpapanik akong lumapit sa kaniya.

"S-sorry, hindi ko sinasadya" nauutal kong sabi.

Tiningnan niya lang ako ng saglit at siyaka ulit pinansin ang sugat niya sa noo.

Anong ginawa mo Nami?

"Dalhin kita sa klinik?" tanong ko nung nakitang kong napapikit siya nung hinawakan niya ang
noo niya.

Hindi na ako naghintay ng sagot, hinila ko na siya papuntang klinik.

Kita ko ang gulat sa mata niya pero wala akong pake kailangan niyang magpatingin sa nars.

Pagkadating namin sa klinik ay agad siyang dinaluhan ng nars. Bago siya gamutin nito nakita
ko pa ang pamumula ng pisngi ng nars.

Tss.

"Ayos lang ba sya?" tanong ko nung tapos ng gamutin yung sugat.

"Kaunting sugat lang naman kaya ayos lang siya"

"Bakit ka po hindi pa naalis?" kita ko ang pamumula ng pisngi niya bago siya tuluyang umalis.

Nagsisi ako nung pinaalis ko yung nars. Kami na lang kasing dalwa ang natira sa loob ng
kuwarto.

Ilang minutong katahimikan. Nang sinubukan kong magsalita.

"Sorry ulet ha? Galit na galit lang sadya ako kaya ko nabato ung bato. Hindi ko naman alam na
nandoon ka."

Tumgin siya sakin kaya namula ang mga pisngi ko.

"Bakit ka naman galit?" namula lalo ang psingi ko sa tanong niya.

"Ah a-ano k-kasi ano, ang dami kasing activity na pinapagawa yung prof ko" palusot ko

Tiningnan ko naman siyang nakangiti ng bahagya. Nakampante naman ako dun kasi baka
naniwala siya.
Ilang araw ang nakalipas nung nangyari ang aksidenteng iyon. At ilang araw na din nung
sumuko ako magpapansin kay Vince. Naisip ko na galit siya sakin dahil nasaktan ko siya.

Nakain akong magisa sa cateen, may klase pa kasi ang aking pinsan kaya mag-isa ako
nagyon. Napatigil ako sa pagkain nung may lumapit sakin. Nagulat ako na si Vince yun.

Ano namang kailangan niya sakin? Bakit siya nandito? Gagantihan niya ba ako?

Tiningnan ko siya ng kuryoso. Tiningnan naman niya ako ng walang emosyon syaka siya
umupo.

Tiningnan ko ang paligid ko, hindi na ako nagulat ng halos lahat ng tao dito sa canteen sa amin
nakatingin.

"Anong kailangan mo?" nagulat ako nung hindi ako nautal.

"Wala kasi ung tatlo kaya naisipan ko na umupo dito tutal wala ka din namang kasama."

"Lilipat na lang ako kung ayaw mo" dagdag niya at akamnang tatayo.

Agad ko naman siyang pinigilan. Sni ba naman ako para magpaalis ng gwapo diba.

Ilang minuto ang nakalipas na ni isa samin ay hindi nagsasalita.

"Hindi ka na nagsusulat ng letter para sa akin?" namula na naman ang pisngi ko sa tanong
niya.

Simula kasi nung aksidenteng iyon hindi na ako nagsulat ng letter para sa kaniya. Wala na din
naman siyang saysay.

"Oo eh"

"Bakit?" bakit ang dami netong tanong?

"Wala lang"

"Gusto ko na bigyan mo ako ng letter" sabay tingin niya sakin. Pulang pula na siguro ang pisngi
ko.

Nakalipas ang araw na lagi niya akong sinasamahan sa pagkain ng tanghalian. At sa mga araw
na yun hindi ko na tinanong kung bakit niya ako sinasabayan. Gusto ko sanang isipin na gusto
niya ako kaya niya ako laging sinasamahan. Pero imposisible naman yun diba.

Naglalakad ako papunta sa silid-aralan namin ng may nakita akong babae na galit na galit.

Iyong babae na yun yung nakita kong kasama nung isang buwan ni Vince. Nagulat naman ako
ng bigla niya akong sinampal ng malakas.

Naluluha ako dahil napakasakit ng sampal niya sakin. Sa buong buhay ko nagyon lang ako
nasampal ng ganong kalakas.
Tumulo ang luha ko ng biglang may humgit sakin palayo sa babaeng iyon.

Nakita ko si Vince na walang emosyon ang muka.

Nakita ko din yung babaeng iyon na gulat na gulat.

Susugudin na naman dapat ako nung babae ng inawat siya ni Vince.

"Tumigil ka nga!"

Naluluha siyang tumingin kay Vince.

"Sino ba yan at bakit lagi mo yang kasama?" galit na sigaw nung babae.

Hindi naman siya sinagot ni Vince. Imbis na sagutin hinila niya ako palayo don.

Ngunit hinila na naman nung babae ang buhok ko. Ano bang problema nito? Gaganti na sana
ako kaso hinila ulit ako ni Vince pabalik sa likod niya.

"Ano bang problema mo?" galit na sigaw ni Vince.

Yumuko ako ng maraming tao na ang nakapaligid samin.

"Yan ang problema ko!" sabay turo sakin. "Sino ba yan at bakit lagi mo siyang kasama?"

"Girlfriend ko bakit? Masaya ka na? Ngayon tigilan mo na si Nami at kung hindi, hindi ko alam
kung ano ang magagawa ko sayo." sabay hila sakin palayo.

Ano daw? Tama ba narinig ko? Girlfriend?

****

"Girlfriend?!" napatingin ako sa paligid ko.

Nasaan ako?

Nagulat ako ng biglang may bumukas Ng pinto. Nagulat din naman siya nung nakita niya ako.

Pagkalabas niya ng ilang minuto, pumasok naman ulit siya pero ngayon may kasamang lalaki,
doctor ba yun?

Nasa hospital ako? Anong ginagawa ko dito?

"Anong nararamdaman mo hija? May masakit ba sayo?" tanong sakin nung doktor.

"Bakit ako nandito?"

Ngumiti naman siya ng malungkot. "Isang buwan kanang tulog, hindi mo ba naaalala?"
Ha? Tulog? Ako?

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin? Eh kanina lang po nasa paaralan ako." Oo tama nasa
paaralan ako kanina. "Kaya bakit ako nandito?"

"Anak, may sleeping syndrome ka, hindi mo ba naaalala? "

Ha? Sleeping syndrome? Ibig sabihin...

Ibig sabihin panaginip lang ang lahat? Ilusyon lang ang lahat?

Teka, PANAGINIP LANG ANG LAHAT?!

You might also like